What do you think?
Rate this book


104 pages, Paperback
First published January 1, 2000
kung bakit hanggang ngayon,ULIRAT – mga tulang wari’y sinulat ni Lacaba noong siya ay bata pa o tungkol sa pagkabata o pagkamulat sa mga bagay-bagay na may katuturan sa lipunan o sa personal niyang buhay. Nagustuhan ko ang Dili na Makasulti na tungkol sa hindi na siya magkapagsalita ng Bisaya ganoong sinilang siya at nagmula sa Cagayan de Oro. Noong nasa Cagayan de Oro siya ang tukso sa kanya ay: “Tagalog, luglog! Tagalog, luglog!” at noong nasa Pateros na siya ang tukso nama’y: “Bisaya, madaya! Bisaya, madaya!” Takaw pansin din ang tulang Lahat ng Hindi Ko Kailangang Malaman, Natutunan Ko sa Pelikulang For Adults Only. Umuulan lang ng salitang “puta” at ang huling linya ay: “Sigaw ng puta: Pare-pareho naman tayong puta!”
pagkaraan ng dalawampung taon,
ang palad ko’y humihimlay sa nahihimbing mong hita
sa mga gabing inuumaga ako ng higa.
Mula ulo hanggang paa,GAYA-GAYA – ang mga tulang isinalin at siguro’y binalangkas niya upang maging kaaya-aya sa Tagalog. Sa bahaging ito ako maraming nagustuhan at nakapag-dagdag ng isang bituin sa aking reyting. Maganda ang Dinadalisay ang Wika ng Tribo ni William Stafford, Pinagtiyap ni Dorothy Parker, Dalit ni W. H. Auden, Mga Bagay na Lumilipas ni William Butler Yeats at ang pinakamaganda sa lahat, siyempre ang sariling atin: Hindi Ko Na Marinig ni Jose Garcia Villa. Ito ang buong tula:
mula balakubak hanggang alipunga
ako’y kalipulan
ng mga munting kirot, sakit at karamdaman
Hindi ko na marinigBONUS TRACK – para lang CD di ba? Nakikiuso si Lacaba. Narito ang dalawa sa mga tulang dahilan ng pagkakakulong niya noong panahon ng Martial Law: Setyembre 1972: Kalatas sa Anak: Sa Pagkakadeklara ng Batas Militar at ang pamosong Prometheus Unbound. Ang huli ay ang kaisa-isang tula sa antolohiyang ito na nasusulat sa salitang Ingles. Ang unang letra ng bawa’t linya ay M-A-R-C-O-S H-I-T-L-E-R D-I-K-T-A-D O-R-T-U-T-A na isinisigaw ng mga tao noong panahon ng Unang Sigwa o First Quarter Storm.
ang tinig ng pag-ibig
Hindi na bumubukas
ang kanyang labi. Salat
sa awitin ang ibon.
Namumutla ang apoy.
Rosas ang bagong pitas
ay naluluoy agad.
Hindi na umiihip
ang hangin. Natahimik
na ang mga kampana.
Ako’y nangungulila.
Puso ko’y lupaypay na.
Diyos ko, ako’y patay na.