Amado Vera Hernandez was born in Hagonoy, Bulacan but grew up Tondo, Manila, where he studied at the Manila High School and at the American Correspondence School. While being a reporter, columnist and editor of several newspaper and magazines including Watawat, Mabuhay, Pilipino, Makabayan and Sampaguita, he also honed his poetic craft. He received the Republic Cultural Heritage Award, a number of Palancas and an award from the National Press Club for his journalistic achievements.
After World War II, he became a member of the Philippine Newspaper Guild and his writings increasingly dealt with the plight of the peasants and laborers. Influenced by the philosophy of Hobbes and Locke, he advocated revolution as a means of change. In 1947, he became the president of the Congress of Labor Organization (CLO). His activities and writings led him to imprisonment from 1951 to 1956. Even in prison, he was still a leader and artist, spearheading education programs and mounting musical productions, plays and poetry reading. It was during his incarceration that he wrote one his masterpiece, Mga Ibong Mandaragit (Predatory Birds). His prison writings were smuggled out by his wife, zarzuela star Honarata “Atang” dela Rama, who would become our National Artist for Music and Theater.
Ka Amado died on 24 March 1970 in the wake of the First Quarter Storm, whose leaders and activists recited his words. He left a legacy that includes Isang Dipang Langit (An Arm-Stretch of Sky), Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan (When Your Tears Have Dried, My Country), Panata sa Kalayaan (Pledge to Freedom), and the novel Luha ng Buwaya (Crocodile Tears).
He was posthumously honored as our National Artist for Literature in 1973. Together with poet Jose Garcia Villa, Amado V. Hernandez was the first to receive the title in literature.
Ka Amado gave voices to the oppressed peasants and laborers, rendering them powerful verses and plots that should have gone down as a compelling chronicle of a struggle of a people, but still prove to be an influential instrument in constituting reform and empowerment. A literary artist that he is, Ka Amado remains to be a social and political leader, fast becoming to be an icon of the working-class.
Hindi ko inaasahan na magugustuhan ko ang novelang ito, nagkaroon tuloy ako ng interes pa sa iba pang sinulat ni A. Hernandez. Pero hindi ko rin inaasahan na gayun lang ang naging sinapit ng mga buwaya ng Sampilong ang akala ko pa naman ay mas masidhi at masmarahas ang magiging katapusan nito tulad ng mga tunay na nangyayari sa usaping lupa sa ating bansa. Dito pinatunayan ni A.Hernandez na ang batas ng Tao at ng Dios ang dapat at kailangang maghari. Tama nga siya, ukol sa lahat ang lupa :)
From a Filipino master of Tagalog prose, the story of a teacher who led the people in his village in resisting the machinations of the rich and corrupt landowners. It prescribes social organization and unity as keys to toppling the hideous reptiles in our midst. The novel is full of revelations about character while sharing ways of overcoming the travails of Philippine postwar agrarian society.
Lahat halos ng kaibigan ko ay nagbigay ng 5 bituin dito sa librong ito. Hindi ko sila sinasalungat sa pagbibigay ng 4 na bituin lamang. Pangalawang aklat ito ni Amado "Ka Amado" na nabasa ko at para sa akin ay mas superior ang kanyang mas malawak, mas komprehensibo, mas matayog ng Mga Ibong Mandaragit (5 stars).
Isang dimensyong lamang ang ipinakita ni Ka Amado sa Luha ng Buwaya. May kiling ito sa mga magsasaka at hindi binigyan ng puwang na magpaliwanag ang milupa (pinaikling may lupa) kung bakit nagagawa nilang "magkamkam" ng lupa. Mas mainam sana na naging balanse kahit paano ang paglalarawan sa milupa at sakada at hinayaan na lang ni Ka Amado na ang bumabasa ang siyang humusga kung sino ang mas may higit na karapatan o katwiran. Sa simula ay naguusap sa silid ang mag-asawang Don Severo and Donya Leona, ang paguusap nila ay banayad at parang normal na salitaan ng mag-asawa sa kanilang silid sa gabi. Gusto ko sana'y paglaruan ako ni Ka Amado kagaya halimbawa ng ginawa ni Truman Capote sa In Cold Blood na galit ka una sa kriminal ngunit sa kalauna'y nararamdaman mong may simpatya ka na sa kanya.
Dito'y parang naging tahasang propagandang pulitikal ang aklat. Kung pupuntahan mo ang Wiki, si Ka Amado, noong nabubuhay pa ay napagbintangan at nakulong noon dahil sa bintang na panig sa komunista. Di ko alam kung gaano katotoo.
Ang gustong gusto ko rito ay ang malinis na pagkakabalangkas ng kuwento. Kagaya ng sinabi ng kaibigan ko at nagpahiram nito na si Ayban Gabriyel, inakala ko ring mas magiging madahas o madugo ang kahahantungan ng kuwento. Subali't ginawa lamang ni Ka Amado na makatotohanan. Walang sobrang drama at hindi mo rin mararamdamang kinulang.
Ang paborito kong kasaysayan ay ang nangayari sa mag-anak na sina Andres, Sepa at sa tatlong nilang mga anak. Awang-awa ako sa kanila at parang gusto kong ako na lang sana ang magpagamot kung sakaling totoo ang pangyayaring ito. Hindi ako masyadong naapektuhan ng nangyari kay Dislaw. Parang walang ibang motibo ang karakter niya kundi makuha si Pina. Sanay ginawang mas komplikado. Si Donya Leona ay wala pang binatbat sa kasamaan at sa magsasabi ng masasamang salita sa karakter na Nyora Tentay ni Liwayway Arceo sa Canal De La Reina (3 stars).
Panghuli at ito siguro ang tunay na dahilan kong bakit di sukdulang umigting ang nobelang ito para sa akin: Sa totoo lang, ang aming pamilya ay milupa: pataniman ng mga niyog sa Quezon at mayroon kaming mga magko-copra. Dalawa silang pamilya. Dahil sa ako ang umuuwi roon bilang kinatawan ng magulang ko, ako ang nakakausap ng mga magko-copra. Hindi naman ako kasing sama ng Don at Donya at may nalalaman ako sa katayuan ng mga magko-copra na hindi kagaya nina Jun at Ninet (na pawang naging mga palamuting karakter lamang). Tinatawag akong kuya noong isang pamilya na nagko-copra at nitong huling uwi ko sa probinsya ay pinagbigyan ko yong isang pamilya na sa nanay ko na ang sementong gagamitin sa lukaran. Sa maikling salita, alam kong makatao ako sa pagkikitungo sa mga coprantes at ito sana ay gusto kong makita sa aklat na ito ni Ka Amado. Sana'y hindi masyadong ginawang one-sided.
Ngunit sa kabuohan ay gustong gusto ko pa rin ang nobela. Klasiko at tunay na dapat ipagmakapuri nating mga Pilipino si Ka Amado. Bihira ang mga akda kagaya nito sa literaturang Filipino. Isang masining na paglalahad at makulay na paglalarawan ng kanyang panahon.
Eto ang unang nobela ni Ka Amado na nabasa ko. Hindi ko inasahan na magugustuhan ko ang istorya kaya naman sa umpisa pa lang ay hinuhulaan ko na ang magiging katapusan ng kwento. Nagkamali ako sa hula ko.
Bihira sa akin na maapektuhan sa mga binabasa ko. Hindi ko inakala na madadala ako sa bawat tagpo sa nobelang ito. Nandyan ang nakikitawa ako sa mga biruan ng magbubukid, tumangis sa pagkamatay ng asawa ni Hulyan, nagalit dahil kay Don Severo at Donya Leona, nainis kay Dislaw,kinabahan dahil kay Bandong at Pina at nakiiyak at nasiyahan sa nangyari sa pamilya ni Andres at mga kasamahan nilang iskwater.
Nagustuhan ko ang twist sa nobelang ito. May mga rebelasyon at pangyayaring hindi mo inaasahan. Ang ilan sa mga nagustuhan kong eksena ay ng magpunta si Andres at Sepa sa bahay ni Ba Inte at natuklasan nila ang isang napakahalagang bagay na nagpabago sa kanilang katayuan sa buhay. Kagaya nilang mag-asawa ako ay naiyak din sa kasiyahan. Ang isa pang tagpo na nagustuhan ko ay nang magpunta si Dislaw sa bahay nila Pina ng minsang maiwang mag-isa sa bahay ang dalaga. Kinabahan ako sa tagpong iyon, naramdaman ko ang takot ni Pina.
Minsan, sadyang mapaglaro ang tadhana. Natuwa ako sa katapusan ng kwento. Higit na maganda kesa sa inaasahan ko. Patunay lang na maalam ang Diyos. Hindi Niya pinapabayaan ang mga taong patuloy na nananalig sa Kanya. Meron Siyang plano para sa ating lahat. Minsan ay dumadaan tayo sa mga pagsubok pero ito ang magpapatatag sa atin. Ito ang nagiging susi para pagbutihan natin at lalong magsikap para mapag-tagumpayan natin ito.
Dahil din dito ay mas lalo akong naniwala sa karma. Kung nagpakita ka ng kabutihang loob, kabutihan at pagmamahal ang isusukli sayo. Ngunit kung kasamaan naman ay ganun din ang babalik sayo.
Nawa'y maging halimbawa ang nobelang ito sa ating panahon ngayon. Sa mga mayayamang milupa at mga tauhang nagtatrabaho para sa kanila.
Hernandez's second and last novel explores a corrupt political system, portraying the unjust power dynamics between landowners and farmers. we get to see who the real crocodiles are in society from the conjugal dictatorship of those in power to the dirty works in politics and the church.
and what’s scary is that these crocodiles continue to live with us today.
Defines the classic struggle among the elite and lower class of the Philippine society. Encompasses that knowledge and unity are the keys to the success of majority, the book also shows the post-colonial and post-war situation of the Filipino life.
PAGSUSURI NG LIBRO "Luha ng Buwaya" ni Amado V. Hernandez
Ang "Luha ng Buwaya" ay ang ikalawang nobela ni Amado V. Hernandez, siya'y hindi lamang nobelista, pati na rin siya'y isang makata at lider ng mga manggagawa. Ang nobelang ito ay inilathala taon 1970, ang mismong taon noong siya'y yumao.
Ang "Luha ng Buwaya" ay ang istorya ni Bandong, isang guro sa maliit na barrio sa Sampilong, ang tagpuan ng buong kwento. Ang mga suliranin ni Bandong ay ang pagtulong sa mga aping-api na manggagawa sa kamay ng mahadera ng Mag-asawang Grande. Hindi lamang ito ang mga suliranin ni Bandong pati na rin ang mamagitan sa mga kagawaran ng barrio.
Ang "Luha ng Buwaya" ay pinuri ng maraming mga mambabasa at kritiko kahit noon pa ito'y nailathala dahil itong nobela ay isinisiwalat at pagbabahagi ng mga kondisyong brutal sa mga magsasaka at iba pang mga manggagawa noong mga dekadang lumipas matapos ang kalayaan sa mga Amerikano. Ang nobela ito ay tiyak na para sa lahat ng henerasyon para basahin at makilala kung paano matutustos ang mga problema ng agrikultura at iba pang trabaho na may kaugnayan ang mga manggagawa.
ANG AKING MGA PANANAW: Napag Isipan ko na basahin ang nobelang ito dahil medyo na matagal na ang libro na ito sa istante ng panglalagyanan ko ng mga libro ko. Hindi ko pala maaasahan na magugustuhan ko ang libro na ito! Napakaganda ang mensahe nito at siya'y aking binasa na para bang nakatikim ako ng napakasarap na ulam pananghalian!
Ang mga magagandang pananaw ni Ka Amado ay naibahagi niya sa libro na ito. Nakaksuklam ang mga pangyayari sa kasukdulan at pagbaba ng aksyon sa librong ito dahil nga sa pag gahasa ni Dislaw kay Piling (hindi ko matandaan ang eksaktong pangalan ng nobya ni Bandong) at sa pagkamatay ng asawa ng magsasakang si Hulyan.
Ngunit ako ay nalito rin sa pagwawakas ng nobelang ito dahil sa para bang naresolba ang lahat ng problema ng mga karakter at masayang nag iibigan sina Bandong at Piling kahit may marami pa manding problema sa Sampilong. Ni hindi inaresto ang mga Grande dahil sa kanilang pandarambong sa mga magsasaka at hindi rin inaresto si Dislaw kasi siya'y naglilihim na. Ngunit hindi na ako pumapalag sa mga desisyon ng mga karakter para sa sarili ngunit ito ay mas makakasakit sa kanila lamang.
Mga rason bakit hindi masasayang ang P295 mo sa librong 'to:
1. Napapanahon.
Bagama'y itinampok ang nobela noong 1950's matapos ang ikalawang digmaang daigdig, napapanahon pa rin ang mga tema na natalakay sa kuwento katulad na lamang nang pagmamalabis ng makapangyarihan, inhustisya laban sa mga mahihirap, at ang kawalang-budhi ng mga masalapi.
Kung susumahin, panahon lamang ang nagbago; subalit ang mga nagugunita sa kasalukuya'y halos magkaparehas sa nakaraan—na siyang naglalarawan sa kawalan ng pagbabago sa lipunan. Patuloy pa ring namamayani ang makapangyarihang inaapakan ang karapatan ng hikahos sa buhay.
2. Hindi lamang ito isang mababaw na kuwento ng paghihimagsik.
Gigisingin ng Luha ng Buwaya ang natutulog na kamalayan mula sa maralitang katotohanan. Itinatanghal nito ang kagawiang tiwali na minana ng mga Pilipinong ganid mula sa kamay ng dayuhan. Higit pa rito, isinisiwalat nito ang karukhaang hindi karapat-dapat danasin, ngunit resulta ng nasabing kabaluktutan na hanggang ngayo'y reyalidad ng mga magsasakang Pilipino.
3. Isa itong paghimok upang kumilos.
Hindi dapat tayo maging walang kibong madla na tagapanood lamang sa kawalang-hiyaang nagaganap sa lipunan. May kakayahan tayong tumindig kasama ng mga api—at nararapat lamang na gamitin ang kakayahang upang magtagumpay sa pakikibaka laban sa mga nangaapi.
Ang pagkakaisa ng mga magsasaka laban sa pamilyang Grande ay banaag ng pag-asa—na walang hindi maisasakatuparan kung nasa mabuti—tayo'y nagkakaisa tungo sa isang layunin.
Nagustuhan ko ang kabuohan ng nobela. Hindi ko inaasahan na ganap ko itong matatapos dahil sa unang subok at pangalawa'y di ako nagtagumpay para tapusin ito. Ngunit ngayong pangatlong pagtatangka ay nagamay ko na ang mga salitang binabasa ko. Ang masasabi ko lang sa kuwento ay kung gaano ito ka well plotted at maayos itong nailapat. Sala-salabid ang kuwento sa loob ng nobela ngunit ito'y hindi magulo kung babasahin. At gusto ko ang paggamit ni Ka Amado sa kuwento ni Kabesang Tales mula sa nobela ni Rizal kahit hindi na ito bago sa akin dahil nabasa ko na rin ang Tata Selo. Gusto ko lang yung idea ko sa isip na nagkaroon ng karugtong ang kuwento ni Kabesang Tales sa kuwento ni Andres.
Maganda ang nobela at sana'y ipinapabasa ito sa mga kabataan. Dahil maganda ang nobela sa paraang pagpapakilala sa ating sarili, kaakibat nito ang ilan pang nobelang klasiko tulad ng Canal De La Reina ni Liwayway Arceo na may kinalaman din sa pag-aari ng lupa. Ito ay para sa mga pampublikong paaralan sana'y maipabasa. Ika nga ni Bandong may mga batang salat sa edukasyon.
"Ang bayang ito'y hindi sarili ng iilang milupa o ng sandakot na dayuhang narito, kundi ito'y atin, tayong mga tunay na anak niya, na bumubungkal sa kanyang lupa at lumilikha ng kanyang kayamanan."
Napakahalaga ng tema ng libro tungkol sa pakikipaglaban sa karapatan. Naging makulay ang mga personalidad ng mga karakter sa kwento mula sa bida hanggang sa kontrabida. Hitik din ang libro sa mga malalalim na salita.
Naalala ko ang paghihirap ng ating mga magsasaka sa totoong buhay dahil sa kuwentong ito at mas lalo akong humanga sa kanila. Naging magandang bida si Bandong sa kuwento sa kung papaano siya tumulong bilang guro sa mga magsasaka. Bagamat ang mga kontrabida (mga Grande) ay malakas sa mga koneksyon sa mga importanteng tao (mayor, hepe etc), bilib ako sa kakayanang lumaban sa maayos na paraan ng mga magsasaka para sa kanilang karapatan sa lupang kanilang sinasaka. Paalala ng libro sa mambabasa na huwag magpadala sa lakas ng buwaya sa kapangyarihan kung may karapatan ka namang maipaglalaban.
Isang klasikong nobelang tagalog. Ang tema ng nobela ay napapanahon hanggan ngayon. Nakakalungkot lang isipin na ang ganitong problema ay patuloy pa rin nararanasan ng nakikisaka hanggang ngayon dagdag pa ang mababang bili ng ani, mahal na binhi at abono, porsyento ng may ari at pati rin mga bagyo at insektong nakakasira sa pananim. Dahil dito patuloy na naghihirap ang ibang magsasaka at napag iwanan na ang agrikultura ng ating bansa.
Nagustuhan ko yung kwento dahil halos hindi ko na maantay kung ano ang susunod na mangyayari. Kapana-panabik ang susunod na mangyayari sa kwento. Matutunan natin dito na sa pamamagitan ng pagkakaisa ay kaya natin labanan ang anumang problema at pagsubok. Tumatak sa akin ang karakter ni Bandong na syang tagapanguna ng samahan. Sana marami pang kagaya ni Bandong ang may malasakit sa kapwa tao.
Sana marami pang nobelang tagalog ang malimbag. Nakakalungkot lang isipin na ilan sa mga nobela ay out of stock na.
Sana marami pang makabasa nitong nobela na ito dahil ito ay napapanahon at marami aral na matutunan.
sana nga sa huli, ang lupa ay siyang maibigay sa tao.
sobrang nakakabigo na ang kwento na ito ay patuloy na nararanasan ng bayan natin. biruin mo, lahat ng mga taong dapat paglingkuran ang ating bayan—presidente, senador, mga opisyal sa gobyerno—ang siyang nagnanakaw at pumapatay pa rin sa atin. ang libro na ito ay dati-rati pa, pero mas lumalala lamang ang korapsyon sa pilipinas.
"ang katotohanan ay di maililibing."
pero ngayon, unti-unti nang nabibilad ang katotohanan at sana malagot na ang lahat ng kurakot!
sa kabilang dako, sobrang nakakahanga ang pagsasalaysay ni amado hernandez sa pagkakaisa at samahan ng mga magsasaka, iskuwater, guro, at ang mga tao ng sampilong. dito napakita niya ang kahalagahan ng pagtitipon at pagmamalasakit nila sa isa't isa na maiangat ang mga sarili at labanin ang mga masasahol nang payapa at makatanguran. ito rin ang siyang di nagbabago sa mga pilipino.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Ikalawang libro ni Ka Amado na nabasa ko. Hindi maiwasang maikumpara ang "Luha ng Buwaya" sa "Mga Ibong Mandaragit", isang nobela din ni Ka Amado na parehong patungkol sa mga kaapihan na nararanasan ng nga magsasaka lalo na nung pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Mas nagustuhan ko ang Luha ng Buwaya kumpara sa Mga Ibong Mandaragit. Maganda rin ang ikahuli, ngunit mas nagustuhan ko ang daloy ng kwento nga nauna. Ipinakita ni Ka Amado na hustisya din ang mananaig sa huli. Nakakalungkot nga lang na 2022 na ngayon ngunit hindi parin ito ang katotohanang nangyayari.
Kapuri-puri ang mga libro ni Ka Amado sapagkat hindi siya natatakot na salangin ang mga dapat. Pumapanig siya sa katotohanan at bibihira ang mga taong nagsulat patungkol sa mga magsasakang Pilipino.
Magandang ibahagi ang mga kwento ni Ka Amado sa mga kapwa nating Pilipino upang sila'y mamulat din.
Nagustuhan ko iyong pagtatago o hindi paglalantad mismo ng kadahilanan ng mga milupa kung bakit nila ito ginagawa at ang kanilang mga iniisip sa huling hantungan ng kwento dahil kahit hanggang ngayon naman ay wala pa rin tayong ideya sa mga nangyayari sa loob at ito rin ang isang kahinaan ng buong nobela dahil nagkaroon nang magaan na hatol at parusa sa mga milupa.
Paborito kong karakter si Andres at si Ba Inte dahil si Ba Inte ang patunay na may buhay at makulay na kasaysayan ang Sampilong sa simula pa lang.
Ang libro ni Amado V. Hernandez ay hindi lamang isang simpleng kwento, kundi ito ay isang pagsisiwalat ng maduduming gawain ng mga politiko, panggigipit ng malalaki sa maliliit, at kung paano ang simbahan mismo ang nagtatago sa mga kalokohang ito.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Premise 4 Plot 5 Style 4 Classic and required reading but thought it worthy of a reread. Bares the face of the ruthless reality that farmers face in the 1950s but it couldve been written yesterday. Timeless. It also discusses what we do wrong, especially those with the power to right what's wrong, much thanks to western masters. It covers several arches but all's sealed tight.
4 stars lang kasi ang bagal ng mga pangyayari sa unang pages/chapters ng book + nakulangan ako sa ending t___t pero worth it! galing sumulat ni amado ✊️
Sort of MKLRP-ish (mMaikling Kasaysayan ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino) na keri lang naman.
Need to loosen 21st-century-aesthetic-standards at nauna pa sa diktaturya ni Marcos ang publication nito. Was thinking: putsa yung moda ni Hernandez, problema pa rin hanggang ngayo!. At dito nanggagaling ang pinaka-hassle para sa'kin sa nobelang 'to: kung pa'no nito ni-resolve yung mga problemang nabanggit sa kwento. classic narrative closure na dumako pa nga bandang fairy-tale-ish mode nang magka-happy ending (set ng kasalan) ni bandong at pina. PUTSA! siguro may kung anong external factor nung panahong sinsulat ito ni hernandez kaya nagkaganun: request siguro ng publisher, para mas marketable ang libro o whatever. yun lang. mas masaya si yuson sa ngayon.
Set in the small town of Sampilong unfolds a story of class struggle and social disparity, illuminating Landlord- Tenant relationship and its equivocal and corrupt features that can be traced back to the Philippine's long history of colonialism and caciquism.