“You are hard to find. Kahit saang lugar ako magpunta ay hindi ako makakahanap ng gaya mo.”
“Marry me, sweetie.” Napamulagat si Miel at dagling nag-angat ng tingin pagkarinig sa mga katagang iyon. Sa kanya nakatingin ang mga namumungay na mata ni Rafael, ang lalaking matagal na niyang itinatangi. Her throat tightened with the sudden tension. She could feel the eyes of the guests on them. Napatunayan niyang mali si Nora Aunor sa sinabi nitong “Walang himala!” dahil mayroong himala at nararanasan niya iyon nang mga sandaling iyon. “Yes, I’m going to marry you!” Hindi na niya hinintay na isuot ni Rafael ang singsing sa daliri niya. Mabilis niyang kinuha iyon mula rito at siya na mismo ang nagsuot niyon sa daliri niya, pagkatapos ay kinabig niya ito sa batok at siniil ng halik sa mga labi. Pinakawalan lang niya ang mga labi ni Rafael nang kapusin na siya ng hangin. Habol ang hininga na tiningala niya ito habang nananatiling nakayapos ang mga braso niya sa leeg nito. She saw him frown as she stared down at her beaming face. “W-who are you?” naguguluhang tanong nito sa kanya. She caught the scent of alcohol on his breath. Unti-unti itong pumikit at dahan-dahang bumagsak sa kanya…
hindi namn tlga ako mahilig magreview.review sa mga binabasa kong mga Libro .. but since me nbsa ako sa notification cu bout ke ate meLL eh di sige .. ito na : " when i read this first page plng natawa na ako .. ayon nagtuLoy tuLoy na hanggang napunta na eksena na nagpagaga c Melchora nung engagement ni RafaeL . Hindi ko aLam kong sasaluduhan ko cia o ikakahiya ko c Melchora ahaha ( hindi ko ata makakaya yung ganung stunt naLoka tLga ako ! ) .. Hnaggang sa nakitira cia ke Raf .. Tas puLos pa kapalpakan ang ginawa ni Melchora .. Pero kahit ganun yung mga pinaggagawa nia KiniLig namn ako ng bongga :D .. So yun natapos ko cia na may ngiti sa Labi ."