“Mahal talaga kita. Pinigilan ko, kinontrol ko at iniwasan ko, pero hindi ko nagawa dahil tuwing makikita kita, nakikita ko rin ang lahat ng rason kung bakit kailangang mahalin kita.”
Heather didn’t know the exact meaning of love. Pero nang makilala niya ang isang Mark Jarvis Fuentes sa isang blind date ay para siyang hinampas ng pag-ibig sa kanyang mukha. He brought unexpected feelings to her—na para bang tuwing makikita niya ito ay biglang pumapasok sa isip niya ang “forever.” He awakened feelings in her that she didn’t know she could feel. Ang buong akala niya ay una at huling beses na makikita niya si Jarvis sa blind date na iyon. But destiny played a trick. He ended up pretending to be her boyfriend. She expected the attraction, she expected the spark, and she expected being bedazzled by his charms. Pero dapat ba niyang hayaang tuluyang mahulog ang loob niya rito?
Hindi matanggap ng kaibigan ko ang nabasa niyang review ko sa My Heart's Perfect Match ni Miss Mariane kaya pinahiram niya ako nitong Mr. Unexpected. Magugustuhan ko daw ito ng tiyak. (Hi, Miss Mariane. Please say hi to my dearest friend, Andrea. She loves your works DEARLY). Pumayag naman ako dahil medyo parehas kami ng taste nitong friend ko. Sabi ko kapag di ko nagustuhan, kukutusan ko siya. Ayon. Puro bukol na siya. Hehe.
Here are my comments about the novel:
Plot: Hindi ko maintindihan ang plot ng nobela. Sa umpisa ay hindi sila magkakilala. Pumunta sa blind date si Heather at mali pala ang napuntahan niyang ka-date na si Jarvis. Hindi pala si Jarvis ang ka-date niya dapat. Okay. Nag-end na dun ung scene. Umalis si guy, iniwan si girl. Manly ha? Not. Ungentlemanly si Jarvis. Ang bilis ng pacing ng nobela. Sa sobrang bilis, parang tinangay ako hanggang sa ending. Nagulat ako na biglang sumulpot si Jarvis sa bahay ni Heather at... sila agad? Pretend sweethearts at after ilang days, totohanan na. Kagaya ng fast-pacing story, fast-pacing din ang building ng romance sa pagitan nila. Sobrang bilis na kulang na kulang sa romance umpisa pa lang. Para sakin kasi, dapat nagbuild na ng romance since nagstart na ung story e. After ilang chapters, love na love na nila ang isa't isa. Tapos na. Lumipas na ang taon. Napakunot ang noo ko sa puntong iyon. Ganun na lang un? Wala man lamang kilig moments. Pinagpatuloy ko ung pagbabasa. Okay na ung second half. May sumingit na best friend si Jarvis at naging predictable ang mangyayari pero okay ang pagkakalahad ng pangyayari. Basta. Ang conflict na inaasahan ko ay hindi pala un. Mas malala pa.
Characters: Heather was... I don't know how to describe her. Palaban siya sa pagkakadescribe sa nobela pero bakit nung sumingit si bitch, naging maamong tupa siya? Hindi ko maintindihan kung ano ba ang karakter niya ang nais ipakita sa nobela. But Heather wasn't the issue here. Si Jarvis talaga. Ngayon lang ako naka-encounter ng hero na ang sarap patayin. (SPOILER ALERT) Ayoko ng balikan ang nobela at tignan kung saang chapter pero sobrang nakakaturn off, nakakainit ng ulo to the point na gusto kong magmura nung sinampal ni Jarvis si Heather. Really? Sinampal ni HERO si HEROINE? HERO? Okay. Hindi ko alam kung maganda na affected ako sa nabasa ko. Siguro maiintindihan ko pa kung reflex action lang ni hero (I can't say his name anymore) ang ginawa niya kay Heather but no. Imbes na si Heather ang lapitan, si hero ay si bitch ang nilapitan at tinulungan. Wow. Kaninong story to? Kay hero at bitch? At si Heather ay side character lang? That was so disappointing. Siguro ay nilagay ito para magkaron ng conflict dahil wala na akong conflict na nakita pa. The conflict was so shallow. Pero wala na bang ibang conflict na babagay sa nobela? Hindi maganda ang ginawa ni hero kay Heather. Sobra. Sinong reader ang matutuwa kapag sinaktan physically ng hero ang heroine? Wala. Kung ako kay Heather, sana hindi na lang siya pumayag na magbalikan sila. Mag madre na lang siya. Tapos. At ang mga friends ni hero, of course, pabor kay hero. (SPOILER AGAIN). Nung nalasing si hero at hinahanap si Heather, pinapunta nila si Heather sa bar (WOW!!!!). At tong si babae, pumunta naman. Hindi ba nila naisip na mas may malaking tsansa na saktan ulit ni hero si Heather lalo pa't lasing ito? (Kahit na ba hindi naman nangyari pero what if lang diba?) Tapos ending na. Un na un. Nagkabati na sila na para bang di nanampal si hero.
Hindi ko talaga matanggap ang characterization na ginawa kay hero. Hindi siya hero. Hindi talaga.
After reading this one, parang gusto kong balikan ang mga previous posts ko at dagdagan ng isang star ang rating ko sa kanila. Sobrang nakaka..urgh!
Can I give a negative rating? The point five was for the cover. Maganda ang cover pati na ang kulay. No matter how nice the scenes were (Some of them, that is. Bilang siguro) hindi pa rin nun matatabunan ung truth na nanakit physically si hero and that was a no-no on my book. Less 5 stars agad. But just like what I said. Maganda ang cover LOL.
This entire review has been hidden because of spoilers.