Rolando B. Tolentino is an associate for fiction of the UP Institute for Creative Writing. He is a faculty member of the UP Film Institute. He is the founding chair of Katha, the fictionists group in Filipino, and is a member of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino and the Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP). His works include: Sakit ng Kalingkingan: 100 Dagli sa Edad ng Krisis (2005), Kuwentong Syudad (co-editor, 2002), Sapinsaping Pag-ibig at Pagtangis: Tatlong Novella ng Pagsinta’t Paghinagpis (1999); Fastfood, Megamall at iba pang kwento sa pagsasara ng ikalawang milenyum (1999); Relasyon: Mga Kwuwento ng Paglusong at Pag-ahon (co-editor, 1999); Ali*bang+Bang atpb. Kwento (1994); Habilin: Antolohiya ng Katha Para sa Pambansang Kasarinlan (co-editor, 1991); Engkwentro: Kalipunan ng mga Akda ng Kabataang Manunulat (co-editor, 1990).
He has received many awards here and abroad, namely: Distinguished Visitor, UC-Berkeley and UCLA Southeast Asian Studies Consortium (2006), Visiting Fellow, Sociology Department, National University of Singapore (Jul 2005-Dec 2006), Obermann Summer Research Fellowship (2004), Best Arts Book, Gintong Aklat, (2002), Writer’s Prize, National Commission for Culture and the Arts (2001), Manila Critics Circle Award for Best Film Criticism Book (2001); Gawad Chancellor for Best Literary Work (2001); Lily Monteverde Professorial Chair (2000-2001); UP International Publication Award (2000, 2001, 2002, 2003); Henry Sy Professorial Chair (1998-1999); Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, 1998, 1994, 1991; Research Grant, U.P. Office of Research Coordination, 1998-1999, 1999-2000; Research Grant, U.P. Center for Integrative Development Studies, 1997-1998; Angara Fellowship, U.P. Women’s Studies Center, 1997-1998; Belmonte Creative Writing Grant, U.P. College of Arts and Letters, 1997-1998; Research Grant, Sumitomo Foundation, 1997-1998; CCP Gawad para sa Alternatibong Pelikula at Video, 1996; All University Predoctoral Merit Fellowship, USC, 1993-1996; Fulbright Grant to pursue Ph.D. in area of Critical Theory and Cultural Studies, 1992-1996; Writing Grant, Cultural Center of the Philippines; Thesis Grant, Philippine Social Science Council, 1991.
Unang fiction ko to kay Rolando B. Tolentino. Ang mga nababasa ko sa kanya ay mga film criticisms niya o kung anu-anong nonfiction. May pagka-intelektwal ang dating ng panulat niya, at base sa impresyon ko doon, inasahan kong kakaiba siya kung sumulat ng fiction. Pinatunayan yon ng librong to. Ewan kung pasok ba ito sa eksperimental, pero nilalaro ng tatlong tampok na novella ang medium mismo ng narratibo.
Ang una'y pa-diyaryo ang format na may maliliit na writeups sa gilid-gilid kaya malaya kang pumili kung anong babasahin; may kanya-kanyang maliliit na kwento na kapag binasa lahat ay bumubuo lang din ng isang mas malaking naratibo.
Paborito ko ang pangalawa dahil mas vivid ang imagery na napo-produce nito. Mahirap basahin dahil bloke-bloke ang teksto, nakakapagod sa haba't kapal ng mga salita, na ang tawag yata dito'y stream-of-consciousness writing (di ko sure). Matapos kong basahin tong pangawalang kwento, literal na tinamad ako ng ilang buwan bago tapusin yung libro kasi nakakapagod talaga na ewan.
Yung pangatlo e mala-visual novel. Tumatalon-talon ng pahina base sa pipiliin mong options sa bawat katapusan ng chapters. Mapaglaro at engaging dahil malaya pa rin yung mambabasa na pumili ng storyline ng kwento.
Pero sa tatlo, yung pangalawang novella pa rin ang pinakagusto ko sapagkat, setting aside the unconventional narrative style, ang lakas ng impression sakin nung imagery nung kwento. Malamang at sa malamang e makakalimutan ko yung una't pangatlong kwento kahit gaano man mapaglaro yung estilo ng pagku-kwento. Tbh nakalimutan ko na nga kung tungkol saan yung unang kwento dahil ilang buwan ko ngang itinabi tong libro after I labour through the second novella.
Sa baybay ay nagtirik na ng kandila ang mga tao sa mga tablang pinapaanod sa dagat para sa puntod ng kanilang mga mahal, sa simenteryong nilamon ng dagat, sa kaibuturan ng dagat; todos los santos na, nagkita-kita ang mga nabubuhay at ang mga kaluluwa ng patay, kapwa malulungkot, ang mga nabubuhay ay nahihirapang mabuhay at ang mga kaluluwa ng patay ay nahihirapang matahimik dahil sa kasalatan ng kanilang mga mahal na nabubuhay pa.
Pinakapaborito kong kwento ay yung huli - ang kwento ni Eufemia at Dario. Testament of unwavering and resilient love. May kirot sa puso; ang daming panghihinayang at baka sakali. Pero anu’t-anuman, ang mahalaga’y nagtagpo pa rin.