Fanny A. García is a prominent Filipino writer, educator, editor, and translator. She is recognized for her fiction, essays, creative non-fiction, and children's stories, and is an award-winning figure in Philippine literature.
García's works often reflect her social consciousness and are recognized for their literary merit.
Salamat! Dr.Fanny A. Garcia sa oras na binigay ninyo sa aming panayam na very entertaining, kay Erick, lectures patungkol sa K-12, pulitika, career sa pagsusulat, at sangkaterbang katatawanan at mga karanasan na totoong kumurot sa aming mga puso.
Nawa'y maikuwento ninyo sa amin at ang mga susunod ninyong nobela o maikling kuwento. (Ancestral House)
Mailalarawan ko sa mga letrang KKK nang mabasa ko ang aklat na ito.
K-Kahirapan K-Kawalan ng hustisya K-Kurot sa puso
Gaya ng mga bayani at matatapang nating mga ninuno dapat tayong lumaban sa hamon ng buhay, labanan ang kahirapan, ang mga nang-aapi at patuloy na nanamantala sa atin. Isa puso ang mabubuting aral at pagtulong sa kapwa.
Napansin ko ang mga karakter (Olga, Mira, Magda, Dr. Tolentino, Kuya Kaloy, atbp.) ay may sariling pagpapasya sa mga pagsubok o kahirapan na kanilang naranasan, mali o tama man ang kanilang naging pagpapasiya. Hindi dapat maimpluwensiyahan ang ating pagpapasiya at panindigan natin ang mga responsibilidad nito.
Masakit at malungkot ang mga pangyayari subalit tulad ng damit patuloy pa rin tayong magbibihis, magpapalit, magbabagong anyo upang harapin ang hamon ng buhay. Gaya ng damit narurumihan araw-araw gayundin tayo nahaharap sa kahirapan at pang-aapi. Lalabhan ang damit upang maging malinis upang magbigay ng bagong anyo sa magandang oportunidad subalit sa kasamaang palad ang iba ay nananatiling basahan, retaso, at madumi sa paningin ng ibang tao.
Sabi nga nila “disappointing/ depressing ang mga kuwento pero kung ikaw ay laki sa hirap ma-appreciate mo at magbibigay sa iyo ng bagong kaisipan, aral na dinanas ng bawat karakter, at realisasyon upang malaman ang Sandaang Damit nang realidad ng mundo.
Mga Kowts na nagustuhan sa Kuwento;
“Pinaniniwalaan ko ang sarili ko. Bawat Tao’y isang munting bathala, isang manlilikha."
Mabuti pa ang mamatay nang lumalaban…kapag ang uring api ang pumatay, ito’y nakakamuhi, nakakahiya, samantalang ang iba ang kanilang ari-arian ang ipinaglalaban- mga bagay na di bahaging panloob ng tao”.
"Hindi sapat ang diploma o kahit ang talino upang ang sinuman ay makaalam sa lugar na ito at sa kahirapan."
Karamihan sa 16 na maiikling kuwento sa librong ito, nagustuhan ko talaga. Parang nanumbalik yong pakiramdam ko noong mabasa ko ang Mga Agos sa Disyerto (4 stars) dalawang taon na ang nakakalipas. Ang nakakabilib lang lalo, kung ang Agos ay sinulat ng limang lalaking manunulat, dito tanging si Fanny Garcia (pinanganak ng 1949) lamang ang sumulat ng lahat ng 16 maiikling kuwento.
Tulad ng Agos karamihan dito sa Sandaang Damit: 16 na Maikling Kuwento ay tungkol sa mahihirap - sa lalawigan man o sa lungsod o kumbinasyon (tauhang dahil sa hirap sa lalawigan ay nagdesisyon na pumunta sa lungsod). Sa mga tumutuligsa sa fiction at nagsasabing di ito totoo, basahin ninyo ang librong ito at kung di totoo, tanungin ninyo ang inyong sarili: bulag ba ako sa kahirapan ng buhay sa paligid ko? O nagbubulag-bulagan lang ako? O baka sobrang yaman ko na at sa tuwing nakakakita ako ng namamalimos na pulubi o mga batang lansangan, ipinipikit ko ang mga mata ko o sinusuot ko ang RayBan o Oakley ko at isinasaksak ang earphone para makinig ng iPod o Samsung Galaxy sounds. Ganoon ka na siguro ka-manhid para sabihing ang fiction na kagaya nito na nagsasalarawan ng totoong buhay ay di totoo.
Dahil sa pinakauna raw nyang kuwento ang Tulay sa Langit na sinulat nya noong bata pa sya, makikita mo ang pagusbong ni Garcia mula noon hanggang sa ngayon (nabasa ko kailan lang ang kanyang "Migrasyon, Disintegrasyon"). Unang nagustuhan ko ang Kuwentong Alay sa Isang Kuwago na binasa ko habang naghihintay ng seminar kahapon. Kuwento ito ng isang walang paki na UP Professor na binaril ng mga pulis. Teary-eyed ako sa Mareng Mensiya dahil sa kaawa-awang kalagayan ng inang sa labis na pagmamahal sa anak ay kinalimutan na ang sarili. Sa istilo ng pagsusulat, nakakabilib ang Mga Uyayi Para Kay Pina dahil sa tatlong perspectives sa isang kuwento. Ang title story na Sangdaang Damit ang una kong binasa at maganda yong story within the story. Nakakalungkot na ang bata ay nagiisip ng kwento para takasan ang kahirapan. Sa pinaka-popular na kwento ni Garcia na Pina, Pina, Saan Ka Pupunta? medyo nakulangan ako dahil wala yong mga sex scenes na binanggit niya sa introduksyon haha. Ang Kagila-Gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz Mula Nang Siya'y Sumakay sa MV Dona Paz ay nabasa ko lang kagabi at muntik ko pang mapanaghinipan. Ganyan ang epekto sa akin ng mga kuwento ni Garcia.
Makatotohanan. Sapul sa puso. Labing anim na kuwentong kukurot sa inyong mga puso at kaluluwa. Kung ang puso at kaluluwa mo'y pinoy na may pakialam sa nagaganap sa paligid mo.
Ang bigat ng mga istorya. Sa bawat tapos ko ng isang kwento'y di ko kaagad masundan-sundan ng panibagong pagbabasa sa susunod na kwento dahil ang bigat sa damdamin. Mas lalong nagpapalungkot ang istilo nya ng bawat ending dahil ang mambabasa na mismo ang mapapaisip sa mga susunod na mangyayari. Gayun pa man, hinahangaan ko ang may akda. Marami akong nalamang hindi lang sa kanyang mga sinusulat pati na rin sa kung paano isulat ang mga maliliit na detalye. Napakahusay!!
Ininterbyu ng book club namin si Ma'am Fanny Garcia noong July 2015 at eto ang tampok na akda. Una kong nabasa ang kanyang "Slumbook" kaya alam kong magaling syang manunulat. Isa iyon sa mga hindi namin malilimutan na panayam ng PRPB dahil bihira na lang magpaunlak ng interbyu si Ma'am Fanny, at maswerte kami na nasaksihan namin ang pagiging totoo nya bilang tao at tapat bilang manunulat.
Laman ng librong ito ang 16 na maikling kwento ni Fanny Garcia, na nagpapakita ng kanyang kagalingan bilang kwentista. Sa pamamagitan ng simple at magaan na daloy na wika, napagsanib ni Fanny Garcia ang personal at pulitikal na karanasan ng mga tauhan. Ang mga kwento dito ay sumasalamin din sa realidad ng lipunan—ang pagsubok ng kahirapan, ang mga hamon sa kababaihan, ang mga katotohanan sa buhay—ngunit pinapakita rin ng mga kwentong ito kung paanong may katatagang hinaharap ang mga ito upang abutin ang mga adhikain sa buhay sa kabila ng lahat.
Tunay ngang bihasa na si Fanny Garcia bilang kwentistang naglalahad ng mga ordinaryo ngunit nakakamanghang karanasan.