In post-zombie apocalypse Philippines, life is good! Or at least as good as you can expect in a third-world country with 80's technology and an everpresent zombie plague. But as Maki and her friends will soon discover, just getting to school in the morning can be a real killer.
SCHOOL RUN is a tongue-in-cheek zombie story with everything you look for in the genre: humor, action, social commentary, and the undead munching on kids.
Ikalawang serye ng komiks na nakatoka sa Pinoy Reads Pinoy Books para sa Komiket 2017 ngayong Oktubre 14 & 15. Ang aming book club ay isa sa maraming samahan ng mambabasa na magpapakilala sa mga dadalo. Magkita-kita po tayo roon.
Ang seryeng ito ay tungkol sa 5 batang nakatakas sa isang bus na naiwan sa gitna ng isang kalye sa Maynila. Umaga noon nang June 23, 2035 kung saan ang mga tao ay namumuhay na palaging may banta ng pagsalakay ng mga zombie. Ang pagdating ng zombie invasion ay parang bagyo ngayon. May mga signal depende sa dami ng zombie na parating. May gamot na rin para hindi mahawa ng zombie. At tinatawanan lang ng mga bata kapag nakalusot sila sa mga zombie.
Ang serye ay binubuo ng 7 aklat at mukhang may parating pa dahil noong matapos ko ang part 7 ay nagsisimula pa lang lumalim ang plot ng kuwento.
Part 1. Nagulat ako rito. Akala ko pambata at tatamarin akong basahin. Lalo na noong una kong makita ang pamagat: School Run. So, iniisip ko, baka tungkol lang ito sa track and field competition sa isang elementary school. Hindi pala. Matapos kong basahin ang Part 1, dampot agad ng Part 2 dahil gusto ko nang malaman ang susunod na mangyayari.
Ang komiks ay walang ISBN. Drawings lang sa coupon bond na ipina-photocopy. Tapos inistapler. Pero mahusay ang setting ng millieu at malinis ang illustrations. Parang may irony pa dahil puting-puti ang illustrations, nakangiti ang mga bata, tapos biglang darating ang zombie. Mas enjoy itong basahin kaysa sa mga Trese o Dark Colony na kailangang pang dark ang mga frames kasi may mga zombies o mga dark elements. Para itong "Feng Shui" movie ni Kris Aquino na colorful at well-lighted ang bahay na pinamumugaran ng mga kaluluwa at masasamang espiritu.
Bakit 1? Nakakahiya para sa isang 53 na magustuhan ko ang ganitong komiks. Kung bata ka pa, malamang magugustuhan mo ito.