BÜK REBYU BEYBË: KIKOMACHINE KOMIX
Nais ko’ng ilinaw ang isang pagkakamali sa nakaraang rebyu sa isang aklat ng serya na ‘to. (Di ko masyadong matanda-an pero sa aklat bilang pan-lima yata ko na isulat yun.) Ang nasabi ko’ng pagkakamali ay hinggil sa pagpalagay ko na “ang mga aklat ni Manix, ay hindi isang material para sa pilosopikal na paksa at para sa naghahanap ng naturang paksa ay walang anumang nilalaman ang naturang serya kundi mga kakornehan at katatawanan”. Sa pag-isip-isip ko, at nang matapos kung basahin ang lahat ng mga aklat sa seryan ito, isang pagkakamali iyun at para matugunan ko ang naturang pagkakamali ay napursige akong magsulat ng panibagong rebyu na panlahat at sa Filipino.
PAANO KO NASABING “PILOSOPIKAL” DIN ANG MGA KOMIX NI MANIX?
Bagamat “patawang” inilarawan ni Manix ang kanyang mga estorya, maraming “pilosopikal” na paksa ang napag-uusapan sa mga komik strips nito. At ang higit na kapansin-pansin nito ay ang ideolohiyang “eksistensyanlismo”. Marahil ay malakas ang empluwensya ng kanyang “unibersidad” rito- ang Pamantasan ng Pilipinas (Diliman).
Madami pang mga paksa na hinggil sa “Pilosopika”. May mga paksa tungkol sa pagiging simple at pagiging salimuot at kung anu-ano pa. May paksa tungkol sa magka-ibang kaisipan na ipinaubaya sa ‘yo ang pagpasya kung alin ang totoo.
ANO PARA SA AKIN ANG KIKOMACHINE KOMIX?
Ang Kikomachine Komix para sa akin ay isang serya na patok sa anumang gulang dahil napakalawak ng nasasaklaw na gulang ang mga nailarawan nito. Isa itong satire tungkol sa lipunan at lalong-lalo na sa buhay sa loob ng mga pamantasan. Dahil isa itong satire, patawa kung inilarawan ni Manix ang kanyang pagsasadula ngunit may patama pa rin sa paksang tinutukan- yung tipung matawa ka at sa bandang huli ay mapa-isip din. Halo-halo ang mga kwento nito.
May kwentung pag-ibig (Yay!), may kwentung pagkaka-ibigan (BFF!), may gore (yuck!), may katatakutan (Really? Ows? Multo ka ba talaga?), may adbentyur (Yahoo!), at iba’t-iba pang kawerdo at kakornehan (Ur soh baduy! Ewws!).
Ang Kikokomachine Komix para sa akin ay may aspetong Pilosopikal, Sosyal (Sosyal-soyalan, oh anu?), Pulitikal (Namumuleteka? Ganun?), minsan may Syensya din (Pasyensya na ha, pero uber ka na ha?), at higit sa Komikal (Nakakatawa to death.). Minsan, may mga bagay-bagay akong nalalaman dahil nabinggit dito (Wala ka pala eh!).
SINO ANG PINAKA-GUSTO KONG KARAKTER SA KIKOMACHINE KOMIX?
Si Betong Badtrip! (Gusto ng sapak!) Haha!
Ilan lang sa mga karakter sa Kikomachine Komix ang may pangalan- gaya nina Goody Pakyutsie at si Bertong Badtrip. Gusto ko ang karakter ni Bertong Badtrip. Isang line lang ngunit lakas ng tama! Minsan, gusto kung maging siya. Hehe. Gusto ko kasing turuan ng leksyon ang mga taong nangangailangan nito. (Baka ikaw turuan ko ng leksyon dyan!)