Ang aklat na ito ang una sa dalawang aklat ng may-akda, na tumatalakay sa komedya, sa magkaiba ngunit magkasanib na paraan.
Gamit ang paraang makrograpiko, inilalahad ng unang aklat na ito ang naging pagka-inlad ng komedya sa Pilipinas: ang pagbibinhi nito sa Espanya at Mehiko; ang pagsupling ng komedyang Pilipino sa Dantaon 18; ang pagyabong at pamumulaklak nito noong nakaraang dantaon, dahil sa magkakaugnay na tunguhin ng kosmopolitanisasyon, urbanisasyon at kristiyanisasyon; ang mga pagtuligsa sa dula ng dalawang henerasyon ng mga dayuha't Pilipinong namulat na ng edukasyong siyentipiko; ang pangalawang pamumulaklak nito sa ating dantaon, dahil sa pagpapatuloy ng dating Hispanisado at ekonomiyang piyudal, sa paglaganap ng kalayaan sa ilalim ng Amerika, sa pagsakay ng komedya sa pangangailangan ng industriyalisasyon, at sa paglaganap ng dula sa iba't ibang rehiyon ng bansa; at ang panlupaypay o tuluyang pagkamatay ng komedya sa maraming bayan pagkatapos ng Digmaang Pasipiko, nang lumala ang kabuhayan at nalunod ang maraming bayan sa bansa. Sa pangalawang mikograpikong pag-aaral, susuriin ang komedya sa Paranaque, Rizal, at tatayahin ang dula bilang dulang maka o anti-Pilipino.
Nicanor Tiongson is a leading critic, creative writer and academic from the Philippines. He holds a Bachelor of Humanities degree from the Ateneo de Manila University, and M.A. and Ph. D in Philippine Studies from the University of the Philippines. A founding member of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino, Tiongson is currently Professor of Film and Audiovisual Communication at the College of Mass Communications in U.P. Diliman.
Humuhingi po ako ng pahintulot sa upang makuha ng impormasyon tungkol sa kasaysayan ng komediya. Ito po ay gagamitin ko sa resarch paper sa Filipino. Hangad ko po ang inyong pahintulot. Maraming salamat po.