He came into her life not just by coincidence. He came with a purpose and that was to fix her life, mend her heart, and show her what love was all about.
Claud Abelardo was one of the award-winning directors in the country. Pagkatapos maging successful ng bagong pelikula na ginawa niya ay may naka-line up na agad siya na bagong project. This time ay isa iyong indie film na pinamagatan niyang “Maria Inocencia.” It was all about a thirty-year-old woman who never had a boyfriend. And to make the film more realistic, naghanap siya ng babaeng gaya ni Maria. Nakita niya ito sa katauhan ni Lhia Rivero, isang landscape artist from Palawan. She was thirty years old at hindi pa nakararanas na magkanobyo. Sinubukan niyang makipaglapit dito. At nang magtagumpay siya, nadiskubre niya ang tunay na dahilan kaya pinili nitong manatiling walang anumang attachment sa kahit na sinong lalaki—dahil iyon sa ina nito na ipinagpalit sina Lhia at ang ama nito sa isang mayamang abogado. Nagawa niyang maisaayos ang pelikula, pero hindi kasama sa script na matutuhan niyang mahalin si Lhia, lalo pa at determinado itong makalayo sa kanya dahil kapatid siya ni Allen Abelardo, ang mayamang abogado na kinamumuhian nito.
Bibigyan ko ng 4 stars ang librong ito ni Mellicent Martinez, not because nag-message siya sa akin ng "Hello, friend" sa Facebook (na sobrang nagpatawa sa akin), not because gusto ko lang magbait-baitan but because nagustuhan ko naman talaga ang librong ito.
Okay, first, okay ang story. At considering na medyo bata pa si Mellicent (I think, based on her Facebook picture), sobrang bilib ako sa kanya na nakagawa siya ng ganitong kwento na mature na (may bed scene pa!), hindi katulad ng ibang writers na puro walang kwenta lang ang isinusulat (pa-segue lang ng ka-bitter-an. Haha!)
Pangalawa, ang mga linyang ginamit niya ay medyo gasgas na, pero aaminin ko na kinilig din naman ako (at minsan lang po ako kinikilig so that's a good thing.) Hindi naman sobrang corny to the extent na napapangiwi ako. Tama lang ang timpla.
Er,ano pa ba?
Oh, yeah. Minor mistakes lang naman. Iyong LLS ay dalawang beses naging LSS (I think).
Tinatamad po akong gumawa ng review. Pasensya na. Hahaha! Parang lasing lang. XD
P.S. Hindi ko binili ang librong ito. Isa ito sa apat na libreng books na nakuha ko matapos akong bumili ng isa. Hahaha! I'm so glad na nakuha ko 'to. Mellicent Martinez sure has the talent. May future.