Jump to ratings and reviews
Rate this book

Anim na Sabado ng Beyblade at Iba Pang Sanaysay

Rate this book
Sitio Quinabuangan, Zambales at ang pagbabanda.

Cembo, Makati at ang Barko.

Baclaran sa gabi, para sa inyong walang mauwian.

Sa sampung sanaysay, inilalathala ni Ferdinand Pisigan Jarin ang kabataan niya bilang Pulot Boy ng tennis balls sa isang marangyang club, ang kanyang pagsisikap bilang pinakamaliit na miyembro ng D'Pol Pisigan Band, at ang pagtungga ng Michael Jordan at Olajuwon bilang agahan sa loob ng walk-in freezer kasama ang iba pang Service Crew. Dito nakalista ang mga pangalan ng ex-girlfriends at ng iba't ibang bigong 'first' loves. Narito rin ang listahan ng mga rambol, mga napatumba niya sa inom o sa bakbakan, mga kalokohan na hindi maiiwasan sa larangan ng pag-ibig, at ang tunay na rason kung bakit tumakas siya mula sa Kumbento.

Narito lahat nang walang daya, walang labis, at walang kulang. Mas mahalaga, walang entrance fee.

141 pages, Paperback

First published January 1, 2013

169 people are currently reading
2491 people want to read

About the author

Ferdinand Pisigan Jarin

8 books61 followers
Ferdinand Pisigan Jarin is the author of Anim na Sabado ng Beyblade at
iba pang Sanaysay
, which won a National Book Award for Nonfiction in
Filipino in 2014 from the Manila Critics Circle and National Book
Development Board and was a finalist for Madrigal-Gonzales First Best
Book Award administered by the University of the Philippines Institute of
Creative Writing (UP ICW).


He has published several children’s books; won three Carlos Palanca
Awards; and was a Writing Fellow for Sanaysay in both the Palihang
Rogelio Sicat 5 (2012) and 53rd UP National Writers Workshop. He also
translated Jules Verne’s Journey to the Center of the Earth in Filipino,
commissioned by the Komisyon ng Wikang Filipino and National
Commission for Culture and the Arts. He is also one of the Editor,
together with Rolando Tolentino and Joselito Delos Reyes, of Hayskul:
Mga Sanaysay na Hindi Pang-Formal Theme
from Visprint Publishing.


He is one of the scriptwriter of the now defunct children’s show Batibot in
television and TV Sitcom titled Tom en
Gerrie. He also creates OST for GMA News TV documentaries such as
Investigative Documentaries (ID), Motorcycle Diaries and Reel Time.


Jarin is a former Professor of Literature and Popular Culture at the
Philippine Normal University and Malikhaing Pagsulat for Creative
Nonfiction and Television Scriptwriting at the Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas, College of Arts and Letters, University of the
Philippines-Diliman and for the Department of Filipino, De La Salle
University-Manila.


Presently, Jarin is working on the prequel of Anim na Sabado ng Beyblade, entitled ”Tangke, Mga Gunita ng Pagkabata”. There will also be a reprinting for Beyblade and the second edition will come out this April 2020. He is also set to publish his first collection of fiction stories, “Ang May-ari ng Boracay,” this year.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
358 (59%)
4 stars
113 (18%)
3 stars
67 (11%)
2 stars
31 (5%)
1 star
36 (5%)
Displaying 1 - 30 of 58 reviews
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
September 8, 2013
'Di biro ang naging buhay ni Sir Jarin. Kamangha-mangha na isipin na kaya niya tayong pasayahin at paiyakin ng sabay sa pamamagitan lamang ng kanyang mga walang hiyang panulat.

Mahirap magkwento ng mga personal na karanasan lalo na 'yung mga tipong napakapribado o kaya'y 'yung tipong napakasakit alalahanin. Mahirap ibalik ang nakaraan lalo na, na sa bawat titik na iyong isusulat ay kasabay nito ang hapdi na kumukurot sa iyong pagkatao at ang muling pag-agos ng mga luhang dati'y nailuha na. Masakit nga naman, kung iyong kakalikutin at tutungkabin muli ang mga langib ng isang papahilom na sugat na hindi pa nga gumagaling ay muli nanamang magdurugo at maghihintay na naman ng panahon bago ito muling maging peklat na ng nakaraan. Paulit-ulit na sakit. Paulit-ulit na paghihirap. Ngunit bibihira ang mga tulad ni Sir Jarin na kayang ibalewala at manaka-naka'y pagtawanan pa ang mga sakit ng kahapon. Wala siyang tinatago, lahat ay kanyang isinisiwalat at sinasabi ng walang pag-aalinlangan, walang tinatakasan, walang hiya-hiya, masaya kung masaya, malungkot kung malungkot, masakit kung masakit. Lahat ay kanyang sinusulat para lang sa esensya ng pagsasalaysay ng kanyang mga personal na sanaysay.

Ganyan ang atake ni Sir Jarin sa libro. Kung naramdaman ko ang bawat sakit sa kanyang mga isinulat, s'yempre di ko rin makakaligtaan ang kulit, at nakakahilong naging takbo ng kanyang buhay simula pagkabata hanggang pagtanda. Lubos akong natuwa dahil taga-Makati lang siya na kalapit lang ng aming bayan. Lalo akong natuwa nang malaman kong nag-aral din siya nakapagtapos sa Mataas na Paaralan ng Kuta Bonifacio (Fort Bonifacio High School o Barko) kung saan ko din ginugol ang apat na taon ko bilang high school. Gaya niya nasaksihan ko din ang mga kwento sa kwento niya na lumipas man ang mga panahon ay naroroon pa rin at laman pa rin ng sistema. Gaya niya, ipinagmamalaki ko ang aking kinamulatang eskwela. Nakapagtrabaho rin siya sa Fort Bonifacio kung saan ako madalas makita ngayon, ngunit sa kasamaang palad ay iba na ang Fort Bonifacio na kinakihan niya sa Fort Bonifacio na aking nakikita na pinag-aagawan na ng Makati at Taguig dahil sa mataas nitong kita. Huli na nang malaman ko, at dyuskopo, laking pang-hihinayang ko na hindi ko siya naabutan sa STI College - Global City dahil nakapagturo pala siya at nakaalis bago pa man ako makapasok doon. Sayang, nakilala ko sana siya at nakilala rin sana niya ako.

'Eto ang masasabi ko sa makakapagbasa nito. Maganda ang libro at totong nagustuhan ko ito at sa tingin ko alam mo naman ang dahilan.




Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
July 2, 2014
"May hiwalayang nakakamanhid ng pagkatao. May hiwalayang nagtatangal ng sarili pati kaluluwa. Mayroon din namang magpapasalamat ka dahil buti na lang nangyari na. Mayroong nagiiwan sa atin ng galit habangbuhay at nariyan din ang may kasamang pagpapatawad."

Sampung kuwento ng buhay ni Ferdinand Pisigan Jarin (FPJ) o mas kilalang Sir Fredz sa mga taga-Philippine Normal University (PNU). Mahuhusay ang pagkakalahad ng mga kuwento kaso mo lang ang problema ko kasi sa ganitong mga akda, alam nating mambabasa na di sinasabi at di kayang sabihin ang lahat sa atin. Paano ba isasalibro ang buong buhay? Paano ba pinipili kung alin ang isusulat o hahayaang ilihim o di ibunyag? Paano iisipin ng isang mambabasa kung ano ang intensyon ng sumulat na nagbabahagi ng mga sana'y personal na karanasan? Anong mapapala ng isang mambabasa para alamin ang buhay ng may buhay (ang buhay ng isang manunulat)?

Kahit ano man ang sagot sa mga tanong na ito, di ko pa rin mapapasubalian ang isang bagay: mahusay sumulat si FPJ. Epektibo syang magpaiyak. Kung di lang ako sa barberya kanina, baka namuo yong luha sa mata ko doon sa pinakahuling kuwento. Yong alam mo sincere at di ka gino-goodtime lang di kagaya ng kadramahan ni Hazel Grace Lancaster at Augustus Waters na alam mong pinaglalaruan lang ang emosyon mo dahil fiction.

Hiwalayan. Binanggit itong mga salitang ito ni FPJ noong humiwalay siya sa tatlong bakla na kasama niya sa kuwarto kung saan siya tumira ng dalawang taon matapos makipaghiwalay sa kanyang asawa. Di tulad ng kuwento ng kaibigan niyang si Rene O. Villanueva (ROV) sa Personal: Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita (4 stars) hindi yata bakla o silahis itong si FPJ kahit maraming kaibigang bakla. Ewan ko rin lang kung ito yong "hindi sinasabi" sa memoirs o personal sanaysay na kagaya nito. Maging si ROV ay sinasabing bakla kahit pa may asawa at apat na anak. Itong si FPJ ay may mga naging kasintahang babae bago nakabuntis at nagkaanak ng dalawa at ngayon yata ay may asawa nang iba at may anak na isa. Di naman kabawasan sa libro kung itatago yon kaso lagi ngang puwedeng isipin na bumabasa na kulang ang pagsisiwalat tungkol sa sarili gaya na rin ng puna ko sa obrang nabanggit ni ROV.

Magpaiyak, epektibo. Magpatawa? Ewan ko kung talagang di lang talaga ako madaling patawanin ng libro. Pero ang librong ito ay kasama sa panitikan ng hampas lupa o anak dalita kaya mahirap tumawa kung ikukuwento nyang ang kanyang kapatid na si Michael, para makatulong kumita ng pera sa mama nyang iniwan ng papa nya noong apat na taong gulang pa lang siya ay nagtatapon ng tae ng mga kapitbahay ng japayuki dahil pare-pareho silang walang kubeta sa Cembo. O yong kumakain siya ng puwit ng manok sa KFC at sinasabayan ng puree ng Orange Juice. Nakakaawa at di nakakatawa.

May mga moral lessons:

1) Huwag umasa sa iba. Kung naging pari si FPJ dahil pinasok nya ang kumbento di dahil sa gusto nyang magsilbi pero para makatapos ng college, sana nabubuhay sya ngayon sa balatkayo (na kunwari relihiyoso yon pala ginagamit lang nya yon para makatapos ng kolehiyo).

2) Huwag magalit sa mga bakla. Tatlong bakla ang kumupkop sa kanya noong gabing umalis siya sa kanyang pamilya. Akala nya gagapangin siya ng mga bakla noong gabing yon. Sa dulo pala, hindi at yong paghihiwalay niya sa tatlong bakla ang isa sa pinakamalungkot na paghiwalay na naranasan nya sa buhay niya.

3) Huwag pagsamantalahan ang mga nagkakagusto sa inyo. Hindi porke halatang patay na patay sa iyo ang isang tao (ang kuwarto ng pobre babae, punong-puno ng pangalan sa dingding ni Sir Fredz), puwede mo nang pagkaperaha o huthutan. Hindi mapagsamantala si FPJ.

4) Huwag matitiwala agad lalo na kung basehan lang ang hitsura (kapogihan o kagandahan) ng tao. Hindi lahat ng mukhang lalaking lalaki ay lalaki. Hindi lahat ng guwapo o maganda ay di mapagsamantala. Naloko ang mama ni FPJ at iniwan silang tatlo na nganga ng isang may hitsurang lalaki.

5) Mahalin mo ang tao habang kasama mo. Pahalagahan mo ang kabaitang ipinakikita sa iyo. Suklian at di yong ikaw lang ang tanggap ng tanggap at one-sided ang dapat ay two-way relationship. Dahil kapag wala na ang taong iyon o kung patay na kagaya ni Rebo, saka mo makikita ang nawala sa iyo. Kaya habang buhay pa ang taong mahal mo, ipakita mo ang pagmamahal mo. Hindi lang ikaw ang may karapatang mahalin. Magbigay ka rin.

Paborito kong linya sa libro:

"Karanasan pala talaga ang magsasabi kung ano ang mga larawan na gusto nating ilagay sa magiging album ng kanya-kanyang buhay."

Ikaw, anong mga larawan ang nasa album ng buhay mo?
Profile Image for Panganorin.
39 reviews56 followers
December 29, 2013
Kasalukuyang ninamnam pa ang pagtatapos ko sa libro. Gagawan ko 'to ng rebyu, pramis. Pahingi lang ng kaunting panahon.
330 reviews99 followers
October 24, 2015
Review to follow.

Hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko no'ng magsimula akong basahin ang librong ito. Ang alam ko lang, hindi ko inaasahang maiyak. At hindi lang isang beses ha. (O baka iyakin lang talaga ako pagdating sa libro.)
Profile Image for Tina Moradillo.
7 reviews
February 27, 2014
Magkahalong emosyon ang naramdaman ko mula ng mabasa ko ang mga akda ni Sir FPJ (Sir Ferdz). Ung una seryoso, maya maya mapapaluha ka, may aksyon tapos bigla ka nalang tatawang mag isa.

Ang mga Sanaysay na may saysay at mananalaytay sa isipan, iyon siguro ang impluwensiya nito sa akin.

Koleksyon ng mga Sanaysay, dito ang mga akda ni Sir Ferdz ay tumutukoy sa tunay na buhay, ang kahirapan, ang pakikipagsapalaran, pakikibagay tao, pagpupursige, pananalig, pagkawala o paglisan ng taong pinakamamahal at pagbangon muli.

Una ko syang nakilala dahil kay Ern, lagi nya sa aking sinasabi na basahin ko raw ung Anim na Sabado ng Beyblade. Sabi ko sa kanya, bigyan mo ako ng link. Ako kasi, minsan, tamad mag-google. Sabi nya sa akin, Palanca Awardee yung akda na un ni Sir! (sobrang enthusiastic). Sabi ko, sige, hayaan mo, babasahin ko rin yun.
Dumating nga ung araw na yon, naglabas na ng libro si Sir Ferdz.

Sobrang excited ni Ern pumunta ng national bookstore sa may Market2x pero naubos na agad ung copy dun.
Syempre si ako, dahil gusto ko syang mapasaya haha, naghanap ako ng paraan para makuhaan sya ng kopya.
Kakagaling lang namin ni Charl nun sa EN, umattend ata kme ng service basta hapon na un.
Sabi ko sa knya, malapit na ung monthsarry nmn ni Ern, gusto ko syang bilihan ng libro, kaya nagpunta kme sa National uli, sabi ko baka may kopya na uli sila.
Di ako pinalad noon, sabi ko sa receptionist, saan po kayang branch meron? Nagsearch syempre si Ate, sa may Greenbelt po.
Yehey, sa wakas meron na! Makakabili na rin ako ng regalo.
Nabili ko naman, nairegalo ko at sobrang ikinatuwa ni Ern.
Pero nde ko pa rin nasimulan agad.
Nasimulan kong unang basahin ung kwento ni Rebo, ung ang pinakadulong part ng libro.

Naluha ako, nde man ako ang nasa posisyon ni Sir Ferdz, naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam ng mawalan ng hindi mo na pwedeng ibalik pa. Naalala ko ang trabaho ko, ang pagiging nurse ko, sa mga panahong iyon, naisip ko ang sarili ko sa harap ng ilang pasyenteng naalagaan ko at sabihin na nating nakainisan ko rin. Iba, ang pagiging magulang niya ay tunay na kahanga hanga.

Sabi ko, napakalinaw ng kanyang memorya ng kanyang pagkabata, kung paano sya nahubog ng mga karanasan nya noon.

Astig, maangas kung paano nya natungo ang pagkamit sa kanyang mga simpleng kagustuhan at pangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.

Nitong nakaraang mga buwan namin nakilala ng personal si Sir Ferdz, napakaikli lamang noon para higit syang makilala.

Nagpasya akong kilalanin syang maigi upang malaman ko pa ang kanyang kasaysayang naipon, hindi ako nagkamali, nabigyan ng kanyang libro ng kamulatan ang aking pagkatao.

Profile Image for Ivan Labayne.
375 reviews22 followers
August 4, 2014
*sabi ni Reuel Aguila sa Intro niya sa librong ito, napagsama raw ang karaniwan at ang sining para tumalakay ng mga bagay na ‘di kadalasang talakayin in general, ng panitikan in particular. Tango naman dito, at maganda nga ang punto; magandang pagnilayan, higit pa sa mga mainstream na literary practitioners, ng mga manunulat who identify themselves with the politics of the Left, and even further, those who identify themselves with the Leftist politics and who purports to advance the aesthetics of that Left.(Last: medyo nakakaiyak yung last na kwento)
Profile Image for Maria Ella.
559 reviews102 followers
November 6, 2015
Siguro sa dami ng nakikita kong mga ganitong sanaysay, hindi na ito kakaiba sa akin. Siguro, noong ito ay inilaban sa Palanca, siya ang pinaka-unang nagpasa ng ganitong uri ng panitikan. O siguro, ito ang pinaka-nakakurot ng puso ng mga hurado.
1 review
June 17, 2014
nakaka iyak din sya kase tuwing sabado lang sila Nagkikita nang tatay nya pos Broken Family Pa sila
Profile Image for Led.
190 reviews90 followers
July 2, 2023
Tulad ng panonood ng mga palabas, may mga taong nagbabasa para mawalay sa mga pang-araw-araw na kaganapang nakababagot o masalimuot sa buhay. Ngunit hindi magarbo o kagilagilalas na tema, at hindi rin maaksyon na eksena ang hain ni Jarin. Turan nga ni Reuel Aguila patungkol sa mga akdang malikhaing sanaysay niya, tunay na "[A]ng bida ay ang karaniwan, ang pagiging karaniwan, ang pagiging Pilipinong bihirang isulat."

Para itong talaarawan ng isang taong kahati sa kalagayan n'ya ang bawat isang Pilipino: ang pagbabago at samu't saring damdamin ng bata sa kanyang pagtanda, pangungulila sa tahanan at pamilya, pagtutuloy ng ngarap ng isang minamahal, pagpapahiwatig at minsa’y pagkapahiya sa napupusuan, pagpupursiging lumaban at mabuhay, alitan sa pagitan ng minamahal, pagkaligaw ng tahak, ang masumpungang ginhawa at galak sa piling ng mga kaibigan—ang palagiang pamumulot ng gunita.

Pinagtatakhan ko noong una ang pamagat nito. Naglaro rin ako ng beyblade noon. Hanggang kagabi, sa huling sanaysay, kinuwento na ng tatay nya si Rebo. Lumuha ako bago matulog.

P.S. Pero teka, sa mga brothers na katekistang bumibisita sa mga paaralan para mangaral pagkaraa’y magpapapikit sa buong klase
Profile Image for Rescel.
26 reviews26 followers
October 9, 2021
Pinatawa ako ng mga naunang sanaysay. Pero 'yung huli, ang sakit. Nag-umpisa sa tawa, natapos sa hagulgol.
Profile Image for Percival Buncab.
Author 4 books38 followers
September 16, 2025
Una kong nakilala si Ferdie dahil kabanda siya ng pinsan kong gitarista, si Kuya Apleng. Hindi ko alam noon na writer pala siya. Ang alam ko lang eh astig ang mga kanta ng banda nila.

Nu'ng makita ko ang Anim na Sabado ng Beyblade sa National, naisip kong pamilyar 'yung pangalan ng author. Nu'ng binasa ang synopsis, nalaman kong taga-Cembo pala siya (magka-baranggay kami). At nang makita ko ang picture niya sa likod ng libro, doon ko na nakumpirmang siya nga 'yung bokalista ng Timawa!

Ang Anim na Sabado ng Beyblade ay anthology ng sampung narrative essays (dalawa ay Palanca-awardee), tungkol sa karanasan ni Jarin sa iba't ibang yugto ng buhay niya. At dahil chronological, mas autobiography ang tingin ko sa libro kaysa anthology.

Smooth ang pagkakahabi ng bawat kuwento. Given na magka-baranggay kami, may mga setting sa libro na pamilyar na 'ko, pero may mga bago pa rin akong natutunan. Halimbawa, 'yung Barko (Fort Bonifacio High School) at Pulot Boy (Fort Bonifacio rin ang setting). At ang setting ng Anim na Sabado ng Beyblade (essay) ay sa mismong barangay namin, kaya alam ko kung gaano ka-accurate ang pagkaka-describe sa mga detalye. Minsan nga, kapag dumadaan ako sa mismong lugar na 'yun, sa Narra, nai-imagine ko si Ferdie kasama si Rebo.

Simple at effective ang language. Ang ibig kong sabihin sa langguage ay hindi lang basta ‘yung wika (i.e. Tagalog), kundi ‘yung paraan kung paano hinabi ng isang manunulat ang mga sinasabi niya.

May mga librong boring basahin dahil ang daming unnecessary things na sinasabi 'yung author. Sa pagsasalaysay ni Ferdie walang nasasayang na salita; kada paragraph engaging. Ang mas nakakatuwa pa, may matututunan ka na habang binabasa mo ang bawat kuwento, lagi pang may sapak ng moral lesson sa dulo.

Napag-usapan namin minsan ng kuya ko si Ferdie nang makuwento ko sa kanyang nabasa ko 'yung libro. Madalas kong makita sa Cembo dati si Ferdie. Minsan ko na ring napanood tumugtog ang Timawa sa isang battle of the bands dito sa Cembo, kung saan isa siya sa judges. At hanggang ngayon, halos araw-araw kong nadadaanan ang kapatid niya (na madalas niyang banggitin sa libro) na nakikipag-inuman sa kapitbahay namin. Pero si Ferdie mismo, hindi ko na nakikita. Sana sakaling magkadaupang-palad uli kami, mapapirmahan ko man lang 'tong pinakamagandang essay anthology na nabasa ko.
Profile Image for Jessie Jr.
66 reviews24 followers
November 6, 2015
Sa may hallway ng aming paaralan. Sa ilalim ng liwanag ng natirang ilaw na hindi pa pinapatay ni manong guard dahil naiwan akong nagbabasa. At sa di kalayuan maririnig mo ang mga estudyanteng nakatambay pa sa field ng paaralan, maririnig mo ang tinig nilang dinadala ng hangin.

Habang nakikinig ng kantang naka loop ng Bleachers na Wake Me, sinimulan kong basahin ang huling sanaysay ng libro. Malay ko bang mabigat eto. Malay ko bang may emosyon etong naisalin sa mga salita, malay ko bang mapapaluha o kung hindi man napaiyak dahil todo pigil ako at baka ay makita ng mga ibang kakilala ko. Gusto kong sisihin and kantang pinakikinggan ko, o ang malamig na hangin, o ng pagkakataong hindi ko inalam ang kahit kaunting bagay na magbibigay ng ideya sa akin na sadyang madamdamin ang huling kuwento at ng sa ganon ay hindi ko ito binasa sa hallway ng aming eskuwelahan. *isang malalim na buntong hininga* Sumimple ako sa pagpahid ng aking luha, saka tumingin sa paligid pagkatapos. Saka ko naman napnasin and cctv na saktong saktong nakatingin sa akin. kaya napangiti ako.

Natapos ko ang libro na puno ng pananabik makauwi. Dahil sa mga simpleng ganap (kung simple man ang mga iyon) na ibinahagi ng may akda ng kolesiyong ito, muling ipinaalala sa akin bilang tao ang pagpapahalaga sa bawat segundo ng buhay mo, ang pagpapahalaga sa mga taong kasalukuyan mong nakakasama dahil darating ang panahon na magiiwanan kayo, at higit sa lahat ang pagpapahalaga sa mga ala-alang naiwan.

Sa dulo naging masaya ako dahil natapos ko na ang pagbabasa, at sa bawat pagtatapos nga naman ay may simula. At kung ang bawat manunulat ay nagpapasalamat sa mga tumulong para mailimbag ang kanyang libro, bilang mambabasa ay nagpapasalamat ako sa pagbabahagi ng may akda ng kanyang buhay.
Profile Image for Clare.
76 reviews9 followers
October 16, 2015
3 star dahil isa ito sa koleksyon ng sanaysay na nagpahikbi (uhh oo sige na nga, nagpaluha) sa'kin habang binabasa. Hindi naman buong libro e malakas makahugot ng malungkot na emosyon. Mas nakita ko ito bilang pagbabalik-tanaw sa mga karanasang pinagdaanan ni sir Ferdie. Hitik sa aral ng buhay ang bawat sanaysay na kasama sa kwentong ito. Karaniwang karanasan man ang tampok kada sanaysay, parang bago pa din. Sa sobrang karaniwan kasi ng mga bagay-bagay e nakakaligtaan nating mapansin ang mga importanteng detalye na nakapaloob dito. May dalawang parte ako may naramdaman sa puso ko, na parang sinundot ng dilang karayom ng manananggal (haha naging Janus Silang bigla :P)Una, sa sanaysay na Quinabuangan, yung parte na kung paano sila iwan ng mama nila para magtrabaho papuntang Maynila. Ako kasi ayaw ko nang iiwan nang tulog ako. Yung paggising mo, wala nang kasama. Mas masakit yun kesa sa iwan ka nang nakikita mo e. Pangalawa naman yung sa Anim na Sabado ng Beyblade, bandang realisasyon na may mga bagay sanang pangmag-ama silang magagawa kung mas mahaba sana ang nilagi nya sa mundo. Paghahanap, pangungulila at panghihinayang. Nakakadurog ng puso kahit kalian, kahit saan mabasa.
Profile Image for Matthew Gabriel.
12 reviews
May 2, 2021
Anim na Sabado ng Beyblade
Ferdinand Pisigan Jarin
Isang rebyu

(Maaaring maglaman ng mga spoiler)

Una kong narinig ang titulo ng akdang ito sa klase ko sa Filipino kay G. Reyes noong baitang 8. Noong mga panahong iyon, namulat ako sa kapangyarihan ng literaturang Pilipino, dahil kasamang itinuro sa kurso ang kakilakilabot na akda ni Gng. Lualhati Bautista na pinamagatang "Dekada '70," maging ang makatotohanang kwento ng "Mabangis na Lungsod" ni G. Efen Abueg; ngunit naging partikular sa aking atensyon ang istorya ng "Anim na Sabado ng Beyblade."

Hindi na bago, o kung tawagin sa aming klase ay 'gasgas na,' ang mga istoryang hindi nagtatapos sa mga selebrasyon at katuwaan. Lalo na ang mga panitikang itinuro noong baitang 8 na silang pinangalanan ko sa unang talata. Ito 'yong mga kwentong magtatapos sa iyakan, sa kabiguan, at higit sa lahat ang talaga namang pinakakinatatakutan ng lahat ng mga mambabasa: ang pagkamatay ng isang karakter. Ngunit espesyal ang trahediya ng Anim na Sabado ng Beyblade.

Sa mga pagkahaba-habang nobela katulad ng 'Hunger Games' at 'Harry Potter,' talaga naman na mapapamahal ka sa bawat karakter na bibigyang-buhay ng may-akda. Sila 'yong mga karakter na isasama ka sa istorya at lakbayin ng kanilang buhay sa mga kabanata ng libro. May mga pagkakataon na maging ang pinakakinasusuklaman mong karakter ay biglang paaamuhin ng may-akda at agad na magiging paborito mong karakter. Kumbaga may character development, nagiging 'bilog' ang silbi ng tauhan sa istorya. Ngunit hindi mabilisan ang tinatawag natin na character development. Para sa akin, isang magandang katangian ng manunulat ang kakayahan niyang hubugin ang pagkatao ng isang tauhan nang hindi masyadong nagbibigay ng agarang ebidensiya ng pagbabago. May mga mararahan na indikasyon na unti-unting magbibigay-buhay sa paghuhudyat ng 'bagong pagsilang' ng mga tauhan. Ngunit hindi ganito ang istilo ng pagkakasulat sa Anim na Sabado ng Beyblade. Kung gano'n, bakit labis-labis ang koneksyon na nararamdaman ko sa mga tauhang pinangalanan ni G. Ferdinand Pisigan Jarin sa kaniyang akdang ito?

Una sa lahat, isang panitikang di-piksyon ang Anim na Sabado ng Beyblade. Hindi tulad ng Hunger Games at Harry Potter na produkto ng imahinasyon ng may-akda, nangangahulugan itong ang mga pangyayari sa istorya ay nangyari rin sa totoong buhay, partikular na sa buhay ng may-akda. Para sa akin, kung susuriin ang malawak na pagkakaiba sa mga akdang piksyon at di-piksyon, ito ay ang kakayahang makapagpalabas ng hilaw na emosyon ng mambabasa. Hindi ko alam kung ako lang, pero mas nakarerelate talaga ako sa mga istoryang bunga ng makatotohanang repleksyon ng may-akda. Hindi ko inaaway ang mga manunulat ng piksyon, hanga ako sa lawak ng kanilang imahinasyon lalo na at nagagawa nilang makabuo ng isang senaryo nang walang pinaghuhugutang personal na karanasan, ngunit talagang bugbog-sarado ang damdamin ko sa mas purong pagku-kwento ng mga panitikang di-piksyon. Totoong-totoo kasi talaga ang sapok sa tiyan kapag iniisip mo na nangyari talaga ito sa tunay na buhay.

Pangalawa, ang putol-putol na daloy ng pagku-kwento. Katulad ng nabanggit ko, una kong nabatid ang akdang ito noong baitang 8. Ngunit ang tanging binigyang-pokus namin sa klase ay ang istorya ni Rebo. Hindi ko alam na ang akdang ito ay binubuo pala ng iba't ibang sanaysay at istorya ng may-akda, at isang bahagi lamang ang kwento ni Rebo sa mga ito. Masasabi ko na putol-putol ang daloy ng akda dahil iba't ibang tema at istorya ang makikita sa bawat kabanata (maihahalintulad sa mga pocket book na mabibili noon sa halagang bente pesos na inilalako ng mga 'scammer' kung tawagin namin noong elementarya). Gayunpaman, hindi nabigo ang may-akda na buuin ang malaking 'puzzle' na ito nang hindi nagdudulot ng kalituhan sa mambabasa. May mga elemento na nagtatagpi-tagpi sa mga putol-putol na piraso ng akda. Dahil dito, mas natutunan mong mahalin ang mga karakter na ipinakikilala sa atin ni Sir Jarin. Kahit na tila ba wala silang koneksyon sa isa't isa, nagiging tulay sila sa unti-unting pagkabuo ng pagkatao ng ating pangunahing tauhan: si Sir Jarin mismo.

Sa huli, mabilis ang pagpapakilala sa mga tauhan at gano'n din naman ang bilis ng kanilang pamamaalam, ngunit talagang nakapagtataka na sa ikli ng oras na pinagsamahan ng mga tauhang ito at ng mga mambabasa, bakit parang ilang taon--o ilang kabanata--ang ginugol natin upang lubusan silang makilala? Isang halimbawa ang kwento ng 'Baclaran,' sa parteng ito, ipinakilala tayo ng may-akda sa "Apat na Madre ng Kumbento" na sa kinalauna'y mas makikilala natin bilang mga bakla na naging mga kaibigan ni Sir Jarin sa ngalan ng gin-pomelo. Maikli lang ang kabanatang ito ng akda, ngunit nang matapos ito, pilit ko pa rin na hinahanap-hanap ang apat na karakter na iyon hanggang sa oras na ito. Para bang ako ang naging kaibigan ng mga 'madre' at ang mismong nakaranas ng mga kwentuhang madaling araw na kung matapos!

Ito ang tema na paulit-ulit na itinatawid sa atin ng may-akda. Na sa buhay, may mga tao ka na makikilala at hindi maiiwasang mag-iiba-iba kayo ng landas. Sa mga paa ng may-akda, ito man ay mga katrabaho, ka-banda, kaibigan, at maging ang mismong anak, hindi natin maiiwasan na magpatuloy sa paglalakbay kahit wala na sila sa ating tabi. Katulad ng beyblade ni Rebo, magpapatuloy tayo sa pag-ikot, at kung may mga sandaling titigil man, muli nating pupulutin ang beyblade at sisimulang paikuting muli.

10/10!
1 review
June 5, 2014
its amazing
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Meeko.
108 reviews5 followers
May 27, 2021
Una kong nakita ang librong ito noong minsang i-post ito ni Ma’am Lualhati Bautista sa kanyang Facebook page. Ang sabi n’ya, kung sino raw ang gustong umiyak basahin daw ang title story dito sa librong ito. May disclaimer pa nga na bihira lang siyang magrekomenda. Bilang tagahanga, sino ba naman ako bilang tanggihan ang rekomendasyong ng isang Lualhati Bautista? Kaya binili ko kaagad ito. Ngayon ko lang nabasa at natapos.

Tama nga si Ma’am Lualhati B., naiyak nga at nadurog ang puso ko nang matapos basahin ang Anim na Sabado ng Beyblade. Ito ang pinakahuling sanaysay sa aklat na ito ni Sir Ferdinand Pisigan Jarin. Siguro dahil kung ito ang mababasa mo sa simula pa lang, parang aayaw ka nang magpatuloy dahil iisipin mong baka saktan ka lang ng librong ito.

Isa sa mga alilangan sa pagbabasa ng mga sanaysay o kahit anong akda na hango sa talambuhay ng may-akda ay kung ang pagkukwento ay para lang magpahayag or magbahagi, o para makapagbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa. Mayroon kasing tila nagkukwento lang ng karanasan at hindi tumatagos sa mga nagbabasa nito. Ngunit sa librong ito, balanse ang pagkakasulat ng mga sanaysay ng talambuhay ni Sir Ferdie. Mahusay niyang ipinarating sa mga mambabasa ang mga mensaheng nais niyang ipabatid. Mapapansin ko na lamang na nakangiti na ako habang nagbabasa sa ilang kwento. Minsa’y makikiramay ako sa hirap ng buhay na pinagdaanan niya mula pagkabata hanggang sa paglaki. Hindi ko na lamang napigilan ang sarili kong hindi umiyak sa huling kwento dahil sa panimula pa lamang, humihikbi at tumutulo na ang mga luha ko na tila ayaw ko nang ipagpatuloy ang pagbabasa. Tila gusto ko na lang siyang yakapin at ang bunso niyang anak.

Siksik sa karanasan si Sir Ferdie na pakiramdam ko’y hindi maaaring hindi niya iyon isusulat at ibabahagi sa mundo. Dapat ay mas marami pang makabasa nito dahil sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay, maaaring makita natin ang sarili nating mga karanasan na tulad ng sa kanya at maramdaman nating hindi tayo nag-iisa sa mga pagkakataong iyon.

Apat na star lang sana ang rating na ibibigay ko ngunit parang ginagawan ko ng kapinsalaan si Sir Ferdie kung hindi ko ito bibigyan ng 5 stars.
Profile Image for Mayumi.
7 reviews
June 19, 2024
“For four Saturdays, my youngest son fought battles with his Beyblades in the field of play. For eleven months, he fought leukaemia in the hospice of feelings.”

This book was a labour of love. While I hadn't read the original text, this version captured the emotions that Sir Ferdinand Jarin intended to convey through the translator's skills.

I’m not new to the art of translation, having translated several texts before in one of our classes (Introduction to Translation). However, a few months back was the first time I met a professional translator—Sir John Toledo, the translator of this collection of essays. I was lucky enough to listen to his reflections on “What does translation teach us about creative writing?” as part of the literature lecture series in our department. I even managed to get him to sign my copy of the book.

I've never been a big fan of reading essays, despite writing a lot of them, which may seem ironic. I usually prefer reading fiction. However, after immersing myself in two collections, including this one, I discovered that I may have been missing out on sensational writing. It seems that Philippine Literature has a lot more to offer.

Six Saturdays of Beyblades and Other Essays is a symbol of love for a dying son, a struggling mother, a lost lover, unexpected friends, wholesome grandparents, and silly colleagues. Ultimately, the book shows us that love is deeper than the word itself. It is embedded with waves of memories waiting to be etched on the hot sands of a beach.

“Meanwhile, those of us left behind grieving on earth will continue to survive and learn the art of grief.”
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Sasha Dalabajan.
229 reviews6 followers
July 28, 2019
Sabi ng kapatid ko habang binabasahan ko sila ng mga unang pahina ng librong ito, "May nagbabasa pala ng introduksyon ng mga libro?". Pinakilala ni Reuel Aguila ang librong ito sa pagsipi ng mga salita ni Pablo Neruda noong tinanggap nya ang Gawad-Nobel. Ayon sa kanya, "ang manunulat ay hindi isang diyos-diyosan. Kainakailangang umugnay ang manunulat sa karaniwang tao; higit pa, kailangan nyang maging karaniwang tao. Sa ganitong paraan lamang niya maibabalik sa panitikan ang diwa't saysay na sa panapanahon ay naglalaho sa pagsusulat."

Kung ganito pasisimulan ang isang libro, mataas agad ang ekspektasyon ng mambabasa sa mga susunod na pahina. Pero ang antas ng ekspektasyong ito ay lampas pa sa binigay ni Jarin.

Merong pakiramdam ng pagkakakilanlan sa porma ng sulat ni Jarin. Lagi't lagi iikot ang mga sanaysay nya pabalik sa mga elemento ng kanyang kwento. Ang diwa ng pagkakakilanlang ito ay dulot din ng mga paksa at tema kung saan umiikot ang mga kwento ng manunulat - kahirapan, pagbubuo ng mga relasyon sa mga taong nakapalibot, pagdiskarte sa buhay, at paglaki sa isang myembro ng lipunan. May pakiramdam ng lungkot at ligaya sa mga kwento ng paglaki at paghubog ni Jarin sa kanyang sarili bilang tao mula nang kabataan hanggang nagkaanak. Hindi ko na napigilang humagulgol sa huling sanaysay ng libro habang kinukwento nya ang pagkamatay ng bunso nyang anak na si Rebo.

Kung ang layunin ng librong ito ay "ibalik sa panitikan ang diwa't sanaysay na sa panapanahaon ay naglalaho sa pagsusulat", ito ay kanyang natamo.
Profile Image for Ryann Jayme.
7 reviews
August 3, 2024
Una kong binasa 'to noong grade 7 bilang isa sa mga requirements. Maganda naman yung pag kwento. Binasa ko ulit noong grade 12 kase kailangan sa isang subject. Medyo nakakaiyak. Ngayon, binasa ko ulit out of pleasure. At totoo nga ano, nag babago ang pag tingin mo sa kwento base sa dami o bigat ng experiences mo sa buhay.

Isa ang kwento ng buhay ni Rebo sa mga sumasalamin sa danas ng maraming Pilipino. Kawalan ng access sa healthcare; mag papagamot nalang kapag malala na ang sakit. Sa loob ko, iniisip ko na talagang isa sa mga preparations sa pagiging magulang ay ang pagkakaroon ng lakas ng loob na harapin ang posibilidad na magkaroon ng sakit 'yung magiging anak. Pero, ang hirap naman ipanalo ng isang bagay na hindi naman ikaw ang lumalaban. Mahirap na umaasa ka nalang na sana sa sususnod na araw, sa susunod na sabado, okay na ang lahat.

This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Alden.
161 reviews31 followers
June 2, 2019
Grabe. Saludo ako kay Sir Ferdinand sa walang takot at walang bahid ng pag-aalinlangan niyang paglalahad ng kanyang mga pinagdaan sa buhay, magmula sa mga nakakatuwa, nakakatawa hanggang sa pinakamasasakit na yugto nito. Hindi biro ang mga naranasan niya sa kanyang buhay--sa trabaho, sa kaibigan, sa kakilala at lalo na sa kanyang pamilya. At hindi rin biro na isalaysay ang lahat ng ito. Kahanga-hangang kaya niya tayong patawanin, painisin, pakabahin at paiyakin sa librong ito ng kanyang talambuhay. Galing!

(Edited: Sa sobrang pagkadala ko sa huling kuwento, hindi ko namalayang pangalan ng anak ni Sir Ferdinand ang nailagay ko sa rebyu na ito.)
Profile Image for Gab of Green Gables.
192 reviews6 followers
August 17, 2025
Isa sa mga top reads ko ngayong 2025.

Itong creative non-fiction ay puno ng mga istorya na personal, raw at authentic mula sa buhay ng awtor. Napaka accessible ng writing style at dinadala ako ng storya sa probinsya na kinalakihan ng awtor maging ang mga lugar na naging parte ng kanyang buhay. Gusto ko rin yung pagiging connected ng mga kwento.

Mula sa pagiging taga-pulot ng tennis balls, pagiging parte ng banda hanggang sa pagpasok sa kumbento, napakayaman sa life experiences and lessons ng awtor at nagpapasalamat ako sa kanya sa kanyang pagbabahagi ng mga kwentong nakapaloob sa librong ito lalong lalo na ang huli kung saan kinuha ang title ng libro.
10 reviews
July 16, 2025
Bought this book last philippine book festival. it was a recommendation.

Habang binabasa ko ang libro, para lang akong nakikipagusap sa isang kaibigan ko at nagiinuman kami at nagshashare ng mga pinagdaanan pagkabata.. . Naraming sitwasyon na kukurot sa puso, papasayahin ka at mapapaisip ka. Ito ay patunay na marami tayo makakasalimuha są buhay natin na hindi natin alam ay may pinagdadaanan kaya't itrato natin ang isa't isa ng may pag-unawa at malasakit.

Salamat sa pagsulat at yakap para sa manunulat..
Profile Image for Renzon Capinpin.
18 reviews
September 30, 2017
Ang librong ito ay patatawanin ka, paiiyakin ka, wawasakin ka.Bawat sanaysay may kirot lalong-lalo na sa huling sanaysay 'Anim na Sabado ng Beyblade' hindi ko namalayan na may namumuong luha na pala saking mga mata.Ramdam ko ang lungkot, pagkawasak at mga luhang halos hindi na kayang punasan.Bawat mura mas domodoble ang kirot na nararamdaman ko habang binabasa ko..
Profile Image for PATRICK.
348 reviews23 followers
April 25, 2018
bukod sa casual na homophobia at machismo ni jarin, okay naman ang libro. gusto ko yung nakita ko yung buhay ng service crew, nung nagbanda siya, nung naging pulot boy siya... pero bukod sa lahat, si REBO lang talaga ang kalakasan ng buong koleskyon ng sanaysay ni Jarin.
Profile Image for Vicente.
20 reviews1 follower
May 24, 2023
Walang kupas kahit ilang beses kung basahin ganun at ganun parin ang epekto sa akin.Nakakawasak parin ng pagkatao at makikita mo nalang ang sariling umiiyak sa isang sanay bukod tangi ang panulat ni Jarin.
1 review
Read
June 5, 2019
I want to get Imformation!
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 30 of 58 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.