Jump to ratings and reviews
Rate this book

Galing Cine Cafeʹ

Rate this book
Damdaming nakabitin ng naghihintay na bading. Pag-iisa. Pa-aabang ng kung ano. Panandaliang pagniniig at ang pahabol na hininga. Hinabi mula sa hibla ng kagila-gilalas na buhay ng mga ordinaryong lalaking tumatambay sa mga sinehan at blue cafe, ang mga tula ay deretsahang magsalita tungkol sa mga tunggalian sa pagitan ng mga sugatang ego natin habang rumarampa o nakikipagrelasyon.

- Oscar Atadero

76 pages, Unknown Binding

First published January 1, 2005

1 person is currently reading
10 people want to read

About the author

Nestor de Guzman

2 books1 follower

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
4 (33%)
4 stars
4 (33%)
3 stars
3 (25%)
2 stars
1 (8%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 3 of 3 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
May 7, 2011
Kalipunan ng mga tula na sinulat ni Nestor de Guzman na nagtapos ng English studies (Imaginative Writing) sa University of the Philippines Diliman. Siya ay isa sa Katorse, isang grupo ng mga baguhang manunulat na kumuha ng Ricky Lee's scriptwriting workshop for film and television. Ito ang kanyang unang aklat.

Na tapat. At totoo. Walang pretensyon. Walang pailalim na motibo. Walang propaganda para isulong na tanggapin sila. Kundi'y magpahayag lang ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng makataong sining.

Unang aklat na binasa ko na tungkol sa mga Pilipinong bading. Mabuti na lang at nasa porma ng tula sa halip na prosa. Madaling basahin at eksakto ang emosyon. Para yong Out of Dust ni Karen Hasse. Kung ginawang nobela o maiikling kuwento ang mga ito, malamang matagal kong matatapos at 'di magugustuhan. O sa una't una pa'y, hindi ko binili.

Bubuksan ng mga tulang ito ang iyong mga mata tungkol sa buhay ng mga bakla. Hindi ko pa napanood ang pelikulang Serbis ni Mendoza nguni't sa mga previews at reviews parang kuwento 'yon ng mga lalaki at bakla na naglalaro (De Guzman's word) sa mga sinehan sa Cubao: ACT, New Frontier, Alta, atpb. Sarado nang lahat ang mga sinehang 'yan at may isang tula sa aklat na ito na nagbabalik-tanaw sa mga ala-ala ni De Guzman sa mga araw na naroroon siya at naghahanap ng panandaliang ligaya.

Sari-saring bakla, edad, hitsura at estado sa buhay. Sari-saring mukha. Mga Bayarang lalaki na maaaring bakla rin. Sari-saring mga relasyon. Na sa dulo'y nauuwi rin sa wala. Sa pag-iisa. Sa malungkot na pag-iisa.

Di ko binilang kung ilan ang mga tula. Wala ring hayagang kabastusan. Mabuti naman. Kundi'y ang mga tula'y hayag, malaya at diretsahan pagpapahayag ng isipan.

Nguni't mas nagustuhan ko ang mga halaw: yong mga base sa mga tulang sinulat sa inggles at maaaring isinalin ni De Guzman sa Tagalog o binalangkas para maging mas maganda. Para magkaroon ka ng ideya:
Isa lang
Halaw kay Jonathan Williams

Tanging hiling mo ay
isang lalaki, isang lalaki lang
na titingin sa 'yo
nang tapat,
kakamot sa likod mo,
makakasiping at
makakayakap magdamag

Isang lalaki,
isang lalaki lang.

Sa hiling mo,
pahinog
ka
sa buwan.
Ang tulang ito may kahalintulad sa If You Forget Me ni Pablo Neruda dahil sa lungkot at sa imahen ng buwan. Simple at pili ang mga salita ni De Guzman nguni't nakakalikha ang mga ito at nagiiwan ng mga imahen sa isip. Nagpapatunay ng kanyang talento bilang manunulat.

Kagaya ng Brokeback Mountain, alisin mo lang ang pagiging bakla ng mga tauhan. Kung ang pelikulang 'yon ay isang simpleng kuwento lang ng nasayang na pag-ibig, ang aklat na ito ni De Guzman ay simpleng pagpapahayag lang ng emosyon ng isang tao na naghahanap ng tunay na ligayang kay-ilap sa buhay.
Profile Image for Harold Fiesta.
7 reviews1 follower
August 22, 2025
Nabasa ko to around 2004 or 2005, I think. Bigay saken ng isang friendship na tinatawag kong 'Gran'. Sadly naiwala ko ang kopya. Bukod sa pagkakabind na madaling mahulas, tumimo sa 'ken ang lungkot ng gay culture hook up o cruise sa loob ng sinehan, mga panahong wala pang Grindr app; mga kwentong hinabi ng may pagtitimpi at humor, mga kwentong totoong-totoo't walang pretensiyon. Kaakibat na ata ng bakla ang paghahanap ng sense of worth sa ibang katawan while at the same time, negotiating/navigating bridge of bruised ego and self-love. Sa mga ganitong mapusok na paggalugad, walang ibang hantungan kundi ang hubad na sarili.
Profile Image for Zymon.
53 reviews
March 25, 2024
I owe my reading and owning of this book to Filipino poet Ned Parfan, who suggested it to me when I submitted a poem about gay love amid the darkness of the cinema to a creative writing workshop where he served as a panelist.

This collection is seminal, one that documents how it was to navigate desire (in a city) as a Filipino homosexual. Although it lacks lyricism, the straightforwardness of the writing style and, therefore, the narrative equips each poem with impact that only homosexual men can fully understand. The poems speak of the experiences of gay Filipino men searching for love and affection in the dark, as well as freely expressing oneself in a country where homosexuality is almost never welcome.

Aside from the cruising and effeminacy, what’s notable about the poems here is the way gay men look through their lives through the lens of shame. That is, before they can truly feel happiness, they have to suffer humiliation from both the oppressive society and their fellow gay men.

I wasn’t surprised upon realizing that my opinion about this book hasn’t changed years after I read it for the first tome. Even after I have discovered that I’m acespec, the queer experience Nestor de Guzman dramatizes here doesn’t feel distant.
Displaying 1 - 3 of 3 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.