Jump to ratings and reviews
Rate this book

My True Friends

Rate this book
Pag sinabing friend, nandyan ang friendzone. Ito ang mga iniibig nating tinuturing tayong kaibigan lang. Pag sinabing friend, nandyan din ang user-friendly. Ang mga nilalang na nagiging kaibigan lamang sa mga oras ng matitinding pangangailangan. Ika nga, a friend in need is a friend indeed. At huli sa lahat pag sinabing friend, nandyan din ang true friend.

Pero ano ba talaga ang isang tunay na kaibigan?

Siya ba ang kaibigan na mauutangan? Siya ba ang kaibigang manlilibre sa atin sa tuwing tayo ay maglalambing ng burger, chichiriya, bayad sa jeep, or sine? Ang magpapahiram sa atin ng iPad niya kapag tinatawag tayo ng kinaadikan nating app? Siya ba ay tunay na kaibigan dahil kunsintidor siya ng kalandian? O ang tunay na kaibigan ba ay ang taong magbibigay sa’yo ng atay kung sakaling bumigay na ang iyo? O siya ba ang handang papasukin ka sa kanilang tahanan sakaling ika’y palayasin ng iyong nanay o sa simpleng kadahilanang natatae ka lang? Iba’t-ibang tao ang ating makikilala at iilan lamang ang mapapabilang sa ating barkada. May mga mababait, kups, emo, laging late, madaldal at nandyan ang tiga-kwenta ng mga babayaran tuwing kakain tayo sa restaurant. Boy-girl-bakla-tomboy-butiki-baboy ang mga barkada natin. Comes in all shapes and sizes.

Sa labas ng ating barkada, nandyan ang mga taong “others.” Hindi natin sila kinakausap dahil iba sila. Maaring iba sila dahil iba ang kanilang trip, itsura, o idol nila ang mga taong nababaduyan tayo?

Maaring iba din sila dahil iniimagine lang natin at hindi natin sila kinikilala. Kailangan nating kilalanin, intindihin ang mga sari-saring tao. Yan ang dahilan kung bakit nasa’yo itong libro na ito. Ipasagot mo ito hindi lamang sa iyong mga friends kundi sa ibang tao rin. Ipasagot mo sa mga istambay, sa mga sosyal, sa mga rockers, sa matatanda, sa mga taong grasa at sa mga taong iniidolo ang mga taong nababaduyan tayo upang mas maintindihan natin sila.

With understanding comes tolerance, and with tolerance comes World Peace.

—Ramon Bautista

Mass Market Paperback

Published January 1, 2013

10 people are currently reading
395 people want to read

About the author

Ramon Bautista

5 books503 followers
"Ang pinagpalang misyon ko sa mundong ito ay magpasabog ng kaligayahan sa pamamagitan ng pag-ibig at gandang lalake." -Ramon Bautista

Ramon Bautista is a self-proclaimed internet action star and next boyfriend material. He took up Film and Audio-Visual Communication in the University of the Philippines as his undergraduate course and pursued graduate studies in the same field. He is a university teacher, radio DJ, TV show host, film producer and commercial model.

From Ramon Bautista's "About the Author Page" in his first book

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
144 (62%)
4 stars
30 (12%)
3 stars
19 (8%)
2 stars
19 (8%)
1 star
19 (8%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
10 reviews1 follower
October 4, 2016
PINAKAMALAKING AKSAYA NG PERA SA BUONG BUHAY KO. PERIOD.
Displaying 1 - 2 of 2 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.