Mataas ang aking expectations sa librong ito, hindi lang dahil sa popularity nito kundi dahil din nabasa at nagustuhan ko ng sobra and isa pang series na sinulat ng author nito. Ngunit bumaba ang tingin ko sa Voiceless nang mabasa ko ang buong storya.
Sa umpisa, interesting ang storya. Ito ay tungkol sa isang babaeng hindi sinasadyang magkaroon ng nakakahiyang eksena sa harapan ng maraming tao at nag-end up na isang personal assistant ng kanyang paboritong banda, and Syntax Error. Siguro nagamit na ang ganitong idea, pero ito ang unang beses na makabasa ako ng libro tungkol sa isang fangirl na naging lover ng kanyang favorite celebrity. Para lang siyang isang fairytale.
At 'yun na nga ang problema. Sobrang perpekto ng storyang ito na para na siyang fairytale.
Siguro nga hindi naman siya ganun ka-perpekto. May mga paghihirap na pinagdaraanan ang mga characters ng storya na ito. Lahat sila ay mayroong minamahal na nais nilang makasama. Ang pinaka-main character ng Voiceless na si Momo ay ang iyong typical love story protagonist. Siya ay hopelessly in love kay Snyc, ang lead singer ng kanyang paboritong banda, ngunit hindi niya maabot ang pangarap niyang maging kasintahan ito dahil sa isang hadlang na nangangalang Iris. Syempre iisipin niyong hindi naman talaga flawless and storya ni Momo kung mayroon siyang karibal, pero alam naman nating lahat na sa huli ay magwawagi si Momo. Halata ring ang ibang characters ay magkakatuluyan sa isa't isa. Napaka-predictable.
Lahat ng main characters (ang best friend ni Momo at ang iba pang Syntax Error members) ay may nakatuluyan. At syempre, ang mga naging boyfriend at girlfriend nila ay kapwa main character din. May isang couple na halos ilang araw pa lamang magkakilala ay mag-syota na agad, at si Momo naman, kahit hindi pa naman niya masyadong nakakasama ng matino si Sync, mahal na niya agad. Masyadong fast-paced ang romance dito, kaya napaka-unrealistic. Tulad nga ng sinabi ko, perpekto ito masyado kaya walang ni isa sa mga main characters ay walang kasintahan.
Medyo flat din ang mga characters. Halos lahat sa kanila ay walang characterization. Kumbaga parang wala silang depth. Ang nakikita lang natin sa kanila ay kung ano sila ngayon. Hindi pinakita sa atin kung ano ba talaga ang pinaggagawa nila sa buhay nila bago sila bumuo ng banda o naging fans nito. Si Iris, parang walang katauhan. Parang antagonist lang talaga siya, ang panggulo sa love story nina Momo at Sync, panira sa Syntax Error, at wala nang iba. Wala rin masyadong character development.
Opinyon ko lamang ito, kaya sana maintindihan niyo. Pero sa tingin ko naman kahit maraming flaws ang storyang ito, kung mahilig naman kayo sa romance, magugustuhan niyo ito.