Lahat naman siguro tayo ay gustong magkaron ng mala-fairytale love story, yung tipong bestseller na romance novel ang dating. Tipong sold-out palagi sa bookstores, gagawan ng movie adaptation at makakarelate lahat ng mambabasa. Kwentong nakakakilig, nakakainspire at nakaka-in love. Kumbaga, love story peg!
Ako? Akala ko hindi ako kasama sa “lahat” na yun. Mas trip ko pang magsulat na lang kesa ako yung makaranas nun. Tsaka hindi bagay sa’kin! Sa mga kaibigan ko okay pa, pwede pa akong kiligin. Pag ako na, sobrang labo.
Pero eto ako, sinubukan kong isulat ang love story namin. Umaasa na sana, kasing perfect at nakakakilig ng mga nasa bestsellers list. Na pagkatapos basahin, ramdam ng mambabasa na in love rin siya.
Kaso yang note na yan eh, panira.
Then I realized, may boundary pala talaga ang fiction at non-fiction. Kahit anong sulat ko ng magaganda at nakakakilig na scenes o lines, hanggang papel na lang yun. Sobrang labo na mangyari sa totoong buhay, lalo sa aming dalawa.
Bakit ko nga ba nagustuhan ang librong ito? Simple lang. High School kasi ang theme. Marami naman na akong nabasa na high school din ang theme kaya lang western culture. Iba pa rin 'yung sa atin talaga. Kumabaga, makaka-relate ka. Actually, stress reliever ko 'to nung 2012. Parang TV series na inaabangan 'yung paga-update nito sa WP. Hindi naman s'ya totally maganda pero nakaka-refresh lang sa acads dahil nga high school 'to. Alam naman natin na ibang-iba ang high school sa college. Iba ang epekto satin nito. Habang binabasa ko 'to, 'di ko mapigilang mag-reminisce ng high school days ko- yung hirap sa C.A.T, deadline sa school newspaper, contests, yung pagtakas kapag cleaners kayo sa room, batuhan ng rags, 'yung pagpapaiyak sa teachers namin lalo na sa math (Algebra and Trigo), 'yung times na tinapon ng AP teacher namin 'yung mga test paper namin dahil gumagawa kami ng science homework sa time n'ya, 'yung paghabol ng principal sa mga pasaway at nagka-cutting na estudyante (oo, hinahabol n'ya talaga!), 'yung time na nahuli 'yung mga kabarkada ko na nagbabasa ng pocketbook sa time ng Values namin (ugali kasi namin na iipit ang mga iyon sa acad book, then voila! parang nag-aaral ng mabuti), at maraming-marami pang kalokohan.
Minsan, feeling ko medyo OA na si Barbs. Ang gusto ko lang sa kanya, wala siyang pakialam basta isusuot n'ya ang gusto n'yang isuot at sasabihin n'ya ang gusto n'yang sabihin. Ang ayoko, napakaraming beses na nandyan s'ya para sa mga kaibigan n'ya pero hindi n'ya binigyan ang mga ito ng pagkakataon para maging nandyan din sila para sa kanya. Bakit kailangan umasta na sobrang tapang mo? Mas nagtiwala at nag-open s'ya kay Cyrus na kakikilala pa lang naman niya. Kay Cyrus... Pero hindi kina Chester at Wes na kasama na n'ya simula nung elementary o kay Rocky, Janine at Vivien na barkada n'ya simula first year high school. Ano naman kung nalaman ni Cyrus yung una n'yang sikreto? Kung ako yung isa sa mga kaibigan ni Barbs, may part na mauunawaan ko s'ya pero may part na magtatampo ako at tatanungin ko ang sarili ko na hindi ba ako dapat pagkatiwalaan? Friendship is about trust kasi. It's about sharing. I know, friendship is about privacy, too. Hay ewan!
Kay Cyrus naman, nung sa WP ako nagbabasa. Gusto kong magkatuluyan sila ni Barbs. Pero ngayong inulit ko yung libro, hindi na ako sure. Bakit nga ba tinulungan ni Cyrus si Barbara dun sa istorya nito? Dahil gusto n'yang tumulong? Wala siyang magawa? Iyon yung pag-cope n'ya sa break-up nila ni Tatin? Minsan hindi ko maintindihan si Casabueno. Masyado siyang malalim. Hindi ko alam kung ano talaga yung iniisip n'ya. In a way, ginulo n'ya ang mundo ni Barbs and at the same time tinulungan n'ya ito. Masyado kasi silang nag-open sa isa't isa ni Barbs. Sabi nga, 'wag natin masyadong i-open ang pagkatao natin sa iba dahil mahuhulog sila. 'Yun nga, nahulog 'yung isa. Pero hindi sinalo ni Cyrus si Barbara.
Sa ending nito, naiintindihan ko na kung bakit pinili ni Barbs si Seth. Si Seth na kahit malalim, tahimik at medyo mayabang. Mas nababasa ko si Seth. Nung kailangan ni Barbs ng kaibigan, si Seth yung nandyan. Sabi nga ni Maya Angelou, "I've learned that people will forget what you said, people will forget what you did, but people will never forget how you made them feel." Sinaktan ni Cyrus si Barbs. Sinagip ni Seth si Barbs. Kahit na natauhan si Casabueno, mahirap kalimutan ang sakit. Mahirap kalimutan ang pakiramdam nang iniwan.
Para kay Lean at Vivien. Sorry sa mga fans nito, pero 'di ko talaga feel. Dapat nilugar ni Lean ang sarili n'ya. Kahit na ahead lang siya ng ilang years, teacher pa rin siya. May time kasi para sa professional at personal na bagay. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagagalit si Vivien kay Lean. OK na nung una, tapos nung nalaman n'yang ate ni Cyrus yung ex ni Lean, nagalit bigla. Ex na nga e. Dahil hindi sinabi? Malabo pa naman ang relasyon nila. At actually, wala siyang karapatan dahil hindi naman sila. Ewan ko sa mga taong in-love, parang nagugulo ang judgement nila sa mga bagay-bagay.
OK naman dun kina Chester at Janine. Natutuwa ako sa kaartehan ni Hapon, pampakulay lang sa kwento. Nakakatuwa rin sina Rocky at Wes, naaalala ko sa kanila sina Jersey at Kevin ng TDG.
Para sa lahat ng mga kabarkada ni Barbs, kahit kelan ba hindi nila naisip na front lang ni Barbs yung mga pinaggagagawa n'ya? Or kung may problema ba si Barbs, tinanong ba nila? O magaling lang talaga magtago si Barbs? Si Seth, dama ko na may pinagdadaanan rin. At feeling ko iiwan n'ya rin si Barbs sa TMEUAS (pero valid reason), gut feeling lang naman. Sana dun, hindi na tumakbo si Barbs. Lagi na lang kasi siyang tumatakbo, sa nakaraan, kay Vicky, kay Cyrus. Sa WesKy, mag-work-out kaya? O makakakita ng iba si Rocky ng iba sa LB? Hindi ko makita kung anong mangyayari sa ChesNine. Si Vivien naman feeling ko maiin-love sa iba tapos dun naman darating ulit si Lean.
All in all, sa magkakabarkada lang naman umiikot ang kwento. May times na naiirita ako o natatawa. Ayos lang. Pampa-refresh lang ng utak kung college student ka na ngarag sa academics life. At saka pampa-miss na rin ng high school.
★★★★ // (read the Wattpad version) i enjoyed reading this a lot because the characterizations were so distinct. these teens felt real and true to life. i still find some events OA and extra dramatic than they need to, but i truly enjoyed this journey. also, barang and tuko forever.
This book has a special place in my heart. I first read both the wattpad and self-published version during my senior year in high school, just like the characters in the book, hence the intense bond I have with them. In retrospect, this book made me look at my high school self and the events that happened during those years and reminiscence. I have a lot of gripes and problems with this book upon reread now as an adult, but the nostalgia was so real and on point, I really couldn't ignore it. So take this review with a grain of salt because as much as I love the coming of age story between this group of friends, a lot of them has very toxic relationships.
I also would like to just say my peace, but what the fuck is Leandro, a fucking grown adult teacher flirting with Vivien who is canonically 17 years old in this book? I remember how this book made me romanticize the student-teacher relationships when I was in high school and I'm disgusted. Granted, Viv and Lean was not endgame here, but there's something between their interactions that now as an adult made me physically sick reading.
Another thing, which is not explicitly stated on the original wattpad version and was treated as a mystery, the reason why Anya and Lean broke up. What the actual fuck?! And from what we can infer from Cyrus' last words to Lean, he was the one who did not want to break up with Anya and yet he also badmouths her behind her back and made him look like she left him. It's all a convoluted mess and I hated it. Will definitely not read their book if they have one.
Overall, I think I have an equal amount of likes and dislikes with this book and I can't, for the life of me, give this a perfect 5-star rating. It is still a very important and cherished book for me and my high school self. I love the coming of age and friendship stories. The romance, not really. I just wish TMEUAS was finished as well because I really want to see these characters during college. I feel like I grew alongside them and they have a special place in my heart.
"Find too much about a person, then you'll lose interest." - Seth Bello
Hahahhaha... I couldn't believe that I'd be reading this book, and yesterday, tapos ko nang basahin! Haha. No, I wasn't planning to. It was just an accident. Ewan ko kung matatawag ko 'yung aksidente. I actually let my students read any Filipino book of their choice except for PHR (kadalasan kasi pang-adult ang mga kaganapan :D). I told them to choose either OMF Lit books or Wattpad/Popfiction whatever. Pinasuri ko sa kanila yung napili nilang libro 'cause they will defend it "soon". Tapos yun nga, after a few months, I've expected them to finish the book and instructed them to submit the title of the book they're reading and its author, if possible, ipasa na sa akin ang books na tapos na nilang masuri so that I can also read them, para hindi naman ako parang tanga sa pagtatanong sa araw ng oral defense. So, ayun na nga! Nabasa ko tuloy 'yung mga libro nila, tapos...nagustuhan ko rin. Every 5:00PM pagkatapos ng klase at lahat ng gawain sa paaralan, nagmamadali agad akong makauwi ng bahay para makapag-concentrate sa pagbabasa. HAHAHHA. Balik teenager lng??? 'Di naman! For "oral defense" questions purposes lang talaga.. Hahhaha.
Hmmm... Nainis ako sa ugali ni Barbara sa mga first parts ng book na 'to, pero ok lang naman.. At least, maganda 'yung ending n'ya. At least, she knows her priorities at hindi siya nagmamadali. At totoo, 'yung mga lalaking characters dito, nakalilito talaga 'yung mga ugali. Kung weird si Barbara, mas weird sila. Ang hirap nilang intindihin. Mga ungas! I think ganoon din sa totoong buhay. Kaya... Aral lang muna tayo, pare.. ARAL!!!
Anong maibibigay kong kritik sa libro? Kulang pa nang kaunting detalye sa mga actions. Hindi ko masyadong ma-imagine kung ano na ang ginagawa ng mga characters. Nakaupo pa lang, tapos naglalakad na pala..haha. Ayusin na lang konti sa details. Pero thanks! Nag-enjoy naman ako!
i read this on the book version under pop fiction. i appreciated the story even though I was bored in the first chapters.
this book is kinda unique for me because Barbara Ramirez didn't choose between Cyrus Casabueno and Seth Bello. ito yung fist story na nabasa ko na walang pinili ang leading lady between those two guys. she chose herself.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Ito talaga ang pinaka fave kong wattpad story, hindi ko naman talaga toh gustong basahin dati pero dahil bored ako ay binasa ko nalang, nung una parang ayoko na talagang basahin toh dahil sobrang boring at nakakainis ang ugali ni barbs, pero tinuloy ko na lang ang pagbabasa hanggang sa maging addict na ako sa pagbabasa nito. Unique ang story may kwenta ito at hindi puro kilig lang may matututunan. Sabi nung iba hindi daw ito nakakakilig dahil sobrang boring pero pag nasa gitna ka na sobrang kilig na mararamdaman mo tapos biglang iyak. Maganda ang flow ng story na ito. Basahin niyo na sobrang ganda talaga ♥
I've read this story on wattpad many years ago then I got myself a physical copy of it and decided to re-read it again but was surprised because nag-iba yung ending. Honestly though, I like the book ending than the one on wattpad.
I also really, really love the story and the characters. Every character has their own personality as well as story but of course, mas nangingibabaw yung struggles nung FL sa love. Hayyy.
This book will always have a special place in my heart 💜
The best. Sa lahat ng stories ni At eLeng, eto na siguro ang pinaka alam kong pinaghirapan niya (as for now) grabe lang. Dama mo eh. Fictionly non fiction ang peg azar lang. Good Job ate leng! Forever fan mo ako ahihi.
Bakit ko nagustuhan ang story na 'to? Simple. Highschool ang setting. Young love, right? Leng simply and clearly drew the line between fantasy and reality. My most favorite in this is that you (must) expect sudden changes.