What do you think?
Rate this book


99 pages, Paperback
First published January 1, 2013
Me: Ano yung narinig ko? Ikaw, Luisa? Naku-cute-an sa sapatos ni Ada? Eh di di ba doll shoes yun?
Louie: Hindi naman ako fan ng doll shoes masyado. Masyadong girlie.
Me: Kaya napatingin ako kasi akala ko doll shoes.
Louie: Natutuwa kasi ako sa ganoong shoes eh. Pangit lang yung paa ko kaya di ko maisuot.
Me: Mag-doll shoes ka kasi. Yung high cut.
Louie: Hahaha!
Me: Kung may mahahanap kang ganun.
Louie: Parang sapatos na confused.
Me: Yung pinipilit na magkasya, magfit in, eh hindi naman talaga.
Louie: Korek.
Me: Hanap na lang kasi ng ibang sapatos. Ipagpilitan ba?
Louie: Yung naghahanap ka ng size 9, eh last pair na… size 7. O kaya yung naghuhumiyaw na shocking pink ang gusto mo eh ang itim naman ng paa.
Me: Size 5 ako. At ayokong bumili kapag sale. Wala akong laging size. Ayaw mo ng neon green?
Louie: (Tuloy parin sa kasentihan niya) Kung minsan kahit di naman bagay sa’yo, di ka naman komportable pero binibili mo pa din kasi yun ang gusto mo. Pakialam ba ng ibang tao eh pera mo yung ginastos mo. Sino ba ang mahihirapang magsuot ng high heels habang umaakyat ng MRT, sila ba?
Me: Sigh.
Louie: Bottom line is huwag ipagpilitan ang paa mong pang wicked stepsister sa sapatos ni Cinderella. If it does not fit, di kayo meant to be.
Kung napag-usapan ninyo nang mabuti at naghiwalay kayo ng maayos, hindi siya "The One that got away." Siya lang ang "The one who left" or "the one you left behind."
From The One that got away
Ampalaya 3. May bago na siyang girlfriend? Magsama sila. Isang basura, at isang basurera.
From Ampalaya Trilogy
