Simple lang ang pangarap ni Agnes - ang magkaroon ng simpleng buhay, na walang komplikasyon na gaya ng mga nababasa niya sa mga nobelang ine-edit niya. She wanted world peace, love, and unity for all mankind. Ngunit dumating sa buhay niya ang isang panggulo - si Val. Daig pa nito ang surot na walang ginawa kundi ang sumulpot-sulpot sa buhay niya at gawing imposible ang mga dumarating na araw sa kanya. Alam niyang kaya niyang i-handle ito - kung hindi lang nakigulo rin ang puso niya. Subalit kahit ganoon, parang mas masaya siya ngayon sa kaguluhang hatid ni Val at ng makulit niyang puso kaysa sa world peace, love, and unity for all mankind.
Sonia Francesca is a Filipino romance novelist who writes for Precious Pages Corporation. She is the writer of the bestselling series The Billionaire Boys Club and Stallion. She co-wrote the series Calle Pogi with fellow Precious Pages Corporation writer, Keene Alicante.