Isang mumu hunter si Elly. Pero hindi gift ang turing niya sa kakayahan niyang makipag-communicate sa mga kaluluwang-ligaw kundi isang malaking pasanin. Kaya kinailangan pang pilitin siya nang todo ng kaibigan niyang si Winnie para tulungan si Brent na alamin kung bakit may stalker ito na kaluluwa.