Ang “Mga Kalansay sa Hardin ng Panginoon” ay koleksiyon ng mga piling maikling kuwento ni Ronaldo Soledad Vivo, Jr. mula 2012 hanggang 2023.
“May pangkalahatang pakiramdam ng pagiging basag, sabog, at putol-putol ang mga akda sa koleksyon. Sinasadya man o hindi, maaaring mahinuha sa anyo ng pagkukuwento ang pakiramdam ng pag-iwas sa mga nakasanayang kaayusan. Maaaring magkaroon ng pakiramdam, sa pagbabasa ng mga kuwento ni Vivo, ng pakiramdam na ang mga manunulat/tauhan/mismong mga istorya ay may hindi pagsang-ayon sa mga bakas at pagpapahiwatig ng kung ano ang itinatrato bilang “wasto” o “maayos” sa ating daigdig.”
- Vladimeir Gonzales UP Diliman, Professor Writer, Translator, Playwright
“Para sa iba, na ang default setting ay panatiliin ang world peace sa volatile na ngang komunidad, signos ang pagsulpot ng mga tulad ni Vivo ng gunaw—isang hindi magandang pangitain. Pero kung ako ang tatanungin, ang mga sandaling ito ng tunggalian, girian, polemiko, kumprontasyon, at dikdikan ang kailangan upang makaalagwa ang panitikan ng Pilipinas mula sa matagal nang pagkabalaho nito sa isang napakapiyudal at napakakonserbatibong burak-kumunoy. Kung ako ang tatanungin, ang mga tulad ni Vivo ang magtutulak sa panitikan ng Pilipinas sa mga landas na pinangingimian nitong lakaran.”
- Amado Anthony Mendoza III UP Diliman, Professor Novelist, Translator
“The stories in this collection come together as a tapestry of violent histories of contemporary Philippine society. What you are about to read from Ronaldo Vivo Jr. is a testament to his narrative prowess as a weaver of words as he delves into issues and scenarios from his understanding of the human condition. The characters in his stories sing the familiar melodies of struggle while attempting to be true to their own tune and truth amidst the political and cultural nuances of Philippine realities”
- Christine Lining Bulandus Poet and Visual Artist Melbourne, Australia
Ronaldo Soledad Vivo, Jr. is the author of the Dreamland Trilogy—'Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat' (The Power Above Us All), 'Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa' (The Abyss Beneath Our Feet), and 'Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat' (The Loathe Within Our Rotting Flesh). He is an award-winning author, having been a finalist for both the Madrigal-Gonzales First Book Award and the National Book Awards for novels, and a recipient of the Gawad Bienvenido Lumbera for short fiction. He is the founder of UngazPress, a collective of writers from the town of Pateros. As a musician, he operates Sound Carpentry Recordings, which releases music on cassette, CD, and vinyl for worldwide distribution. He also serves as the drummer for bands such as Basalt Shrine, Abanglupa, The Insektlife Cycle, Dagtum, and Imperial Airwaves, among others.
Dalawang linggo na noong natapos kong basahin ang librong ito, ngunit may mga storya na kahit sa panaginip ay nakakasama ko. Ito ang unang libro na nabasa ko na akda ni Ronaldo S. VIvo Jr. Hindi ko alam kung ano ang aasahan, hindi ko alam kung anong klaseng mga kwento ang mababasa ko.
May sorpresang hatid ang bawat katapusan ng mga storya sa Mga Kalansay sa Hardin ng Panginoon. Mahusay ang pagkakalatag ng bawat storya, may diin, may poot, may kawalang pag-asa. Sinasalamin nito ang iba’t ibang reyalidad ng mga Pilipino sa pang araw-araw na buhay. Ang nakakabilib sa librong ito ay ang kakayahan nitong mag-iwan ng impact sa sinumang magbabasa nito. Ang mga kwento ay may lalim at mensahe na nais ipahiwatig, magkakaiba ngunit magkakaugnay.
Mga Kalansay sa Hardin ng Panginoon ay isang akda na labas sa normal na kwento mababasa natin, nakasentro ang mga kwento sa pangit na bahagi ng buhay at kasaysayan. Mabigat at madilim na tema ang bentahe ng Mga Kalansay sa Hardin ng Panginoon, ang klase ng akda na magdudulot ng kakaibang emosyon - takot, pagkabalisa at patuloy na pagkwestyon sa karakter at abilidad ng tao na gumawa ng masama.
Mga Kalansay sa Hardin ng Panginoon ay isang tapat, bagaman fiction, na paglalathala ng nangyayari sa komunidad dito sa Pilipinas. Hindi nakakagulat, ngunit importanteng mapagusapan.
Putting this as 4-stars because of the jumbled pages of my copy, it took a little bit of time just to get 2 short stories done. But I am happy that I was able to see the collection and its tidbits rehashed to put additional layers on his Dreamland trilogy. This fills in some of NPCs outside the main world of his three novels.
I forgot to ask him if Erik Matti is aware of the character Kuwestiyon because a specific film character reprised in the film Buy Bust.
PS: Most hated story: Backpay Blues (Vivo is not yet adept to flesh out a female main character) Most recycled materials: Ang Embalsamador Ni Hesukristo at Dianson Park Most endearing story: Tuwing Naglalaho ang Ating mga Anino
Hindi karaniwang paksa ang pinapaksa sa mga maikling kuwento sa antolohiyang ito. Pinakanamamayagpag na tema sa kalipunan ay ang kalakaran hinggil sa illegal na droga.
Ambag din sa patuloy na lumalago na korpus ng mga akdang pampanitikan hinggil sa krimen ng rehimeng Duterte ang koleksyon ni Vivo. Malinaw naman sa atin na sa ilalim ng huwad na kampanya kontra-droga ng rehimeng Duterte, pinapaslang ang maliliit at mga walang kinalaman sa illegal na droga, ipinagkakait ang due process sa mga nasa laylayan samantalang pinapawalang sala ang mga makapangyarihan. Sa kalipunan ni Vivo, makikitang maliit na kasangkapan lamang ang mga pusher sa negosyo ng mga pulis at drug lord, papaslangin sila nang mas masahol pa sa pagpaslang sa hayop kung hindi sila tumutugma sa interes ng sinumang makapangyarihan sa kalakaran ng droga.
Kalakasan din ng akda ang lay-out nito: May larawan bago ang kada akda, at may tatlong salita na mistulang susing mga salita sa kada larawan. Nagbibigay ng clue ang mga salitang ito sa mambabasa hinggil sa susunod na kuwento ngunit hindi sa paraan nang pagiging spoiler.
Sa lahat ng akda sa kalipunan, pinakanagustuhan ko ang “Maligayang Kaarawan, Karimlan,” sapagkat nagsisilbi itong komentaryo ng may akda sa kabulukan ng kapulisan, at sa kinakalawang na sistema ng serbisyong pangkalusugan sa bansa. Pasintabi sa spoiler: Hindi magiging pusher si Mang Boyet kung may maayos na serbisyong pangkalusugan sa bansa para malunasan ang sakit ng anak na si Jerbi. Sa maiksing sabi, sa maikling kuwento ito, malinaw na biktima ang drug pusher.
Kabaligtaran naman ang pagsasalaysay sa sumusunod na mga akda, kaya problematiko ang mga akdang ito: “Walang Imik ang mga Puno ng Saging,” “Dianson Park,” at “Catcher.” Hindi natalakay nang mabuti sa mga akdang ito—sadya man o hindi ng manunulat—ang pagiging biktima ng mga biktima ng illegal na droga. Ang pangunahing tauhan sa naturang mga akda—lalo na sa unang dalawa—ay lumpen—nagtataglay ng alinman sa sumusunod na katangian o kombinasyon ng mga ito—tamad, iresponsable, barumbado. Sa “Walang Imik ang mga Puno ng Saging,” halimbawa, sa isang dekadang pakikipagrelasyon ni Marife sa Hapon, wala man lang ginawa si Ador para magkaroon ng hanapbuhay at/o negosyo para hindi na siya umaasa sa sustento ni Marife?
Sa maiksing sabi, problematiko ang ilang akda sa kalipunan sa representasyon nito sa maliliit.
Marahas din sa mga tauhan si Vivo. Malagim ang sinapit na kamatayan ng mga tauhan sa kanyang mga akda. Bagama’t inirerespeto ko ang estilo niya bilang kuwentista, nais ko ring sabihing maraming paraan ng paghahatid ng lungkot sa kuwento, hindi lamang sa pamamagitan ng karumal-dumal na mga kamatayan. Hindi ko matanggap ang kamatayan ng batang si Marla sa “Walang Imik ang mga Puno ng Saging” sapagkat hindi ito tumutugma sa kabuuan ng kuwento. Mahal na mahal ni Ador ang anak, papaano niya nagawang tagain na lang ito at isahog sa igado? Sabihin mang may impluwensiya rito ang droga, matino naman si Ador sa mga panahong nakatakda siyang kumuha ng dahon ng saging. Bukod sa hindi makatuwiran ang ginawa ni Ador, hindi inihanda ni Vivo sa gayong krimen ang mambabasa. At ang pinakamatindi pa, walang bigat ng loob kay Ador sa ginawa niya sa anak.
Nakukulangan din ako sa sensibilidad sa mga akda. May kuwento na nagaganap--maaksyon nga ang karamihan ng mga akda--ngunit halos puro eksternal lamang. Ano ang nadarama ng mga tauhan? Ano ang tumatakbo sa kanilang isip? Kulang sa bahaging ito ang mga akda, maliban na lamang sa tauhang si Mang Boyet sa "Maligayang Kaarawan, Karimlan." Napakahalaga ng sensibilidad para makapaghandog ng dunong sa mambabasa ang akda, sa pamamagitan kasi ng sensibilidad ay nauunawaan ng mambabasa ang kalooban at pananaw ng ibang tao.
Madilim na eskinita, maputik na daan, duguang sahig na sumasargo sa ilong ang sangsang, mga tiwaling pinunong bayan at mga sugapang alagad ng batas, nabubulok na lipunan, rebolusyon sa kanayunan---iyan ang mga kalansay na matatagpuan sa Hardin ng Panginoon. Nasa bawat pahina ng aklat ang mga bagay na pilit iniiwasang isulat ng iba, at narito si Ronaldo S. Vivo, Jr., walang-takot na ibinabalagbag sa inyong harapan ang mga nangyayari sa ibaba---sa ilalim---sa isang lipunang pinamumugaran ng mga buwitre't buwaya.
Sabihin man ng ilan na walang ipinagkaiba ang mga kuwento sa aklat sa mga nababasa nila sa balita, eh ano naman? Kailangang paulit-ulit na ikuwento ang realidad, kailangang ipamukha sa lahat na ito ang namamayaning lipunan na di binibigyang-pansin, na pilit pinipikitan ng mata ng marami, na patuloy binabago patungo sa tunay na Dreamland---sa lipunang malaya at walang pagsasamantala.
Sabi ni Sir Nal sa kanyang mensahe noong nagpa-pirma ako sa kanya "Huwag Maligaw sa Hardin" kaya nung sinubukan kong pumasok sa Hardin ng Panginoon ay sinubukan kong sundin ang kaniyang payo. Bilang siya ang may katha sa mundo ng Dreamland, naisip ko baka isa itong gabay upang hindi ako mawala sa Hardin. Ngunit habang binabasa at nilalakbay ko ang hardin pakiramdam ko hindi buo ang "experience" ko kung manantili lamang akong nakamasid at nakatingin sa mga nangyayari.
Kaya sinuway ko ang payo ni Sir Nal. Mas pinili kong lalong pasukin ang lalim at kaguluhan ng bawat maikling-kwento na laman ng aklat. Mas pinili kong makita ang huwad na katotohan sa bawat pinagdadaanan ng mga karakter na sa mga normal na pagkakataon ay tinitignan lamang natin ipinagsasa walang bahala. Pitong maiikling kwento ang laman ng aklat at higit sa 20 mga karakter ang nagpapaikot sa mga ito. Iba't ibang mga karakter pero pare-parehong alipin ng mapang-api at maduming sistema. Lahat naman siguro tayo ay nagiging biktima ng sistema pero sa pagkakataong ito, tila wala pa sa hinagap ng ating mga naranasan ang pinagdaanan ng mga karakter dito.
Kung mabibilang lang ang piraso ng sigarilyo na nagamit sa buong akda parang kulang ang tatlo o kahit limang kaha. Kasabay ng pagkaubos ng kanilang mga yosi ay ang pagkaubos din ng kanilang mga pag-asa at pagkakataong mabuhay nang matiwasay; Hanggang sa tuluyan itong maupos. Sa pagsipa ng nikotina sa ulo ng mga karakter tila suntok naman ang hatid nito sa mga mambabasa, hindi lang nito ipinapakita ang pangit na katotohanan ng buhay dahil ipaparamdam, ipapa-amoy, at ipapa-ranas ito sayo ng akdang ito. Naipakita rin sa bawat kwento sa akda kung paanong nag-iiba ang anyo ng kagipitan at ng mga taong dinadapuan nito.
Tila isang rollercoaster na bungi bungi ang akdang ito. Iaakyat ka sa mataas na emosyon at saka ka ibabagsak muli sa lupa. Minsan naman ay paulit-ulit kang paiikutin at kapag hilong-hilo ka na saka ka nito bubuhusan ng malamig na putik na siya namang mag mamarka hanggang sa iyong kaluluwa. Muli, naipamalas na naman ni Ronaldo Vivo Jr. ang pagsulat ng huwad na katotohanan, isang literaturang walang itinatago. Bilang isang avid fan ng Dreamland series medyo nakakatuwa rin ang iilang mga pagkakataon na nababanggit ang mga may kinalaman sa Dreamland Trilogy kagaya na lamang ng hardware ni Boss Rey.
Ilan lamang ito sa mga salitang pang-uri na matutunghayan sa aklat na "Mga Kalansay Sa Hardin ng Panginoon" na isinulat ni Ronaldo S. Vivo, Jr. at inilimbag ng Isang Balangay Media Productions.
Bagamat kathang isip ng manunulat ang mga kuwentong naibahagi sa aklat na ito, ang bawat pahina nito ay may bahid ng katotohanan na magpupumilit sumiksik sa iyong isipan.
Unti-unting bubuhayin nito ang nagtatagong pag-asa na makitang maayos ang pamumuhay at pamumuno sa ating bansa.
Marahil matagal na nakahimlay sa ating mga ugat ang dugong dumadaloy at naghahatid ng pagbabago. Natabunan na ito ng samu't saring pangyayaring umiinog sa buhay ng bawat isa.
Matapos kong basahin ang aklat na ito, ako ay napatigil at saglit na nag-isip. Tama ba ang mga desisyon na nagawa ko tungo sa pagbabago? May magagawa pa ba ako bilang isang simpleng mamamayan upang maisaayos ang marahas at baluktot na sistema na sumasakal sa malawak na saklaw ng lipunan?
Masakit sa dibdib na tila wala akong magagawa hangga't naghahari ang mga makapangyarihang uri.
Ako ay natahimik at napapikit. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagod.
Pagkagising ko ay lumabas ako at saglit na naglakad hanggang sa aking nakita ang bukang liwayway na masayang nakikipagsayawan sa makulay na bahagi ng kalangitan.
Isang paalala ang naibigay sa akin. Hangga't may hininga, may pagkakataon pa.
Nagpapasalamat ako sa manunulat na katulad ni Ronaldo Soledad Vivo Jr. na masugid na nagpapaalala sa lahat ng mamamayan na mayroon pang pag-asa kahit ito ay hindi man natatanaw sa mapangahas at mabilis na agos ng buhay.
As expected, hindi na naman ma-preno ang mga salitang binitiwan sa aklat na 'to tulad sa Bangin.
Sa pitong (7) maiikling kuwento, tatlo (3) ang pinakang-nagustuhan ko: 1. Dianson Park—binabasa ko na yung kasunod na kwento, pero yung ending pa rin nito ang nasa isip ko. 2. Catcher—sa sobrang graphic ng pagde-describe sa mga bagay-bagay, natatawa ako at the same time napapa-ngiwi na ewan na may halong ‘wtf’ in between. Gusto ko yung plot twist nito. 3. Walang-imik ang mga Puno ng Saging—gory. Pwedeng pang horror film.
Hindi ko na-gets yung huling kuwento kaya kulang ng 0.5 yung rating.
Nararapat na mabigyang karangalan ang librong ito sa nakaraang 42nd National Book Awards.
Isang obra ang librong ito sa paglalantad ng mga sakit ng ating lipunan.
Hitik sa aksyon at mga mensahe ang lahat ng pitong maikling kwento na tinatalakay ang mga paksa ng pasahod, healthcare, kahirapan, droga, sabwatan, power tripping, pagkamuhi, panggagahasa at karahasan.
Mabuhay si Sir Nal sa paggamit ng kanyang talentong pagsusulat upang magpaalala at magmulat sa mga mambabasa ng mga iba't ibang storya ng isyung panlipunang nangyayari sa ating bansa.
Ilang beses akong natulala sa mga eksena sa mga maikling kwento rito lalo na ang Catcher at Walang-Imik ang mga Puno ng Saging.
Dianson Park ang pinaka-Vivo sa mga akda dito, ito rin yung paborito ni Ser Nal ayon sakanya. Makikita sa mga akda ang pag-unlad ng estilo, sensibilidad ni Vivo sa halos isang dekada ng pagsusulat, na makikita rin sa pagitan ng Trilohiyang Dreamland.
Gusto ko sana isa isahin yung bawat kwento pero wag nalang, hahaba pa e. Solid lang rin yung may AI art bawat kwento.
An anthology of stories set in contemporary Philippines. Stories depicting the unfair justice system, social classes, drug abuse, etc. Ronaldo Vivo Jr just knows how to provoke my anger towards the government. Writing style is always straight forward and simple yet the message truly heightens your emotions against the country
Ganito dapat ang anthology. Iba-ibang ganap pero nagtatagpi lahat. As usual, lahat mabigat. Mapapatanong ka nalang: Innate ba sa mga tao ang maging demonyo?
Revenge Fantasies in a Backdrop of what could be any Slum of Metro Manila. If anything, any Burgis or Sheltered person from the Metro who would want to viscerally feel what it's like to live in one of these places, reading this would be a start. Felt Real and Compelling, legit dialogue ng mga taong makakasalubong mo sa Guadalupe Ilalim. Eating Spaketchup, Smoking Mighty Cigarettes, Selling Kids for Drugs, not really far from how it is in real life.