Jump to ratings and reviews
Rate this book

Three Nights, Three Days

Rate this book
English edition of Eros Atalia's Palanca Award winning novel, "Tatlong Gabi Tatlong Araw"
Translated to English by David T. Ong



What can happen in three nights in a small town with big ghosts?

For documentarist Raymundo "Mong" Mojica, his return to Magapok, in time for the town fiesta, was simply to fulfill his mother’s death wish: to place her picture on the altar of the chapel and to scatter her ashes on the plains of the small town. However, a super typhoon was headed straight for Sta. Barbara, the province where Mong was situated. He raced to reach the town before the typhoon does.

What should have been a simple three-day celebration of the feast of Sta. Barbara de Bendita turned sinister and ugly. Mong witnessed how the ground swallowed a whole cow. He helped the townsfolk yank a boy from a huge hand pulling it down to the grave. He captured in his video camera hundreds of lifeless Magapok citizens who did not wake up from their sleep, and how the light fizzled out from the surviving population.

Are these caused by paranormal beings?
Is this some bio-chemical warfare?
Are they being abducted by aliens?
How else can they be further from the truth?

213 pages

First published November 1, 2013

113 people are currently reading
1533 people want to read

About the author

Eros S. Atalia

12 books545 followers
Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
402 (53%)
4 stars
163 (21%)
3 stars
112 (14%)
2 stars
49 (6%)
1 star
28 (3%)
Displaying 1 - 30 of 82 reviews
Profile Image for Neil Franz.
1,093 reviews851 followers
August 19, 2015
3.5

Isang malaking "bait" (yung English na salita, a) ang misteryo sa librong ito. Paasa. Nakakafrustrate. Siguro iyon naman talaga ang plano. Oo, yun nga siguro talaga. Lagyan ng misteryo, yung nakakatakot, para naman maging page-turner ang libro. Kasi nga naman kung puro realidad ang mababasa ng tao sa librong 'to baka tamarin basahin.

Pero sa totoo, okay naman eh. Nagustuhan ko. Ayos lang kahit nakakabitin at wala man lang eksplanasyon sa mga nangyari. May mga bagay talagang di maipaliwanag at di kailangan ng paliwanag. Nasa mambabasa na lang talaga kung paano niya iisipin ang mga nangyari at kung ano ang magiging konklusyon nya. Ika nga, bahala ka nang mag-isip, malaki ka na. Para nga naman may kumikiliti sa isip at masabing tumatak yung libro dahil lagi mong iniisip at di ka maka-move-on. Parang yung ex mo lang. Biro lang. Pero nakakabitin pa rin talaga. Punyeta.

Gayunpaman, ang ganda ng pagkakasulat. Medyo descriptive nga yung bandang una ng libro pero makikita mo na magaling sa paglalarawan si Eros. Nadale nya ang probinsya-vibe sa librong ito. Hanga rin ako sa pagpasok/pagsingit nya ng mga realidad ng buhay reporter at ng buhay in general-- pulitika, illegal logging, mining, mga rebelde at bandido, tradisyon at kung anu-anong kaputanginahan ng mga tao, gobyerno at kung sino-sino pa. Hindi kasi pilit. Sakto sa linya ng istorya. At nakakamulat ng mata at ng isip. May matututunan ka talaga. May humor rin kahit papaano. Nakakatuwa yung mga dayalogong ng mga tauhang hindi naman naging mukhang background lang sa libro.

Sa kabuuan, nagustuhan ko ang Tatlong Gabi, Tatlong Araw. At parang gusto ko ulit basahin. Hihi.
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
April 6, 2014
Puwede na. At least, may kuwento naman. Medyo disappointed lang ako dahil akala ko matatakot ako rito. Isipin mo Palanca awardee for best novel in 2013 tapos NR (no reaction) ako habang nagbabasa. In fact, hirap tapusin ang libro dahil sa sobrang atat na akong malaman kung paano ako tatakutin ni Eros Atalia kaso hanggang huli, medyo korni. Alam mo ba yong pakiramdam ng nagbasa ka ng Life of Pi (4 stars) ni Yann Martel? Yong asang-asa ka na ganoon ang kuwento tapos sa dulo bibigyan ka ng palaisipan na puwedeng hindi pala ganoon ang totoong kuwento? Yon ang sinasabi rito ng ibang nakabasa na ng award-winning na nobelang ito. Kakaiba raw. O well, para sa kanila.

Kuwento nito ni Raymundo "Mong" Mojica na isang journalist. Pupunta sana sya sa isang probinsya na tatamaan ng isang malakas ng bagyo. Kaso lumihis ang bagyo at natagpuan niya ang sarili sa bayang minsan naging bahagi ng kanyang kabataan, ang Brgy. Magapok. Ang barangay na ito ay napapaligiran ng mga bundok kung kaya't nakatago at pinaginintresan ng mga rebelde, mga nagmimina ng ginto at kahit ang masasamang espiritu. Parang pelikulang noong 2004 na i>The Village ni M. Night Shyamalan minus the old attire at di naman binabawalan ang mga taga-roon na lumabas ng kabihasnan. Pero self-sustaining ang mga taga-Brgy. Magapok at meron din silang kinatatakutan: ang mga Malakat na mga aswang na kumakain ng patay at tao (lalo na ang mga bata). Kaso, di naman nagpakita rito ang mga Malakat na yan. Meron pa yong tipong fleeting images ng wandering souls. Pero di naman nakakatakot. Parang hindi yata forte ni Eros Atalia ang horror. Mas effective pa yata ang Ang mga Kaibigan ni Mama Susan (2 stars) ni Bob Ong. At least doon may mga Latin words na pagginoggle translate mo ay may lalabas na nakakatakot na messages. May gimik kumbaga.

Dito sa Tatlong Araw, Tatlong Gabi kalahati ng kuwento tungkol sa pamamahayag o pagtratrabaho sa pahayagan. Tapos yong background story ni Mong pati na ang paglalandian nila ni Lumen. Kaso, coming from Intoy-Jenny na naguuminit lagi ang tagpo kapag nagkakasarilinan, si Mong at Lumen dito parang friends lang talaga - walang benefits. So, bitin. May pagka-maniac pa rin si Eros Atalia dahil sa mga paglalarawan sa suso at pawis ni Lumen habang pinagnanasaan ni Mong kahit sa kasagsagan ng mahiwagang pagkamatay ng mga tao sa Brgy. Magapok na parang off sa kuwento dahil dapat bago ka malibugan eh matakot ka muna dahil baka mamatay ka na. Huwag lang di maipasok ang kalibugan. Tatak Eros. Wag lang di mairaos ang trademark nya.

Deserving ba ito ng Palanca? Di ko alam. Sino bang mga itinaob nito? Yearly naman kasi ang Palanca so baka wala nang sumali noong malamang may entry si Eros Atalia. Tsaka sabi nila pag may botohan, may pulitika. Baka na-pulitika lang ito.

Dami pang typographical errors. Bilang Palanca awardee at medyo matagal din ang hinintay ko bago lumabas ito at medyo highly awaited pa kasi nanalo na noong ilabas ang libro, sana inayos naman ang mga typographical errors na ito. Kakawalang ganang basahin eh. May seal pa naman ng Palanca sa harapan ng libro. Nakakahiya kay Carlos Palanca. Baka bumangon yon sa libingan nya.
Profile Image for Rise.
308 reviews41 followers
Read
December 7, 2014
While the true face or faces of the villain still can not reveal or unmask its legion, the dignity of the characters - the dignity of the people of Magapok - reigns as the unquestioned hero of the story. Compare the story "Lugmok na ang Nayon" (The Country Is Beaten) by Edgardo M. Reyes, in which men encroached into a rural area and squeezed the life out of it, sucked the blood of the people in it and pillaged its natural resources. Mechanization, militarization, mineral extraction. The spooks have many faces. Just ask Pedro Paramo. Three nights and days of passion is all it takes for a disaster - man-made or simply inhuman - to strike hard.

It takes a special kind of writer to internalize the endemic problems plaguing his society and use them as materials to an allegory or parable or plain horror story that provokes, mystifies, and sows fear and 100% terror. It takes plenty of gumption to collectivize the ills of neglected countryside, then structure a broad fictional framework out of them. Hang together all seemingly loose elements in a weirdo story. Let the reader's imagination range freely in a created context of terrifying evil. Moreover, it is FFF (freaking fearful and fantastic) to let PNH (pure, natural horror) seep out of the story in an ECW (embattled, confusing way). To let misunderstandings and puzzlement reign like fanged parasites and vampires in our midst. Misunderstanding and puzzlement reign; comprehension and meanings are devoured, if meanings are still redeemable in purgatory, in case we are not yet immersed in hell.
Profile Image for Chenley Cabaluna.
166 reviews5 followers
May 3, 2014
NEVER MIND the typos in the book, hello people, naintindihan n'yo naman ang istorya, nabasa n'yo naman siya WITH EASE...ano ini-emote n'yo?

Ano, maganda siya. Sorry medyo magiging judgemental ako, yung mga hindi nagandahan, ano, hindi nila naintindihan. Kulang kayo ng konti sa neurons pero okay lang yan, pag mas ginagamit ang neurons mas na-strengthen, parang muscles lang yan. Chos. Okay hindi na ko mang-aaway, k fine magkakaiba tayo ng taste pero kase as a certified OA as in OA book reader and lover, I find this very unique at minsan lang talaga ako makabasa ng kakaibang akda, so five stars tlg siya. I mean isa ito sa mga napa-WTF ako sa huli. As I've said nga sa fb ko before, nasira ang inner peace ko sa libro na to bwahahaha. Labyu Sir Eros.

To read is to believe. chos. basta kase see it for yourself peepz.
Profile Image for Kuya Dan.
1 review
April 8, 2014
Bitin sa kalibugan. Napakalupet ng twist ng librong ito. Habang binabasa ko ito ay napakaraming tanong na pumuputok sa aking isipan. Medyo naghihintay nga lang ako dahil nasanay lang ako na laging may bed scenes sa mga libro ni Eros. May mga bahagi na akala ko ay may mangyayari na. Hindi pala. Wala pala. Pero kung ito ang dahilan ng pagkadismaya ng mga ibang reviewers, aba eh, siguro'y nagbabasa lang sila dahil sa kalibugan. Hindi rin dapat ipagkumpara ang librong ito sa "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan." Iba si Bob Ong kay Eros Atalia. Kung misyon man ng librong ito na takutin ang mga mambabasa, siguro'y hindi lang naging matagumpay sa mga karamihang mahina ang euphoria at kulang sa ehersisyo ng mga neurons sa kanilang utak. Sa tingin ko ay ang misyon ng librong ito ay para maipakita ang mga sitwasyon sa mga malalayong lugar na hindi naaabot ng gobyerno, malaman ang mga ilegal na gawain, existence of revolutionary tax at meron pa lang palarong patigasan ng titi ng mga bata.

Si Mong ay walang palag kay Intoy. Natapos ko itong basahin at hindi pa rin ako nakaka-recover sa mga mas naunang nobela ni Eros Atalia.
Profile Image for Aaron Sta.Clara.
149 reviews5 followers
January 11, 2014
Sa totoo lang,kakasimula ko pa lang basahin ng librong ito.Sa pagpapatuloy ng daloy ng isang istoryang nasasalamin ang ugaling Pinoy,mapa-probinsya man o mapa-lungsod,nakita ko ang kahusayan ng author sa MIRRORING.Ang paraan ni Sir Eros Atalia ng pagkukuwento ay tunay na kahanga-hanga bagamat napansin ko na mayroong ilang mga butas na kailangang tapalan ang libro.Una,redundant words.Pangalawa,hindi pa marahil sumasailalim sa masinsinang editing ang libro kaya marami pang typos.Sa pangkalahatan,ito ay isang gawang Pinoy na tunay na maipagmamalaki.Napakatalino!
Oo nga pala,napakaganda din ng cover!Hehe. :)
Profile Image for Gena.
147 reviews9 followers
September 2, 2015
Dahil ba nakalagay sa synopsis ng libro ay may mga kababalaghang nangyari sa Magapok ay matik nang nakakatakot agad ang mga mangyayari? Nakakatakot naman talaga, kung tutuusin. Ikaw ba naman makaranas ng mga bagay na hindi mo maipaliwanag at hindi mo na alam ang mga paniniwalaan mo, sinong hindi matatakot? Hindi naman ito yung tipong True Philippine Ghost Stories na hindi ka patutulugin sa gabi o gugulatin ka. Tingin ko, hindi naman ganun ang gustong iparating ni Sir Eros Atalia sa kuwentong ito. At hindi lang basta hinaluan ng kababalaghan para lang siguradong hindi mo mabitawan ang libro hanggang dulo, na, sabi nga ng karamihan, nakakabitin. Nakakabitin naman talaga dahil hindi na nakapagbigay ng malinaw na paliwanag sa mga bagay na naganap sa Brgy. Magapok. Pero para sa akin, isa itong irony. Irony sa mga mamamahayag. Naka-relate ako dahil mula high school, nagsusulat ako ng balita; at nararanasan maski ng isang student journalist ang mga nararanasan ng isang propesiyunal na mamamahayag. Si Mong na may magandang karera sa pagiging broadcast-journalist, ang trabahong walang katapusang humahabol sa katotohanan o kawalan nito, ay nilamon kakahanap niya ng totoo, ng ire-report at ilalabas sa buong mundo. Dahil kung hindi naman talaga dahil sa trabaho niya ay malamang hindi na siguro siya babalik sa Magapok, hindi siya mapapabalik ng kahit anong pangako niya sa kung sino-sino. Siya na rin mismo ang umaamin nito sa sarili niya. Kung tutuusin nga, halos hindi niya binitawan ang camera niya noong nasa Magapok na siya. Trabaho pa rin. Ngunit ito nga ang irony ng pagiging mamamahayag: maaari niyang habulin ang katotohanan ngunit hindi niya ito lubusang mahahanap. Kailangan niya pa ring maghukay nang maghukay nang maghukay, pero kahit ilaan niya ang buong buhay niya rito, hindi pa rin siya matatapos sa paghukay. At marami pa rin siyang hindi maipapaliwanag kahit pa sabihing marami na siyang alam.

Wala na akong masasabi sa pagkakasulat dahil hindi naman ako na-bore kay Sir Eros kahit kailan. Sustained naman ang maikli kong attention span mula unang pahina. May mga typo, pero di naman na mahalaga yun. Ang mahalaga ay naintindihan ko yung sinabi.

PS. Ang manyak ni Mong.
Profile Image for John Adrian Adiaz.
12 reviews
September 19, 2016
Isa ito sa mga akdang paborito ko. Maraming dahilan kaya huwag na lang isa-isahin. Pero ang malinaw, malinaw ang pagkakakuwento ng kuwento mula umpisa hanggang dulo; bagamat nabitin ako sa kahulihan nito. Ganoon naman 'di ba? Kung saan ka nasisiyahan ay bigla na lang itong matatapos. Bigla. Walang closure. Wala nang tanong-tanong pa. Siguro kung limang gabi o kahit pa sampung gabi at sampung araw ang timeline nito, mas lalo pa akong mahihikayat na humanap ng lugar na parang Magapok (at kung makakita man ako, titiyakin ko na mananatili ako roon kahit na hindi na ako makalalabas pa).
Profile Image for Romhelyn.
2 reviews9 followers
September 4, 2014
Sa huli, ang mambabasa pa din ang sasagot sa mga katanungan nya dahil hindi ito ipinamigay ni Atalia. Kukulitin at kikilitiin ang utak kahit ilang beses basahin.
Profile Image for Ivy Catherine.
143 reviews11 followers
August 4, 2015
Mr. Atalia, di naman po ako natakot, pero sana po pakibalik po yung inner peace ko.

Salamat!
Profile Image for Sheena Forsberg.
629 reviews93 followers
June 2, 2025
The 11th read from my Filipino TBR.

This was a frustrating read, and for those looking for the tl;dr: a thoroughly disappointing reading experience where the highlight might just be a massive printing error where at least 6 pages of the story were left blank.

I really wanted to like this one and the premise sounded good: A journalist finds himself back in his childhood town where people and livestock are disappearing at an alarming rate. Even some of the thematics could have lent themselves to a great story: eco-horror, real political friction, the weird and an infusion of folk horror. Alas, I’m left with a confused mess due to a combination of factors:

-the author’s style: The characterizations of parts of the lgbtq community are at best cartoonish and leaning awfully close to outright offensive, the MC is a massive creep with *the worst* internal monologues I’ve had the misfortune of reading for many years (the closest comparisons can be drawn to some of the most inane 80s pulp characters of yore) & repetitive language (which I’ll admit might also be partly due to the translator). A particularly egregious example includes this scene (where his love interest is bawling her eyes out while worrying for her grandma):

“Lumen’s breasts were deadly weapons, sticking into Mong’s chest. They seemed to say, “This is a stickup!” Instead of him raising his hand, something else stood at attention. Warmth spread over Mong’s shoulders as Lumen’s tears and saliva drenched his shirt. He was possessed by the spirit of lust. Conflicting thoughts wrestled in his mind. “You sumbitch, have a little pity for the poor girl. Well, have a little pity for the old trouser serpent! He hasn’t eaten in weeks! Asshole, your mom just died! What the hell does your mom have to do with your dick?”
………….

-the translation: the English translation is not the best and it’s glaringly obvious that the translator wasn’t a native speaker and seems to draw a lot from dated American movies. There’s a running theme of “hot damn” & “sumbitch” repeated throughout the story ad nauseam. I don’t know who to blame more; it might boil down to the author leaning towards the repetitive in his native language, lack of editing services or lack of experience on the translator’s part (it is fine to leave out some of these entries without the story suffering if you can’t find an alternative term).

-Editor: I refuse to believe this has seen any form of editing; at least after its translation into English.

-Printing: at least 6 pages (possibly even more, I can’t be arsed to double check) of the story were left blank due to a massive printing error. Honestly, at this point it might very well be that those missing pages ended up being a blessing for me.

I’ve been gifted a great number of fantastic Filipino stories but this might just be the worst of the lot by a long shot.
Profile Image for Earl.
749 reviews18 followers
February 7, 2020
Hindi maipagkakaila ang galing ni Eros Atalia sa pagsulat ng mga kuwento ng kababalaghan sa pagbasa ng nobelang ito. May punto itong hindi rin ako sigurado kung natapos na ang lahat at ilusyon lamang ang lahat, subalit malinaw sa akin na may itinuturo ito sa pagiging tao at ang ating mga limitasyon, na kasabay ng ating kakayahang mangarap at lumagpas sa sarili. Bagaman hindi tahasang horror ang nobelang ito, nakita ko ang kapangyarihang dulot ng kalikasan at kung paano tayo naaapektuha nito a la Jack London. Subalit sa kabila ng takot, tinuturo at tinatanong nito ang sarili at ang mga pagpapahalaga nito.

Kaya naman siguro tama nga na kung ika'y mamamatay, mabuti nang hinabol mo ang iyong mga kagustuhan kaysa naman iniiwasan ang iyong mga kinaaayawan
1 review3 followers
August 8, 2016
Page turner ang libro na ito. Kahit na puyat na ako ay pinilit ko pa ring tapusin. Ang galing ni Eros sa ganung aspeto. May mga clues pero gusto mong tapusin para malaman mo kung ano talaga ang misteryo. Hindi ako natakot sa kwento pero may sense of dread habang binabasa ko sya.

Mahusay ang pagsususlat ni Eros sa Pilipino. Natural ang mga usapan ng mga tauhan sa kwento. Natuwa ako sa paghabi ng nya kwento ng nakaraan at kasulukuyan. Kuhang-kuha nya ang buhay probinsya. Natuwa din ako sa ilan sa mga imagery na ginamit nya: ang karakol sa ulan, ang habal-habal ride sa dilim, ang pagpapaalam ng magkababata. Marami kang pwedeng baunin at pag-isipan pagkatapos mong basahin.

Natuwa ba ako sa ending? Natuwa ba ako sa misteryo. Oo. Pwede na.
Unang-una kasi hindi ko nahulaan.
Pangalawa, maayos ang pagkakasara nya ng kwento, medyo bitin lang.
Mas yung misteryo ang nag nagpapa-abante sa kwento at hindi ang "buhay ng mga tauhan".
Yun nga lang, may napanood na ako dati na pinoy Indie Film na pareho ng tema at pareho ng misteryo kaya medyo nakabawas iyon. Sa aking pananaw medyo nabawasan ang pagka-orihinal ng kwento.

May lingering effect ang aklat na ito. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin sya.
Profile Image for Irjay Rolloda.
3 reviews1 follower
December 4, 2014
Boring sa una. Ang daming usapan, tyatyagain ka sa pagbasa pero bumawi naman nang sa bandang gitna at huli na, hindi mo na bibitawan. Kung sanay na sanay ka na sa sa mga horror/mystery, pwede mong masilip ng bahagya ang ending pero mapapaisip ka pa rin. Di nakakatakot pero nandun yung hahanapin mong creepiness, mystery, at excitement sa kung paanong hahanapin ng characters ang sagot na baka tayo lang na readers ang swerteng makaalam. Kung walang typos, 5 to sa 'kin.
Profile Image for Samuel Mendoza.
1 review
May 23, 2014
Ito ang kauna-unahang librong hindi ko talaga naintindihan. Pinilit ko pa ang awtor na sabihin sa'kin ang tunay na kwento sa likod ng mga pahina nito ngunit inirekomenda lang sa'kin ang isa pa. Hindi pa din ako makapaniwala sa totoong kwento dahil ang daming kwento ng kwento ang hindi sumusuporta dito. :D
1 review
November 27, 2020
Noong una kong basahin to, parang wala lang. Hirap pa nga akong tapusin noon e. Pero noong binasa ko siya sa pangalawang pagkakataon, ay shet bigla akong nagkatrauma sa malalakas na ulan lalo na pag gabi na't madilim. Medyo di ko lang talaga maintindihan yong wakas pero ganiyan naman si Eros, kikilitiin talaga lahat ng pwedeng makiliti sayo (special mention sa dalawang ulo).
Profile Image for Annjenica.
4 reviews
January 24, 2014
Andaming twist ng nobela at the same time madami din siyang tinalakay sa nangyayari sa atin ngayon. Thumbs up para dito! Kahit na namatay si Mong, nagawa niya ang gusto niyang gawin para sa kanyang ina, kay Lumen at sa Brgy. Magapok.
Profile Image for Ibarra Salenga.
1 review1 follower
February 19, 2014
Rich political commentary with jabs of romance and horror. HAHA. inaantay ko yung nakaktakit na part tapos ending na pala. nak ng tokwa, Nice try sir Eros. Wag kang maghanap ng resolution. Namatay silang lahat. Mas kinilabutan lang talaga ako sa "Mga kaibigan ni Mama Susan" by Bob Ong
Profile Image for Von Eric.
5 reviews
March 16, 2014
ang brgy. magapok ay maihahalintulad sa mga brgy. na hndi naaabot ng pamahalaan, saka lang ito nabibigyan ng pansin kung may mga sakunang nangyayari dto, diba ang panget makikilala ang isang isolated na brgy. sa hndi magandang paraan. At sa pagiibigang Mong at Lumen, nakakalungkot.
Profile Image for Jayson Cuison.
11 reviews3 followers
January 13, 2015
Hindi ko nakasundo ang pagiging kakaiba ng kwento sa huli pero ang pagiging kakaiba nito ang nagpaganda sa kwento.
Profile Image for Mai.
13 reviews
April 4, 2015
This book is mind blowing! The author is really impressive!
Profile Image for Edgar Aquino.
8 reviews47 followers
August 14, 2015
Hindi ako sigurado kung naintindihan ko lahat ng dapat maintindihan ko dito, pero sigurado akong lagpas tatlong gabi tatlong araw ang hangover ko sa librong 'to. Kingina, Eros Atalia.
Profile Image for Mark Alpheus.
841 reviews9 followers
August 5, 2021
Ewan ko ba, basta nae-enjoy ko talaga ang panulat ni sir Eros. Nagulantang rin ako sa huling chapter ng libro.
Profile Image for Kate.
12 reviews2 followers
April 28, 2014
Mas nakakatakot ang curiosity ng tao. Curiosity kills the cat.
Profile Image for Eduard Salvador.
5 reviews2 followers
February 15, 2022
(TAGLISH REVIEW AHEAD)

Ito ang unang libro ni Sir Eros Atalia na binasa ko. Yes, by choice. Yung blurb ang nakakuha ng attention ko. It promised a horror story.

AND IT DELIVERED...somehow.

Isang journalist si Raymundo Mojica o mas kilala bilang Mong. Bumalik siya sa kapistahan ng Brgy. Magapok sa bayan ng Sta. Barbara. Ito ang lugar kung saan nanatili sila ng kanyang inang social health worker noong bata pa siya. Ang huling hiling ng kanyang ina bago mamayapa: ilagay ang picture frame sa altar ng chapel ng Magapok at isaboy ang kaunting abo nito sa kapatagang napalapit sa puso.

Pagkadating niya sa lugar napag-alaman ni Mong mula sa kanyang team na tutumbukin ang hometown niya ng isang super typhoon. Nakipag-unahan si Mong sa bagyo para makarating agad nang ligtas sa Brgy. Magapok.

Napuno ng kababalaghan at karahasan ang isa sanang simpleng kasiyahan ng tatlong araw na pista ng patron na si Sta. Barbara de Bendita. Sa loob ng tatlong gabi at tatlong araw nakipagpambuno si Mong at ang buong taga-Brgy. Magapok sa isang 'di nakikitang kalaban.
--

So paano ko nasabing this book somehow delivered the horror genre? It will keep you gripping the pages para sa mga susunod pang mangyayari. Mararamdaman mo ang frustration ni Mong at ang hopelessness ng Brgy. Magapok. Also it showcased a provincial scenery na matatagpuan sa isang liblib na lugar so it adds to that feeling of isolation. Bilib ako sa world building na na-establish sa story na'to.

Plotwise, I wouldn't say it would be the best for me but it was really good. Contributing factor na rin siguro na immune na ako sa horror. The scares and fright is present in this story but as time goes by mapapalitan nalang iyon ng curiosity sa kung ano nga ba ang susunod na mangyayari sa kwento.


THE ENDING THOUGH! I was not expecting that. Yung huli it left me saying "Whoa!", "Kaya pala ganun!" at "Sheeeet. Ang brilliant ng twist." The ending makes sense but somehow it "lessen" the horror impact. It does not affect my views about the book as a whole but it changes the genre of the book for me. Kasi at the beginning I thought na full on horror talaga siya. The tropes are there: liblib na probinsya, MC na bumalik sa hometown niya, love interest na almost perfect, the MC's strong and reliable friend and unseen enemy. The indicators are there.

Maybe mali lang pagka-intindi ko but the ending solidified na it's not really horror.

All in all, it's a great read lalo na for me who wasn't actively reading during the past 3 or 4 years? It is a good book to get out of a reading slump.
Displaying 1 - 30 of 82 reviews

Join the discussion

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.