Kaiba sa mga naunang akda ni Lean Borlongan, ang tema ng pakikibaka at pagiging makabayan ang ipinamalas niya rito. Kaakibat ang mga karanasan ng pagiging mulat sa sosyo-politikong estado ng bansa mula nakalipas hanggang kasalukuyan, siniyasat niya sa maiikling tula ang malawak na saklaw ng paglaban para sa bayan. Gamit ang mga salita, pinalakas ni Borlongan ang tinig ng masa at hindi niya ipalilimot sa mambabasa na kallangang manatiling mulat sa lahat ng pangyayari at krisis ng bansa.
Paboritong tula ang Munting Ilog na hango sa pagkamatay ni Baby River Nasino.
Buti na lang nasa Goodreads na rin ito! Last December ko pa nabasa itong bagong librong ni Sir Wame. Ito ang unang binasa ko sa mga binili noong nakaraang BLTX. Masasabi kong isa rin talaga si Lean Borlongan sa mga sinusubaybayan kong makata. Palagi kasing solid ang mga inilalabas niyang koleksyon.
Kay gaan basahin ni Lean Borlongan pero palaging may bigat ang kaniyang mga tula. Sobrang bisa, para sa akin, noong malilit na detalyeng nilalagay niya sa mga tula. Iyong mga detalyeng ito iyong nagpapatibay ng imahe at mensaheng gusto niyang itawid.
Ilan sa mga nagustuhan kong piyesa mula sa koleksyong ito partikular sa Pangakaraniwan (unang chapter) ay iyong Sa Oberpas, Klasrum, at Kumpuni. Pero ang bias ay iyong Bayuhay na tumatalakay sa gentrification. Husay. Nawa ay marami pa siyang maisulat, at kasabay noon ay maimulat.
Espesyal para sa akin ang Sansaglit, ngunit sa pagbasa ko nitong Pasakalye naging solido para sa akin na isa na talaga si sir Lean sa mga paborito kong manunulat.
Napakalawak ng lipunan sa mga tula, na pinagbubuklod ng tema ng karapatan at kalidad ng buhay manggagawa sa Pinas.
Kahit ang maiiksing tula, may bagsik at sipa. Pag-ipunan ko na ang ibang libro ni sir Lean hehe
Such an easy read, unang book na binasa ko after I stopped reading for a long time and I can say na napaka-malikhain ng pagtalakay ng book sa mga issues and experiences ng mga manggagawa at maging mga ordinaryong Pilipino, na kahit sa mga maiiksing mga pyesa o paksa it packs a punch! Walang boring na part and it got me really hooked! I commend the author for the chills : 3