Ang Interregnum ay koleksyon ng maiikling kuwento ni Mixkaela Villalon na bumabagtas sa nagbabagong pulitikal at panlipunang konteksto sa Pilipinas. Tampok sa mga akad ang mga elemento ng pantasya, science-fiction, at satirika.
“Minsan may isang lalaki. Paquito ang kanyang pangalan. Napakalaki ng kanyang pangarap. Hindi ito masukat sa anumang paraan na alam ng tao. Pangarap ni Paquito maging pangulo ng kanyang bayan.”
Mura, madaling basahin, at nakamamangha, ganito ko ilalarawan ang Interregnum ni Mixkaela Villalon na inilimbag ng Gantala Press. Isa itong koleksyon ng maikling kuwento, na matapos mong basahin, imposibleng hindi ka hahanga sa panulat ng may-akda. Lalo na sa rikit ng bawat akda na bumubuo sa koleksyon. Limang kuwento ang bumubuo sa aklat, at bawat isa sa kuwento ay may kaniya-kaniyang lakas.
Kaya mo itong tapusin sa isang upuan, kung nagmamadali ka, pero kung katulad ko na natutong bigyan ng pagitan ang pagbabasa, maaari mo rin siyang basahin sa ganoong paraan. Nagsasarili ang bawat kuwento ngunit may binubuo itong kaisipan sa mambabasa, lalo na sa kasalukuyang kinasasangkutan ng mambabasa. Kahit may kaniya-kaniyang lakas, nais kong ibahagi ang tatlong pamagat ng mga kuwento na hanggang ngayon ay tila bisitang dumadaan sa aking isipan:
• Gitnang Araw • Ang Nawawalang Lungsod ng Atlantis • Ang Torre
H’wag mo palampasin ang koleksyong ito, hindi ka magsisisi, tulad ng aking sinabi, marami itong maihahandog sa mga mambabasa kahit maliit lang itong koleksyon.
Una sa lahat, nakakatuwa naman ang Gantala Press, ang publisher ng librong 'to, because they are a Filipina feminist publisher.
At sabi pa sa About ng website nila:
"Gantala Press always donates part of our earnings to projects that support the dispossessed and other victims of state violence. All our sales go to publishing projects for long-silenced communities in the margins."
Bongga! Abante Babae!
Anyway, back to Interregnum.
Nagustuhan ko, naenjoy ko, they are all an easy read pero wala sa limang istorya ang tumatak sa akin. Pero, nakakaaliw ang mga parallels na nakikita ko from this book to the reality na meron sa bansang Pilipinas. Ang pinakanagustuhan ko ay 'yong kwento ng magsasaka kasi grabe 'yung atmosphere, bet ko.
4 stars kasi gusto ko ang variety ng limang kwento. Magkakaparehas ng core pero magkakaiba ang tono. Also, a very easy read!