Jump to ratings and reviews
Rate this book

Responde

Rate this book

129 pages, Mass Market Paperback

First published January 1, 2007

18 people are currently reading
254 people want to read

About the author

Norman Wilwayco

10 books144 followers
Norman Wilwayco is an award-winning author who has published five books. These are “Mondomanila,” “Responde,” “Gerilya,” “Rekta,” and his most recent, “Migrantik.” His novels “Mondo” and “Gerilya” have won the Grand Prize for Literature in the Carlos Palanca Memorial Awards. He’s also a meme master who covers a range of topics, from politics to pop culture, on his official Facebook page.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
99 (59%)
4 stars
43 (25%)
3 stars
12 (7%)
2 stars
6 (3%)
1 star
6 (3%)
Displaying 1 - 27 of 27 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
April 17, 2012
Finishing this book made me a Norman Wilwayco completist. In 2010, I read his 2008 Gawad Palanca winner, Gerilya. Prior to that, I did not know anything about him and he only intrigued me because I saw his book in the Read folder of the Filipinos group. When my friend Emir joined the group, he recommended Wilwayco's works to me. Unfortunately, Wilwayco’s books are only available in smaller bookshops here in the Philippines. So, when I finally saw a copy of Gerilya, I bought and read it right away. Unfortunately, I did not like but also did not really hate it (in Goodreads, this means 2 stars). I wrote my review to ventilate my sentiments as a reader without meaning any harm to Wilwayco. I did not know that he (Wilwayco) would find my review. He read it and he defended his book. I got surprised because it was my first time to have the author, whose work I did not like, defended himself online.

Last year, I read his third book, Mondomanila and I liked it (3 stars). He did not comment anymore although I am sure he read my review. I was not expecting him to like my review but at least thank me for buying his book. After all, we had a heated argument in my Gerilya review and had I not been a nice man, I would not buy any of his other works. Prior to my reading of this 2nd book, I came across an interview about him in Tapat journal and this helped me appreciate his writing style. That interview gave me a good idea what kind of writer Wilwayco was. But for me, Wilwayco seems to be free-spirited. He writes in free abandon and he doesn’t care about strict writing conventions. So, his two works that I had read were free-flowing and peppered with vulgar words, curses, street language and sadly, typographical errors. If I remember it right, in that interview, he reasoned that the presence of typographical errors was because of the fact that he did not hire an editor. I think he is self-publishing his book and that that explained why his books are very expensive and have limited distribution channels. He lamented that the college professors in the country have the monopoly of writing Tagalog novels. So, he seems to be a lone candle flickering alone in the dark Philippine literature industry that in itself is flickering as if only a slight blow of tragedy can put the whole market to oblivion. The reason why I am saying this is that most Filipinos read non-Filipino works.

This year, Norman Wilwayco invited me to be his friend here in Goodreads. Then he PMed me to please review his 2nd book, Responde. I said I could not find a copy. So, he sent me a link where I could order online. Unfortunately, I could not go to SM Megamall to buy from his agent on a Sunday. It was good that my brother spotted a copy at Bookay-Ukay and so I pleaded (we have an agreement not to buy expensive books) him to buy me a copy because I said I would give it as a gift to Emir (my excuse). But really, I will give this copy to Emir, who seems to be a fan of Norman Wilwayco. Go, Emir!!!

The book deserves to be liked. It is a huge improvement from the first two books. It is composed of 13 short innovative short stories that are comparable with the works of Raymond Carver, my favorite short story writer. My other favorites, Flannery O'Connor and Alice Munro are in different spheres because their short stories are longer and more comprehensive. Haruki Murakami is also a good short story writer but he uses magical realism so he belongs to a different frequency in the dial of my radio.

There is a couple of short stories out of the 13 that I found amazing. One made me laugh because of the tongue-in-cheek brutality kung di ka ba naman utak ng ipis iisipin mong Amerikano sya (if you were not cockroach-brained, you would think of him as an American). I laughed out loud because Wilwayco caught me offhand.

The short story titles and my individual ratings and short comments:
Drug War - the motivation of the characters to do what they do seems not very clear to me but the storytelling style is refreshing - 3 stars

ASIN LIVE - it made me reflect on how I was as a father to my growing-up daughter - 4 stars

Larawan - similar to the first story. Poignant and dramatic. Very interesting twists. Some of them really surprising. Very unpredictable. - 5 stars

Dangal - very good concept. I loved the characters. This made me laugh out loud. Crazy! - 5 stars

kung paano ko inayos ang buhok ko matapos ang mahaba-habang paglalakbay - the sub-title that this won the 2000 Palanca awards distracted me. I mean I was expecting this to blow me off and it didn't. It's kind of confusing but still a good story or stories. - 3 stars

Dugyot - the story was able to create images in my mind. Very scary. I would not want to be in that environment. It's good that I don't use drugs. - 3 stars

Imat - reminded me of my hometown. We also had that kind of person but he was male. I did not like the normal characters but I saw the message. - 4 stars

Kahon - kind of preachy for me. Again, maybe I was expecting this to be great because it won the Amado Hernandez National Award for Literature in 1999, so after reading it, I said "oh, is that it?" I even liked the other works. Maybe I am not a well-trained critic and will never have a chance to seat as a juror in literature awards - 2 stars

Mga Bagay na Wala Kami - very sad. Reminded me of my hometown when the river rose up to the riverbank when I was a young man in the province. Very moving. - 3 stars

Pulutan - OMG. This is freaking sad! Now, I can feel why my wife complained when our neighbors who were all drunkards killed and ate a street dog. Simple and straightforward storytelling yet it pitches the heart if you are a dog lover like me. - 4 stars

Tony Heart Floren - this reminded me of what Wilwayco said in the interview that isang problema lang laglag na yang mga middle-class na yan! (only 1 crisis and the middle-class people or family will find themselves in the gutter or something to that effect). I also liked the structure of the story. Nice effort. - 4 stars

Trip kong Lumipad - this reminded me of Eros Atalia's "Ligo na u, Lapit na me" because of the characters. I was not able to relate to any of them but feels like an honest story. - 2 stars.
There you go, Mr. Norman Wilwayco. In my opinion, your best book so far. Thanks for sharing your talent to us! Mabuhay ka!
Profile Image for Ayban Gabriyel.
63 reviews64 followers
May 4, 2012
Ang Responde ni Norman Wilwayco o mas kilalang Iwa ng kanyang mga kaibigan, ay isang libro na kalipunan ng labing tatlong maikling kwento. Kung saan mas madalas mong mababasa ang jutes, sex, drugs at rak en rol! Haha. Pinakaunang libro nabasa ko mula sa kanya, bagamat libreng idownload ang dalawa pa niyang akda mula sa website nya, hindi ko kayang magbasa ng matagal sa harap ng pc at wala akong ebook gadget dahil hindi ako teki.

Isa-isahin ko ang mga maikling kwento.

Drug War 4 Stars - kakaiba ang phasing ng kwento, makakaenganyong basahin, at nakaka tawa sa huli. Hindi ko alam bakit, natatawa ako sa dulo ng kwento.

Asin Live! 5 Stars - trip na trip ko yung kwento, o kay saklap ng buhay, naalala nung una akong nagkainteres sa musika at nagpabili rin ng gitara, pero hangang ngayon hindi ko mastram ang paborito kong kanta.

Larawan 5 Stars - Isa sa paborito kong kwento sa libro. Love and lost ba ito? Haha. Nakakalungkot na kwento pero napakaganda!

Dangal 5 Stars - Bakit pa kasi nauso ang dangal? Ayun ang saklap tuloy ng nangyari sa kwento. Galing ng kwentong 'to, hindi ko akalain ganun ang mangyayari, wasak!

Kung papaano ko inayos ang buhok ko matapos ang mahaba-habang paglalakbay 4 Stars - Astig! Sana kaya ko rin gawin yon sa mga kano ayaw dito pero dito nag susumiksik sa Pilipinas. Bwahahaha!

Dugyot 4 Stars - Nagustuhan ko ang kwento kasi parang sinasalamin nito ang lugal namin, ang dulo ng eskinita ng bilihan ng bato, sa labas ng eskinita ay may isang parlor ng matandang bakla na nananawag rin ng lalaki, at ang mga tambay sa labas ng kalsada at ang huli ang gulo o away sanhi ng onsehan ng droga.

Imat 5 Stars - Flashback. Pero maganda kwento, naaalala kong yung babaeng hubo't hubad na may pagkukulang rin sa pagiisip na nakita namin sa C5 dati na ngayon ay eksklusibong subdivision na ng DMCI. Ewan anung nangyari sa kaya. May kurot ang kwentong 'to. Tsk

Kahon 4 Stars - Una kong nabasa ito sa pahina ng Tangina This. Maganda ang structure ng kwento, at maganda ang istorya, yun nga lang trahedya.

Mga bagay na wala kami 3 Stars - Badtrip. Anu ba kasing maaasahan mo sa isang balasubas na politiko? Nakakalungkot na kwento na nangyayari lalo na kung nasa rural ka. Naalala ko ang probinsya namin.

Pulutan 4 Stars - Marami kaming alagang hayop. 2 Aso at 7 na pusa, bagamat nakakain na ako ng Aso, hindi ko parin kayang gawin ang ginawa ng charakter sa kwento ang ginawa nya sa kanyang alaga. Kay saklap. Bowow-wow Azucena.

Tony Heart Floren 5 Stars - Perst Lab never dies? Maganda structure ng kwento kahit sa una'y nakakalito, nakakatuwang balikan ang mga huling pahina para pagdikit-dikitin ang kwento. Maganda, Pegebeg.

Trip kong Lumipad 3 Stars - Ako rin gusto kong lumipad at matutunan ang lahat at maging matalino at manatiling may pandama. Malaman ang mga teyorya ng siyensya, makipagdebate tungkol sa mga ideya at maging malayang kaluluwa, pero hindi sa paraan na ninais ni Jack. Gusto kong lumipad.

Sa kabuuan, magandang libro, binasag nito ang mga tipikal na maikling kwento na nababasa ko na mula rin sa atin, kakaibang bokubolaryo, mga wasak na kwento ng masasaklap ang buhay ng mga makamundong tao. Salamat kay Iwa sa mga kwento. Mabuhay ang literaturang Pilipino!

Profile Image for Christine.
49 reviews37 followers
May 4, 2012
Responde: Isang Rebyu
o kung bakit ako nagbabasa ng mga akda ni Norman Wilwayco

Noong unang panahon, nang ako pa ay nag-aasam maging isang manunulat, nag-apply ako sa isang writers' club. Kumukuha pa lang ako noon ng kurso sa Inhinyeriya (Eng'g) at isang hamak na mangmang sa mga teorya sa panitikan. Gusto ko lang magsulat. Hindi ko alam paano ang diskurso tungkol sa pagsusulat. Sa aking final interview sa org, dalawang beses ako nakipagsagutan sa mga kasapi ng club. Ganito ang takbo ng usapan (rephrased):

Mem1: Which do you think is more effective in relaying stories on the plight of our country, Filipino or English?

Ako: (Sa isip, Anong trap ito???) Sa tingin ko po Filipino. (Pero sa English ako nagsusulat.) Kasi it can better encapsulate the experiences and the culture of the country.

Mem2: Hindi ba kaya rin yon ng English?

Ako: Opo, pero iba kasi yung dating kapag in Filipino. Mas dama mo yung paghihirap kung poverty ang theme, yung description din. (Clearly, I was not sure of my answer.)

Mem 1: So you are saying that stories in English by Filipino writers are inferior in the said objective?

(Himatay ako.)

Sa totoo lang, hindi ko alam paano natapos ang pag-uusap na ito. Hindi Tagalog ang pangunahing wika ko at sa Ingles ako nagsusulat. Ngunit sa aking pagtingin, may mga pangangahulugan sa karanasan na sa Filipino lamang macacapture. Pasok Norman Wilwayco.

Ang mga unang akda ni Norman Wilwayco, aka Iwa, ay dalawang nobela: ang Mondomanila at ang Gerilya. Nang mabasa ko ang Mondomanila, dito ko nahinuha ang katibayan sa hindi ko maipaliwanag na ideya noong nasa writing club ako (natanggap pala ako). Sabi ni Gemino Abad somewhere (translated): ang wika na gamit ng manunulat ay kasing halaga ng emosyon at konsepto ng kanyang tula. Isipin mo ang Tondo, isa sa setting ng Mondomanila. Ano ang mga salitang madalas sambitin ng mga tao doon? PI? Maderp*ker? Kuhang kuha ni Iwa ang mundo ng Maynila.

Balik na tayo sa Responde. Isa itong koleksyon ng mga maiikling kwento tungkol sa iba't-ibang karanasan ng iba't-ibang uri ng tao. May durugista, may aktibista, may normal na graphic designer, may mahirap sa probinsya.

Bawat kwento ay astig ngunit may kurot sa puso, wasak ngunit may kabig.

Isa sa sa mga layunin ng pagsusulat sa makabagong panahon ay ang eksplorasyon ng puso at isip ng tao. Paloob (introspection) upang makita kung ano ang nasa labas (social commentary). Makikita ito sa ilang mga kwento. Ngunit sa koleksyong ito, naipakita rin ni Iwa ang kakayanan niya di lamang na galitin ang mambabasa kundi makuha rin ang simpatya para sa tauhan. Hinagpis, pagsisisi, pag-ibig... nakahalo ang mga ito sa paghihiganti at pagkasuklam.

Sa mga kwentong ito ay naipakita rin ni Iwa ang kakayanan niya bilang isang manunulat. Nagamit nya ang iba-ibang estilo at paglalaro sa mga salita (figurative speech, naknang), isang bagay na di ko pansin sa mga bagong akda sa Filipino. (Dahil kaya kadalasan ay mga sanaysay ito?)

Ang mga kwento sa Responde ay maaari nang ihanay sa mga kwento nila Rogelio Sicat (na laging kasama sa Filipino textbooks ang mga kwento). Sinasalamin ng mga kwento ni Iwa ang lipunan natin ngayon; higit pa, sinasalamin ng mga ito ang ating puso, dusa at angas bilang mga Pilipino.

Sa aking palagay, dapat na ngang baguhin ang mga required readings sa panitikang Pilipino sa asignaturang Filipino ng mga hayskul. Sabi nga ni K.D. sa kaniyang rebyu:

...he seems to be a lone candle flickering alone in the dark Philippine literature industry that in itself is flickering as if only a slight blow of tragedy can put the whole market to oblivion. The reason why I am saying this is that most Filipinos read non-Filipino works.


Si Iwa ang bumubuhay sa isang genre ng panitikang Pilipino na tila tumigil na sa post-Marcos era, sa genre na oo nga't parang sa akademya at literary contests na lamang humihinga. Hindi nakapagtataka na siya ay binansagan na ni Jun Cruz Reyes na kaniyang "rightful heir." (May gumawa na ba nito na Filipino writer in English?) Namamatay na nga ba ang genre nila at kailangan nang magluklok ng tagapagmana ng apoy ng pagpapatuloy?

Mabuhay si Iwa. Magbasa na kayo ng akda ni Iwa.
Profile Image for Joanna Marie.
184 reviews50 followers
July 7, 2016
Kung hangad mo ay mawasak ang laman ng iyong utak, damdamin, at kaluluwa sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng literaturang Pilipinas, subukan mo ang Responde. Subukan mong matuwa, masaktan, maiyak, at mapamukhaan ng garapalan ng tunay na buhay, lalong lalo sa Pilipinas. Ang masakit, ito ay simula pa lamang.

1. Drug War 3.5/5
2. ASIN LIVE! 4.5/5
3. Larawan 5/5
4. Dangal 3/5
5. Kung paano ko inayos ang buhok matapos ang mahaba-habang paglalakbay. 4/5
6. Dugyot 4/5
7. Imat 4.5/5
8. Kahon 4/5
9. Mga Bagay na Wala Kami 4/5
10. Pulutan n/a kung kinaya ko si Imat, pero todo ako nasaktan, mas di ko kinaya toh.
11. Tony Love Floren 3.5/5
12. Trip Kong Lumipad 4/5
Profile Image for Archie Ibay.
2 reviews
May 15, 2013
Si Iwa ang nagbigay inspirasyon sa akin para magsulat. Si Norman Wilwayco. Sabi nga ng kakilala ko "ang pagbabasa daw ng mga gawa niya ay parang panunod ng porn video sa public place ng hindi mga malilibog at mal-edukado mga kasama mong nanunuod". Adik, liberal, bastos, hindot. Ilan lang yan sa ibat-ibang klaseng madalas itawag ng mga reaksyunaryo sa panulat niya. Pero hindi ako. Dahil kailanman hindi ako nababastusan sa salitang karat, puke, titi, puta, kantot, tae, suso. Mga salita ito sa tunay na mundo, ng mga tunay na tao: mga tambay sa kanto, tricycle driver, estudyante, nanay o tatay, teacher, pulis, tanod, kapitan, pulitiko (ewan ko lang kay Tito sotto.).



Totoo ang mga kwento, ang mga salita, mga pangyayaring binasa mo lang pero parang naranasan mo na. Nagsusulat ako, pero alam kung di pa ako makakagawa nito. Alam mo kung bakit? Kulang ako sa bulbol sa noo. Di gaya ni tony, marami ng bayo ang nagpayanig sa baku-bako na niyang mundo. Marami ng bulbol na matibay na plastado na sa kanyang bumbunan. Kahit pa sabihing komo nalagas na ang iilang hibla, eh wazakenrol pa rin ang husay niya.

Yan si Iwa at ang alter ego niya na si "Tony". Maraming bulbol, pasaway, transgresibo. Malakas ang personalidad. Pero umiibig, nasasaktan, may pagmamahal sa bayan: tao



heto ang review:



DRUG WAR(3.5 star) = humanga ako sa tibay ng babaeng kasintahan ni tony dito. Kinantot at binugbog na siya't lahat lahat eh nagawa pa niyang alalahanin si tony. Magkasintahang binugbog dahil sa pagmamarijuana. ng isang pulis na nagshabu at isang kapatid ng pulis na hayok sa laman.



ASIN LIVE(5 star)= sobrang husay ng pagkakasulat nito. Oo sanay na ako sa non-linear na style ni iwa [yung hindi tuloy-tuloy ang scene at oras ng kwento pero pag natapos mo ang akda, eh malinaw ang lahat] consistent, totoong totoo ang kwento at mga karakter. Ang "asin", ang anak na gustong bumili ng gitara at pasukin ang mundo ng musika. Ang ama na hindi marunong kumanta, mag-gitara, ama na pumatay sa musa ng kanyang anak na magliligtas sana sa pinaka sensitibong panahon ng pagiging tao ng kanyang anak. Lahat sila totoo, sa ating lahat totoo sila. Sa bawat kwento ng ating buhay, totoo sila.



LARAWAN (4.5 star)= tangina sobrang nakarelate ako dito, kung may pagkakatulad man ako sa bida. Eh yun yung marami ng dumaang babae sa buhay ko (hindi ko sinasabing lahat sila naging syota at nakantot ko, lalong hindi nakantot). Basta bigla na lang silang nawawala kagaya ng mga litrato sa kwento. Hindi man namamatay. Eh nawawala sila at wala na silang pakialam sa akin. Ang pagkakakwento? Ok naman. Kagaya ng iba niya rin akda. Pero gusto ko pa rin ang story.



DANGAL(4 star)= buong buo ang perspective dito ni Iwa, sa usaping tungkol sa mga average student. Mga estudyanteng walang wala. sa pera, sa nalalaman, sa buhay. Marami sa atin, iba ang pagkakaintindi sa average student. Pero sa kagubatan ng reyalidad totoong may mga taong walang mukha, minsan pati pangarap wala rin. Pero madalas, silang mga walang mukha ang siyang tunay na nakakakita sa mukha ng mga tao. Kung gaano sila ka puta, animal, feeling sosyalera. Nagulat ako sa katapusan ng kwento, ilang araw ko rin pinag-isipan kung bat ganun ang katapusan ng akdang to. Siguro tunay ang pagmamahal, pero nabibili ang dangal eh. Lahat tayo may dangal, at naniniwala ako lahat yun nabibili, napapalitan. Hindi man pera minsan pero ganun pa rin yun. natutumbasan. At mahirap magmahal lalo na sa isang tao alam mo ang halaga ng presyo sa ulo.



KUNG PAANO KO INAYOS ANG BUHOK KO MATAPOS ANG MAHABA-HABANG PAGLALAKBAY(4star)= ikaw mismo ang nagsabi sa akin na iba ito at ang nobelang "Mondomanila". Marami ang hindi nakakaalam dito, sabi mo ayaw mong talo ang bida mo sa huli kaya naisipan mong ibahin ang katapusan ng kwento sa nobela. Oo iba to, nabaliw si tony dito, nabaliw sa kahirapan, sa buhay. Sa mga tao na nasa kapaligiran niya. Ang pagpatay niya sa kano ay ang pagpatay niya sa kanyang mga pangarap at katinuan. Di hamak na mas gusto ko yung paraan ng pagkakapatay ng kano sa nobelang "Mondomanila" kesa dito sa short story.



DUGYOT(3star)= ito ang hindi ako masyadong nabilib dito. Katulad sa karamihan mong akda, patay ang bida. Adik ang bida. Gayun pa man, sadyang ganun ang mundo. Marahas. Himurin mo man ang tumbong ng kahit sinong tao. Hindi sila mag-aalinlangan na saktan ka o patayin pag hiningi ng pagkakataon.



IMAT(4.5 star)= iba to, lahat naman sa atin nakakakilala ng isang Imat. Baliw, wala sa sarili. Pero aminin natin na minsan kasama rin tayo sa nakitawa, kumutya, nagtapon ng tingin ng kababaan. Hindi ko dito nakita ang kabaliwan ni imat, kundi ang kabaliwan ng mga tao, ng mundo. Gusto ko rin ang pagkakasulat nito. Lalo na sex scene. Para kang nanuod ng porn na hindi pixalated.



KAHON(5 star)= mataas ang marka ko dito, di lang dahil nanalo ito ng Amado Hernandez ek-ek awards. Ito ang una kong nabasa na akda ni Norman. Medyo wala pa akong alam sa pagiging tibak-tibak 'non. Una napahanga ako sa style. Bilang nag-uumpisang magbasa ng akda. makulit, diretso at walang paliguy-ligoy ang ipinapahiwatig na mensahe ng nasabing akda. dito mo masasaksihan ang totoong kabalintunaan ng lipunan at ng gobyerno. malungkot ang katapusan, kasi gano'n talaga, susupilin at susupilin ng gagong sistema ang sinumang magtangka na magpapalit dito, samantalang ang mga walang bayag para sa rebolusyon ay patuloy na magiging alipin nito.



MGA BAGAY NA WALA KAMI(4.5 star)= huling huli ng akdang to ang buhay nayon, maging ang salita ng nagkukuwento. isa ito sa mga kinahahahangaan ko kay iwa, alam niya ang boses na gagamitin sa sinumang karakter. katulad ng kahon, tarantado talaga yang mga pulitikong yan.



PULUTAN(4star)= simple ang kwento, simple ang pagkakakuwento, simple ang ginamit na karakter na nagkukuwento... pero maangas pa rin para sa'kin. lalo na noong nagkakatitigan ang asong si doro na tila ba nagtatanong kung ba't heto na't kakatayin na siya ng among nag-alaga sakanya sa mahabang panahon. hindi na umilag si doro. minsan iniisip ko, ano ba ang pamantayan sa pasasabing tao ang tao? at hayop ang hayop?



TONY HEART FLOREN(4.5 star)= may mga bahagi ang akdang to nakakalito para sa akin, yung pag-inom ng lason, yung ama na nakakita sa naiwang notebook, at ang pagpapadala ng anak sa digmaang pakana ng U.S at ng puppet nating gobyerno.... hindi ko nasundan, pero sa kabuuan, kwento ito ng marahas at tunay na pagmamahalan ni tony at floren.



TRIP KONG LUMIPAD(4 star)= atheist din ako gaya nung bida, pero hindi ako adik ah!... sobrang adik ng magkasintahang to, minsan natanong ko rin sa sarili ko? paano ako mag-aasawa? paano kami ikakasal? eh hindi nga tayo naniniwala sa diyos, so ano pang silbi ng mga hindot na pari? at ng mga tarantadong opisyal ng gobyerno?.... si Jack ang nagpahanga sa akin sa akdang ito. nagawa niyang mamaalam sa mundo ng matiwasay at tahimik....sa paraan ng pagkakakuwento, estudyante ang narrator. magaling si iwa sa ganoong boses....though mas gusto ko ang creative writing ng iba niyang akda kaysa dito.









salamat sa shit na librong 'to tol.... digs...!!
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
November 19, 2012
Boom! Warak

Isa na namang patunay sa husay ni Iwa. Lupon ng makabagbagdamdaming maiikling kwento ng sex, droga, jutes, bisyo, karahasan, pag-ibig, at kung anu-anu pang shit sa mundo ng makasalanan.

Ramdam na ramdam ang lungkot sa bawat kwento na siguradong babasag sa iyong puso at buong pagkatao.

May hatid na mensahe ang bawat akda na sumasalamin sa mga karanasan ng iba sa atin. Sa ilalim ng moralistikong lipunan at palpak na gobyerno na pilit tinatakasan at nilalabanan ng mga karakter ng librong ito.

Drug War (4stars) - may mga bagay talaga na hindi tanggap sa lipunan. At wala tayong magawa kung hindi sumunod dito.

ASIN Live (4stars) - Mahirap talaga kapag walang tiwala ang magulang. Sila mismo ang hihila sa iyo pababa.

Larawan (3stars) - Isa nanamang patunay na walang second chance sa love.

Dangal (5stars) - Naiinis talaga ako sa mga taong walang paninindigan.

Kung paano ko inayos ang buhok ko matapos ang mahaba-haba ring paglalakbay (4stars) - Bakit kaya may mga taong racists. Ang sarap nilang sampigahin.

Dugyot (4stars) - Ibang klase talaga ang mga taong gagawin ang lahat para sa bisyo.

Imat (5stars) - Mag-ingat sa mga taong akala mo mabait, mapagsamantala pala. Mas masahol pa sila sa kriminal.

Kahon (5stars) - Nakakaawa ang mga taong nakakahon sa pamilya at lipunan. Kailangang sila ay palayain.

Mga bagay na wala kami (4stars) - Mga walang hiyang mga politiko. Bakit hindi pa kayo maubos ubos.

Pulutan (4stars) - Mga taong masahol pa sa hayop. Kaya madalas silang ikumpara sa hayop.

Tony heart Floren (4stars) - May mga tao talagang spoiled. Hirap ispelengin.

Trip kong lumipad (5stars) - Ang pagpapakamatay hindi sagot sa problema. Napaguusapan yan.

Sa paglalahat, naisip ko anu nga bang lipunan meron tayo? May ganito kaya talagang klasang mga tao? Nakakatakot talagang isipin.

Sabi ko nga sa sarili ko. Swerte pa rin talaga ako.

Wasak.
Profile Image for Joselito Honestly and Brilliantly.
755 reviews432 followers
August 21, 2013

Short stories sewn together by a Filipino story-teller who writes in a strange mix of the modern language of the streets, pure Tagalog and English, with its moments of brilliance. The first, entitled "Drug War," is a very promising start for a novel. A fast-paced cocktail of drugs, sex and violence which can't fail to arrest one's attention, like a trailer of a Quentin Tarantino action movie. But it ended after 34 pages. You'd be hoping that the entire book was a complete novel and "Drug War" is just its first chapter but no. It ends there, the girl raped, and she and her boyfriend puffing marijuana.

"Dangal" is another wasted material. The plot may not be novel. I remember a hollywood film about a couple, the girl was attractive, and here comes a millionaire offering $1M to the girl for one night of sex with him with her consent AND that of her husband. Here, in "Dangal," 'twas a male student who suddenly became rich offering an ever increasing amount of money for a round of sex to a hard-to-get campus heartthrob who had earlier rejected him when he was still penniless. The action here was INSIDE the protagonists' minds: the delicious turmoil that may have been inside the guy's head when he first learned of the windfall that dropped for him from heaven, the agony the girl might have wrestled with as the offered amount increases, from P100,000.00 up to P1.1Million when she finally succumbed, etc. But the story ended in just 23 pages, the author having contented himself with just telling what happened from the outside. Well, he might say it wasn't fiction and he was just sharing with us what he saw, heard and knew. To which I shall counter with: putang-ina pare, who cares if it was fiction or not? If you are really a kwentista and desire to improve your craft, don't waste materials like this at 'wag kang tamad! Improve, steal, improvise, invent and expand your imagination with drugs--do anything to give us better and less bitin stories!
Profile Image for Jukang Liwayway.
106 reviews7 followers
January 3, 2016
Labindalawang maiikling kwento ni Norman Wilwayco na nagbigay sakin ng iba't ibang emosyon. Labindalawa ring beses winarak ang puso ko. Labindalawang istorya ng iba't ibang klaseng kaadikan, kahalayan, kabastusan, kawalan ng dignidad, kahindik-hindik, at kamulat-mulat na mga kwentong Pinoy. Welcome to the dark side.

Kadalasan sa mga ganitong klase ng babasahin (Phil. Lit) ay may halong socio-politikal kaya pilit kong iniiwasan sa kadahilanang gusto kong magbulag-bulagan sa mga katotohanan na nangyayari sa ating bansa pero hindi ako nagsisisi na binuklat ko ang libro ni Iwa. Dahil dito parang gusto ko pa iexplore ang literaturang Pilipino, lalong-lalo na ang mga akda ni Norman Wilwayco.

Ang aking rating: 4.5/5 - Ito lang ang masasabi ko sa Responde: WASAK NA WASAK.

...Pagkatapos kong himay-himayin ang lahat eh napaisip ako. Tipong, teka, langhya - iba ka Iwa, iba ka. Pagkatapos tayong bastusin at warakin ang kamulatan sa mga naunang 11 na kwento, eh bibigyan tayo ng ganitong istorya na sa panlabas na anyo eh parang malamya ang dating. Pero hinde, kumbaga sa asong may rabies eh titirahin ka ng tahimik, kakagatin sa pwet habang nakatalikod. Na hindi natin namalayan na sa pagtatapos ng mundong hinabi ni Iwa, pagsara ng aklat, eh bibigyan tayo ng isang emosyon na may matinding tama satin - na magiging dahilan na kung bakit hinding hindi natin makakalimutan ang librong ito.


READ MY FULL REVIEW ON BLOGGER @ http://strangereview.blogspot.com/201...

Profile Image for Juan Bautista.
Author 37 books46 followers
December 27, 2014
Matagal na kong follower ni Norman Wilwayco. Regular ko binibisita mga websites at facebook page niya. At sa totoo lang, malaki ang impluwensiya sa'kin ng taong ito pagdating sa pagsusulat sa wikang Filipino.

Responde! Dumiskarte ako ng E-book format sa BUQO. Binasa ko ng isang araw lang habang nakasaksak yung ipad ko dahil malapit nang ma-lowbatt (mabagal talaga kasi ko magbasa).

Ang trip na trip ko sa istilo ni Norman Wilwayco, para niya kong kinukuwentuhan habang nagkakape't yosi lang kami sa kalsada. May mga sipi na kapag binasa mo makakabuo ka talaga ng imahe. May kakayahan si Wilwayco na dalhin ang kanyang mambabasa sa tagpo ng kanyang kuwento.

Para sa'kin, bukod kay Lualhati Bautista si Norman Wilwayco ay paborito ko na ding manunulat.

Mas gusto ko 'tong Responde kaysa sa Rekta pero 'worth it ang parehong libro'...
Profile Image for Justin.
17 reviews
August 28, 2025
I. Ang libro
o ang mga naiisip ko tuwing nabubugnot ako sa bahay kapag nag-iisa at hindi makapag-ano

Unang-una, nami-miss ko na si Doro. 

Pangalawa, nakita ko kaninang maligalig na naglalagalag sa Bacoor si Imat. 

Pangatlo, sabi nila, nahuli na si ___, at hindi pa rin nakakatikim ng jutes sina __; nakay __ pa rin ang wampipti.

Pang-apat, patay na raw si Meyor. 

At panghuli, sumunod nga si __ kay Jack. 


II. Ang rakenrol ng buhay natin
o kung paano ako winazak ng kawazakan 

Puta. Gago. Pakyu. Droga. 

Ihi. Tae. Aso. Tao. 

Yosi. MJ. Pakete. Asset.

Timbre. Tibak. Tite. Talik. 

Kupal. Hayop. Baliw. Dangal. 


III. Ang kumakawala'y nagwawala
O ang hayop sa loob nating lahat

Sa panitikan, may mga sumusulat dahil, ano pa ba, e di sumulat. Mayroon din namang sumusulat na sumusugat. 

At mayroon ding gaya ni Iwa na sumusulat upang managa. Oo. Hindi sapat ang saksak-baon—kailangan: saksak, baon, ikot, halukay, halukay, halukay... hanggang sa matuyo ka't maging balat na lamang at abo. 

Sa larang ng panitikan, pinasok ito ni Iwa nang walang pakundangan at kinuwento ang mga hindi pa o hindi dapat o hindi na ikinukuwento: droga, pakikibaka, pagkawala, pandarahas sa tao at hayop—hanggang sa maghalo ang dalawa at hindi matukoy kung sino ang sino—at lalo't higit, pag-ibig. Dito, ipinapakita ni Iwa ang kayang gawin ng panitikan bilang kuwentista, lalo't higit ng isang kuwentistang kayang bumitaw sa takot, alinlangan, at ang balakid buhat ng mga "dapat." Wala itong sinasanto, hindi dahil gusto nitong magpasaway, kundi dahil kailangan nitong maging tapat. 

Sa kabuohan ng koleksyon, walang makaliligtas. Wala kang masisilungang pahina. Lahat sunog. Lahat may latay. At iyon ang punto—dahil sa mundong ito, hindi na sapat ang pananahimik. Sa pagkamulagat nang matagal-nang natutulog na himutok, sa pagkuyom ng kamaong nakapagsasalita ng ating himutok, doon magsisimula ang lahat—panitikan na sumasabog, panitikan na nakawawasak. 

Ang panitikan natin.
Profile Image for Renzon Capinpin.
18 reviews
October 7, 2017
Sa lahat ng libro ko ito, ang pinakaespesyal. Ang mga maikling kwentong nakapaloob sa libro na 'to ang babalik-balikan ko. Sinadya siguro talaga na 'Trip Kong Lumipad (5stars) ang huling maikling kwento sa librong ito, kasi sasariwa sa ala-ala sa tuwing, bubuksan ang librong ito, yun agad ang naalala ko.
Profile Image for Fati.
176 reviews
September 13, 2025
Depressed the shit out of me. What a collection. I felt the author’s anger and frustration. As always, I am a great fan of his writing.

Will always be thinking about “Trip kong Lumipad”, “Larawan”, “Dangal” and “Kahon”. “Imat” was too freaking heavy for me and it reminded me again how men are scums and pigs.
Profile Image for Pauline.
15 reviews
November 7, 2025
You write unapologetically. Bastos. Hindi humihinto. Umuulit ang mga salita. Sobrang hiwaga, malalim, pero at the same time, ang babaw mo. You parang ang dali mong balangkasin, pero hindi. Parang makakapa kita, pero parang ang layo. At minsan akala ko, mahuhulaan ko, matutuntpn ko ang direksyon ng utak mo, pero hindi ko pala kaya. Husay. Tangina.

Ps. Sa Buhok at Imat, halimaw ka.
Profile Image for The Pacific Reader.
9 reviews
December 10, 2025
Wala akong kaide-ideya kung ano ang mga paksang nilalaman ng Responde ni Norman Wilwayco. Sa katunayan nga, inakala ko pa na isa itong nobela. Wala akong inaasahan nang buklatin ko ang mga pahina nito at hinayaan ko lang na maglayag ang isip ko kasabay ng mga titik at salita. Ngunit ginulat ako ng akda at hinalukay nito ang samu't saring emosyon sa akin; poot, kaba, lungkot, tuwa, pandidiri, pagkamangha at kung ano-ano pa. Dulot ito ng mga kwentong bibihirang makita at marinig ng ating isipan.

May laman itong labindalawang maikling kwento. Ngunit hindi basta-basta ang mga ito. Sa katunayan nga ay may tatlong kwentong tumatak sa aking puso't isipan. Ito ay ang mga kwentong may titulong Imat, Asin Live!, at Dangal.

Binanggit ko man ang "Imat" ngunit ito ang isa sa mga kwentong nais kong burahin sa aking isipan dahil sa bigat ng tema at paksang binabagtas nito na may kinalaman sa sekswal na pang-aabuso. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si Imat.

Kung ang “Imat” ay nais kong burahin sa aking isipan, ang “Asin Live!” naman ang nais kong manatili sa akin. Ito ang kwentong kumurot sa aking natutulog na damdamin at nag-iwan pa ito ng bakas. May bigat ang paksa dahil tinatalakay nito ang pangarap na naninirahan sa puso ng bawat isa. Ipinakita nito kung paanong ang isang pangarap ay isang putahe sa isang kawan na kung iyong pahahalagahan at pagkaiingatan ay siyang magbibigay sarap at linamnam sa iyong buhay at kung iyo namang iiwan at tatalikuran ay magbibigay pait sa iyong puso't isipan.

Ang ikatlo at huli naman ay ang "Dangal" na may nakakalungkot at nakakakabang mga eksena. Bawat mga sandali ay tila ba mga eksena sa pelikula. Tila ba kasama ka ng mga estudyante na nag-aantay ng mga susunod na kaganapan sa dalawang tauhan na siyang laman ng balita sa buong eskwelahan.

Masasabi kong hindi nasayang ang oras na inilaan ko sa pagbabasa ng akda. Alam ko rin na hindi ito masasayang sa haba ng panahon dahil ang “Responde” ay may unibersal na temang maaaring basahin sa nagdaan, hinaharap, at kasalukuyan. Ito ang isa sa mga patunay na dapat ipagmalaki ang mga akdang Pinoy!
Profile Image for Fernando Silva.
12 reviews1 follower
October 8, 2020
Kung hindi para sa iyo, huwag mo nang ipilit ng todo. Huwag kang manghihinayang sa mga bagay na wala ka. Huwag mong ikahon ang sarili mong isipan. Languyin ang dagat ng buhay nang may lakas ng loob patungo sa dalampasigan ng tagumpay.
Profile Image for Vicente.
21 reviews1 follower
September 29, 2025
"RESPONDE": Ang Tinding Kuwento Mula sa Kalye (Quick Look) 💔

​Kung gusto mo ng librong walang arte at saksakan ng totoo, kunin mo ang Responde ni Norman Wilwayco. Ito ay koleksiyon ng mga wasak at tapat na maikling kuwento na didiretso sa mga isyu ng droga, karahasan, at kahirapan sa Pilipinas.
​Ang Estilo? Walang filter! 'Yung Tagalog na ginamit, 'yun talaga ang salita sa kalye. Dahil dito, ramdam na ramdam mo ang sakit at gulo.

​Ang Pinakamasakit: Mga Batang Biktima
​Pero ang talagang titimo sa 'yo sa librong ito ay ang kapalaran ng mga inosenteng bata. Sa mundo ni Wilwayco, walang safe space at lalong walang happy ending para sa lahat.

Ramdam na ramdam ang pighati kapag nababasa mo kung paano sila nadadamay, nagiging biktima, o mismong namamatay dahil sa gulong hindi naman sila ang nagsimula. Ang mga tagpong ito ang nagpabigat talaga sa damdamin at nagpapaalala na ang mga matitinding problema sa lipunan ay laging may pinaka-inosenteng biktima.
​Rating at Ibang Detalye

Ang Aking Rating: 4/5 Stars ⭐⭐⭐⭐
​Bakit 4? Napakahusay ng akda, pero nagbigay ako ng 4-star dahil may ilang kuwentong naulit lang mula sa naunang libro niyang Mondomanila. Sayang.

Tungkol sa Pagbabago ng Plot:
​Kung bakit si Tony ang pumatay kay Steve dito, at iba ang nangyari sa Mondomanila, ang simple lang na sagot: Magkaiba ang bersyon ng kuwento ang Responde at Mondomanila. Creative license 'yan ng awtor!

Kaya kung gusto mong masilip ang alternate, mas brutal na buhay ni Tony De Guzman at ang galing ni Wilwayco sa paghawak ng wika, basahin mo ito. Maghanda ka lang sa mga eksenang didurog sa puso mo, lalo na tungkol sa mga bata.
​Anong kuwento sa koleksiyon na 'yan ang pinakanagpaiyak sa iyo?
Displaying 1 - 27 of 27 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.