Bibihira ang manunulat na Filipino sa ating panahon na may galing at kaugmang estilo gaya ng ipinamalas ni Tony Perez sa Cubao Midnight Express. Tunay na tunay, buhay na buhay at totoong totoo ang Cubao sa librong ito; at ang mga taong gumagalaw, gumagala, nagmumuni at nagsasalita rito ay produkto ng sensibilidad na kahanga-hanga ang talas sa pagtatala at pagsasawika ng karanasan. Pero ang lalong kagila-gilalas ay ang lawak ng kanyang alam at ang lalim ng kanyang arok sa tema ng pag-ibig, na sa koleksyong ito ay tuwig, hungkag, baluktot, nakakahilakbot, kalunos-lunos ang pangungulila, at higit sa lahat, gumugurlis sa puso ng mambabasa at nagpapaahon sa mata ng mainit na luha ng pagdamay.
- Bienvenido Lumbera Guro, Kritiko at Manunulat UP Diliman
Tony Perez was born on 31 March 1951 in San Fernando, Pampanga. He is a fictionist and playwright in English and Filipino, lyricist, visual artist, and clinical therapist; psychic trainer and adviser to the Spirit Questors, a group of young psychic volunteers he brought together in 1996. He conducts workshops in magic, shamanism, psychic powers, dreamwork and dream analysis. Among his works are the Tatlong Paglalakbay trilogy [ Bombita, Biyaheng Timog, and Sa North Diversion Road ], Oktubre, Noong Tayo'y Nagmamahalan Pa, Noong Akala Mo'y Mahal Kita; the musicals Florante at Laura and Sa Pugad ng Adarna; Cacho Publishing House's Cubao series and Anvil's transpersonal psychology series which includes The Calling: A Transpersonal Adventure, Mga Panibagong Kulam, and Mga Panibagong Tawas.
Tipanan: Nagustuhan ko ang ritmo at ang feminist undercurrent ng kwento.
Mga paboritong linya: - Palubog pa lamang ang araw, at ang langit ay nagparang puwit ng kalderong pilak na sinisinagan ng apoy—kaibang tanawin ng paglubog ng araw na alam niyang doon lamang masasaksihan sa Cubao.
- “Thank you.” (“At mas lalong salamat kung hindi ka isang rapist.”)
- Nasaan ang mga bulalakaw, ang tanong-sa-isip niya, nasaan ang sax and violins, nasaan ang fanfare, nasaan ang stinger, nasaan ang pagtigil ng panahon at ng buong mundo, nasaan ang biglang pag-iba ng buhay ko? Nasaan ang kulog at kidlat na yumanig sa kalangitan nang kumagat sa mansanas sina Adan at Eva? Nasaan ang arkanghel na may tangang espadang ubod ng liwanag at umaapoy?
Pamamanhikan: Nakakatakot pumasok sa isip ng isang delusyonal na stalker at mamamatay-tao. Mas nakakatakot na alam mo na ang mangyayari kay Fina, gawa ng nangyari sa ibang mga babae.
Mga paboritong linya: - Doon siya nagkamaling tumapak sa laylayan ng mahabang damit na suut-suot pa niya. Nadulas siya. Nahulog sa paanan ng matarik na hagdan. Nang bumagsak siya sa sahig, bigla akong nakarinig ng malutong, parang yaong pagbali ng sanga ng punong bayabas na minsan kong nahulugan sa mababang paaralan, lagutok na may-halong kalabog na basa, parang labahin sa tabing-ilog na minsang hinataw ng palupalo.
- ‘Di ba, noong isang hapon, sinutsutan kita? Parang sutsot ng gunting.
Second Trip
Basted: gusto ko yung paggamit ng liham para ipakita yung switching perspectives. iniisip ko nga nung una, typewritten kaya 'yun? pero sa tingin ko sulat-kamay ata. nakakatuwa basahin yung pagblossom ng feelings nila, di bale nang baluktot ang English at may mga typo. heartbreaking yung ending. :(
Kaisplit: akala ko kaibigan niya si Valentin. he named his dick pala hahahaha. natawa ako dito:
- “How funny naman your fishes, they’re blue and white, there’s no fishes naman this color, ah.”
“Siguro, Atenistang isda iyan,” sagot ko. - “Tsaka na ibagsak ang mga iyan. Ibagsak mo muna’ng pantalon mo.”
Katalo: nung binabasa ko yung batuhan ng dialogue nung apat habang naglalaro sila, naiimagine ko yung eksena na parang slapstick comedy sa movie. relate din pala ko kay Purita, ilang beses na rin ako nagkaroon ng crush na 'di kami talo.
Third Trip
Balani: gusto ko talaga ng coming-of-age stories so na-enjoy ko 'to basahin. para sa 'kin lang, groomer ata si Tito Rudolph. may pagka-CMBYN yung vibes, lalo na nung nasa dagat na.
Ligaw: legit bang “Iniibig k" lang yung laman nito||? kung oo, medyo may sense kasi pwedeng ligaw (lost) na nanliligaw yung nagsulat.
"Huling biyahe na po pa-Cubao. Pa-abot na lang po ng bayad sa mga 'di pa nagbabayad."
Nag-abot ako ng barya sa mamang may kasamang aso sa paahan. Ang weird, ngayon lang ako nakakita ng aso na nakasakay sa jeep. ||Gusto ko sana tanungin yung amo kung ano pangalan niya, pero mukhang wala siyang pakialam sa aso. Kawawa naman siya, parang halos ilang linggo nang di kumakain. Ang dungis pa ng *fur* niya. Ayokong husgahan yung umabot ng bayad ko, pero sana alagaan niya yung askal. Kung hindi man, sana maramdaman ulit ng aso yung saya, kahit sa dulo na ng paglalakbay niya.
“Puki mo!" sigaw na babae sa harap ko na pumutol sa pagmumuni-muni ko tungkol sa aso. Napansin ko ang dalawang lalake sa tabi niya. ||Sa tingin ko matatalik silang makakaibigan, pero sarado ang application, *three is already a crowd*. Nakakatuwa pakinggan 'yung babae, ang dami niyang kwento na sa tingin ko na 'di dapat pinapagsigawan sa jeep. Pero hatinggabi na, 'di naman puno ang jeep, at ano naman gagawin naming mga estranghero sa mga storya niya? Di ko naman siya kilala, pero rinig ko Carissa pangalan niya.
Nakakalungkot mag-isa, kaya siguro lalo nakakaakit na makipagkaibigan sa kanila. Mukha silang masaya at ramdam ko na marami akong matututunan sa kanila.
Naghahagikgikan ang tatlo nang makita ko na ang kanto malapit sa apartment na tinutuluyan ko. "Para po," tawag ko sa drayber.
Tumigil ang jeep at bumaba ako, bitbit ang kanilang mga kwento.
Ito ay isang selebrasyon ng mga tauhang Cubao lamang ang makakabuo. Ngayon ko lang namukat, na sa likod ng mga matang nakita kong naghihitay sa mala-Kalbaryong bangketa ng Farmers, ay may mga kwentong tatawag sa minsang tinalikuran at kinalimutang ulirat; mga kwento ng dilim at dumi na nagtatahi para mabuo ang ating pagkatao.
Midnight – Hatinggabi: oras ng pagpikit o pagdilat; ng pagtayo o paghiga; pagyakap o pagtulak; ng pag-uulayaw at kahayupan. Ito ang oras ng walang kasigurahan, simbolo ng nag-iisang gitna, ng pagtawid o ng pagbabago. Dito ay ineksperimento ni Perez ang isip ng tao. Inirehistro ang rutang MIDNIGHT EXPRESS sa makulimlim na lansangang isa lamang ang patutunguhan upang siguruhing hindi ka na maka-aatras o makababalik. Ipinosisyon niya ang mga kwentong pag-ibig malapit sa kinahihintakutang hatinggabi, habang tayo naman ay sabay-sabay na huhukay sa kanyang mga eksposisyong tanging purong diwa at kinalimutang nakaraan lamang ang makauunawa.
Sa mga pahina ni Perez makikilala natin ang mga tulad ni Amor, isang babaeng pilit iginuguhit ang linyang marhinal sa pagitan ng dalawang nagsusulpukang kasarian ng kanyang panahon. Sasamahan natin siyang maglakad sa Cubao, pagkagat ng dilim, at sasabayan ang maiingat na mga hakbang na siyang lilikha ng ritmo ng kaba’t takot. Sa mga susunod na kwento ay aabutan natin si Adonis sa mundo ng showbiz, at ang kanyang di mahagip na pag-ibig sa gitna ng libo-libong pagmamahal. Susuriin natin ang diwa ng isang serial killer habang siya’y buong tiis na naghihintay sa tamang oras ng pagsakmal (o pagsuyo). Hahalakhak tayo sa halos walang mintis na sulatan nina Chris Kringle at Venus – dalawang magka-opisina sa isang pagkalaki-laking korporasyon sa panahon ng kapaskuhan. Sa kanilang mga sulat ay mayayakap natin ang katotohanang hindi kailangan ng pulidong Ingles para lamang maintindihan; na sa bawat sablay na istruktura’y tanging konteksto lamang ang magsisilbing ankla sa pag-unawa, sa pag-intindi, at iyon ay sapat na. Mapalad nating masasaksihan ang isang lihim na larong tanging ang mga katulad lamang nina Cinammon Apple, Divine Grace, Honey Love at Precious ang nakaka-alam. Nakatutuwang isipin na sa bawat wakas ng gayong laro’y di masusukat ang “laki” ng premyo. Higit sa lahat, susundan natin ang nakakakiliting pakikipagsapalaran ni Valentin, ang misteryosong ka-agapay, katuwang, kababata at madalas-kaaway ng kanyang amo (o alipin).
Sa mga kwentong ito ay kinalikot ni Perez ang mga istoryang ginanap sa Cubao. Mga kwento ng pag-ibig na kapos at mga pagsuyong naunsiyami. Sa bawat maikling kwento’y ginalugad ng may-akda ang sikolohiya ng tao sa panahon ng pag-ibig, pati na rin sa oras ng pagkawala nito. Minsa’y patatawanin ka sa mga di mga inaasang ganap. Kamukat-mukat mo’y matatakot ka naman sa pagpasok sa diwa ng isang serial killer. Malulungkot ka sa mga naratibong sumasalaysay ng pag-iisa, ngunit buong lalim mong nanamnamin ang di makitang tamis ng pag-iwan at pag-asang mabubuo ka muli.
Nailimbag noong December 1994, ang CUBAO MIDNIGHT EXPRESS ay isang testamento ng tunay na paglikha ng mga klasikong obra mula sa isang Pilipinong manunulat. Dito ay makikita mo, hindi lamang ang Pilipino, kundi ang tunay na tao. Ikaw. Ako. Ang Nanay mo, pati na rin si Tatay, si Nene, si Boy at si Koring.
Nakakahiyang aminin na maging ako’y muntik nang nakalampas sa isang kathang magmumulat sa akin ng kagandahan sa likod ng mga lugar na madalas kong iwasan hanggang ngayon.
Sa MIDNIGHT EXPRESS ni Tony Perez, paparahan tayo ng mga diskursong balbal, paulit-ulit, nagbabagong porma, subalit sa likod noo’y meron pa ring makatwirang lalim. Sa bawat tauhang kanyang nilikha’y matatakot tayo at ipagdarasal na nawa’y di totoo, o sana’y wag nang dumaan.
Subalit sa ayaw man natin o gusto, sa bawat pahina’y nakalimbag ang mga mukha natin.
Mahal ko ang Cubao dahil kay Tony Perez at sa librong ito. Sabi nga ni Ma'am Beni: "Kay lungkot at kay pait ng mga Midnight Express na pag-ibig ni Perez. Subalit kay tapat. Wala na marahil mahihinging higit pang kadakilaan sa sining."
It took me some time to obtain a copy of this book. I rarely read Filipino literature in Filipino, because I’m not really Tagalog and I’m a lot more proficient in English. When I do choose to read Filipino fiction in Tagalog, I have to make sure that it has great reviews, because I do so rarely.
Benilda Santos’s introduction definitely whet my appetite toward reading the short story collection: when she alluded to Jung’s shadow and noted that Perez thematically wrote stories that had increasing acceptance of that shadow, I was sold. From the few short story collections I’ve read, I’ve always appreciated those that could be read standalone but could also be read as loosely connected chapters. It’s been more than a decade since I’ve read Faulkner’s Unvanquished, but I loved how the stories slowly reflected his growing maturity until “An Odor of Verbena,” where he finally repudiated the history of violence that was so deeply ingrained in the American South.
In the creation of a small, relatable world, Perez is also by no means a slouch. While Faulkner had his Yoknapatawpha County, Mississipi, Perez has his own version of Cubao, Quezon City. Among his works, Cubao Midnight Express ranks among the most well-regarded precisely because whether we would like to believe it or not, love is a universal emotion.
And Midnight Express does not disappoint.
The first story, “Tipanan” features Amor, a rather attractive lady who had been manipulated by a man, and had now emotionally hardened. Though she passes herself off as a strong, independent woman, she is no less as vile as the serial rapist she has been trying to avoid. Because the first man in her life considered her as “just a woman,” she pushed back against the people who had truly tried to care for her. At the end of the story, devoid of any fear, she stands outside her door during midnight while waiting for the rapist.
Jung has always written that the shadow appears in unwelcome ways if we don’t acknowledge it in our lives: her emptiness and unwillingness to embrace her own rejections and shortcomings culminated in a self-fulfilling desire to condemn all men through the rape that she is welcoming.
The “First Trip” section also contains “Pamamnhikan,” which is Filipino for courtship. The choral repetition of words reflects a fixation toward the idea of love as merely ritualistic: the story’s protagonist, who is the rapist featured in the first story, is that archetype of an incel who could not approach a lady properly, and so resorts to increasingly extreme methods to be with the woman they “love.” His definition of love, however, is merely the act of sex, because he does not have the strength to be rejected. “Are you afraid now?” is a refrain that he asks toward one of the women he rapes, because he is emotionally incapable of rejection. As an insight towards perversion, this is quite a good story. Because the persona is emotionally retarded, he is unable to admit of fault, blaming the other women dying because they didn’t listen. It's still their fault that they allowed him to rape them, even when they are under duress.
These are people who are mired in their own darkness because they are unable to discern the light within themselves.
The “Second Trip” section, on the other hand, deals with people traversing the crossroads of love. These are people who are not as ignorant as love as the protagonists of the first section, but remain to be ambivalent regarding it. “Basted,” the easiest story to read for me (because it’s in poorly-written English, rather than Tagalog) features communication between a man and a woman with a potential for romance. Perez is brilliant in this story in that he pokes reality into the fantasy the two are creating with their epistolary tales. There are multiple grammatical errors which reflect their lack of English competence, though the two keep on trying. Ultimately, reality intrudes and destroys their fantasy, even though Venus, the lady, did her utmost to realize it.
“Kaisplit” is Perez’s rendition of Nikolai Gogol’s Nose, but of course with the tonality of Philip Roth: as he grows in confidence, Valentin’s penis realizes that there is nothing that could stop Valentin from conquering the world, because his penis is long. Quoting Arguilla’s Midsummer: “He felt strong. He felt very strong. he felt he could follow the slender, lithe figure to the end of the world.”
“Katalo” was, at the time, definitely avant-garde in its treatment of homosexuality. The story was well-written, and I loved how the characters reflected my own perspective regarding trans people: “Tarantada! ‘Kala mo ba, ‘pag nangyari iyon, babae ka na? Hindi ka babae, kun’ ‘di baklang nagpa-operation. Ano ‘ng tawag do’n? Di bakla pa rin!”
The thematic climax of the collection, however, and where Perez’s best work lay was in “Third Trip.” Benilda Santos in her introduction also most beautifully described that the “Third Trip” was the time of night where dawn was the nearest, and this is where the Shadow, present as ever, is accepted and sublimated by the characters in this section. Most affecting was “Kiss,” where the life of a warm and loving dog thrust into tragedy because of irresponsible ownership never made the dog’s love for the original owner fade away. As Kiss died, he dreamed of the electric trains that the owner ran every Sunday that they both enjoyed. I think this is the best story in the collection.
“Relasyon” was rather of a quotidian setting and I chuckled a little with the slang Perez used for bisexual: A.C/D.C, which is quite inventive, mind you. To me, it looks like a retelling of Hemingway’s The Sun Also Rises, where Carissa is Brett, the attractive, androgynous, and modern woman, while Jake is Virgil, to a lesser extent. Ostensibly, it is a love story between a lesbian and a homosexual, which is of course tragic, and yet, their words belie their acts of concern for each other. The love Virgil possesses, however, is as full-bodied as the stories of love in “Third Trip,” because he patiently waits for her return. (Recently I’ve also been enamored with Laufey’s “Let You Break My Heart Again,” and this song is so apropos for this story.)
Overall, Cubao Midnight Express is great particularly because it is accessible to those whose first language isn’t Tagalog or Filipino. English is generously admixed into the text if it makes it more understandable, which I appreciate. The collection is rather uneven in that not all the stories are excellent (I’d rank “Kiss” and “Relasyon” to be the most affecting, with others as decent), but for people who don’t read Tagalog and wish to read quality and accessible literature, I’d still rank this a soft 5.
Now that I’ve finally read a book in Tagalog (again), I’ll return to the English that I’m most comfortable with.
Marami-rami na rin akong nabasang postmodern fiction (both local and foreign), pero ito ang pinaka-astig para sa 'kin.
Ang Cubao Midnight Express ay anthology ng mga kakaibang kuwento ng eros na pag-ibig. Isa ito sa tatlong series ng mga akdang sinulat ni Perez sa bahay nila sa Cubao.
Naipasok ako ni Perez sa settings, at as if ako mismo ang characters. Bukod sa pagiging manunulat, psychotherapist din si Perez; malamang na malaking factor ‘yun kung paanong sobrang totoo ng characters niya, na animo'y nakapasok na siya sa mismong utak ng mga ito.
Madalas ako sa Cubao dahil du'n ang ruta ko.. At nang mabasa ko 'tong libro, napakarami ko pa palang hindi nagagala sa lugar na 'yun. Napakarami pang kuwentong interesanteng malaman, napakaraming karakter na interesanteng pasukin.
Ang mga libro ni Perez ang ilan sa mga pinagsisisihan kong nilalagpasan ko lang dati sa National. May iilang natitirang kopya ang series na 'to dati sa NBS Cubao pa mismo. Bagsak presyo na pero nilalagpasan ko lang. Nakakita lang ulit ako ng kopya nito last MIBF 2016. At buti na lang, naka-iskor ako mula sa ilang natitirang kopya. Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang dalawa pang Cubao series, pero wala na akong makita kahit saang bookstore. Kaya sa ngayon, itong koleksyon na lang muna ang patuloy kong papasukin.
Masasabing isa sa paborito kong manununulat ang awtor na si Tony Perez hindi dahil sa udyok ng nakararami sa kagalingan niya sa genre na psychological horror kundi sa malalim na pagsusulat niya patungkol sa pag-ibig sa pinaka-madilim at marimamrim na paraan. Lungkot at kaba ang bumabalot sa mga maikling kwentong pumapaloob sa akda, na siyang kailangang mabasa ng mas nakararami upang maunawaan at pahapyaw na mapaibig sa lugar na Cubao na tampok.
Eto ang compilation ng reviews ko na sinulat ko sa bawat Biyernes ng buwan na 'to (Setyembre).
-----
First trip: Ang ganda ng parallel ng dalawang kwento. Sa totoo lang, nahirapan ako magbasa nang onti. Pero dahil dito, gusto ko pang magbasa ng mga akda tulad nito. (Baka meron kayong suggestion hehe.)
Tipanan: Nagustuhan ko ang ritmo at ang feminist undercurrent ng kwento. Mga paboritong linya: - Palubog pa lamang ang araw, at ang langit ay nagparang puwit ng kalderong pilak na sinisinagan ng apoy—kaibang tanawin ng paglubog ng araw na alam niyang doon lamang masasaksihan sa Cubao. - “Thank you.” (“At mas lalong salamat kung hindi ka isang rapist.”) - Nasaan ang mga bulalakaw, ang tanong-sa-isip niya, nasaan ang sax and violins, nasaan ang fanfare, nasaan ang stinger, nasaan ang pagtigil ng panahon at ng buong mundo, nasaan ang biglang pag-iba ng buhay ko? Nasaan ang kulog at kidlat na yumanig sa kalangitan nang kumagat sa mansanas sina Adan at Eva? Nasaan ang arkanghel na may tangang espadang ubod ng liwanag at umaapoy? - “Putang ama ka, bakla ka!” sigaw niya, at binagsak niya ang pintuan.
Pamamanhikan: Nakakatakot pumasok sa isip ng isang delusyonal na stalker at mamamatay-tao. Mas nakakatakot na alam mo na ang mangyayari kay Fina, gawa ng nangyari sa ibang mga babae. Mga paboritong linya: - Doon siya nagkamaling tumapak sa laylayan ng mahabang damit na suut-suot pa niya. Nadulas siya. Nahulog sa paanan ng matarik na hagdan. Nang bumagsak siya sa sahig, bigla akong nakarinig ng malutong, parang yaong pagbali ng sanga ng punong bayabas na minsan kong nahulugan sa mababang paaralan, lagutok na may-halong kalabog na basa, parang labahin sa tabing-ilog na minsang hinataw ng palupalo. - Iyon kasing balisong, iyong balisong kasi. Bumaon iyong balisong sa lalamunan niya.
Bumaon sa kaliwa, bumaon sa kanan.
Pula, berde. Kaliwa, kanan.
Patay na siya. - ’Di ba, noong isang hapon, sinutsutan kita?
Parang sutsot ng gunting.
-----
Second Trip: Mas magaan siya compared sa nauna.
Basted: gusto ko yung paggamit ng liham para ipakita yung switching perspectives. iniisip ko nga nung una, typewritten kaya 'yun? pero sa tingin ko sulat-kamay ata. nakakatuwa basahin yung pagblossom ng feelings nila, di bale nang baluktot ang English at may mga typo. heartbreaking yung ending. :(
Kaisplit: akala ko kaibigan niya si Valentin. he named his dick pala hahahaha. natawa ako dito: - “How funny naman your fishes, they’re blue and white, there’s no fishes naman this color, ah.”
“Siguro, Atenistang isda iyan,” sagot ko. - “Tsaka na ibagsak ang mga iyan. Ibagsak mo muna’ng pantalon mo.”
Katalo: nung binabasa ko yung batuhan ng dialogue nung apat habang naglalaro sila, naiimagine ko yung eksena na parang slapstick comedy sa movie. relate din pala ko kay Purita, ||ilang beses na rin ako nagkaroon ng crush na 'di kami talo lol.
-----
Third Trip Pt. 1.
Balani: gusto ko talaga ng coming-of-age stories so na-enjoy ko 'to basahin. para sa 'kin lang, groomer ata si Tito Rudolph. may pagka-CMBYN yung vibes, lalo na nung nasa dagat na.
Ligaw: legit bang "Iniibig k" lang yung laman nito? kung oo, *medyo* may sense kasi pwedeng ligaw (lost) na nanliligaw yung nagsulat lol.
-----
Third Trip Pt. 2.
"Huling biyahe na po pa-Cubao. Pa-abot na lang po ng bayad sa mga 'di pa nagbabayad."
Nag-abot ako ng barya sa mamang may kasamang aso sa paahan. Ang weird, ngayon lang ako nakakita ng aso na nakasakay sa jeep. Gusto ko sana tanungin yung amo kung ano pangalan niya, pero mukhang wala siyang pakialam sa aso. Kawawa naman siya, parang halos ilang linggo nang di kumakain. Ang dungis pa ng fur niya. Ayokong husgahan yung umabot ng bayad ko, pero sana alagaan niya yung askal. Kung hindi man, sana maramdaman ulit ng aso yung saya, kahit sa dulo na ng paglalakbay niya.
"Puki mo!" sigaw na babae sa harap ko na pumutol sa pagmumuni-muni ko tungkol sa aso. Napansin ko ang dalawang lalake sa tabi niya. Sa tingin ko matatalik silang makakaibigan, pero sarado ang application, three is already a crowd. Nakakatuwa pakinggan 'yung babae, ang dami niyang kwento na sa tingin ko na 'di dapat pinagpagsigawan sa jeep. Pero hatinggabi na, 'di naman puno ang jeep, at ano naman gagawin naming mga estranghero sa mga storya niya? Di ko naman siya kilala, pero rinig ko Carissa pangalan niya.
Nakakalungkot mag-isa, kaya siguro lalo nakakaakit na makipagkaibigan sa kanila. Mukha silang masaya at ramdam ko na marami akong matututunan sa kanila.
Naghahagikgikan ang tatlo nang makita ko na ang kanto malapit sa apartment na tinutuluyan ko. "Para po," tawag ko sa drayber.
Tumigil ang jeep at bumaba ako, bitbit ang kanilang mga kwento.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Ang galing talaga ni Tony Perez, walang tapon sa mga kuwento na nasa librong ito. Lahat maganda. Maganda pero dark and twisted. May sayad ang mga characters and yet naiintindihan ko sila (haha anong ibig sabihin non). Kahit aso, naka-relate ako. Magaan basahin pero at the same time mabigat pero at the same time nakakatawa pero at the same time ang morbid at ang lungkot. Halo-halong emosyon at nagagawa niyang balansehin lahat iyon. Ang galing niyang gumawa ng characters, distinct at unique ang bawat isa at pinoy na pinoy. Nagawa niya ring magpasok ng mga social issues gaya ng labor, abuse, etc. pero bilang reader hindi ako naumay kundi nakadagdag pa siya sa lalim ng character at kuwento.
Isa pang the best kay Tony Perez ay ginawa niya na itong available online!
Ang hirap makahanap ng kopya nito kaya this is a real treat for readers :). Advice ko lang skip niyo na yung intro at diretso na sa part na "Isang Gabing Madilim Sa Malawak Na Distrito Ng Cubao". Balikan na lang yung intro pagkatapos mabasa yung book kasi may mga spoilers at medyo malalim siya (at least para sa akin). Mas madali rin pag i-zoom yung view para malalaki yung letters at madaling basahin.
i can completely see how this is still highly sought-after. style and prose still felt quite contemporary to read and relate to, ang ganda ng depiction ng cubao sa gabi. kuha ni Tony Perez ang hinanakit at yearning na kasabay ng urban malaise 31 years ago, it felt strangely comforting to see how feelings expressed back then are still more or less the same over three decades later. maybe that's a good thing or a bad thing, maybe that's just me, but it feels like you can find a part of yourself in the stories in this anthology, especially for me as someone who walked over 3km in cubao at midnight last march because i mistook the nearest carousel express station by a whole lot. coincidentally enough, i started reading this a week after tony perez' birthday and i finished it two weeks after his untimely passing just last month :[[ rest in power, tony perez, i can't wait to read more of your works and i hope i could get a copy of this someday
Pamilyar na pamilyar ang Cubao sa mga mangingibig. Ilang beses na nitong nasaksihan ang kuwento ng mga pusong nadiskaril; mga pusong minsang nadaya ng inaakala nilang pag-ibig.
Cubao ang minsa'y takbuhan ng mga pusong sawi.
Ito ang Cubao ni Tony Perez sa Cubao Midnight Express. Ipinakilala niya ang Cubao hindi lang bilang isang lugar kundi isang karanasan---nadarama, naririnig, nakikita, naaamoy, nalalasahan. Isang abalang lugar na itinuturing ng lahat na sentro ng Pilipinas, ang sangandaan ng mga bagay-bagay, ang takbuhan, o kanlungan, ng mga pusong sawi. Mapakakapit ka nang mahigpit sa safety handrails ng tren sa mga istoryang alam mong si Perez lang ang makapagbibigay.
Pang-apat basa ko na ng librong ito. Sa tuwing binabasa ko ang akdang ito, iba't ibang mensahe ang namumutawi sa bawat pahina ayon sa panahon ng pagbasa ko nito. At ngayong pagkatapos kong basahin ulit ang librong ito, hindi na ulit tulad ng dati ang kahulugan ng mga storya nito sa akin sapagkat (lalo na ngayon) mas may malalim pa na kahulugan ang mga istorya na napapaloob dito.