What do you think?
Rate this book


178 pages, Paperback
First published January 1, 2013
1. First time kong makabasa na ang karakter ng tauhan ang nagsusulat ng kuwento tungkol sa lumikha sa kanya - ang author. Mayroong kakaibang ginawa si Italo Calvino sa If on a winter's night a traveler (4 stars) kung saan ang nagbabasa ay naging tauhan. Pero sikat sa buong mundo si Calvino kaya parang alams na. Si Bautista, pinoy na pinoy pero nakaisip ng ganoong gimik. Nakakabilib lang. Bukod sa of course, nakakaaliw dahil kung di sya mahusay, she would not have pull that off.Tapos napatawa pa nya ako! Yong sa parteng sabi nya: "ang huling pamalo na nakasira sa likod ng kamelyo" (naku, inglesin na nga: the straw that broke the camel's back). Yong mga hirit nya na naka-parenthesis, di ko talagang maiwasang ngumiti o tumawa at parang katabi mo lang sya at nangungulit. Para tuloy gusto ko syang makapanayam o makadaupang palad. Sana ma-invite namin sya sa aming bookclub based dito sa Goodreads: ang sikat na sikat na Pinoy Reads Pinoy Books. (Sikat na sikat talaga, ha! ha! ha!).
2. Sinimulang sulatin ni Bautista ng unang kalahati ng libro noong 1993 at nagawa nyang tapusin noong nakaraang taon: 2013. Kaya ang payo nya sa mga manunulat: huwag na huwag magtatapon ng mga nasulat dahil pupwedeng ituloy. Sayang kung itatapon lang. I mean, nakakabilib dahil kahit lumipas ang dalawang dekada nagawa pa rin ni Bautista na maging interesante ang kuwento. Medyo nalisya lang sa tingin ko ay orihinal na tutubukin nya sanang kuwento: si John Lenon at si Yoko Ono. Si Mai Somsong at Pak. So, doon sa second half, siguro dahil kakaunti na ang makakarelate kay Yoko Ono at Mai Somsong, ang ginawa niya ay binigyan na lang niya ng Husband #3 si Lea Bustamante at ginawang nakaka-iyak ang kuwento ng huling lalaki sa buhay ni Lea. Revelation si Bautista rito, parang maiiyak ka sa kuwento noong dalawa. Kakaiba sa mga kuwento sa ibang nobela niya na laging may pulitika sa backdrop. Dito, pure lang na bawal na pag-ibig. Tapos sobrang tragic pa.
3. Makikilala mong maigi si Bautista sa huling bahagi ng libro dahil sa mga kuwento nya tungkol sa kanyang sarili lalong lalo na ang kanyang pagiging manunulat. Background stories ng mga nobela nya. Inspirasyong nya sa pagsulat. Hindi sya naniniwala sa "writer's block." Bakit ang Bata, Bata ang dinugtungan nya rito at bakit hindi ang kuwento ni Amanda Bartolome sa "Dekada '70." Kung bakit nagmumura ang mga tauhan niya. Tapos nabasa ko ang ang lahat halos ng libro nyang available sa mga bookstores (obvious ba, tagahanga nya ako?) kaya naka-relate ako sa mga pinagsasabi nya rito.