[SPOILER!!!!!]
Until Trilogy (Feels lang)
Obviously, ginagawa ko ngayon, 12:08 MN, April 5, 2015, ang feeling review na ‘to para sa obra ni ate Jonahmae Pacala, known as Jonaxx of Creative Corner and Wattpad.
_
Ang nagtulak sa akin para gaw'in ang review na ito ay dahil sa aking feels. Yes, you've read it right: feels. Hindi ko kasi alam kung paano ie-express ang sarili ko para iparating sa iba ang feels ko after kong mabasa ang trilogy sa loob ng tatlong araw. I don't know how to express these feels in a right way, walang kulang, 'yung sapat, sakto lang, at sabog lahat. Yet, alam ko rin naman sa sarili kong hindi mawawala ang mga ito dahil sobra akong nagandahan at natuwa sa daloy ng kuwento.
Everything's fresh like no one can change it. The flow, the characters, the setting... Everything. Everything's still fresh. Hindi mawala-wala sa isip ko ang flow ng story, ang pagnuod ng lahat na lumaki ang Montefalco cousins bilang magpipinsan, sa part na may nagkagustuhan, maraming umayaw dahil incest, may nagsakripisyo, may umalis para matahimik ang lahat, ang may malamang anak sa labas, sa pagnais na maibalik ang lahat, sa pagtulak sa desisyong nagawa at harapin ang kasalukuyan, sa pagpapalit ng apelyido, sa paghiwalay sa nakasanayan, sa pagpipili ng sarili sa pamilyang talagang kinabibilangan niya, sa muling pagbabalik na siya'ng may nobya na, sa muling panunuyo, sa pagkakabalikan, selosan, sa pagiging matapang, sa pagpili na sa taong mahal, sa pagiging handa sa lahat, sa pagiging matapang, sa pagharap sa mga taong may ayaw sa kanila, sa muling pagsasakripisyo, sa maling akala, sa pagkakaayos na muling humanton sa gulo, at sa kahulihan na sila parin talaga hanggang dulo;
Ang mga Montefalcos especially ang kagandahang ng pamilya nila - si Erin Louisse na totoo at straightforward at napakataas ng pride na kung saan e nagiging bitch siya na kinaiinisan ng lahat, si Chanel na nakakasundo ni Erin palagi ngunit nakakaintindi rin naman, si Josiah Travis na aakalain mong inosente pero daig ag kaplayboy-an ni Azi my loves, si Azrael Ian III na loko-loko't disgusting magsalita at kumilos in real life pero sobrang kyot kung tignan ang mga lines, si Knoxx na minsan ko lang mahagilap dahil sobrang busy sa business nila, si Claudette Jamila na pwede kong makasundo dahil sa KPOP pero hindi sa anime at 'yung mga mata niyang nagiging mala-pusa, si Damon na may Eba Ferrer at may cute na anak na si Xian, si Rafael Douglas na sobrang hot at 'di ako mapansin dahil nalululong siguro kay Tasha, si Charles na crush na crush ko dahil ang perfect tignan, si Klare na sobra kong minahal dahil sa pagiging halos perpektong babae dahil na sa kanya na ang lahat, si Justin na minsan ko lang mahagilap, si Yasmin na minsan ay naiintribidahan ako dahil sa pagiging careless niya sa t'wing may conflict at madalas ay pangunguna sa desisyon ng characters kahit na alam kong ate siya at kailangang lang alagaan ang kapatid, lastly sa magpipinsan, Elijah Riley na sobra kong kinaaadikan ngayon dahil sa personality niyang almost perfect [!!!!!] yet sometimes he didn't deserve Klare because Klare deserved the best at sa mga pinaggagawa niya noong bata pa siya, sa mga magulang nina Erin, Chanel, at Josiah na sina tito Benedict at tita Liezl, magulang nina Azi, Knoxx, at Claudette na sina tito Azrael Ian Jr. at tita Claudine, magulang nina Damon at Rafael na sina tito Stephen at tita Dana, magulang nina Charles at Klare na sina tito Lorenzo at tita Helena, at sa mga magulang nina Elijah, Yasmin, at Justin na sina tito Exel at tita Beatrice.
Tys - ang pagiging protective ng Ty brothers, Pierre at Hendrix, sa kanilang shobe na si Klare, pagiging totoo ni tita Marichelle, at ang pagiging sabik sa anak at mapagmahal na ama ni tito Ricardo, si Ama na hadlang sa mga kagustuhan ni Klare, ang mga pinsan ni Klare na impokrita especially Faina and Trixie, ang kahit papaano na kinakausap si Klare na si Cristine kahit ayaw nito sa kanya, ang mga impokrita ring tiyahin ni Klare na sina tita Luisa at tita ASDNKASHDKANAKALIMUTANKONAMEHAHAHA, at ang walang koneksyon ang apelyidong Chiong sa Ty pero apo ni Ama na si Selena the-bitch-na-sobrang-despereda-at-never-knew-na-magiging-bitch-dahil-nice-girl-daw, sa mga Cos nadamay dahil kay Ama na si Gavin, Angkong, and such.
Sa mga kaibigan nina Erin, Klare, at Chanel na sina Hannah, Liza at Julia. Ang mga Sarmiento na sina Eion at Silver. Ang nadamay na si Seymour. Ang mga nilandi ng Montefalco boys (not including Charles) (mga nabanggit lang but not sure kung lahat ba e nabanggit) na sina Alyssa, Andrea, Stephanie and such; the setting na sa Cagayan De Oro na ngayon ay gusting-gusto kong pagbakasyunan para makita at maging klaro sa isipan ko ang tamang setting ng story sa tuwing nagpaparty, gumagala, nagdedate at marami pang activities ng mga Montefalcos na mahilig sa party.
Everything. Everything's totally fresh.
Actually, I haven't found KlarIjah's story incest. From the very beginning, alam ko na sa sarili ko na may mangyayari. Alam kong may maayos. Alam kong kahit ano man ang mangyari, sila pa rin talaga. Okay na okay, bet na bet, pak na pak, ako sa plot ng story. No problem. Everything's perfect.
Queen J, this trilogy changed my beliefs. Hindi sa way ng pagtingin sa mga pinsan romantically, pero sa idea ng pagkakaroon ng isang mabuti at masayang pamilya. Example: Montefalcos. Bilib na bilib kasi ako sa katatagan nila, bonds, at closeness. Para bang, gusto ko rin siyang iapply sa pamilyang mayroon ako right now. Gusto kong iapply ito dahil katulad nga ng mga binabanggit ni Klare sa kanyang POV, we can't change what's in the past, all we have to do is to face the present. Na habang nabubuhay pa, dapat ay maganda at maayos ang magiging desisyon mo para sa kalalabasan nito sa future. Because life is short. We have to cherish every moment. I've learnt na dapat ay palagi nating inuuna ang pamilya natin. Dahil sa bawat circumstances na dumadating sa buhay natin, sila ang palaging nasa tabi natin at ang susuporta sa atin.
I've learnt how to value our family more. And it's all because of Montefalcos.
Habang binabasa ko ang story, minsang sumagi sa isip ko na sana belong ako sa pamilya nila. I don't know but I envy their family. Hahaha! Well, I envy them. Montefalcos almost have everything. May mga prinsipyo, may mga pinaninindigan. They treasure and cherish the ones they love. Ayaw nilang may titibag sa pamilya nila because one thing is for sure: they love their family.
Queen J, hindi niyo lang ako tinuruan na maniwala sa love. Hindi niyo lang ako tinuruan na pahalagahan pa lalo ang pamilya. Tinuruan niyo rin po akong pumasok sa mundo ng fashion. Hahaha! The boy and girl characters' style, attire, clothing and such thought me na hindi lang undergarments, t-shirt, shorts, at pantalon ang mayroon sa mundo para suotin. Hahaha! I hope this makes sense dahil may sense talaga siya sa akin. XD And lastly, kahit papaano, naibsan ng story ang pagiging ignorante ko.
The story's written in Filipino at minsan ay may English. Kaya ako natutuwa sa writing style dahil kaunti lang ang alam ko sa Filipino. Not that mas marami ang alam ko sa English, pero ang paggamit ng mga salita sa mga pagtawag ng galaw ng isang tao. Nalilito pa nga ako kung ano ang halukipkip, ang pinagkaiba ng ngiti at ngisi, ang singhap at tikhim, mariin at marahan. I don't know... Pilipinong-Pilipino ako pero ako itong wala gaanong alam sa mga tawag sa bagay-bagay. But like what I've said, the story just thought me everything. Natuto ako, sobra.
Queen J. I can say na hindi pa ito lahat ang gusto kong sabihin. But now, I'm out of words. Kahit papaano, naibsan ang feels ko. Hahaha! Natatawa nalang ako sa sarili ko kasi alam ko sa sarili ko na kahit kailan, hindi mawawala ang sobra-sobrang feels ko sa Until Trilogy. I hope ate Jonah, the story will be published soooooon. 'Yung tipong mala-English novel. Bakit po?
A wonderful and amazing story deserves the best.
I love you, Queen J! You're the best!
_
Love is war. I am your soldier.