Jump to ratings and reviews
Rate this book

Hoy, Pong!

Rate this book
Welcome to 1999, ang prelude sa katapusan daw ng mundo via the Y2K bug, to be exact. Ako ‘yung Pong sa Hoy Pong. Ito ang full account ng mga kagaguhang nangyari magmula noong umahon kami nina Kuya Dante at ‘Te Raya sa ilog ng Lambakin at nagkaroon ng abilidad na masagap ang laman ng isip ng mga tao at makakita ng mga kagluyag—mga anyong taong nilalang na may napakasamang balak sa End of the World party na gaganapin sa Lambakin, ang bayan namin. Kung ikaw ang hinahanap namin para sumama sa napipintong paghaharap, bukas ang kwento namin para sa’yo. Let’s go.

Paperback

First published December 4, 2023

8 people are currently reading
51 people want to read

About the author

Macky Cruz

1 book8 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
5 (25%)
4 stars
11 (55%)
3 stars
4 (20%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 10 of 10 reviews
Profile Image for fooleveunder.
158 reviews
July 13, 2024
“Kapag alam mo na kung kailan ka mamamatay, makakapaghanda ka,” sabi ko. “Gagawin mo na lahat ng gusto mong gawin.”

Tumawa si Raya nang malakas. “Dante, kung ikaw ’yong tipo ng tao na kailangan muna ng mga ganyan bago gawin ang gusto mong gawin, hindi kamatayan ang problema mo.”

Unang beses ko yatang magbasá ng isang nobelang may superpowers slash time travel (?) slash konting (?) romance. Minsan, maganda rin talaga ang magbasá ng ibang akda sa nakasanayan mo. Dito mo mapagtatantong hindi masayá ang makabása ng utak ng mga tao.

Konting chika muna kung paano ko binili ang libro. Enrollment para sa second semester sa college so umalis ako ng bahay. Nag-announce na male-late daw ang oras ng mga second-year. E ayaw kong manatili muna sa Pamantasan kayâ tumambay muna ako sa SM Grand Central; para mapatagal, umikot ako sa National Book Store at Fully Booked. At dahil may nakatago akong kayamanan sa wallet, bigla na lang ’tong nawala noong nakita ko ang Hoy, Pong! sa Fully Booked. Astig kasi ng design ng cover ng libro; para bang tinatawag ako. Bagaman nasa radar ko na itong libro bago pa man ako nakabili, parang hindi talaga maiiwasan na gumastos ako para dito.

Usapang kalidad ng libro (physical characteristic) muna. Mabango ang mga pahina. Naaadik ako kaaamoy! Maganda ang quality ng papel; hindi madalîng mabasâ ng pasmado kong mga kamay. May mangilan-ngilang illustrations din sa loob.

Pagdatíng naman sa pagsusulát (literal na pagbaybay, etc.), wala yata akong nakitang typographical error. Dito pa lang, hanga na ako. Pati ang paggamit ng kudlit /’/ sa pagpapaiksi ng salita, nagamit nang maayos. May ilang salitâ nga akong sakâ ko lang na-realize na dapat pala e may kudlit tulad ng “’Tapos” para sa “Pagkatápos.” Gumamit din ng palatuldikan sa ilang mga salitâ. Sana lang ay na-maximize ito kasi may ilan na kailangan pero wala namang nakalagay. Hindi ko rin alam kung sadya bang paiba-iba ang paggamit ng “no’ng” at “n’ong.” Dahil ba ito sa nagkukuwento o may iba pang kahulugan na hindi ko alam? Dalawang beses ko rin nabása ang “na na” na magkasunod. Normal lang naman magkaganiyan pero mas okey kung gamitin ang “nang” para hindi awkward basahin. Gano'n din sa paggamit ng “kwento” sa likod ng libro at sa mensahe ng may-akda, pero “kuwento” ang ginamit sa buong nobela.

Sa istorya naman, unang beses kong maka-encounter na salítang pagkukuwento ng mga tauhan mula sa points of view nila. Sa mga “Singit,” si Pong ’yon. Sa unang kabanata, si Dante tápos si Raya naman sa susunod. Salítan sila. Aaminin ko: Medyo nahirapan ako dumikit sa pinapahiwatig sa unang kabanata. Sino-sino ba kasi iyong mga pangalang sinasabi: Keebs, Ka-Munding, etc. Hindi pa kasi napakikilala nang maayos. Pero matápos ang ilang beses na pag-uunawa sa konsepto at estilo ng pagsusulát, naunawaan ko na ang galíng sa pagkatha nito. Medyo nahirapan lang ako unawain iyong halikan na nasa ibang katawan si Raya? Nakailang bása ako bago ko ma-gets. Slow lang ata ako.

Eto ang thoughts ko sa bawat characters: (1) Raya. Cool at astig siya tingnan lalo na ang gupit niya. Sa pangalan pa lang na Hiraya, na ang kahulugan ay imagination, related talaga sa isip e. (2) Dante. Favorite ko kapag chapter na niya kasi nakakakilig iyong kuwento niya pag patungkol na kay Raya. Naaalala ko si Dante Gulapa sa pangalan lagi e. (3) Pong. Cute ng name pero (4) Keebs. Parang crush ko siya kaso nakulangan ako ng exposure niya sa nobela. (5) Ben. (6) Ka-Munding. .

Gustong-gusto ko tuwing out of nowhere, bigla na lang may magbibitaw ng mga kasabihan na puwedeng sipiin talaga sa sobrang ganda. Thought-provoking. Nakarami ako ng nailista e. Tulad ng mga ito:

“Napakanormal maging malungkot sa mundong puro kalungkutan. Pero higit sa kalungkutan, ang paglasap. Ang paglasap sa pakiramdam ng naiwan. Ang katahimikang dulot ng kaalaman na minsan sa buhay mo, kinaya mong mabuksan ang sarili mo sa sugal na walang kasiguraduhan. Na ang sagot man ngayon ay hindi, baka sa isang taon, sa ibang tao, baka oo naman.”

“Pare-pareho lang naman kayo. Mainipin, matatakutin, pipiliing sirain ang sarili kaysa harapin ang isinisigaw ng kalooban n’yo.”

“Ang tanging layunin natin bilang tao ay ang maging ganap.”

“[M]adaling malinlang sa kapangyarihan ng nakaraan at hinaharap kapag maginhawa ang buhay sa kasalukuyan.”

“Hindi lang isa ang bayani sa bayanihan.”

“Maraming pagbabago sa mundo ngayon na mas nakakapagpahina ng lakas ng taong pagpasyahan o buoin ang sariling tadhana. Ang pagtakas natin sa mga nararamdaman nating lumbay at paglaho ng pagkatao sa mga bagay na idinidikta ng ibang mas malalakas na tao, ang pagkalimot sa maliliit na bubot ng kaligayahan kapalit ng mga tropeong pinag-aagawan pero wala naman talagang saysay sa mga huli mong sandali.”

“E, ano lang ba ang pagmamahal kundi ang araw-araw na pagpapasya na pahahalagahan ko ’tong taong ’to nang higit sa lahat? Kapag nagkapatong-patong ang pagkakataon na maramdaman mong hindi kita pinili, para ko na ring sinabi na hindi kita mahal.”

“Kaya mong ibaon ang sakit na nararamdaman mo dahil ito naman talaga ang gawain mo.”

Akala ko noong una e magiging action ang genre nito dahil kalaban ay ang mga kagluyag. Una kong naisip ay iyong Summertime Render na anime. Pero hindi pala. Mari-realize mo ang nature ng tao pagdatíng sa mga iniisip, emosyon, o kung anuman na unique sa atin. Sana bumuti na ang lagay ni Pong. At si Pong ay ako. Táyo.

Oo nga palá. 3/5 ang rate ko pero 4 pa lang ang pinakamataas na rate ko. Basta.

Hanggang sa susunod na likha mo, Ms. Macky Cruz!
Profile Image for tinnn.
17 reviews
March 30, 2024
Maganda sya. Masaya basahin. Gusto ko pov ni Dante. Nakakatawa na nakakakilig minsan hahaha. Saka interesting yong pa fantasy niya. Nag enjoy naman ako basahin ang librong ito kaya okay siya sakin.
Profile Image for Cyril.
5 reviews
April 14, 2024
Napakagandang basahin. Pasasalamat kay Macky Cruz sa isang mahusay literatura sa Filipino.
Profile Image for C.L. Balagoza.
142 reviews15 followers
August 8, 2024
Hoy! Kilala mo na ba si Pong?

Iba talaga ang epekto ng wakas kung 'yong binabasa mong aklat ay parang hinihimay ng utak mo. Ang masasabi ko lang, hindi na ako makapaghintay na mabasa muli ang panulat ni Macky Cruz sa hinaharap.

Mali pala ang ibang hinala ko sa nobela, yung pagkilala sa kagluyag, may kung anong mas pinalalim ng akda ang pag-intindi ko sa kung paano lumalalim ang emosyon ng isang tao. Lalo na kung paano tayo nagiging tao (kung natutuhan man ito, pero mas alam ko na nature ito.)

Paninindigan ko, fun read ang nobela, ang intense ng pinagdaanan ng mga karakter dito. Nakita ko kung paano umikot ng 360 ang character arc ng mga bidang tauhan. Iyon din ang pinanindigan ng nobela sa dulo, ang pagbabago ng isang tao. Pero gusto kong pansinin, personal ko pa lang ginamit ang salitang “fun read,” hindi lahat ng tao ay pare-pareho ng pagpapakahulugan sa ganitong pagbabasa. Natuwa lang talaga ako sa aklat, kung makikita ninyo ang kopya ko ngayon. Marami akong tabs na nagamit, naubusan pa nga ako sa huling mga kabanata, para kasi akong kinakausap ng aklat. Isama mo pa na tila may ganoong epekto ang panulat ni Cruz sa nobela. Sino ba talaga ang may alam kung paano mabuhay sa mundo?

Itong nobela, para itong “how-to” na may annotations na ni Pong. Dahil nabasa na niya ito, bago pa natin mabasa, na maaaring si Pong ay ako o ikaw. Maraming Pong, baka yung Pong na gusto kong kausapin pagkatapos ko itong basahin ay sarili ko pala talaga.

Ayokong mang-spoil, pero kanina nang makita ko sa Fullybooked Marilao ang nobela gusto ko itong ilabas sa shelf at i-display sa may harap. Deserve ng nobelang ito ang pagkilala. Warning pala, huwag ipabasa sa mas batang mambabasa. I mean mga kasing edad ni Pong sa nobela (around grade 6 and below) basahin niyo kung bakit may ganito akong babala.

Maraming salamat sa pagbasa!

Baka gusto mo ring hanapin/kilalanin si Pong? Sa susunod na makita mo ang aklat, bayaran mo na agad sa cashier!

Mabibili ang kopya ng aklat sa mga National Book Store at Fullybooked, pero mayroon din sa Online Stores ng Avenida Books. Personally, thank you Ma'am Nida Ramirez para sa kopya ko ng aklat na ito. Dati idea lang si Pong sa utak ko, ngayon, kilala ko na siya.
Profile Image for TheWeatherWitch.
117 reviews
November 12, 2024
Premise - 5⭐
Plot - 4.5⭐
Structure - 4⭐
Story telling - 4 ⭐
Athmosphere- 3⭐
Characters - 4⭐
Writing style - 3⭐
Execution -4⭐
Plot twist - 3⭐

4.5 STARS overall  ⭐⭐⭐⭐✨

I was really really impressed by how unique the premise of this story is and the plot is very engaging. It has a very inventive story structure. However at times narrative is hard to follow as the author missed to magnify who the narrator is and some page breaks are missing which makes the series of events  even more confusing..the author could have also innovated a way to emphasize the current story telling and the characters involved Vs the main story line itself thus alot of sequence are a bit upsetting to follow. Prose is sometimes pretentious. But overall this novel I can say is kickass!!!
Profile Image for Reijan Gon.
75 reviews
December 19, 2024
The unlabeled shifting POV confused the hell out of me. I appreciate the author's unique writing style but it ain't for me.

The plot is slow and the timeline is a bit fuzzy. I had a hard time reading through this.
3 reviews
October 20, 2025
This book is great! I enjoyed the writing style and the unique tone of the book overall. The story sucked me in, and I routinely failed to figure out where it was going beforehand, which is something I appreciate. Had me hooked until the end.
Profile Image for Neil Franz.
1,088 reviews851 followers
December 17, 2023
Actual rating: 3.5 stars

Okey naman. Hindi lang ako ganoong ka-invested sa mga characters. Character-driven pa naman ang libro. Pero ang interesting ng fantasy element. At ng POV ng libro.
Displaying 1 - 10 of 10 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.