Kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa mga pinakaunang sinulat ni Jonaxx.
Ito din ang unang librong "sinubukan" kong basahin from her, that time yung kasagsagan ng wattpad (not that hindi pa rin siya patok ngayon), and naalala ko na after a few chapters, I gave up reading this. Hindi ko kasi bet yung way of writing tapos ayoko din dun sa choice of words, that time nasabi ko pa nga, na parang pang "jeje" crowd naman 'to, ba't sobrang sikat? Que horror diba?!
Years after that, nakakatuwang malaman na sobra sobra sobra na ang inimprove ni Jonaxx. Pero hindi ako nandito para magcomment sa writing style niya. Andito nga pala ako para sa libro.
Siguro kung binasa 'ko to nung panahong high school pa ako, or nung panahong bago ko pa lang nadidiskubre ang mga pocketbook (I started as early as grade 5, my gosh), siguro nagself combust na 'ko or baka naging isa 'to sa mga paborito kong libro. Kasi kahit ngayon, nung binasa 'ko siya, hindi ko pa rin mapigilan na kiligin, lalong lalo na dun sa mga unang chapter, nung nasa college pa lang sila. Sa isip ko, nakakainis kasi kahit gaanong kadaming storya na ang nabasa ko (mapa Tagalog man o Ingles), kinikilig pa din ako. Iba pa din kasi ang charm ng isang Wade 'Sexy' Rivas.
Kaya naman kahit na hindi pa gaanong kapulido yung story for me, hindi ko masisisi yung mga mambabasa na lubhang nahumaling sa story na 'to, lalo na yung mga kabataan. Pinagdaanan ko din 'yan (feeling sobrang tanda na eh lol).
Siguro ang isa sa pinakanagustuhan ko dito ay yung 'concert' sa dulo. Ewan ko ba, sobrang klaro nung eksena sa akin. Parang nangyayari sa harap ko? Tapos ang ganda, sobrang ganda. Ramdam na ramdam mo yung pagmamahal ni Wade. Hindi ko na kaya. Kahinaan ko pa naman ang mga rockstar.