Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ipinanganak Akong Bakla At Ilan Pang Mga Akda

Rate this book
Patikim sa kakayahang bumali sa kinasanayang Gerald Gruezo ang aklat na ito. Pinapatunayan lang nito na may kakanyahang, bukod sa mambabasa, siya ay isa ring manunulat. Pansabik ang chapbook na ito sa mga dapat pang abangan sa kanya.

Napakaraming gustong gawin ni Gerald sa buhay: magbasa, magmake-up, magsulat ng nobela, magfilm ng mga video contents para sa social media, at marami pang iba.

Minsan tuloy wala na siyang nagagawa dahil nao-overwhelm na siya sa dami ng gusto niyang gawin.

Sa ngayon, nagkukulang ang kanyang tulog dahil pinagsasabay niya ang pagtatrabaho at pagiging Tiktok content creator.

Mapapanood ang mga videos niya tungkol sa pagbabasa sa @geraldthebookworm, at @geraldtriesmakeup naman kung gusto mong sundan ang journey niya-sa pag-i-explore kung paano maglagay ng kolorete sa mukha.

Paperback

Published September 11, 2024

1 person is currently reading
73 people want to read

About the author

Gerald Gruezo

2 books6 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
31 (63%)
4 stars
14 (28%)
3 stars
4 (8%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 24 of 24 reviews
Profile Image for Spens (Sphynx Reads).
758 reviews39 followers
October 4, 2024
A brilliant sampler of the creative genius behind the online persona Gerald the Bookworm's bubbly personality! I enjoyed all the works in this collection, especially 'Ang Una Kong Regla'. Gerald knows how to write short non-fiction, but I am eager to read any long form stories he might have in store for us in the future.
Profile Image for bibliopharmd.
62 reviews
September 11, 2024
Bitin!

Napakhusay! Ika nga sa kanta ni Taylor Swift “as the crowd was chanting MORE”. Excited ako sa mga susunod pang akda ni Gerald.
Profile Image for Neil Franz.
1,095 reviews852 followers
October 12, 2024
Nakabibitin lang talaga itong chapbook ni Gerald (kasi nga chapbook) pero very engaging lahat ng kabanata. I mean, interesting s'yang lahat sa akin at nag-enjoy rin akong basahin. Nung binabasa ko nga ang libro parang naka-audiobook ako at si Gerald mismo ang nagbabasa sa utak ko. Gano'ng ka-immersive.

Sa patikim na ito na kombinasyon ng non-fiction at fiction, naipakita rin kahit papaano ni Gerald ang ibang side n'ya labas sa pagiging masayahin at kwelang bookworm at content creator. Ang angas din n'ya palang writer. It's giving... NYT Bestseller!

Pinakapaborito ko sa chapbook ang Ang Una Kong Regla. Ang linis ng pagkakakuwento at panalo sa impact!
Profile Image for Maria Ella.
562 reviews102 followers
February 19, 2025
Nakakabitin! Tunay ngang patikim ang mga akda niya rito sa litol chapbook niya! Maraming salamat sa Akdang Pinoy dahil nanalo ako sa raffle nila, at plano ko sana itong ipa-raffle papunta sa ibang interesado ng kanyang mga akda, because sharing is caring! ;)

Limang titulo ang narito. Yung unang apat, kwentong buhay niya. Pagpapakilala niya, ganun. Catchy ang unang akda kasi andaming em dash— alam mong madaldal siya sa personal (with lots of social media channela, andami nga niyang nagiging engagement!). Isa pa, parang nakapagbasa ka rin ng blog entry sa Una at Ikaapat niyang entry sa libro. Yung ikaapat, sobrang conversational. Bigla kong naalala ang Unang Reglang kwento ni Bebang sa una niyang Koleksyon na It's a Mens World. Ang galing lang.

As a geriatric millennial, I recommend the teenagers and younger GenZ demographic to try his works. Lalo na yung huli niyang entry dito na pinamagatang "Unang Kabanata", kasi promising ang fiction. Pwedeng pocketbook na folklore, pwede ring tungkol sa mga kwentong bayan ng Quezon (kung saan siya lumaki). Sana masubukan nila basahin ang libro (kahit limitado ang kopya, baka naman may reprint ang Balangay in the future di ba?)

I also would like to commend Balangay as the publisher kasi ang ganda ng kulay ng pabalat. Nakakahalina. Pati yung print ng font at ang edit ng mga gawa, malinis. #SanaAll aesthetics is life, charot. Kapag nag-reprint ito, wagi ang mga followers ni @geraldthebookworm for sure!
Profile Image for Shiandra.
100 reviews13 followers
September 12, 2024
Isang libro na pinakita si Gerald in a new light. A definite must read para sa mga tao na gustong mas makilala pa si Gerald ng husto. Kumbaga isang sneak peek sa pagkatao ng tao nakilala natin sa Tiktok, Instagram, at Youtube.
Profile Image for Sai theengineerisreading.
613 reviews103 followers
September 17, 2024
Gerald the Bookworm: 🤪🤗🤣😁☀️💋👑

Gerald the Author: 🫠😱🤬🤯🥺👊

Read this while queuing for the Ambeth Ocampo signing last MIBF weekend and it was a super quick read. This chapbook contains five works from the author’s collection and it showcased how talented the author in weaving stories, both fiction and non-fiction, delivering it in an engaging manner that will leave you scarred, tearful, proud, intrigued, and craving for more works of him.

My favorite is the second story titled ‘Galit ako pero di ko alam kung bakit’ for it showed the author’s honesty in writing his vulnerability with that simple interaction with his grandmother. Made me teary-eyed I had to go to the nearest CR to avoid wiping my tears in public.

Excited for more of his works, 4.5 stars!
Profile Image for Gab of Green Gables.
197 reviews6 followers
September 16, 2024
Una kong nakilala si Gerald bilang Booktuber, ngayon naman bilang manunulat.

Nakakatuwa na makilala siya lalo sa kanyang mga akda. Naririnig ko rin ang boses niya habang nagbabasa! HAHA

Iba't ibang karanasan ang kanyang ibinahagi. Matapos basahin ang lahat ay gusto ko pang magbasa ng mga susunod niya pang akda. Hindi talaga ako umuwi galing MIBF hangga't di ko natatapos ang libro.

Mataba rin ang utak sa pagkakasulat ng mga chapter titles at nagustuhan ko ang pagkakatahi ng kanyang mga istorya mula simula hanggang dulo.

Na-teary eyed ako matapos basahin yung unang kwento habanga nabitin naman ako talaga pagkatapos ng huling kwento na pasilip sa kanyang fiction na nobela.

Salamat sa pagiging inspirasyon Gerald.

Mabuhay ang mga mambabasa at manunulat!
Profile Image for Kat Elle.
375 reviews
September 17, 2024
"At higit sa lahat, kung hindi siya sumakabilang-buhay, alam kong sa araw na magdesisyon akong ibuka ang pakpak ko, alam kong yayakapin niya ako at gagabayan sa paglipad patungo sa tunay na ako." - Gerald Gruezo, Ipinanganak Akong Bakla

Hindi pa man nailalabas ang libro, alam ko na agad na bibigyan ko ito ng 5 stars. At oo, bias ako dahil ang awtor na ito ay isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. PERO - pagkatapos kong isara ang chapbook na ito, napagtanto ko na hindi naman pala kailangan ng bias para maipagmalaking si Gerald Gruezo ay isang mahusay na manunulat. Pinaluha ako ng unang dalawang sanaysay, tinakot ng sumunod na dalawa, at kinilabutan sa panghuling kuwento.

Nagsisimula pa lang si Gerald, pero buong-puso akong naniniwalang malayo ang mararating ng kanyang pakpak.

Proud ako sa'yo, Gerald the Author!
Profile Image for Beatrice.
1,252 reviews1,726 followers
September 16, 2024
A short and fast paced book that will leave you wanting more. There’s a variety of stories that the author can deliver and will make you instantly hooked.

Great work, Gerald!
Profile Image for Josue Mapagdalita.
Author 2 books35 followers
September 21, 2024
Natapos ko ngayon sa isang upuan.


Very straightforward magkwento si Gerald. At feeling ko, ‘yung literary voice niya ay same din sa socmed voice (or sa personal voice na rin?) niya, kaya habang nagbabasa, para akong nakikinig ng Tiktok vids niya tapos nagkukuwento lang siya. ‘Di rin kailangan ng mabubulaklak na salita para ihayag ang gusto niyang iparating.


Tingin ko lang, the book could have benefited from having an editor and a proofreader. (Tinignan ko copyright page, mukhang wala.) Maraming spelling errors e, at may mga pangungusap na tingin ko redundant na at pwedeng ma-trim without losing the context/message. Napapatid tuloy ako minsan. Medyo naguluhan din ako sa direksyong gustong patunguhan ng libro — is this nonfic, fic, or both — dahil parang may short story (ata) sa dulo. Since banner entry niya ang “Ipinanganak akong Bakla”, much better siguro kung nakapokus sa queer experience para solido ang presentation ng overarching theme, considering na chapbook ito.

Nakakatawa ‘yung “Ang Una Kong Regla”; heartwarming naman “Ang Ipinanganak akong Bakla”. I can say na sila ‘yung fave entries ko sa book na ito.

Overall, naniniwala ako sa potential ni Gerald bilang manunulat. Waiting game sa susunod niyang akda!
Profile Image for Ericka.
102 reviews1 follower
September 15, 2024
THIS IS THE WORK OF THE PERSON WHO MADE ME WANT TO LOVE READING AGAIN.

BACK STORY: EDD ko when I was pregnant ay November 2023. Around October 2023 nakaleave na ko in preparation sa pagpush sa baby ko (turned out ECS ako) ng November. While scrolling sa Tiktok, I found Gerald's account telling people about his Kindle. His vibe is really giving light and fun plus feel ko masaya syang kausap and kasama. That was the very first video of him na napanood ko... then the list goes on. From that day, I found myself holding my kindle more and then after kong manganak, dun pa ako mas nag-enjoy magbasa to the point na I created my own bookstagram account where I met more people along the way who love things that I enjoy.

When I heard the news that he will be releasing his first book nitong MIBF, kahit na wala sa plan ko pumunta... I did. And did not disappoint.

I loved how I've seen Gerald as Gerald himself inside the book that he wrote. A book with 52 pages but is showing so much as if Gerald gave us the background of his life then ending it with something that will make you think "What else can he give me?", for real.

Ipinanganak Akong Bakla made me emotional.
Galit Ako Pero Hindi Ko Alam Kung Bakit made me feel heard.
Tumba-Tumba gave me the feels that Gerald really can write.
Ang Una Kong Regla made me laugh.
Unang Kabanata made me wanna have the next book right away.

This is the very first tagalog book I've read in a while and I am happy with it.
Profile Image for Jdlreads.
132 reviews19 followers
September 16, 2024
KWENTO BAGO ANG REVIEW!

So eto na nga!!! Ang pinagkaguluhan sa mundo ng bookstagram! Ang paglalabas ng aming mimasaur ng kanyang libro!

Lahat kami ay ginulat niya sa pag announce niya na may ilalabas siyang libro sa MIBF.

Hindi agad ako nakapunta non kasi may pasok ako. Kaya ang nakaplano na agad na punta ko is Sabado at Linggo. Nalaman namin na konti lamang ang stocks ng book ni Gerald, kaya ang dami na nag 'pasabuy' sa mga kakilala naming pumunta nung weekdays. Ako naman, nakapagpasabuy ako kay Clar nung Friday. Salamat Clar!!!

Nung Linggo, September ang book signing ni mima at talaga nga namang pinilahan ito. Maraming salamat, Gerald! Isa kang napakabuting tao, kaibigan at napakagaling na content creator.

-----

REVIEW!!!

4.5 ROUNDED UP! BITIIIIIIN! Kaya hindi ko siya ginawang 5 dahil dito. Lahat ng akda ay sobrang nakakaenjoy basahin. Ang ganda ng pagkakalathala ng bawat chapter!


Siguro ang paborito ko ay ang pinaka huli. Ang may titulong Unang Kabanata. Habang binabasa ko kasi ito, ang nasa isip ko ay, 'pano kaya nakakaisip si Gerald ng mga ganitong storya?' Ang galing! Nakakaaliw basahin lahat. As someone na mahilig sa mystery thriller, sobrang hooked ako sa last story.

Ang isa pang paborito ko ay yung, Galit Ako Pero Hindi Ko Alam Kung Bakit. Dahil ako ay relate na relate sa chapter na to. Gusto niyo malaman kung bakit? Basahin niyo na!

Sobrang sulit bigyan ng oras tong gawa ni Gerald.
Profile Image for Emmzxiee.
335 reviews11 followers
September 28, 2024
Ngayon naniniwala na ako sa sabi-sabi ng mga kapwa ko mambabasa.

Totoo ang chismis. Bitin. Mapanakit. Nangungurot, Bading na bading at relatable.

Eto yung mga naramdaman ko matapos kong basahin ang libro ni Gerald.

Hindi nya ipinagdamot ang kanyang sarili sa pagkwento ng kanyang sariling karanasan. Kung kilala mo ng personal ang awtor na ito, masasabi mong syang-sya ang nagsasalita.

Aaminin ko na isa ako sa mga taong nag va-vouch sa kanyang gawa kahit hindi ko pa nababasa kasi alam ko ang kanyang potensyal na nakakatuwa at hindi nya naman kami binigo.

Maraming pasabog at totoong mararamdaman mong parte ka ng kanyang kinukwento lalo na kung ikaw din ay isa sa mga parte ng LGBTQIA+ community.

Maraming salamat, Gerald sa pagbibigay samin ng kasiyahan sa book community at ngayon inextend mo na din ito sa pagsulat ng akda.

This rating has no bias at all kasi deserve naman talaga ng 5 star.

Should I recommend it - tinatanong pa ba yan? Hell, Yes!!!
Profile Image for Dycee.
98 reviews3 followers
September 29, 2024
Sa bawat pahina ng aklat na ito, bumabalot sa mambabasa ang isang pakiramdam ng pagiging tunay at malapit sa puso. Para bang nakikipag-usap ka sa isang matalik na kaibigan, na nagbabahagi ng kanyang pinakaloob na saloobin at karanasan.

Ang husay sa pagkukuwento ng may-akda ay nakaka-engganyong basahin ang libro nang walang tigil. Kahit pa matapos ang huling pahina, hindi mawawala ang pagnanais na malaman pa ang iba pang mga kuwento na maaaring ibahagi ng may-akda.

Bilang isang mambabasa, lubos akong humanga sa katapangan ng may-akda na ibahagi ang kanyang kwento. Ang kanyang aklat ay hindi lamang isang anyo ng aliw, kundi isang daan upang mas maunawaan natin ang ating mga sarili at ang mga taong nakapaligid sa atin.

Isang malaking papuri kay Gerald Gruezo! Hindi ako makapaghintay sa mga susunod niyang mga akda. Dahil sa librong ito, mas lalo akong na-inspire na tuklasin ang mga kayamanan ng ating sariling panitikan.
Profile Image for Joyce AP.
190 reviews8 followers
October 5, 2024
I truly enjoyed this book—so very Gerald! And the cover is 🔥. The first two stories tugged at my heartstrings and were definitely my favorite chapters. Through his personal stories, Gerald invites us into his journey of self-discovery, capturing both the joy and the struggles, as he learns to fully embrace who he is.

Ever since I stumbled upon his bookish vlogs, I’ve been a silent fan. Gerald is a ray of sunshine, and this book serves as a perfect medium for me to know him better and appreciate his writer side.

I hope that more Pinoy readers can get to read this and I'm looking forward to reading future books from the author.

𝙔𝙤𝙪 𝙨𝙝𝙤𝙪𝙡𝙙 𝙧𝙚𝙖𝙙 𝙩𝙝𝙞𝙨 𝙗𝙤𝙤𝙠 𝙞𝙛 𝙮𝙤𝙪 𝙡𝙞𝙠𝙚:
❥short story collections
❥the LGBTQ+ experience in the Philippine context
❥a mix of humor and suspense
Profile Image for Eunice (nerdytalksbookblog).
438 reviews131 followers
September 18, 2024
Maraming salamat Gerald sa pagbabahagi ng ilang storya ng makulay mong buhay.

Nakakabitin ang koleksyon na ito, ganun pa man naghatid ito ng saya at ng aral. Salamat sa pagpapakilala sa iyong lolo at lola. Umaasa akong makakabasa pa ng mas maraming kwento tungkol sa kanila.

Ito ang simula ng karera mo bilang manunulat, hangad ko ang iyong tagumpay!
Profile Image for Ranne.
201 reviews39 followers
September 29, 2024
First of all, thank you for sharing some important highlights of your life with us. Whilst the writing is simple and very straightforward, you can feel the emotion that the writer wanted to convey to the readers, and I'm here for it! And I NEED MORE!!!!

Indeed, this is a book worth reading, and I'm looking forward to the next book that you will publish in the future, ma! NAPAKAHUSAY! 💖✨️
Profile Image for Bana AZ.
543 reviews51 followers
December 13, 2025
This short chapbook is written by Gerald the Bookworm. He's one of the first Filipino book influencers that I followed.

"Ang Una Kong Regla" was so funny. This piece is the one that stayed with me.

I'd be interested in reading more from this author in the future.
Profile Image for ✨ may ✨.
145 reviews29 followers
September 19, 2024
Iyak-tawa! Napakahusay. This is one of the short reads na worthy magkaron ng susunod na looooonggg read. Give us more!
Profile Image for Dani.
168 reviews10 followers
March 7, 2025
alam ko na patikim pa lang ito pero NAKAKABITIN talaga
Profile Image for Clowreadsandrambles.
48 reviews
February 13, 2025
Ang ganda ✨

I read it in one sitting. Also, I can't choose a fave kasi I like all chapters. The writing is simple, straightforward and detailed which I love.
Displaying 1 - 24 of 24 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.