Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ang Nawawalang Barangay

Rate this book
Nagbabalik si Bree, ang imbestigador ng Talong Punay, para lutasin ang dumaraming kaso ng mga nawawalang tao sa kanyang barangay.

Sa kanyang paghahanap, matutuklasan niya ang Swalla, isang relihiyosong grupo, at ang kaugnayan nito sa mga pagkawala. Kasabay nito, makakatagposiya ng bagongtaong muling magpapaalabsa kanyang puso.

246 pages, Paperback

First published September 11, 2024

6 people are currently reading
94 people want to read

About the author

Chuckberry J. Pascual

21 books58 followers
Si Chuckberry J. Pascual ay isang Pilipinong manunulat ng mga maikling kuwento at dula. Siya ay pinanganak at lumaki sa Malabon, laki sa lola dahil sa parehong OFW ang kanyang mga magulang. Sa kanyang paglaki, nakasanayan niya ang bahaan, mga palengkeng parating may murang seafood, at saka ang amoy ng Malabon na malansa (na siyang sabi naman ng mga hindi tagaroon). Siya ay kasalukuyang nakatira pa rin sa Malabon pero tinuturing niya din ang sarili bilang taga-Santa Rosa, Laguna.

Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman (UP) bilang cum laude sa kursong BA Malikhaing Pagsulat noong 2003, nagkamit ng MA sa Araling Pilipino (Kasaysayan at Panitikan) noong 2008, at kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Malikhaing Pagsulat simula Abril 2009. Ilan sa mga parangal at pagkilalang kanyang natanggap ay ang pagiging fellow sa Unibersidad ng Santo Tomas, Ateneo, at UP National Writers' Workshops, at siya rin ay kasapi ng KULITI, isang lipon ng mga kabataang manunulat. Katatapos niya lang magturo ng Filipino sa klaseng regular at pandangal sa Ateneo de Manila High School.

Bata pa lang ay mahilig ng magbasa si Chuckberry J. Pascual. Nagdo-drowing siya dati ng mga sarili niyang bersyon ng komik novels sa isang buong intermediate pad. Sa kanyang paglaki ay napunta siya sa pagsusulat ng mga maikling kuwento dahil napagtanto niyang hindi siya marunong tumula. Walang partikular na estilo sa pagsulat si Chuckberry J. Pascual. Basta ang sigurado, karamihan sa kanyang mga naisulat, at iyong mga nalimbag - halos lahat sila ang protagonista ay bakla. Sinusubukan niyang tingnan ang mundo mula sa perspektibo ng mga bakla, partikular ang Pilipinong bakla na taga-Maynila at Malabon, kadalasan ay middle class.

Marami na rin ang mga nailimbag niyang mga maikling kuwento. Pinakahuling lumabas ang "Kumpisal" sa Ani 36 (2011), "Lorenzo" sa Talong/Tahong: Mga Kuwentong Homoerotiko (2011), at "Mga Kotse Sa Airport" sa Kathang-isip: Mga Kuwentong Fantastiko (2011). Kabilang din ang mga maikling kuwentong "Mananayaw", "Kantanod", "Ritwal", at "Sangandaan". Ilan pa sa kanyang mga gawa:

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
10 (25%)
4 stars
15 (37%)
3 stars
9 (22%)
2 stars
5 (12%)
1 star
1 (2%)
Displaying 1 - 15 of 15 reviews
Profile Image for Neil Franz.
1,097 reviews852 followers
January 26, 2025
Nagmistulang dystopian fiction ang Ang Nawawalang Barangay para sa akin. Hindi ko sasabihin kung bakit pero ganon ang naramdaman ko. Para akong binalik sa mga binasa kong YA dystopia (noong 2013-2014) ng huling bahagi ng libro. Nandoon 'yung kaba para sa bida at sa mangyayari sa mundong (o barangay na) ginagalawan ng bida. Terrifying.

Nakabibilib kung paano plinano at binalangkas ang kuwento mula sa tahimik hanggang sa maingay. Kaya pala parang ang tahimik ng umpisa at gitna ng libro dahil nasa dulo ang ingay at gulo. Ang lakas ng gustong iparating at ipaalala ng libro sa mga tao (sa libro man o in real life). Subtle at hindi subtle if I think about it. The climax is giving, ika nga.

Though hindi nag "stand-out" ang karakter ni Bree sa akin (kahit si Arman Salon pa ang naaalala ko kay Bree hindi ko rin alam), may paki pa rin naman ako sa kung anong mangyayari sa ginagawa n'yang imbestigasyon sa mga nawawala at kung paano n'ya ito ibabalanse sa kanyang buhay pag-ibig at buhay in general.

Nung ipinakilala naman ang Swalla at si Baby Gerl, naalala ko naman (ang dami kong naaalala haha) ang The Wicked + The Divine na comics. American Gods meets American Idol kasi ang peg ng comics na 'to. +1 kasi I find it fitting, timely, and relevant sa kasalukuyan. Alam n'yo na 'yon.

Sa huli, iyong huling bahagi pa rin talaga ng Ang Nawawalang Barangay ang main reason kung bakit gustong-gusto ko ang libro. Amazing!

#blessedbydabes
Profile Image for Maria Ella.
563 reviews104 followers
February 16, 2025
At first, I thought this would be a usual novel with a straight-forward conflict, resolution, and ending; it is only after rereading Ms. Carolone Hau's blurb that I realized sir Chuck's brilliance in storytelling:
Darkly comic, sharply observed, and perfectly pitched to capture the living language of our times, Chuckberry J. Pascual's Ang Nawawalang Barangay explores the politics of despair and disempowerment, the dark allure of religion and social media, and the neccessity of resisting the angels when they whisper, "Swalla. Sa wala tayo nagmula at sa wala rin babalik."

Initially, I was confused at the way the story unfolded, because the world-building feels out of reach. Siguro sadyang ganun ang estetiko ng Malabon— malayo sa Kapasigan, mas malapit sa Bulacan. Pero kung tutuusin, ang Tatlong Punay ay nakakaranas rin ng mga araw-araw na kalakaran ng barangay: may "bureaucratic" galawan, lumang parapernalya at kagamitan, may salon sa gedli at may tindahan ng ulam. Tatlong Punay is also like the Pembo where I grew up. Ang cute lang kasi andaming mga kakaiba sa Tatlong Punay, pero meron ding pagkakatulad sa kinagisnan ko.

Nag-dawn lang ang diwa ng nobelang ito sa mismong Big Night scene. Hindi ko alam, pero mula nang mabasa kong nagpakita si Donya Mary Juliet, parang biglang pumasok sa imagination ko na kamukha niya si Cynthia Villar: may mga alipores at nakasipat lang sa malaking barangay na pwede gawing subdivision (like Las Piñas), tapos yung stage ng mga sumasayaw kineso ay parang yung Guadalupe-EDSA overpass, looking at the squatter's area ng Guadalupe Viejo looban burned to dust— na ngayo'y binakurahan na ng SMDC (katabi ito ng seminaryo sa Guadalupe-EDSA; hindi ko na tukoy kung dere-derecho na ang pagtayo ng condo dun, kasi andaming Pending Class Action sa korte dahil sa laki ng sunog na nangyari).

Ang ganda rin ng paraan ng pagku-kwento ni Chuckberry. Tukoy mo na boses niya! I don't know why I haven't sensed it in his earlier works (Ang Nawawala short story collection), but maybe mas nagiging buo yung tinig niya kapag mas mahaba pa sa maikling kwento ang katha.

Ang galing! Excited na ako sa magiging Book Talakayan namin tungkol dito!
Profile Image for Sai theengineerisreading.
613 reviews103 followers
January 31, 2025
A good gay’s guide to unexpected disapperances!
That’s my working title for the English translation.

I really enjoyed the book and how it mirrored the harsh reality in our country. Chuckberry Pascual balanced the commentary about social media effect in a society and how religion are borderline cults wrapped in a wickedly humorous writing style.

You don’t have to pick up the first book since it’s still out of print. 4stars for Bree!
Profile Image for Billy Ibarra.
196 reviews19 followers
February 21, 2025
Ang daming ipinapaalala ng Ang Nawawalang Barangay: mga taong bigla na lang nawala; mga taong nawawala sa sarili dahil sa hungkag na pananampalataya; mga nasa kapangyarihan na mga walang-awa; at mga taong handang hanapin ang mga nawawala. Kahit napakaseryoso ng usapin sa aklat, nagawa ako nitong patawanin nang ilang ulit (panalo lagi ang hirit ni Bree, ang imbestigador ng Talong Punay, ang bakla ng laging saklolo; pati na rin ang mga karakter na sina Benjie, Rene, at Mamita). Ngunit ang higit na importante, nagawa nitong pati ako ay paghanapin, huwag tumigil hanggang sa makita ko rin ang hinahanap, at hindi lang basta maghintay sa isang sulok at titigan ang unti-unting paglalaho ng usok.

Napapanahon ang nobelang ito ni Chuckberry Pascual. Malapit na ang eleksiyon, tingnan n'yo kung sino-sino ang may malaking interes sa inyong mga lugar. Kung sino ang higit na makikinabang diyan kumpara sa mamamayan (may malaki at kuwestiyonableng negosyong pinoprotektahan, halimbawa), malamang ang suportahan n'on eh 'yung tumatakbo na may kapareho niya ng kaliskis. Nasa nobela 'yan. (Tama 'yung basa ng isa naming ka-PRPB---may awra si Donya Mary Juliet na parang 'yung chakang senadora na matakaw sa lupa.) Mayroon ding tumatakbo sa pagkasenador ngayon na lider ng kulto, itago natin siya sa alyas na "Appointed Son of God" (pwe!). Sa kuwento, maihahalintulad siya kay Baby Gerl na lider ng Swalla (bagama't mahilig lang mag-drag at mag-rap si Baby Gerl, pero walang kaso ng child sex trafficking, di tulad nung isang pastor diyan na nasa Pasig City Jail). Mayroon ding usapin ng sapilitang pagkawala sa nobela (desaparecidos ang mga magulang ni Bree), kaya ganoon na lang ang concern niya na mahanap ang mga nawawala. Dahil alam niya ang pakiramdam na mawalan, na hindi niya tiyak kung babalik pa ba o wala na talaga ang mga ito.

Sa huli't huli, talaga nga namang #blessedbythebes tayo na naisulat ang Ang Nawawalang Barangay ni Chuckberry J. Pascual. Kung may kasunod pa ang pakikipagsapalaran ni Bree, abangan na lang natin.
Profile Image for Henry Arguelles.
16 reviews20 followers
January 11, 2025
This is all I have to say after reading this book:

Both power and the lack thereof are poison in the wrong hands. Look around you. Look at yourself.
Profile Image for C.L. Balagoza.
149 reviews19 followers
September 17, 2024
Kaninang madaling araw, hindi ko namalayan, natapos ko na pala basahin `yung “Ang Nawawalang Barangay” ni Chuckberry Pascual. Sinimulan ko ito noong Huwebes, at ilang beses na-stuck dahil na rin busy sa MIBF, kanina ko lang talaga ito naupuan muli. At hindi ko na nga binitawan pa. 


Si Bree ay si Bree pa rin, nakakatawa, pero sa nobela mas nakilala na natin siya, lalo na sa kaniyang mannerisms. Mas hayag na rin na seryoso si Bree, at mayroon nang pagpipigil sa paghayag ng tunay na nararamdaman(sa lalaki). Pero hindi iyon ang buong kuwento ng nobela. 


Tulad ng pagpapakilala sa likod ng aklat, nagbabalik si Bree upang lumutas ng mga kaso ng muling pagkawala, ngunit ngayon, ng mga tao na. Mayroon din siyang makakasalamuhang relihiyosong grupo na ang pangalan ay Swalla at pinamumunuan ni Baby Gerl isang impersonator ng isang icon na si Kinkee Balaj. Bukod dito may bago ring magpapatibok sa puso ng ating imbestigador ng Talong Punay. 


Magaan basahin ang bawat kabanata ng nobela, at tulad din ng nabanggit, hindi ito nakasandig sa unang aklat. Langkap na ng nobela ang mga impormasyong nangyari sa unang aklat bilang dagdag konteksto sa mga ‘recurring’ characters sa nobela. Ngunit gaano man ito kagaan, masalimuot din ang inilalahad na kuwento ng nobela. Lalo na ang pangunahing usapin, ang mga pagkawala. Ipinakita rin ng nobela kung gaano nakalalason sa isang tao ang magkaroon ng kapangyarihan. Itinala rin sa aklat ang ilang issue ng ating lipunan na nagaganap sa kasalikuyan, na para sa akin ay isang paalala ng manunulat. 


Nang mabasa ko ang huling pahina, mayroong epekto ang wakas ng nobela sa akin, na para bang: hindi dahil piksyon ang mundo ni Bree, hindi na nito kayang ipadama sa atin ang katotohanan. Kinaya nitong patigilin ako at pagmunihan ang mga nabasa. Para akong pinasilip sa posibilidad na hinaharap. 


Mahahanap pa ba natin ang mga nawawala?


Muli akong humanga sa panulat ni Chuckberry Pascual, sa kakayahan nitong magpatawa ngunit kalauna’y iisipin mo: Maaaring isa ka sa mga taong ikinukuwento ng manunulat? May 5t pagtapik “Ang Nawawalang Barangay” sa mga mambabasa na mas kailangan ng maraming Bree sa ating lipunan. Mas maraming tao na may pakielam sa kapwa. Ang ganda-ganda lang kung ganoon. 
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Bernard Christopher.
Author 1 book9 followers
January 11, 2026
#BernardReads | BOOK REVIEW 📚

#AngNawawalangBarangay ni Chuckberry J. Pascual 👩‍🦳

Isang taon na rin nang mabasa ko ang The Vanished ni awtor at hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na original version.

Anyway, since may background na ako sa kagandahan ni Bree, sinimulan ko ang 2026 sa mga bagong kaso at misteryo na naman na hinarap ni Bree sa akdang ito. It’s sort of a sequel kasi may kaunting-kaunting recap lang sa umpisa at alam mo ang mga nagbago kung nabasa ang unang akda.

Ganon pa man, sa tingin ko’y maaaliw at mapapa-isip pa rin naman ang kahit na sino kapag nabasa ang akdang ito.

Si Bree ang unofficial receptionist ng barangay nila. Muli kong sinamahan ang nga nakakalokang kaganapan sa kanilang komunidad at maging buhay-pag-ibig ng nag-iisang Bree. Para akong nanonood ulit ng mga nakagisnang comedy-family show at movies noon. Pero ito’y hubog na ng sosyedad natin ngayong kaunti na lang ang may pake sa kapwa.

Kung kailangan ng pahanon natin ng camp pero socially relevantly film ngayon, ‘wag na kayo maghanap sa iba. Ito na ‘yon. Para akong nanonood mg teatro sa mga eksena. Kung sa unang aklat, karaniwan ay mag-isa sa Bree. Dito, nakabuo na siya ng team.

At ang oposisyon, dinaig pa si Thanos. Kung ang apocalypse man ay mukhang dancing mania, maaliw ka naman muna bago ka mawala. Gaano man ka-bizarre ang plot, may timpla ito ng katotohanan. Ang hirap nga namang tanggapin na may mga tao na lang na mawawala sa buhay mo, walang bangkay, walang bakas.

May character development si Bree. At nagustuhan ko rin ang mga dumagdag na karakter sa kuwento.

Ilang beses mo rin akong mahuhuling tumatawa habang nagbabasa. Pero may lalim, may hugot. Iba talaga ang nagagawa ng mga taong desperado. Huli ni awtor ang ugali ng mga Pilipino.

Kung may komento man ako, baka iyon ay sa mga eksenang umuulit lang ng punto. At maging ang ending na binitin na naman tayo. Sana masaksihan ko kung ano ba ang sunod na mangyayari kay Bree. Kung meron pa man. Kasi kung hindi, hahanapin ko ang Talong Punay.

Pagbati, Sir Chuckberry. Inaliw at pinaisip mo na naman kami. Alam ko na ang gagawin kapag tumaas na naman ang heat index. Swalla rin sa iyo at sa mga makakatapos ng akda.

#bookrecommendations #bookreview #ChuckberryJPascual
Profile Image for Vicente.
24 reviews1 follower
February 18, 2026
Binuksan ko ang mundong ito na ang akala ko ay isang detective noir na may timpla ng fantasy. Ang Ang Nawawalang Kutsilyo at Ang Nawawalang Mukha ay may elementong supernatural na, pero nakatapak pa rin sa realidad ng LGBT experience. Pero sa huling bahagi nito, ang fantasy ay tuluyan nang naging isang higanteng kumunoy ng dystopia.

Ang nakakapanibago rito ay ang pagbabago ng format. Sa halip na compilation ng short stories na dahan-dahang bumubuo ng isang buong novel (tulad ng dati), naging isang diretsong novel na ang structure nito. Dahil dito, mas ramdam ang bigat at ang bilis ng pag-shift ng genre. Mula sa intimate na misteryo ng nawawalang mukha, bigla tayong itinapon sa isang mundo ng "Wala" at "High Temperature."

Ang pinakamaitim na bahagi nito ay ang piling pagpili ng sumpa. Bakit ang mga "high profile" na karakter tulad ni Kapitan, Col. Cacayurin, at ang mga Montojo (lalo na si Donya Maria Juliet) ay hindi naglalaho? Habang ang mga tulad ni Deepak, Sonia, at Corazon ay nagiging usok na lang, ang mga nasa itaas ay nananatiling "solid." Metapora ito ng sistemang mapag-iwan: ang mga may pangalan, lupa, at kapangyarihan ay laging ligtas, habang ang mga nasa fringes ang unang nilalamon ng dilim. Sila ang mga "Untouchables" na hindi tinatablan ng init.

Ang pinakamasakit na dagok ay ang ending. Hindi si Jhong ang bumasag kay Bree, kundi si Baby Girl. Isang betrayal mula sa sarili niyang hanay. Ang pagtayo ni Bree na parang 'nothing happened' matapos siyang saktan ng isa sa mga taong pinoprotektahan niya ang tunay na horror. Hindi lang siya physically nasaktan; sumuko na siya. Tinanggap na niya ang katahimikang hinihingi ng mga Kapitan at Montojo dahil narealize niyang pati ang sarili niyang komunidad ay ayaw nang marinig ang totoo.

3 stars dahil sa husay ng prosa ni Sir Chuck, pero bilang reader, pakiramdam ko ay isa rin ako sa mga biktima ng 'Wala.' Ang nahanap lang natin ay ang katotohanang sa Baranggay na ito, ang mga maliliit ay sadyang itinatadhana para mawala—at minsan, tayo pa ang mismong tumatapos sa isa't isa. Poor Deepak, at poor us na naghahanap ng kasagutan.


Profile Image for saunterwithjas.
9 reviews
March 1, 2025
Ito ang unang akdani Sir Chuckberry J. Pascual na nabasa ko. Nirekomenda ng isang katrabaho na dati niyang estudyante sa Creative Writing.

Kahit pa maypagka-straight forward ang plot at storytelling nito, napupuno pa rin ito ng hiwaga. Lalo na sa huling pahina. Hindi ganito ang pagwawakas na inasahan ko.

Ang kwento ni Bree ay pakikipagsapaparan sa buhay, sa usapin ng kasarian, sa kapangyarihan o sa kawalan nito, at katarungan. May mga taong may paki, may dedma, may mga tila nakakulong sa hipnotismo ng kung ano mang pausong konsepto ng diyos, may nagpakilalang kinausap raw ng mga anghel, at may babaeng mahilig kumamal ng lupa. O 'di ba? Pinas in a nutshell.

Ilan sa mga tanong na pumasok sa isip ko matapos ko itong basahin: Mahahap pa ba ang mga nawawala? May hustisya ba para sa kanila? Mapapanagot ba ang mga may-sala o nagpabaya?

Napapanahon dahil malapit na naman ang eleksyon. Tumingin tayo sa paligid: sino ang may pakialam, sino ang nararapat sa posisyon ng kapangyarihan, at sino ang may pananagutan?
Profile Image for Lizette Eve Marie.
120 reviews30 followers
January 25, 2025
Kagaya nang naunang kwento ni Bree, maganda at nakakaaliw ang paglalahad nang kwento. Bawat salita at bawat pahina ay pipilitin kang subaybayan kung saan ka dadalhin ng paghahanap para sa mga nawawalang tao. Maaaliw, maiinis at mapapatanong ko sa kung anu nga ba ang takbo ng kwento. Saan ito patungo?

Siguro, nahirapan akong tanggapin yung wakas ng kwento. Iba ang nasa isip ko na kahihinatnan kaya naguluhan ako sa katapusan nito. Bigo yung panghuhula ko magiging rebelasyon kaya hindi ko nadala yung sarili ko sa nais na mensahe nito.

Ang nauunawaan ko lang, may mga nawawalang tao, may mga taong ayaw pag-usapan ang mga nawawala, may mga nasa kapangyarihan ang ayaw gawin ang trabaho, may kumokontrol sa mga may kapangyarihan, may kulto/mala-relihiyon, may mga taong may pakialam sa nangyayari, at may mga mamamayan na hindi alam kung saan papanig at ano ang dapat gawin.

Isang alegorya ng Pilipinas.
2 reviews
January 13, 2026
maganda ang world-building. detalyado ang mga actions at settings na mai-immerse ka talaga sa bawat eksena. madaling masundan ang daloy ng kwento, pati kung anong gusto nitong ipahiwatig, lalo na sa dulong bahagi.

kaso nga lang, para sa akin, hindi sulit ang mahabang build-up para sa ending. wala namang duda na maganda ang ending - maingay at importante ang bawat sandali - pero sa tingin ko’y may pwede pang iklian sa naunang chapters para mas engaging ang pagbabasa.

regardless, the mystery was there and it kept me hooked para tapusin ang libro. masaya ako na satisfying at wild ang ending.
Profile Image for selina.
490 reviews99 followers
June 22, 2025
BREE MY BELOVED I LOVE YOU SO MUCH
9 reviews4 followers
September 24, 2024
*spoiler ahead*

May dalawang trans woman.
Yung isa bigla na lang nawala ang mga magulang, kaya nang lumaki pilit nyang hinahanap ang mga nawawalang mga bagay bagay at ang pagkawala ng mga tao sa kanyang barangay.
Yung isa naman, namatay ang mga magulang, nagtayo ng religious group, at pinangaral na tanggapin ang pagkawala ng mga tao/mahal sa buhay dahil yun ang nararapat at nakatakda.

(will add/edit this later)
Displaying 1 - 15 of 15 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.