“Hugpungan ng Tradisyon at Eksperimentasyon sa Panitikang Filipino”
Tampok sa talakayan sina Dekki Morales, Jon Lazam, Ronald Verzo, Hanna Leceña, at Sofia Magayam.
Jayson V. Fajardo twists and bends our ideas of short story writing in a novel manner. He links and subverts a variety of sequences and scenes here, traversing experience, memory, materiality, time, and pop culture. It's a wonderful medley courtesy of a writer who understands how to map out the nuances and intricacies of universal phenomena.
Nang una kong nakita ang zine version ng 26: Dagli Diagram ay hindi ko ito tinapos. Nagulumihanan ako sa labo-labo nitong content at laman. Siguro kasi sinubukan lang niyang ilabas ito at maranasan ang self-publishing sa pamamagitan ng DIY zine-making. Sobrang acid tripping, puru arrow at puru kalat-kalat na mga pangungusap sa isang spread tapos mafi-feel mong walang konek at walang tema ang bawat akda.
Ngayong naging libro na ang kalipunan ng kanyang mga dagli, nagkaroon na ito ng sentro at daloy, at tila napagdudugtong ko na ang bawat akda. Tungkol ito kay Joaquin Polo Morales na nagma-masters at nagbabalak mag-release ng experimental na koleksyon, at tungkol sa dare nyang gumawa ng wala (na pinamagatan nyang poetics). Panibagong acid trip ang reading experience; mas cohesive ang tema, mas buo ang pagsulat at pagkritiko sa gitnang uri, pop culture (at pagkajeje o pagka-hipster), at mas buo ang pagiging queer ng karakter at mga napagdadaanan niya sa buhay. Feeling ko talaga alter to ni Jaffy eh, haha!
Maganda rin na nadugtungan nya yung mga original niyang likha mula sa zine version. Alam mong malaking tulong ang pagpasa ng kanyang likha sa Ateneo National Writers Workshop para mapalinang pa yung kanyang mga arrow-arrow at diagram at kung paano ito pagdudugtungin bilang isang kwento o isang tema, or isang kritiko. Ang laki ring tulong na pareho naming nabasa ang A Visit from the Goon Squad at na-appreciate ang powerpoint chapter ni Jennifer Egan (ang naturang nobela ay lumabas bago ang kainitan at kasikatan ng twitter, so pre-empted ako sa paghahambing ng bilis ng teknolohiya at sa paggimbal at paghabol natin bilang consumer ng social media).
Nakakatuwa rin yung intro ng aklat: Walang sanga, walang ugat, humihitik sa bulaklak. Naihanda ako bilang mambabasa na hindi ito yung straight-forward na nobela (o novellete, o short story collection). Masyadong avante-garde kineso, pero highly recommended ito sa mga mag-aaral ng Malikhaing pagsulat kasi makikita nila kung paano nababasag ni Jaffy ang conventional na paraan ng pagso-storytelling. Parang pasundot-sundot na tsismisan lang. At kung nasabi nyang tsismis – anyong pampanitikan na hindi namamatay, mas naniniwala akong ang tunay na panitikan ay umuusbong sa mga huntahan, tsaa at tsismisan.
Siguro ang maipapayo ko kapag nagkaroon ng reprint ng libro ay sana’y lakihan ng konti ang font. O ang size ng aklat ay gawing zine ang size? Tita mode na ako, nahihirapan akong i-zoom in ang paningin at mag-singkit para lang mabasa yung ibang mga pahina. Takot rin ako sa manipis nitong spine at baka masira ko yung buong aklat kakabuklat, kasi may ibang mga part na hindi swak sa centerfold. Siguro kailangang ayusin ang margin? Sana nga magkaroon ng reprint at ma-consider ang mga ganitong insight.
Sobrang proud din naman ako kay Jaffy kasi finally, nailabas na niya ang akda nya na mala-Adele ang pangalan tapos parang nakikinig ako ng Chromatica ni Lady Gaga kapag nakikita ko yung ibang mga dagli nyang paikot o maraming arrow. Personal favorites ko yung mga akdang Sexcurity: Confidentiality, Availability, Integrity at yung Nasaan ba ako noong nasa Diliman ang mga Lumad?, pati yung malapit sa dulo na PS Ito pala yung ISBN mo na prinoseso ni Kuya Poy: haha, parang Deadpool, breaking the fourth wall.
Kakaibang reading experience ang pagbabasá ng 26 Dagli Diagrams ni Jayson Visperas Fajardo o Jaffy. Walang synopsis—as in blangko ’yong back cover. Bago mo basahin ’yong libro, wala kang ibang idea bukod sa, well, 26 diagrams ’to ng mga dagli.
Sa pagbuklat mo ng mga unang page, malalaman mong ito ay Isa na namang Kuwentong LGBT mula sa Kalakhang Maynila, na mismong title ng isa sa mga unang dagli. Ilang pages pa ay makikilala mo rin ang recurring protagonist na si Joaquin, na M.A. student. Hanggang sa bandáng dulo na, tsaka mo lang mare-realize na kuwento pala ’to ng pagbuo ng creative writing thesis at ’yong mismong librong hawak mo ay ’yong thesis.
Hindi ko alam kung sinadya ni Jaffy. Pero ang magic sa akin ng Dagli Diagrams ay habang literal na binubuklat ko ang libro para tuklasin kung tungkol saan ito—simultaneously ring ang unfolding ng mga kuwento ay metaphor ng self-discovery ni Joaquin, na literary alter ego ni Jaffy. Ako ang nagbabasá at siya ang nagsulat, pero sabay naming tinutuklas kung tungkol saan ang libro—o mas mahalaga: kung sino siya.
Sa form, reminiscent ’yong libro ng The Medium Is the Massage: librong postmodern (o ngayo’y mukhang “experimental” na ang tawag ng mga taga-akademya. Ewan. Baka pagtawanan pa ’ko ni Marshall McLuhan at Jaffy.) Parehong pinaglalaruan ng dalawang libro ang typesetting para sa medyo complex pero comprehensive pa rin namang format. Kung si McLuhan ay gumamit ng high-quality photos, si Jaffy naman ay gumamit ng basic diagrams. May magkaibang appeal ang dalawa.
Sa content naman, para kang naligaw sa makalat na desk ng writer, kung saan nakabukas ang laptop niya at nababása mo ang random documents ng kanyang literary pieces (personal man o requirements bílang lit student). Katabi ng laptop ang diary kung saan niya kinukuwento o kinukumpisal ang mga pang-araw-araw na ganap ng isang queer at/o lit student. Gugugol ka ng ilan ding oras sa makalat na desk—only to find out na nakaayos na palá sa isang published master’s thesis ang compilation ng mga piyesang hinahanap mo.
Pinaka-clever ang dagling Panawagan para sa mga wala. Nakakatawa pero puwedeng seryosong debate topic, lalo na sa usapang creative writing—or lack thereof.
Pinakawasak ang dagling Hairy Daddy—na ngayon ko lang nalámang matagal ko na paláng paborito bílang Video Call, na isa sa iilan lang na nagustuhan kong dagli sa Saanman, na flash-fiction anthology rin ng O.F.W. writers naman. Pinakamatapang din ang Video Call dahil sobrang taboo, lalo na konserbatibong tradisyon sa Pilipinas. At lalo pang tumapang ang Hairy Daddy dahil may added layer na nasa P.O.V. ng mga queer naman.
Mahalaga ang mga akdang gaya ng Dagli Diagrams para matala ang mga kuwento ng mga queer sa panitikang ilang milenyo nang pinaghahari-harian ng mga laláki.
Pinaka-relatable na tema ang duality kung bakit pagtapos gawin (o minsan nga’y habang ginagawa) ng bida ang mga bagay na dapat ine-enjoy niya ay nalulungkot pa rin siya. Bílang straight, pinare-realize nito sa akin na walang gender ang human condition. After all, we’re all just the same albeit still very different.
“Maliban sa tamod. Nilabasan ka rin ng luha.” Ang pinaka-poignant na linya. Ang simple. Ang raw. Ang totoo.
Bukod sa mga writing memoir, marami na rin akong nabásang iba’t ibang klase ng metafiction o metanarrative: Muling Nanghaharana ang Dapithapon, Para kay B, Next Great Tagalog Novel, Million Miles in a Thousand Years, atbp. Kahit mas nagustuhan ko ang mga nabanggit, pinakakakaiba at original naman ang Dagli Diagrams kompara sa kanila. Mas metanarrative ang Dagli Diagrams dahil mukhang mas lamáng ang pagiging autobiographical ng mga dagli kayâ mahirap hulaan kung aling mga parte lang ang fictionalized for literary purposes.
Kung hindi na-meet ni Jaffy ang expectations mo sa mga karaniwang libro, na-meet ng Dagli Diagrams ang goal nito.
Laging props sa Balangay sa standard nila ng pagpa-publish: magandang cover art, magandang papel, at maayos na typesetting. Ang mapupuna mo lang: dapat sana ay 6×9" trade paperback ang dimensions ng libro imbis na 4×7" mass-market dahil maraming space ang inaagaw ng mga diagram sa mga text. Pero dahil experimental nga ’yong libro, baka parte rin ng experiment na sinadyang maliit ’yong libro para sa literal na close reading dahil may mga page na ilalapit mo talaga ’yong libro sa mata mo para mabása dahil may mga text na halos kainin na ng centerfold.
Sa content naman, ang mapupuna mo lang ay may mga diagram na parang hindi naman napanagutan ang design sa flow ng mga text. May ilang arrows na parang naging random shapes na lang imbis na guide sa flow ng narrative. May dalawang pie chart na wala namang pagkakaparte-parte ng 100%. May Venn diagram na wala namang compare and contrast. Pero, again, dahil nga experimental ’yong libro, baka rin parte ’yon ng experiment.
’Yon malámang ang pinakapuna sa kahit anong experimental art. Kahit gaano kakakaiba ang pag-defy sa form at content conventions, may daya na laging puwedeng i-justify na parte lang din ng experiment ang kahit anong puna.
Sinadya kong isulat ’tong book review na mostly nasa second person—alinsunod sa narrative P.O.V. ng Dagli Diagrams. Para kanino ’tong book review? A. Para sa readers B. Para sa author C. Pareho D. (Optional o baka mas higit pa nga) Para kay Joaquin
Sagot: It’s up to you. Sino ang you? Balikán ang multiple choices.
Nang makuha ko ang kopya ko ng Dagli Diagrams sa last Christmas Party ng TIPC at PRPB, tuwang-tuwa ako no'n. Kasi inabangan ko rin ang aklat na totally ilabas ng Balangay. Kung tatanawin, matagal na 'yon. Marami lang talagang nangyari, kaya kahapon ng hapon ko inupuan para basahin ang buong aklat.
Hindi ito makapal, manipis lang, pero ang laman ng bawat akda ay may sapat na bigat upang maglimi at balikan ang ilang personal na karanasan. Unconventional man na matatawag ang uri ng pagkukuwento ng manunulat. Ang bawat diagram ng dagli naman ay hindi na bago sa karanasan ng tao. Karanasan ng isang indibidwal na bahagi ng isang espesikong komunidad, pero hindi iyon ang limitasyon ng kaya niyang gawin. Paulit-ulit iyon sa bawat dagli.
Sa liit ng aklat, kaya ka nitong patawanin at iparamdam ang bigat ng hindi matapos-tapos na problema ng bansa na nakakaapekto rin sa sariling danas. Kung ang taon na lunan ng aklat ay 2016, ang ilang isyung panlipunan na nabanggit ay hanggang ngayon problema pa rin natin. Mahalaga talaga ang panahon sa bawat akdang sinusulat.
Kung naghahanap ka ng bagong aklat na gusto mo ma-challenge kahit papaano ang reading experience mo. Irerekomenda ko itong Dagli Diagrams. Gusto ko rin maranasan mo, na nang matapos ko basahin ang huling pahina at pagtiklop ko ng aklat, napasabi na lang ako ng “ang ganda” (muli sa sariling pamantayan ng kagandahan ito).
Gusto ko rin sabihin na imposibleng walang umangat na isa o dalawang dagli sa aklat. Paborito ko 'yung “Dear 26” sa pinakahulihang bahagi ng aklat. Kuhang-kuha no'n 'yung nakikita kong laman ng aklat. Iyon din ang pinakamagandang pahina na nabasa ko kahapon. Tungkol sa pagkabuo at pagkawasak. Tumatagos din kasi 'yon sa personal kong pinagdadaanan ngayon.
Kung interesado kang bumili ng kopya, mabibili mo ito sa Lazada, sa store ng Isang Balangay Media Productions. Kung gusto mo naman personal na bumili, abangan ang The Indie Publishers Collab Booth sa paparating na MIBF at iba pang Book Fair dahil kabilang doon ang Balangay.