Jump to ratings and reviews
Rate this book

Pamamahay: Mga Sanaysay

Rate this book
Angkop na angkop ang piniling salita para kumatawan sa proyekto ng koleksiyon. Una, dahil sinusundan ng magkakawing na mga sanaysay ang paglalakbay ni Barrameda mula sa isang bahay patungo sa mga kasunod. Naimamapa ng aklat ang pagsisikap niyang makaugnay at mapabilang sa isang espasyo bagama’t paulit-ulit na napapawalay. Partikular ang mga sirkumstansiyang nagdadala sa kaniya sa mga bahay at ang tugon niya sa bawat pagkakataong “mamahay” ay pagmamapa rin ng kaniyang kamalayan. Nakikilala ng mambabasa ang kaniyang pag-aangkop sa kung paano siya nilulugar ng iba’t ibang salik panlipunan upang gampanan ang iniaatang sa kaniyang mga tungkulin, bilang bata, bilang anak, bilang apo, bilang kapatid, bilang teenager, bilang kapitbahay, bilang mamamayan. Hindi ito pananahan, na posibleng magpahiwatig ng paghinto dahil kampante na; bagkos, isa itong pamamahay, nananahan sa paulit-ulit na pagkatiwalag, sa pagka-hindi-mapalagay, sa paroo't parito ng kamalayan kahit sa pananatili. —Allan Popa

156 pages, Paperback

Published September 26, 2024

Loading...
Loading...

About the author

Emmanuel T. Barrameda

8 books19 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
9 (50%)
4 stars
9 (50%)
3 stars
0 (0%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 5 of 5 reviews
Profile Image for Neil Franz.
1,128 reviews873 followers
February 2, 2025
Ibang klase talaga si Sir Emman sa sanaysay. Lodi!
Paborito ko yung Motel sa Cubao, Isang Gabi. May naantig, may naalala, may tumagos. Sobrang ganda.

Review to come or not.
Profile Image for V ♠︎.
35 reviews
March 1, 2026
maganda. sa pagbabalik-tanaw ng awtor sa kanyang buhay, para ko syang kasama lumaki; ramdam ko yung lungkot at bigat ng mga pasanin nya mula pagkabata.

ang ganda ng pagkakalahad ng mga sanaysay, laging may kirot na ang hirap indahin. plus, nagustuhan ko rin ang pagiging "accessible" ng storytelling--- malalim na pagkakasulat kahit simpleng mga salita lang ang ginamit.

altho, may pagka-repititive lang sa ilang part dahil minsan nag-o-overlap yung timeline; saka medyo nahirapan din ako sundan yung mga character.

worth it.

/mahigpit na yakap/
Profile Image for Eron Bituin.
45 reviews4 followers
January 11, 2025
𝙋𝘼𝙈𝘼𝙈𝘼𝙃𝘼𝙔: 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙖𝙣𝙖𝙮𝙨𝙖𝙮
𝗘𝗺𝗺𝗮𝗻𝘂𝗲𝗹 𝗧. 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗮𝗺𝗲𝗱𝗮
𝗨𝗣 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀, 2024

Sa 𝑃𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑦, hinahabi ni Emmanuel Barrameda ang kwento ng kanyang patuloy na paglalakbay mula sa isang tahanan patungo sa isa pa, at sa bawat paglipat, kanyang sinasaliksik ang konsepto ng espasyo sa migrasyon. Ang kalipunan ng sanaysay ay hindi lamang paglalarawan ng mga pisikal na tahanan, kundi ng mga emosyonal, kultural, at panlipunang puwang na iniwan at binuo niya sa bawat yugto ng kanyang buhay.

Pinakamatingkad sa akda ang tensyon sa pagitan ng dating lugar at ng bagong kapaligiran. Sa kanyang pagsusuri, ipinapakita ni Barrameda ang pag-aangkop sa bagong espasyo habang dala ang luma, na para bang ang bawat tahanan ay may sariling wika at katahimikan. Madarama ang lungkot ng pag-iwan, ang saya ng muling pagtuklas, at ang hindi maiiwasang pagkakaroon ng “di-tahanan” sa pagitan ng bawat lugar.

Tagos ang pananaw ni Barrameda sa kahulugan ng migrasyon—na ito’y hindi lamang pisikal na paglilipat, kundi isang patuloy na paghahanap ng tahanan, ng sarili, at ng pagkakaugnay sa mundo. Isang aklat na nakakapukaw at puno ng talino, ang 𝑃𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑦 ay nararapat basahin ng sinumang nagnanais maunawaan ang masalimuot na espasyo ng migrasyon.
Profile Image for Renzon.
11 reviews
July 12, 2026
Ito ang una kong nabasang gawa ni sir Emman. Gusto ko sana unahin yung Balager kaso ang hirap makahanap ng kopya at out of print na rin nga. Para mas makita ko yung writing style niya. Hindi naman ako binigo ng mga sanaysay nya rito.

Sa tutuusin, hindi ko nga maiwasan maikumpara ang sarili ko sa midlife crisis na pinagdaanan nya rito. Kagaya n'ya wala rin kaming sariling bahay dekada na rin nagrerenta ng bahay at mailang ulit na rin lumipat ng bahay. Ang pinagkaiba lang malalayong lugar ang nalilipatan nila rito mas dun ako humanga sa maraming bagay, sa pag-aadjust sa lugar, sa mga makikilala. Hitik sa karanasan ang mga koleksyon dito. Gustong gusto ko yung Motel sa Cubao, Isang Gabi. Isang napakagandang biswal ng pag-iisa sa lugar na hindi natutulog, hindi pumipikit at hindi napapagod pero nandoon si sir Emman hinahalungkat ang sarili, sinasalansan ang mga mabibigat na bagahe sa loob-looban ng sarili.

Magandang panapos din ang huling sanaysay, ang paghahangad ng sariling bahay nang sa gayon hindi ka na mamahay sa sarili mong pamamahay.
Profile Image for Kain.
15 reviews2 followers
February 5, 2026
Madaming maaaring tumbukin sa mga sanaysay na ito ni Emmanuel Barrameda.

Maaaring ang naging relasyon niya sa kaniyang mga magulang, pag-angkop sa iba't ibang espasyo na kaniyang kinabibilangan, ang relatibong espasyo rin sa kaniyang kaloob-looban, ang bigat ng bawat bagahe sa pag-alis at pagdating, at paano nag-iiba ang isang lugar (o bahay) depende sa mga taong pumapaloob dito, kultural na mga kasanayan, ang lugar nitong kinalalagyan, at kung nag-iisa o may (kina)kasama

Alam na alam din ng awtor kung paano sumahin ang kabuuang damdamin sa bawat nalalabing pahina ng kalakip na storya. Mula sa introduksyon din ni Allan Popa, ninanais ko ring mabasa ang ilan pang sulatin tulad ng Balager at Distrungka. Na sa tingin ko, magdadagdag ng lalim sa kasulukuyang lente kung paano unawain ang Pamamahay.
Displaying 1 - 5 of 5 reviews