Isang kubo sa gitna ng liblib na lugar. Walang katao-tao. Tanging siya lang at ang limang lalaking dumukot sa kanya ang nandoon. Wala siyang mahingan ng tulong. Gusto niyang magsisigaw pero alam niya sa sarili niya na walang makakarinig sa kanya. Sa tabi niya ay nakaupo ang kanyang bantay. Mas lalong nadurog ang puso niya hindi dahil sa takot na baka kung ano ang mangyari sa kanya kundi dahil sa sakit na nararamdaman niya. Ang lalaking 'yun ay ang lalaking matagal na niyang gusto. Ang lalaking pinangarap niyang makasama habang buhay, ngayon ay nasa tabi niya at isa sa mga taong naglagay sa kanya sa peligro.
Ang lalaking 'to, ang lalaking gusto niyang pagkatiwalaan sa buhay niya, ay isa sa mga taong dumukot sa kanya.
Aly Almario is a bookworm, coffee lover, and a hopeless romantic, who loves to spend her time watching Asian dramas and animé, reading books, writing stories, eating and daydreaming. She started writing online stories at the age of 13, posting her works online under different pen names such as “Alyloony.” She is currently working as a Barista and is focusing her efforts to studying more about coffees.
WOW. That was a light read. All the resolutions are highlighted plus the graphics though sometimes, it's (the graphics) too weird to look at but heck. I like this one