"Apokripos. Mula sa Griyegong apokrypohos, lingid, lihim. Tumutukoy noon sa mga aklat ng Septuagint at Vulgate na di inilahok sa mga kanon ng Hudyo at Protestante sa Lumang Tipan dili kaya'y sa mga unang sulating Kristiyano na di isinama sa Bagong Tipan. Mula sa ganitong pakahulugang panrelihiyon ay umusbong ang Ingles na apocrypha upang tumukoy naman sa anumang sulatin o pahayag na may nakapagdududang katunayan.
"Bilang pamagat ng aklat na ito, ipinasasakop ang mga di-karaniwang pitlag ng damdamin, di akalaing lukso ng isip, at di mahuhulaang sulyap sa mundo, na malimit bumingit sa malaswa, na isinatula ni Gracio. Hindi ko maiwasang gunitain si Cavafy habang tinatamasa ang pagtula ni Gracio, lalo na ang ikaapat na kabanata ng kaniyang katipunan.
"Marahil, tulad ni Cavafy, ibig ding itanghal ni Gracio ang tungkuling moral ng makati bilang saksi ng katotohanan. At tulad ng dapat asahan, ibig niyang maging tangi at naiibang saksi. Itinatanghal niya sa APOKRIPOS ang mga karanasang lingid at lihim o ibig niyang ipamalas ang karanasan sa anyo ng isang di-kapani-paniwala, di-kanais-nais, at kahit di-lohikong katunayan. Kaya lipos ang taludturan ni Gracio sa matatarik na kagila-gilalas at malulutong na parikala.
Inirerekomenda kong basahin ito agad bago mabalitaan at pakyawin nina Urbana, Tandang Basio, at Fray Salvi."
-Virgilio S. Almario, National Artist for Literature
I'm giving this a 5 star not because editor ko siya sa debut book kong "Panunumbalik sa Gomorrah". I only give 5 stars to books that greatly influenced my writing. This is the very first book that made me fall in love with Jerry Gracio. I can still recall that moment nung makita ko ang book sa NBS SM Fairview. I didn't know him back then. The cover was enticing, pregnant with possibility of biblical retellings. I read a few pages of the first part and immediately cottoned to the voices of the personas which to my surprise, unmistakably gay, Catholic and malandi. Fun fact, my book was inspired by a poem in this book titled "Ang Paglingon" (asawa ni Lot na naging haliging asin).
Mahirap bigyan ng rating ang isang collection ng mga tula. Lalo na't nasa Tagalog ito. May mga ilang tula akong minarkahan upang balikan, namnamin, aralin, at magpapaka-lost sa lalim ng mga talinghaga at salita.
May mga tulang NSFW at tumatalakay sa mga topikong sekswal-hetero at homo. Sa totoo lang, medyo naeskandalo ang aking panlasa sa ilan sa mga ito. Pero kailangang basahin sapagkat ang mga makata naman ay tagapaglahad ng katotohanan--at least ng mga katotohanan nila o ng personang kanilang binibigyang boses sa mga pahina ng mga tula.
Overall, natuwa ako sa koleksiyong ito. Sa tingin ko ay hahasain ko pa ang aking utak at emosion para mas maging epektibo sa pagbabasa ng tula.