Jump to ratings and reviews
Rate this book

Kampuhan

Rate this book

97 pages, Paperback

First published January 1, 2024

Loading...
Loading...

About the author

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
3 (60%)
4 stars
2 (40%)
3 stars
0 (0%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Kyle.
31 reviews
July 21, 2025
Natapos kong basahin ang librong ito nang isang upuan.

Aaminin ko, kinailangan kong konsultahin ang diksyonaryo ng Komisyon ng Wikang Filipino nang maraming beses habang binabasa ito, pero para sa’kin ito ay patunay lamang na wala akong pinalampas na salita.

Ang mga tula ni de la Rosa ay hindi mga tulang nakatitig sa kawalan habang dumadalumat ng isang diwa. Ang kaniyang mga tula ay nagkukuwento. May mga tauhan, may emosyon, may mga eksena, may suliranin, may boses, at may aral.

Dinadala tayo ng mga tula sa araw-araw na pamumuhay ng mga rebolusyunaryo sa kabundukan. Mula sa kanilang pangungulila, mga mababaw na kasiyahan, mga pamunas ng puwit, hanggang sa kanilang pag-iibigan, tensyon, opensiba at depensiba — lahat ito ay nagawan ng tula.

Sabi nga sa “Anahaw,” “ang gerilya ay tulad ng makata.” Kaya hindi nakapagtatakang lahat ng bagay at pakiramdam sa kampuhan ay may kapasidad na tumayo bilang isang paksa.

Nang mabasa ko pa lang ang unang tula, alam ko nang matatapos ko ang buong aklat bago sumikat ang araw. Hanggang sa napunta ako sa ikalima at anim, at hindi na tumigil pa.

Magaganda ang mga tula ni de la Rosa kapag tinignan ito bilang mga indibidwal na piyesa. Pero mas lalong nabubuo ang imahe kapag tinignan ang ayos ng mga tula, dahil may katwiran sa pagkakasunod-sunod nito. Bukod sa may mga magkakadugtong na tula (na ibig sabihin din ay may mga magkakadugtong na kwento), binibigyang konteksto ng mga naunang tula sa aklat ang mga susunod pa. (Halimbawa, mas buo ang “Jacket” dahil nauna ang “Lima-Lima;” Nakakalungkot ang “Diyaryo” dahil itinabi ito sa “Pang-iwang”).

Nag-uusap ang mga tula ni de la Rosa at hindi maiiwasang makinig ng mga mambabasa.

Isang malaking sakripisyo ang maging isang rebolusyunaryo. Nagtatago, lumalaban, nagtatago. Pero sa mga tulang ito, sila naman ang litaw at sentro.

Sila naman, matapos iwan ang komportableng buhay ng patag at kalunsuran para makipaglaban, matapos laktawan ang sarili.

Sila naman.
Profile Image for Billy Ibarra.
199 reviews22 followers
December 13, 2024
Hindi lamang isang pagpapasilip sa lihim na kampo ng mga rebolusyonaryo ang mga tulang nilalaman ng 𝗞𝗮𝗺𝗽𝘂𝗵𝗮𝗻, bagkus pagpapatuloy ito at pagpapakita ng pang-araw-araw nilang buhay sa larangan. Ipinakikilala ang mga kasama bilang indibidwal ngunit makikita rin ang kanilang kolektibong danas sa paggampan ng gawaing iniatang sa kanila ng Partido. Dito, hindi palaging baril ang kanilang hawak, hindi palaging labanan; marunong din silang magsaya, tumawa, umibig, at maawa maging sa kaaway.

Matutunghayan din sa koleksiyon ang mga halamang gamot, ang radyo, ang duyan, ang ismagol (tsinelas), ang gitara, ang jacket, ang malong, ang lamesa, ang pugon, ang tent, at ang marami pang bagay na ating nakaliligtaang bahagi pala ng rebolusyon. Napahanga ako sa makata na nagawa niyang iangat ang silbi ng mga bagay na ito para sa mga kadre. Maliban sa mga bagay na nabanggit, naisalaysay rin ng mga taludtod ni Maki ang mga tagumpay at kontradiksiyong naranasan ng mga rebolusyonaryo. Hindi nagtatapos para sa akin ang koleksiyong ito ng tula dahil lagi itong pasulong, laging may tinig na kumakanta ng Awit ng Pag-asa sa gitna ng unos.

[May mga salita o linya na nasa wikang Bikol kung kaya't hinihikayat ang mga mambabasa na magsaliksik para malamang ang ibig sabihin sa likod ng mga ito.]
Displaying 1 - 2 of 2 reviews