Jump to ratings and reviews
Rate this book

Emi

Rate this book
Koleksyon ng maikling kuwento ni Lean Borlongan.

Bibihira ang mga manunulat na parehong malakas sa pagtula
at piksyon. Sa paglabas nitong Emi at iba pang kuwento,
pinatunayan ni Wame ang lakas at angas niya sa dalawang
anyo.
-Maki de la Rosa
Manunulat. Nangangarap maging dancer.

Hindi eme ang lakas ng koleksiyong “Emi” ni Lean Borlongan.
Matindi-tindi ang bisa ng mga bagong akda ni Borlongan:
kailangang basahin.
-Joey Baquiran
Makata at kuwentista

Sa bagong koleksyon ni Lean, bitbit pa
rin niya ang poetika bilang makata: matipid pero siksik,
inilalarawan ang dapat ilarawan, magsasalita ang karakter
kung kailangan, at maraming nailalahad sa hindi paglalahad.
-Aris Remollino
Makata at kuwentista

168 pages, Paperback

Published December 1, 2024

Loading...
Loading...

About the author

Lean Borlongan

8 books19 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
22 (53%)
4 stars
15 (36%)
3 stars
4 (9%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 19 of 19 reviews
Profile Image for Eron Bituin.
45 reviews3 followers
February 2, 2025
May talim na hatid ang mga payak na salita ng mga maikling kuwento ni Lean Borlongan.

Sa umpisa, patatawanin ka nito sa pagiging absurdo ng buhay hanggang sa sisikmuraan ka niya kung gaano ka-fucked up ang lipunang iniinugan natin. Hanggang saan ba ang dinadalumat na linya ng alienasyong nararanasan natin sa pang-araw-araw? Alam 'yan ni Borlongan. Itong Emi ang naging sagot niya.

Aniya, piksyon lang, wag iyak. Gusto ko sanang suhayan, bato bato sa sky, tamaan don't cry.
Profile Image for Sai theengineerisreading.
631 reviews102 followers
April 12, 2025
Emi is a modified version of a Filipino modern expression slang which means that the statement is not true or said only as a joke. In this book, the author @leanborlongan gave a new connotation and that is for you to find out.

My reaction after reading the first two entries in this book (while resting sa PBF media lounge) is that the author definitely deserves the hype he is getting. Though most of Lean’s recommended reads are his poetry collection, I am confident that Emi merits the same raves.

In this collection you’ll find a WTF moment when the MC undergo a medical emergency, a timely read that reflects our sociopolitical climate, a passionate dog who crafts poems, a Black Mirror-ish mother and daughter story, a social commentary from a POV of an activist-turned-pro, a heartfelt message to a friend, a realization about love and life, and a clever plot that started with chess and ended with something more. Overall, a packed title and to Lean I’ll surely buy your other books next fair 😉 (Daleng-dale! Congrats Lean)
Profile Image for Charlie.
43 reviews1 follower
March 16, 2026
Nagustuhan ko ang paraan ng paggabay ni Lean Borlongan sa mga kuwento. Sa una akala mo okey na, akala mo lang 'yon. Bigla kang sisikmuraan sa matutuklasan at sa rebelasyon na kalakip nito.

Madaling basahin ang mga prosa at ang ilan ay tila rumurolyo sa dila. Dahil na rin siguro sa angking galing niya sa pagtugma dulot ng pagiging makata. Mahusay din ang paggamit ng humor o comedic relief (for the lack of better words lol) sa pagkkwento ng mabibigat na mga paksa.

Masasabi ko lang na minsan ay hindi ko mawaksi ang pakiramdam ng hubris o pagmamalaki mula sa piling bahagi ng mga kwento. Kung ito man ay intensyonal o hindi, personal na preperensya ko lang naman na hindi lantad na mabasa ang pagbubuhat ng sariling bangko. Bagkus ay makita ito sa pamamagitan ng pagangat ng pinakadiwa ng kwento at ng daloy ng salaysay.

Sa kabuuhan, ang mga kwento rito ay hindi lamang inspekson ng mga indibidwal at kanilang mga tanging naratibo, ito rin ay pagsuri at komentaryo sa sistema na kanilang kinabibilangan at ginagalawan bilang katauhan.
Profile Image for Ako si  si  Patroclus.
23 reviews
May 9, 2025
Unang beses kong nakita ang libro sa isang give away sa fb page ng 'nakita sa bookstore pero hindi binili.' may pinapasagutan na tanong kung bakit mo gustong basahin ang aklat na ito. nakalimutan ko na kung anong sinagot ko pero isa lang ang sigurado, hindi ko na nakalimutan pa ang pamagat ng aklat dahil tunog hindi seryoso—parang ineeme lang tayo. Tapos sa front cover ay mayroong aso na may bitbit sa bibig na dahon ng oregano. Ang pangalan kayâ ng aso ay Emi?

Tadhana atang hindi ako ang napili ng admin sa pa-give away dahil kalaunan ay mapapasaakin ang libro noong nabunot ako sa raffle sa nakalipas na Pasig Writers Workshop. Parang regalong tuta sa aking kaarawan na buong galak kong tinanggap sa itaas ng entablado. Ang una kong sinilip, talaan ng nilalaman. Mayroong walong koleksyon ng maiikling kwento. mga title pa lang mapapaisip ka na kung ano talaga ang tinatahol ng awtor o para saan ang librong ito. Mayroong shit (pupô ba 'to ng aso?); may pagtatanong kung paano gumawa ng Sambal; hayun ang pangalan ni Emi sa pangatlo; at may nangyayaring paghahanap kay Diether Ocampo.

Sa bahaging dulo ng aklat kung saan pinakilala ang may-akda, mas lalo akong nagulat. Sumambulat sa akin ang sketch na larawang mukha ni Lean Borlongan na makintab ang ulo. Ang iniimagine kong Lean (li-yan) ay babae dahil sa tanang buhay ko ay dadalawa pa lamang ang kilala kong may pangalang ganito at sila ay pawang mga babae. well technically, tomboy ang isa—na babae pa rin naman sa ibang aspeto bukod sa sexual orientation. sya si Lean Mari, ang trainer ko sa unang call center na pinasukan noong 2nd year college sa Tiendesitas. Ang ikalawa ay Lean short for Leanza na pangalan ng kaklase ko sa Philippine Studies. Baka ganyan ang usong hairstyle ng mga babaeng manunulat sa kasalukuyan o may Alopecia kaya? (h'wag naman sana). Hindi na 'ko nakatiis at tinanong ito kay Ms. Ella (ang pangulo ng aming samahan) Lalake pala itong awtor ng Emi? Oo— Lean short for Leandro Borlongan. Para akong nauntog sa semento ng CCP noong narealize ko na pwede naman pala ang Lean bilang panlalaking pangalan. Pasensya na sa inyong dalawa ni Leandro Locsin.

Napalitan ito ng matamis na ngiti noong mabasa ko na graduate ng PUP si Lean sa programang BS Food Technology bago sya mag-Malikhaing Pagsulat sa UP. Kahit magkaiba kami ng batch year at hindi ko naman talaga sya personal na kilala para bang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Para bang pinag-uugnay kami ng personal na danas ng pagiging PUPian. Ito na ata ang manipestasyon ng sinasabing 'imagined communities' ni Benedict Anderson. pag-uwi ko ng bahay. hinanap ko siya sa Facebook. ini-add, wala pang isang oras FB friends na kami.

Nakadagdag ng pananabik sa aking basahin ang libro noong nabasa ang rebyu ni Stefani Alvarez at pambungad na salita ni Jerry Gracio.

Samu't-saring emosyon ang pinaranas sa akin ng kanyang koleksyon. Ang 'Ava' at 'Qtl' ay parang mga episode sa Black Mirror ng Netflix na matapos mong mapanood may biglang lungkot na bumisita, may what-if, may hinahalukay sa sariling gunita. Ispekulatibo pero nariyan pa rin ang Filipino-ness sa kanyang akda.

May angking galing sa pagbuo ng prosa ang may-akda para sa banayad na pagbasa. May mahusay na estilo sa pagsasalansan ng mga salita at pangungusap ang maaaring matutunan sa librong ito. Nagbabago rin ang rehistro ng wika depende sa tauhan, tema o lunan ng kwento kaya hindi monotonous ang pagsasalaysay. Nailangkap halimbawa ang mga simbolismo at lenggwahe ng larong ahedres sa kwentong Qtl at ang apat na buwang paglalaro ng Mir4—isang online video game sa relasyong-pandemya nina Pablo at Melissa. Ang pagdelete ng nasabing app ay hudyat rin ng nagwakas nang relasyon.

Isa pang nakakabilib kay Lean ay ang kontrol at kamalayan nya sa kung paano tutuldukan ang kanyang kwento. alam nya kung paano bubusugin ang mambabasa. Patatawanin ka nya hanggang sa lumuwa ang appendix mo; paluluhain mula sa kaibigang kailangan mo ng i-unfriend sa kabila ng tamis-anghang niyong pinagsamahan, sa namayapang mahal sa buhay, sa matalik na kaibigan. Pangingitiin ka ng tuta na nainlab sa kapangyarihan ng tula/pagtula, sa lalaking wala pang eksperience sa seks at sa bortang parî na tanging si Diether Ocampo lang ang katapat. Lean sana marami ka pang maisulat!
Profile Image for Mark Alpheus.
841 reviews12 followers
March 15, 2025
Andaming nangyari?!!!

Sari-saring mga ganap, mapatungkol sa tae, pwet, amoy tae na ugali, at madami pa (pasintabi na lang)

Paborito ko yung How to Make Sambal, ang likot lang, at relevant lalo ngayon

Sana makapagrelease pa si sir Lean nang marami pang libro!
Profile Image for Pages, Plates, and Screens.
3 reviews
June 30, 2025
Sa totoo lang nakakapanibago na magbasa ng maikling kwento mula kay Lean Borlongan. Mas kilala ko siya bilang makata. Napaibig niya ako sa "Sansaglit" , nagbigay ng mahinang tapik sa balikat at yakap sa "Sa Ibang Katawan" at naiyak at nakaramdam ng galit sa Pasakalye. Kaya’t nang ilabas niya ang Emi, muli akong binuhusan ng samu’t saring emosyon na hindi ko pa rin mailarawan sa iisang salita. Kaya’t ganito na lang: bigyan natin ng puna ang bawat kwentong isinulat ni Lean sa Emi.

Shit
“Shit!” din ang nasabi ko habang binabasa ang unang kwento. Simpleng salitang mura, pero siksik ang damdamin. Sa umpisa pa lang, nahulog na ako sa bitag ng naratibo— kabado, sabik, naguguluhan. Tila ba binuksan ni Lean ang isang mumo ng buhay na totoo at marahas, at sa dulo, iniwan niya ako sa pagpasya kung paano ko tatapusin sa isip ko ang kwento ni Jomar.

How To Make Sambal
Hindi talaga mawawala ang usaping panlipunan sa lahat ng akda ni Lean. Kahit ang pag-ibig ay kaya niyang gawing isyung panlipunan. Dito sa kwentong ito ibinuhos ni Lean ang frustration sa mga troll. Lumabas ang alat, anghang, at init ng sama ng loob natin sa mga troll na nagkakalat ng lason sa social media. Pero higit pa rito, pinalalalim niya ang tanong: sino ba ang tunay na kalaban? Paano kung troll ang kapamilya mo? Paano kung sila rin ay biktima?

Emi
Ito ang pinakapaborito ko. May lamyos na may hapdi. Habang binabasa ko, naaalala ko ang “Bahay Ni Marta” ni Ricky Lee — parehong pinagsasalita ang mga hindi makapagsalita. Sa mga mata ni Emi, bumalikwas ang mundo. Nakakatuwa ang mga POV, pero sa likod ng tuwa ay lungkot para kay Pablo. Sa simpleng aso at amo, gumuguhit si Lean ng tanong kung ano nga ba ang halaga ng pakikipagkapwa at pagkalinga.

Ava
Tahimik pero mabigat. Ang pangungulila na isinalarawan dito ay parang bigat ng sako ng semento na pilit mong binubuhat kahit kumakawit sa balikat. Sa huli, pinalalaya ka ng kwento: kailangan mong tanggapin ang pag-usad kahit hilaw ang paglimot mo sa nakaraan.

Paghahanap kay Diether Ocampo
Tumatagos ang reyalidad sa kwentong ito. Totoo ang gutom, totoo ang takot, totoo ang pagbubulag-bulagan. Minsan kahit mulat na tayo sa kabulukan ng sistema, pinipikit pa rin natin ang mata kung ang tiyan ang kumakalam. Mapangahas ang tanong na iniiwan ni Lean: saang panig ka lulugar — sa masa o sa makinaryang sumasakal sa kanila?

AJ Will Write Again
Sa kwentong ito, bumabalik tayo sa mismong ugat ng pagsusulat at paglikha. Si AJ ay mukha ng maraming manunulat: may apoy sa dibdib pero pinapatay ng gutom at takot. Pero kahit ganun, may bahid ng pag-asa. May paniniwala na babalik muli si AJ sa pagsusulat. Ramdam ko ang panawagan ni Lean: nawa’y mas dumami pa ang AJ na hindi nauupos.

Wakas
Maalwan ang istilo ni Lean. Hindi siya pilit kung maglatag ng ideolohiyang mahirap nguyain. Walang pagyayabang. Ang simpleng pagbanggit niya ng Diyalektikong Materyalismo ay parang paanyayang magbukas ng aklat, magtanong, at magnilay. Isang paalala na hindi banta ang ideolohiya kung ito’y sisimulang kilalanin.

QTL
Isang salita lang ang iniwan sa akin: Hustisya. Hustisya para kay Kian delos Santos. Hustisya para sa lahat ng biktima ng extrajudicial killing. Dito na nagtatapos ang libro pero dito rin bumubukas ang panawagan.

Sa kabuuan, ang Emi ay higit pa sa koleksyon ng maikling kwento. Isa itong sining ng paghamig ng damdamin at isipan sa simpleng wika. Isinasaad nito na ang politika, trauma, pag-ibig, at pangungulila ay hindi magkakahiwalay. Lahat ito ay sinulid na nagdudugtong sa atin araw-araw. Sa Emi, pinapaalala ni Lean Borlongan na may tinig ang bawat karanasan — kahit ang katahimikan ng aso, ang pangarap ng manunulat, o ang sigaw ng hustisya.

Kung hanap mo ang akdang hindi lang nagpapabasa kundi nagpapaisip at nagpaparamdam, Emi ang tamang aklat para sa iyo.

Basahin mo ito. Damhin mo. At huwag mong kalimutang magtanong.
Profile Image for Veron.
134 reviews4 followers
April 20, 2026
“Buto ang buwan/ngayong gabi/nasaan ka amo?/Awoooo.” - Emi

Noong nag-usap kami ni Lean nang minsang umakyat sa Baguio ang Alagwa, nalaman ko na malabo ang inaasahan ko at marahil ng marami pang reader na ikaapat ng koleksyon ng tula mula sa kanya. Koleksyon ng maikling kwento ang sunod niyang sinulat, minarket, at nilabas. Hindi ko ma-gets completely noon kung saan patungkol ang Emi pero bumili ako ng kopya na pinirmahan ni Lean kakabit ang dedication na “enjoy these absurdities”. Iisa-isahin ko ang walong kwento ayon sa pagkakasunod-sunod, kung umiiwas sa spoilers ay maaari nang dumeretso sa summary.

1. Shit
Ang “Shit” ay tungkol sa main character na nasira ang tiyan dahil sa kinaing seafood. Habang lumalala ang sakit niya, sunod-sunod rin ang balakid na humaharang sa kanya bago makarating sa ospital at makakuha ng akmang gamot o treatment. Kuhang-kuha ng kwento ang magkahalong kaba, tensyon, at komedya na dala ng sitwasyon na siguro naman naranasan na nating lahat. Mayroon ding subtle na patama sa palyadong healthcare system sa bansa.

2. How to Make Sambal
Ang sumunod na kwento ay tungkol sa dating matalik na magkaibigan na ngayon ay nagkaroon ng magkasalungat na pananaw sa politika na dinaan sa social media, pamilyar na tagpo sa panahon ng halalan. Sa puntong ito, litaw na ang katangian ng panulat sa libro na bagamat may komentaryo, hindi didactic or heavy-handed ang approach. Laging may nuance na mas nasasalamin ang danas natin sa pang araw-araw.

3. Emi
Malaking dagdag sa “absurdity” ng libro ang ikatlong kwento. Tungkol sa isang frustrated poet na nangangarap malathala at manalo sa awards pero ang kwento ay mula sa punto de bista ng kayang asong si Emi na sa kalaunan ay matututo ring tumula. Tungkol sa kung paano nakakaapekto sa tao at sa kanyang paligid ang paghahangad, borderline pagkalulong sa prestige.

4. Ava
Mala-Black Mirror na pagtuklas sa epekto ng social media at AI sa kung paano natin iproseso ang alaala at hinaharap at pagdadalamhati.

5. Paghahanap kay Diether Ocampo
Ang pinakamahabang kwento at highlight ng koleksyon para sa akin. Sentro ang tauhan ng mining company na nagpipilit pumasok sa isang komunidad. Ang kanyang trabaho ay ang, sabihin na nating, unconventional na paraan para kumuha ng huwad na consent mula sa mga residente. Seryoso ang paksa, nakakagalit, ngunit balanse pa rin dito ang bigat at komedya na may pagka dry humor ang dating.

6. AJ Will Write Again
Liham ng may-akda sa namayapang kaibigang manunulat din.

7. Wakas
In a nutshell, failed attempt ng gamer/writer sa online romance at sex noong pandemic. Mas satirical ang approach ng komedya, lalo na sa self-assurance ng bida na progresibo ang tingin niya sa pakikipagrelasyon.

8. Qtl
Sa huling kwento, tumawid ang libro sa realistikong paglalarawan ng kung gaano kababaw ang halaga ng buhay ng tao sa sistematikong impunidad, lalo na sa mahihirap. Pero unique pa rin ang paglalahad sa pamamagitan ng laro ng chess.

Litaw ang tiwala ng manunulat na bagamat magaan at nakakatawa ang approach sa pagsasalaysay ay maiintindihan pa rin ng mambabasa ang bigat ng mga ito. May tiwala rin na kahit hindi laging malinaw ang prinsipyo ng mga tauhan ay hindi malulusaw ang tindig ng mismong mga kwento.

Sa kasunod na aklat ni Lean, ‘Manwal sa Pagsusulat at Sariling Paglalathala’, nabanggit niyang may kakulangan sa humor writing ang ating lokal na literatura na nakakapagtaka lalo na’t na malaking parte ng buhay natin ang humor. Matagumpay na naisasalarawan ng libro ang paghahanap natin ng katatawanan sa gitna at sa ng iba’t ibang kahirapan, pagdating sa pag-ibig, pagkakaibigan, pagsusulat, trabaho, o sa pang araw-araw na buhay.

“Alam kong merong paring panot at paring bundat, pero ngayon lang ako nakakita ng paring borta.”
Profile Image for Gerome Peña.
Author 12 books24 followers
March 30, 2025
Sa koleksiyong Emi ni Lean Borlongan, higit na nagkahugis ang madalas kong nababanggit sa mga mag-aaral t'wing talakayan at sa palihan kapag manaka-nakang naiimbitahan bilang lecturer o panelista: "Makatutulong ang pagtula sa pagkukuwento, dahil may sinasabi sa hindi sinasabi. Ang husay sa paghuli at paghahapag/paglalangkap ng imahen, mahusay na teknik din sa pagkukuwento— dagdag pa 'yong swabeng pili at pagpupuwesto ng mga salita sa katha."

Sa walong kuwento na nasa libro, sa Paghahanap kay Diether Ocampo pinakalumitaw ang binabanggit ko sa taas. Given ang galing sa build up (na requirement 'ata sa mga nagsusulat ng kuwento), at hindi plot-twist oriented, pero nagulantang pa rin ako. Tawa ako nang tawa, pero tawang mapait, tawang wala kang magawa na parang nakailang subok ka nang isiksik ang sarili sa mga bagon sa Doroteo Jose Station ng LRT, pero niluluwa ka lang din nang paulit-ulit sa dami ng tao. Sa loob-loob ko, ang gago-gago lang pero totoong-totoo rin. Saglit kang pinaniniwala sa kung ano ang realidad habang malakas ang kutob mong inaaning ka rin.

Naging kaklase ko si Lean sa ilang kurso sa PhD Malikhaing Pagsulat kaya alam ko rin ang mga hirit niya. Halimbawa na lang noong napag-usapan 'ata namin sa klase na mabuti at dumarami ang mga antolohiya ng mga medical doctors, sabi niya, "Sinong surgeon ang sikat ding manunulat?" Nang 'di kami makasagot agad, sa chat ay walang kaabog-abog ay tinipa niya ang "Si Surgeon Cruz Reyes." Kung may hagalpak react sa Zoom, baka iyon ang pinili ko.

Sa kuwentong Shit at How To Make A Sambal, pinaalala niya sa ating lagi at laging isusuka ang anumang 'di bahagi ng 'yong sistema—sama man ng sikmura o kasuklam-suklam na kaibahang pampolitika, gaano mo man alagaan o pilit patirahin sa loob mo. Sa Emi, lagi ko nang maaalala ang buwan bilang buto sa mga mata ng mga aso. Sa Ava at Qtl, idinidiskurso na ni Lean ang kay raming posibilidad ng premeditated na mundong nililikha ng AI at cyber realities—paano tayo nananawid sa distopikong buhay at kamatayan vis-a-vis sa pag-iral na kailangan nating magpakamatay sa paghahanapbuhay—para lamang din mamatay kalaunan?

Sa AJ Will Write Again at Wakas, naging blurred na sa akin ang autobiographical (o semi-autobiographical) at fiction. O mas mainam sigurong sabihin, higit na lumutang ang pagsasalimbayan ng dalawang bagay/mundo. Itong karera at propesyon ng pagmamanunulat, hindi naman kailanman naihiwalay sa araw-araw din nating pagharap sa sakit, sa ligalig ng kamatayan, sa sarap at lugod dulot ng seks, sa palipas-oras na online games, sa mga paghahanap ng makakatalik sa mga dating app, sa pagtanggap sa sarili o mula sa iba, o sa simpleng pagnanais na may makabasa sa iyo o tumulong na umabante pa ang estado sa panulat (na mula noon hanggang ngayon, tila paglangoy sa laging rigid structures ng mga institusyon at politika).

Iyong usapin ng baybay sa ilang mga salita, sa tingin ko, subtle ding pang-aasar ng may-akda sa mga pormalista. Nakatulong din sigurong nakilala ko siya, o baka hindi rin, dahil may ilang puntong natatapilok man ako ay kagyat namang nababawi kapag nakikita kong consistent naman pala sa iba pang mga kuwento. Mula sa tito jokes hanggang kanal humor, hanggang sa hindi nagwawakas na pagrerebelde, pagtawa't pagtatwa sa dati nang sadlak na politika ng bansa, isa lang ang tiyak ko: ang hindi lang matatawa-matutuwa sa Emi ay iyong mga apolohista. Na parang sinasabi ni Lean, sori na, di kita ka-humor. Manigas ka.
Profile Image for John.
319 reviews7 followers
November 10, 2025
For his first foray into short stories after three poetry collections, Lean Borlongan introduced in Emi an array of unforgettable characters who felt relevant and real and whose psyches were as present in the book as Borlongan’s. I have a personal beef with poets-turned-prosaists as they often try to adapt their poem-writing style to their novels and stories, but I was glad to find that Borlongan did not prescribe to this; instead, he adapted himself to the stories in Emi. And what transpired was a writer who could command various voices and styles that are always interesting.

Tucked in the heart of the book was the remarkable “Paghahanap kay Diether Ocampo” which followed a political operator looking for the male escort to serve as another bribe for a corrupt priest. It began humorously, with that title itself, but much like the stories here, Borlongan used this humor to distract the readers before cutting deep. As the unnamed narrator faced impasse after another in his search, it was revealed that he was an active political activist in college before letting the corporation consume him, resorting to being a man of the corrupt to feed his family. “Naniniwala pa rin ako sa mga prinsipyo at ipinaglalaban ng mga tibak… ‘Yun nga lang, nag-iba na ang prayoridad ko.” It was in this story that I became really impressed by Borlongan’s writing. The earlier and latter stories were good, particularly the endearing titular story “Emi”, a tale of love told from a perspective of a poetic dog, but “Diether Ocampo” was complex and layered, compellingly weaved through by Borlongan until that punchline of an ending. But as with all these stories, Borlongan knew how to flesh out his characters and map out their personalities and motivations and that’s what made them so memorable. These stories felt real, even the one set in a version of a city with technology advanced enough to create holographic memories of our dead loved ones, or even the absurd ones like that of the aforementioned poetic dog or appendectomy patient with no appendix, because they were wonderfully brought to life by Borlongan.
Profile Image for Ann Camering.
8 reviews
March 2, 2025
Ang Emi ni Lean Borlongan ay koleksyon ng mga maikling kwento. Ikaapat na self-published book ng awtor. Naglalaman ng kwento ng buhay habang tinatalakay ang isyu ng lipunan. Walong maikling kwento ang isiniksik sa isang daan at apat na pu’t tatlong pahina. Hahabulin ka ng aso sa cover. Sakto at may dala-dala siyang oregano sakaling masamid at ubuhin.

Sa una, nakakatawa, nakakabaliw, mapapasabi ka ng ‘bad things.’ Hanggang aabot ka sa puntong, nakakagalit, nakakapikon, kukunot ang noo, makakagawa ka ng ‘bad things.’ Simple lang ang daloy ng kwento. Makatotohanan ang tagpo kahit na ‘Piksyon lang. Wag iyak.’ Hindi ko alam paano gagawan ng summary libro kasi hindi na kailangan. Tumingin ka lang sa paligid mo, yon. Yon na yon.

May kaliitan at kagaanan ang libro kumpara sa laki at bigat ng nilalaman. Maiksi ang pangungusap. Mabilis ang daloy ng kwento. Direkta, walang paligoy-ligoy. Nagkukwento yong kwento. May halong diin ang pagpili sa mga salita. May ilang parte na masalita. Masyadong deskriptibo pero nadala ka sa loob ng nilibro. Nilatag ang backstory tapos it will come full circle sa wakas. Sobrang random ng tula. May isang kwentong hindi ko pa kayang bitawan kahit umpisa pa lang alam ko na ang wakas, hindi ako inihanda sa kung papaano niya aabutin ang dulo.

Ibang-iba ang atake ng librong ito, sa halip na book description ang nasa likod ng cover, mga reaksyon at komento ng mambabasa. Kapansin-pansin ang simpleng cover. Kung bakit emi ang titulo, pwede namang ‘this country AF.’ Bakit emi? Parang anecdotes ng bata ang pagka-kwento, it is in its innocent and purest form na may dark turn.

Sa walong kwento, lima pa lang nababasa ko. Hindi ko kayang madalian. Ito na yata yong pinakamahabang maikling kwento nabasa ko. Aabutin ka ng kalahating minuto o araw para maipagpatuloy ang pagbabasa. Naalala ko pa yong unang kwento habang tumatae. Sinunod ko rin ang payong wag basahin ang introduksyon, sana binasa ko para naihanda ko yong sarili sa nilalaman. Hindi nagbibiro ang librong emi. Hindi ‘piksyon lang’ ang nilalaman. Hindi rin dapat seryosohin kasi ‘emi’ lang.
Profile Image for Packing Sheets.
5 reviews1 follower
April 6, 2025
Katulad ng kanyang mga tula, pulido at maingat sa mga salita si Lean pagdating sa Emi. Maganda ang daloy ng koleksyon at may konsistent na tono na nag-uugnay sa mga kuwento, kahit na magkakaiba ang kanilang mga plot. Mula sa Shit, na talagang "shit" ngang maituturing, hanggang sa carrier single ng koleksyon na Emi, na may vibes na pang-Cannes Film Festival kung maisasapelikula, hindi maitatanggi ang husay ng panulat ni Lean.

May kapayakan, ngunit may bigat na hindi nangangailangan ng maraming palabok. Kawili-wili at hindi nakaka-intimidate ang wika, na nagbabago-bago depende sa kung sino ang nagsasalita sa kuwento. Mga kuwentong ito, sa tingin ko, kung mabibigyan ng pagkakataong mabasa ng mas nakararami, tiyak na makakahuli ng kiliti, ngunit hindi maikakailang may kakayahan ding magbukas ng mga bagong pananaw.

Kasi madalas, may pag-aatubili ang mga tao sa tuwirang pagtalakay sa mga isyung panlipunan, lalo na kung taliwas ito sa kanilang mga paniniwala. Pero dito sa Emi, matalim ang obserbasyon ni Lean. May sinasabi, pero hindi lantad; may wit at humor na nagiging dahilan upang gumaan ang tono, at paminsan-minsan, maging nakakaaliw ang kuwento. Mga kuwentong ito ay naglalatag ng hindi "threatening" na paraan upang dahan-dahang maipakilala ang mga problemang na kailangang-kailangan na nating pag-usapan at solusyunan.

Kaya highly recommended itong Emi ni Lean, isang koleksyong nagpapaalalang hindi puwedeng puro lang tayo tawa—dapat nag-iisip din.

Pero mas masaya kung nagagawa natin pareho.
Profile Image for Highnyzbibliofiles.
143 reviews7 followers
December 28, 2025
It is a collection of stories with situations and plots that reflect a satirical form of the reality that Filipinos face. It ranges from poor medical response to becoming collateral damage in the drug war.

Emi or Eme is a colloquial Filipino word for something half-meant or a joke, which I initially thought this book was all about. However, each story worth pondering.

It would be hard to give a separate review for each short story, dahil kada kuwento ay walang tapon. Each story matters to reality or reflects the reality we have faced. Paghahanap kay Dieter Ocampo stands out for me. It has several layers to dive into—political stance, political dynasty, government manipulation, double-faced church figure, and poverty. It is a short story, but it tackles several issues, primarily dealing with the idea that each person has a price. The only question is—to what extent and how much.

What is interesting about this book is that Lean simply used conversational Filipino words that beginner readers can easily understand. It was thoughtfully crafted and created a less intimidating space for readers to further explore Akdang Pinoy literature.

This book was part of the longlist nomination for the 2025 Akdang Pinoy Choice Awards for Contemporary Fiction, and a finalist in the 43rd National Book Awards of the National Book Development Board for Best Book of Short Fiction in Filipino.
1 review
January 13, 2025
Nakamamangha ang husay ng manunulat sa paglikha ng mundo sa fiksiyon. Dinadala ako sa mga pamilyar at di-pamilyar milieu: pagliligawan sa cyberspace, third-world hospital, buhay ng pinagputa ng lipunan, at maging ang malapit na hinaharap ng AI (paborito ko ang Ava sa koleksiyon). Ginagawa niyang karaniwan, simple at magaan ang mabibigat na paksain na parang nakikipag-usap lang na tropa. Pamilyar sa atin ang mga tauhan sapagkat kinakatawan nila ang pagkakundangan natin sa sistema ng lipunan maging ng inaanak nitong lumbay ng pag-iisa.
Profile Image for Clowreadsandrambles.
48 reviews
February 13, 2025
Itong koleksiyon ng mga maiikling kuwento ay simple, direkta, medyo deskriptibo at realistiko. Ito ang hanap ko pagdating sa mga maiikling kuwento

Masasabi ko para nasa rollercoaster kapag binasa mo ito. Rollercoaster dahil iba't ibang emosyon ang mararamdaman ng isang mambabasa kada kwento

Mairerekomenda ko sa mga mambabasa na gustong subukan magbasa at palawakin ang pagbabasa sa mga akdang Filipino.
Profile Image for mara.
122 reviews1 follower
April 2, 2026
yung mga kwento dito parang nag-uusap kayo ng friend mo tapos sinuntok ka niya sa tyan habang may sinasabi ka pa tapos ang sasabihin lang sayo joke lang hehe

hindi pa ko dini-disappoint ni Lean Borlongan simula nang mahanap ko yung Sansaglit niya. pag nababasa ko yung mga gawa niya parang gusto ko ulit magsulat.
Profile Image for E N Z O.
533 reviews84 followers
March 8, 2026
3 STARS OVERALL

STORIES RATING:
1. Sh*t - 2.5 STARS
2. How to Make Sambal - 3.5 STARS
3. Emi - 2.5 STARS
4. Ava - 2 STARS
5. Paghahanap kay Diether Ocampo - 3 STARS
6. Aj Will Write Again - 2.5 STARS
7. Wakas - 3 STARS
8. Qtl - 3 STARS
Profile Image for Maynard Ramos.
5 reviews
March 24, 2026
Absurdong magsulat si Lean. Dahil ang mga absurdong bagay sa lipunan na tinatalakay ng kanyang mga sulatin ay nabibigyan niya ng malalim at masustansyang pakahulugan. Tanging absurdong manunulat lamang ang makagagawa n'on, napapaganda ang mga pangit na bagay.
Profile Image for Gibson Perez.
19 reviews3 followers
December 24, 2025
Magaan lang ang diction ng awtor, ngunit kaya niya iba ibahin ang boses ayon sa kinakailangan ng istorya. Ngunit kahit payak ang pagkwento, mabigat naman ang laman. Ibinabaling lang ang atensyon mo sa humor, pero kasabay ay mga social commentary at linyang tatagos sa iyo—mga multong parang wala tayong kakayahang lisanin.
Displaying 1 - 19 of 19 reviews