Jump to ratings and reviews
Rate this book

Alaala ng mga Pakpak: Antolohiya ng Panitikang-bayan para sa mga Batà

Rate this book
Ito'y isang antolohiya ng mga kuwentong pambatà na magsisilbing introduksiyon sa mayamang bukál ng panitikang-bayan ng ating bansa.

Binubuo ng apatnapu't isang kuwento ang Alaala ng mga Pakpak batay sa muling pagsasalaysay, pagsasalin, at pagsisikap na itanghal ang kaalamang-bayan sa mga orihinal na kuwento. Nilalayon ng aklat na mag-alay ng aliw, pagkabighani sa sariling kultura, at aral sa bawat batà at pamilyang Pilipino. Maingat na sinaliksik ng mga kuwentista ang kaniláng mga kuwento búhat sa mga pangunahing batis ng panitikan. Tiniyak ng mga editor na magkaroon ng mga kinatawang teksto mula sa mga pangunahing rehiyon ng Pilipinas. Ang mga katha sa antolohiya ay pamána ng ating mga ninuno sa kasalukuyang henerasyon ng mga mámbabasá na nagtataglay ng mga temang mahalaga sa pag-unlad ng pagkabatà at pagkamamamayan.

Nararapat mapabilang ang aklat na ito sa mga koleksiyon ng aklatang pantahanan at pampaaralan. Sanggunian ito ng mga guro, magulang, at tagapagsalaysay para sa kaniláng pagtuturo at pagtatanghal ng sariling wika at panitikan sa mga batà.

220 pages, Paperback

First published January 1, 2021

Loading...
Loading...

About the author

Eugene Y. Evasco

74 books71 followers
Eugene Y. Evasco is a writer, editor, translator, and collector of children’s books. He is currently a Full Professor at the UP College of Arts and Letters. Some of his new books at Lampara are Ang Nag-iisa at Natatanging si Onyok, Ang Singsing-Pari sa Pisara, Ang Beybi naming Mamaw, and the Filipino translation of Charlotte’s Web by E.B. White. In 2014, he won the UP Gawad sa Natatanging Publikasyon sa Filipino (Malikhaing Pagsulat category). He became a part of the Hall of Fame of the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature in 2009 and is currently a Fellow of the UP Institute of Creative Writing. He was accepted as a Research Fellow to the International Youth Library in Munich, Germany.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
0 (0%)
4 stars
0 (0%)
3 stars
2 (100%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 of 1 review
Profile Image for Led.
201 reviews92 followers
July 1, 2026
Naispatan ko ito noon sa pwesto ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa isang local book fest. Kumuha ako ng kopya dahil maganda ang kalidad ng limbag nito, tipong trade paperback at mababa ang presyo (dahil karaniwan ay government-funded ang publications ng KWF). Masaya ring sariwain paminsan ang mga kuwentong kinalakhan, at matuto rin tungkol sa mga hindi pa.

Malimit na tema ng panitikang-bayan natin ang pinagmulan ng mundo at mga unang tao, animismo, agrikultura, at kaugalian at pamahiin. Ang pagsasalaysay naman ng mga ito dito sa 𝐴𝐿𝐴𝐴𝐿𝐴 𝑁𝐺 𝑀𝐺𝐴 𝑃𝐴𝐾𝑃𝐴𝐾 ay sa anyong alamat, pabula, mito, hango sa epiko, at kuwentong-bayan—orihinal man o muling pagsasalaysay (retelling).

Tila panonood ng programa ng mga maiikling malayang pelikula ang pagbabasa. Nasa Filipino ang wika ng pagsasalaysay samantalang sari-sari, malikhain, at malaya ang bawat piling piyesa mula sa iba’t ibang panig ng bansa—bagay na tiniyak ng mga patnugot: na magkaroon ng kinatawang teksto mula sa mga pangunahing rehiyon ng Pilipinas. Liban sa Iloko, Cordillera, Tagalog at Bisaya, maglalakbay ka rin sa mga katutubong lunan ng mga Mandaya, Higaonon, Maranaw, Dumagat, Blaan, Mangyan at iba pa. Sa akin ay ito ang pinakakapuri-puring katangain nitong koleksiyon.

Sadyang isinaalang-alang para sa batang mambabasa, nakapangkat sa maiikling talata ang bawat kuwento, umpisa hanggang huli. Naglaan rin ng munting talasalitaan at sanggunian kada dulo. Talos nito ang makapagpapadali ng pagbabasa para sa kanila. Ang nakatatandang mambabasa naman ay mauunawaan na ang mga kathang pambata ay may kailangang mga pagpapaubaya (rasyonal na katwiran, halimbawa).

Mga pamilyar o kilalang kuwento sa marami,

‣ Mariang Makiling (Laguna) ni Jose Rizal
‣ Ang Kasaysayan ng Pagkakaibigan nila Pagong at Matsing* (unang nilathala sa wikang Kinaray-a)
‣ Si Pilandok at ang Susô* – nahahawig sa banyagang kuwento ng pagong at kuneho
‣ Ang Alamat ng Pinya*
‣ Daragang Magayon* (Albay)

Ilan sa aking mga nahiligan,

‣ Ang Sirena sa Casita de Piedra (Bulacan)
‣ Si Juan Tamad at ang mga Tikbalang
‣ Ang Hiwaga ng Ilog ng Agusan* (Agusan del Norte)
‣ Kung Bakit Mahilig Tumawa si Bungisngis (Bataan)
‣ Ang Nawawalang Kalahati ng Bahaghari*
‣ Ang Tipanung Pamana ni Lolo Martin (Palawan)

Ilang may kadiliman na paksa o trato,

‣ Ang Mananahi sa Tore
‣ Ang Manunupot

*retelling

Marapat talagang ang ganitong sanggunian ay layunin ng pamahalaan na naipaaabot sa lahat ng mga batang Pilipino.

Rating: 3.5 stars

P.S. Ang pamagat ng aklat ay hango sa kuwentong Ang Diwatang Hulog ng Langit (Mountain Province).
Displaying 1 of 1 review