Taglay ni Soliel ang di kaayaayang mukha... Hinahangaan ng lahat ang angking kagwapuhan ni Gideon. Si Soliel ang tipong hindi pasisilaw sa nakikita lamang ng mga mata. Si Gideon ay nabubulagan sa panlabas na kaanyuan. Makita kaya ng puso ang hindi magawang makita ng mga mata?
Si Guinevere, Ang Ikalawang Dalaga...
Unang hinangaan ni Guinevere ang boses ni Caleb. Unang hinangaan ni Caleb ang maamong mukha ni Guinevere. Pero paano magkakaroon ng katuparan ang itinakda kung hindi kayang isatinig ni Guinevere ang paghanga dahil sa isang sumpa? At paano kung sa pagtuklas ni Caleb sa kanyang nakaraan ay hindi niya matanggap ang kanyang pinagmulan?
Okay naman yung story, may mga parts lang na could have been improved. like dun sa kwento ni Soliel, mas maganda sana kung may test si Orlando, kunwari aakitin sya ni Jessa or mga magandang babae and kung matutukso sya, that means failed si Soliel. Medyo naging boring kasi yung confrontationila ni Leica, parang di masyado na-utilize si Jessa and parang minadali yung kwento. Almost like an anti-climax. Pero nakakakilig pa rin si Orlando kahit ganun.
Yung kay Guinevere naman, medyo ang gulo ng story nya. Parang puro kay Caleb yung focus, wala nasa kanya. Maganda sana kung mas maraming interaction sila Caleb at Guinevere. Saka medyo poor yung execution ng author, ang daming loopholes sa story which I hate. May part pa dun na naulit yung isang chapter sa dulo, ewan kung pampadami langng pages. Buti na lang, ang ganda ng cover.