“Hindi ko ugaling manakit nang sadya at ganoon kalala.”
Unang pagtatagpo pa lamang nina Deib Lohr at Max ay kinamumuhian na ni Deib Lohr ang babae. Tuwing nakikita niya si Max ay hindi maaaring hindi mag-init ang ulo niya at gawan ng kalokohan ang babae. Ngunit nang makita ni Deib Lohr ang kaawa-awang hitsura ni Max nang i-bully ng isang estudyante at narinig na may boyfriend na ang babae ay hindi na siya mapalagay. Hindi na maalis sa isip niya si Max. Sa panaginip, sa klase, at kahit kasama niya si Kim ay si Max pa rin ang kanyang naiisip. Ipinagkompara na niya ang dalawa.
Ngunit agad na bumalik ang pagkamuhi ni Deib Lohr kay Max nang maaksidente siya dahil sa kagagawan ni Max. At nadamay pa siya sa mga pinarusahan.
Hanggang saan hahantong ang pagkamuhi nila sa isa’t isa kung bawat araw na nakikita ni Deib Lohr si Max ay pabago-bago rin ang nararamdaman niya para sa babae? Nakokonsiyensiya nga lang ba siya o naaawa kay Max dahil bukod sa kanya ay may iba pang nambu-bully sa babae? O may mas malalim pang dahilan ang nararamdaman niya na kahit sa kanyang sarili ay hindi niya maamin?
Maxinejiji or Maxine Lat Calibuso in real life is a Filipino writer who wrote the famous Wattpad series "He's Into Her". Her works are published under Life is Beautiful (LIB Creatives)/Pastrybug which is also a part of Precious Pages Corporation.
he's into her ito ung pinakanagustuhan ko sa lahat ng nabasa kung story. paulit ulit ko siyang binabasa kasi sobrang ganda nya! sobrang gustong gusto ko si maxpein. gusto ko na nga siya makita in real life e hehe. sana marami pang magaganda magawa si ate max.
Puwede naman palang magkaroon ng ceasefire between Max at Deib. Masyado lang kasing napipikon itong si Deib sa kung paano umakto si Max kaya lahat binibigyan ng kulay kaya madalas na nagbabangayan sila. Sana nga lang magtuluy-tuloy na yan basta wag lang mapikon at matuto munang makinig si Deib.
Best wattpad story I've ever read so far where all kinds of genres were on it. 👍❤️ Godbless author. Hope that your next story will talked about Maxrill Won del Valle-Moon after Love Without Limits and M. 😉 Thank you. 😍