What do you think?
Rate this book


88 pages, Paperback
First published January 1, 2013
TamaEmir, mahaba pa pero napapagod na akong mag-type haha. Ipapahiram ko na lang sa iyo ang libro kung gusto mo.
Bawal ang tawag
sa rubdob ng yakap mo kahapon
at paninindig ng balahibo ko ngayon.
Huwag mo akong tingnan nang ganyan
Hindi ko na matatagalan
ang panininingkit ng iyong matang
matipid na nagpapakawala ng paramdam -
minsa'y mapag-anyayang kindat
o minsan nama'y parang nangungusap
na lumayo ako't huwag nang humarap.
Ayoko ng ganito
Nabubuwang sa bawat daplis
ng mga nag-aalangan mong daliri
sa nananabik ko namang braso
Kung hindi ka naman gago,
nakikita na ngang sasabog na
ang aking ulo sa pagragasa ng dugo,
tititig ka pa ng nakakakiliti-
yon bang parang mapaglarong hinahagod
ng malago mong pilikmata
ang aking mukha, leeg, tadyang, hita.
Gusto ko sanang magpaubaya
subalit hihilahin mo akong muli
para maglakad-lakad muna
sa nakagawian nating
paikot-ikot na ruta
At kimi akong sasama.
Sa bangkong lagi mong inuupuan,
sisimulan muli ang pagtititigan
ng iyong matang umiikot sa kalituhan
at ng aking nahihilo na sa kabaliwan
Hindi ko na ito kaya
Kailangan ko nating lumabas
mula sa walang katapusang pagiikutan
at tumakbo patungo sa bumubuhos
na apoy na tayo rin naman
ang nagpapaulan.