Ikalawang serye ng komiks na nakatoka sa Pinoy Reads Pinoy Books para sa Komiket 2017 ngayong Oktubre 14 & 15. Ang aming book club ay isa sa maraming samahan ng mambabasa na magpapakilala sa mga dadalo. Magkita-kita po tayo roon.
Ang seryeng ito ay tungkol sa 5 batang nakatakas sa isang bus na naiwan sa gitna ng isang kalye sa Maynila. Umaga noon nang June 23, 2035 kung saan ang mga tao ay namumuhay na palaging may banta ng pagsalakay ng mga zombie. Ang pagdating ng zombie invasion ay parang bagyo ngayon. May mga signal depende sa dami ng zombie na parating. May gamot na rin para hindi mahawa ng zombie. At tinatawanan lang ng mga bata kapag nakalusot sila sa mga zombie.
Ang serye ay binubuo ng 7 aklat at mukhang may parating pa dahil noong matapos ko ang part 7 ay nagsisimula pa lang lumalim ang plot ng kuwento.
Part 6. Walang iwanan. Sabi ni Maki, "nangako lang ako sa sarili ko na wala dapat sa ating mamamatay nang mag-isa." So, kahit na parang si Maki ay pinagalitan ni Robert na mukhang siya ang papatay sa kanilang lahat, nagpilit bumalik si Maki para samahan si Robert. Nagalit ang isang miyembro ng Black Squadron sa kanya.
In part 6 of School Run, the story continues by Maki running back to Robert. She tells him that she's ready to die for a friend. This part of School Run ends with a sad bite.
The story of the nature of loyalty among friendship is presented in this new installment of School Run. It shows that in times of need, a loyal friend will always be there to show up. It is just sad as we, the readers, dawned on sad realization that a character will not survive this story since that person has been bitten by a zombie. :(