Nang makilala ni Cyan si Craven ay alam niya nang hindi ito ordinaryong tao. Base sa kilos at mga mata nito ay isa itong bampira. Takot man ay mabilis pa rin na nahulog ang loob ni Cyan kay Craven. Pero ang hindi niya alam ay nahuhumaling sa kanyang dugo ang angkan nito at posibleng nilapitan lang siya ni Craven dahil bihira lang matagpuan sa mga tao ang dugong tinatawag nilang Forbidden Fruit.