What do you think?
Rate this book


233 pages, Paperback
First published January 1, 2025
Mararating na nila ang kahustuhan ng unang bahagi ng kanilang pag-aaral. Nakalatag na ang mga talang pinagtibay ng kanilang mga isinagawang pagsusuri. Pinakamahalaga ay ang mga kasunod na preguntas de investigación o salitang sa Aleman ay forschungsfragen—na kanilang dadalhin sa Universität Heidelberg sa Alemanya—para sa gagawing pagsasala ng mga kapuwa iskolar at propesor. Sa gagawing presentasyon, layon nilang itanghal ang kanilang mga materia tulad sa nangyaring Exposition de las Islas Filipinas noong 1887, sa Parque de la Vuelta del Duero, Madrid.
[They are on the brink of completing the first phase of their study. The findings, certified by their investigation, are now on file. The most important thing are the new preguntas de investigación or what in German is called forschungsfragen—what they plan to bring to the Universität Heidelberg in Germany—for peer review by fellow scholars and professors. In the upcoming presentation, they aim to showcase the specimens, just like what was done in the Exposición de las Islas Filipinas in 1887, in Madrid’s Parque de la Vuelta del Duero.]
In the Negrito Village, half-naked Negrito men and boys displayed their bow and arrow skills to curious fair-haired men and boys in suits and bowler hats.
The Igorot Village, spread over six acres with 100 natives, was a World’s Fair hit. Every day, throngs of curious Americans flocked to the village to witness the G-stringed tribe boil a dog for dinner. [Filipinas Magazine, 1994, reprinted in Ortigas Foundation Library]
"Anong kinabukasan ang naghihintay sa ating mga anak kung hindi natin dadalhin sa kanila ang asam na liwanag ng kinabukasan?"
"Ang patalim na itinarak ay magpapaagos ng dugo, na aanurin lang din ng malakas na ulan at rumaragasang baha, kaya walang manstang maiiwan."
Poot ang nagpatalas sa kaniya, suklam ang humuhulma sa landas na iginawad sa kaniya para tahakin.
Una'y susubukan niyang sundan ang sayaw, hanggang makabuo siya ng sariling indayog—malaya, maligaya, nalulula, nahuhulog sa sariling tuwa nang may kapayapaan, walang ligalig.
"Anong buhay ang naghihintay sa amin sa kabilang dako ng pagsuko sa aming karapatang mamuhay ng marangal? Ang ikalawang buhay sa buhay na walang-katiyakan ay wangis ng mas nakaririmarim na kamatayan."
Ngayon ang tanging nalalabi ay ang katuwiran ng makatuwirang kamatayan.
"Ang nagbigkis sa atin ay ang nasang lumaya sa mapang-alipustang pamahalaang Kastila, ng pambabansot sa atin ng mga halimaw na nakasaya. Ngunit huwag nating kalimutan na higit sa lahat, pinagbubuklod tayo ng iisang dugong nananalaytay sa ating mga ugat. Dugong handa nating padanakin sa sarili nating lupa sa ngalan ng kasarinlan."
Diyos ko, hari ng awa. Nasa iyo ang kapasyahan sa aming kapalaran. Palagi naming itinataas sa iyo. Nais kong suwayin ang aking asawa sa ngalan ng kaniyang buhay, ngunit anong buhay ang naghihintay sa amin sa kabilang dako ng pagsuko ng aming karapatang mamuhay nang marangal? Ang ikalawang buhay sa buhay na walang-katiyakan ay wangis ng mas nakaririmarim na kamatayan. Diyos ko, humihingi po kami ng tawad sa aming mga sala. Diyos ko, igawad Mo po sa akin ang kapatawaran ngayong ang mga hangad kong saklolo ay aking tutuldukan.
Kung pagsasamahin ang naipon niyang poot, makaaapaw iyon ng isang malalim na balon. Poot ang nagpatalas sa kaniya, suklam ang humulma sa landas na iginawad sa kaniya para tahakin. Kung lilingon siya para lamang magdalamhati sa pinagdaanang buhay, sa kaniya, mas mainam nang mamatay—na siyang kataliwasan ng kaniyang nilalayon.