Wayang Alimagnum follows Waya, a high school student and a skilled pilot of a giant mechanical crab used in her community’s rice farms. As she prepares for the grand festival where mechs compete in the transition from one harvest season to the next, Waya faces an unexpected challenge—her fiercest competitor is her own stepmother!
“Hindi ako nag-aalala . . . halimaw yata ’to.”
Sa gitna ng paghahanda sa nalalapit na pista, may natuklasan si Waya mula sa nakaraan—isang bundok ng alaala at pangungulila. Ngunit tulad ng kaniyang ina, hindi basta-basta sumusuko si Waya.
At sa pagpapahusay ng pambatong Alimagnum, napagtanto niyang tunay ngang kahanga-hanga ang tatag at talino ng magsasakang Filipino.
“I’m not worried . . . this one’s a beast.”
Amid the bustle of preparations for the upcoming festival, Waya unearthed a mountain of memories and longing from the past. Yet, like her mother before her, Waya never backs down easily.
And as she honed the mighty Alimagnum, she came to fully appreciate the remarkable strength and ingenuity of Filipino farmers.
Joel Donato Jacob, aka Cupkeyk, is a member of Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo, the Philippines’ longest standing literary organisation. He hikes up at least one mountain a month and plays role-playing games or board games with friends weekly. He is an advocate of reproductive health, ethical veganism and fitness.
Ang bilis lang basahin ng Wayang Alimagnum ni Joel Donato Ching Jacob, and that's partly because it's a short novel. Ang ibang rason ay dahil it was super interesting because of the following:
1. Ali-mech-sag (a cool mecha/robot crab concept)
2. A Philippines steampunk AU where the country excels in science and agriculture (sanaol!)
3. Smooth storytelling that’s very accessible
4. Well-developed characters
5. Highly relevant sa era na meron tayo ngayon (hello, TikTok era haha eme)
6. And much more!
Though it’s intended for intermediate readers (ages 8-12), young adults and the young at heart (read: adults) will surely appreciate this masterpiece.
1. Ali-mech-sag – The concept of using mecha/robots for war to protect farmlands, then repurposing them for farming, speaks volumes about innovation. In real life, there are new technologies in farming, but it would be better if they were also affordable, especially for farmers.
2. The setting of the book—where the Philippines thrives in science and agriculture—is an interesting backdrop that adds to the enjoyment of the novella. It's fun to imagine if this were our reality!
3. Sa una kong pagbasa ng libro, parang naconfuse ako sa daloy ng istorya. Nang binasa ko na ulit sa actual physical book (Salamat sa Adarna sa mabilis na pagship), hindi naman pala nakakaconfuse. Tamang-tama lang ang pacing ng libro. (Pagod lang pala ko sa trabaho). Naging maganda rin ang build up plot and character wise.
4. The characters are distinct and well-written, and I easily connected with them. It’s hard to enjoy books like these if I don’t care about the characters. Yung excitement ng pagaayos at pagimprove ng ali-mech-sag, yung thrill na manalo sa kompetisyon, yung lungkot at grief na dala ng pagkawala ng mahal mo sa buhay at yung saya na dala ng pagtitipon-tipon para sa isang piging, dama ko rin e.
5. Ang ganda ng pagincorporate ng vlogger era moments / paglalive sa mga social media platforms sa Wayang Alimagnum. I find it refreshing sa libro. Pero yung about sa pagsasaka talaga ang main reason kaya nacapture ako ng libro. It promotes the importance of farming and encourages innovation, particularly in making new technologies more accessible.
6. And many more – themes like sportsmanship, friendly competition, acceptance (whether it’s about loss or new beginnings), familial love, culture and tradition are beautifully explored.
Anyway, you can ignore this attempt of a review and just buy, read, and enjoy this novella kasi well, it's enjoyable!
Sa sobrang daling basahin ng aklat and that genius combination of mecha + agriculture to a young adult novel? pls! Ang ganda ipabasa nito sa mga Junior High School! Maaaring maging eye opener ito sa kanila. Gustong-gusto ko rin ang character ni Quicay. I love her for being the MOTHER. Hays. May ibang word pa ba tayo sa Step Mother? kasi parang ang dahas sabihin na Madrasta or baka nasa nagsasabi o gumagamit ito ng salita?
This new release from Joel Donato Ching Jacob delivers a fresh perspective featuring an alternate universe where Philippines is a successful nation after capitalizing on agriculture as a national strength.
Easy to read and relatable references, Joel writes the story of Waya based on classic Filipino themes such as tight-knit community, and family values while also highlighting the importance of farming and hardwork.
Nasabi na marahil ang mga nais kong sabihin ukol sa pagbabasa ng Wayang Alimagnum ni Joel Donato Ching Jacob na inilathala ng Adarna House. Ang sigasig nitong humawan ng reimahinasyon ng ating bayan kung saan hindi nanakaw at napatay ng mahabang kolonisasyon at digmaan ang ating mga pinahahalagahan bilang Filipino. Ang sariwa nitong paggaygay sa pilapil ng pagsasaka, ang tapang at timyas nitong bumalikwas sa konserbatibo at makalumang mga gawi ng agrikultura na kulang na kulang ang ating bayan.
Maraming naibigan sa nobela, higit ang pakikipagbuno nito sa kamatayan at grief, ang tapang nitong pag-usapan ang mga nabanggit sa isang YA, sa ating bayan na laging winawasak ng mga trahedya at bagyo, mahalagang pag-usapan at ikuwento kung paano nga ba tayo nagpapatuloy matapos tayong salantain. Ang husay ng pagkakasulat ng mga huling saglit ni Aling Dalida, sa bingit ng kamatayan at desperasyon ay naipakita ni Jacob sa simpleng salita ang kawalang pag-asa, ang ating mga iniingatan at pinahalagahan, ang ating kagustuhang umuwi, ang kahulugan sa atin ng ating mga pinahahalagahan. Bitbit ng mga tao sa nobela ang bigat ng kamatayan at mula rito ay naisalaysay ni Jacob ang ating mga paraan ng pagdadalamhati.
Naibigan din na ang bida ay batang babae na walang love interest. Ang mga babae sa paligid ni Waya na sina Aling Berta at Quicay ay mga kahanga-hangang babae. Ang ganda-ganda ng chika ng nobela ukol sa importansya ng parehong bitbit nina Aking Berta at Quicay, na hindi lamang mahalagang maipakita natin na sustainable at nakabubuhay ang pagsasaka, dapat din nating pukawin ang puso at imahinasyon ng susunod na henerasyon para magpursige silang humawan ng mga bagong pilapil.
Isang natatanging kwento na pinagsasama ang kulturang Pilipino, mechs, at isang makabagbag-damdaming coming-of-age na kuwento! Wayang Alimagnum ay tungkol kay Waya, isang bihasang piloto ng isang higanteng mekanikal na alimango na ginagamit sa pagsasaka ng palay. Sa darating na paligsahan, haharapin niya ang pinakamahirap niyang kalaban—ang sarili niyang madrasta. Napakaganda ng mundo na binuo ng kwento, kamangha-mangha ang mga ilustrasyon, at kahanga-hanga ang pag-unlad ng karakter ni Waya. Isang makapangyarihang kwento na dapat basahin!
Salamat sa may-akda sa pagbibigay ng kopya para sa Akdang Pinoy Blog Tour. Ilalabas sa Marso 9—kunin na ang kopya sa Adarna House!
My very first Pinoy solar punk fiction and I am here for it! I do wish more people craft these stories and start to emerge from the dystopian speculative fiction and create a very positive mecha fiction moving forward.
Cupkeyk's young-adult novel gave me hope to read more of these light and positive world-building. I've had enough of the dystopian technopunk sensibilities, since episodes of Black Mirror is now our everday, post-pandemic era.
wayang alimagnum is a middle grade story set in a futuristic high-tech Philippines, where farmers and farming are given the fame and recognition that they deserve. it also touches on the themes of familial bonds, grief, grit and resourcefulness, plus a collective strive for justice.
Ito ang klaseng Pilipinas na nais kong tirhan — makabago, masigla, at may pagpapahalaga sa mga magsasaka at kanilang kabuhayan. Although the book targets younger readers, its themes resonate with adults. The inclusion of robots in farming highlights agritech, sustainability, and the crucial role of farmers, set in a futuristic Philippines filled with science and eco-innovation.
I appreciate how the author redefines agriculture as a cool, mainstream industry. The well-developed plot and characters make it easy to connect, especially those promoting smart farming and agricultural technology.
The book blends modern elements like vlogging and livestreaming with themes of innovation and supporting small-scale farmers. It explores resilience, sportsmanship, bayanihan, and cultural pride while emphasizing family, community, and healthy competition. It also delves into modern family dynamics, showing that family is about connection, not tradition.
What stood out to me about Wayang Alimagnum is how it reimagines land work through a futuristic, hopeful lens. The contrast between the high-tech world in the book and the current state of rural development in the Philippines sparks curiosity, encouraging readers to see eco-friendly land management in a new light.
The book highlights how many overlook farming, yet characters like a mechanical engineer and an accountant still see themselves as stewards of the land.
An uplifting tribute to the future of agriculture, this book instills hope and courage in every reader.
I think one of the factors why I am entertained with this book because my grandfather is a farmer—so I’m interested about certain things or some ‘modern’ farming scenario from this book.
Ang bawat magsasakang Filipino ay nagtataglay ng mga katangian: Talinong hinubog ng mahabang panahon nilang paglalaan ng oras sa pagsasaka, walang kapantay na pagtitiyaga sa pagtatanim, at ‘di matatawarang sipag sa pag obserba at pag-aaral sa taunang takbo klima upang matukoy ang tamang panahon kung kailan dapat anihin ang mga palay. Sa kabila ng kaliwa’t kanang banta at panganib ng pangangamkam sa mga lupang sakahan ng Panginoong Maylupa, kasapakat ng Burgesya Komprador na silang mga pangunahing dahilan sa pagpapanatili ng bansot at atrasadong pag-usad ng Agrikultura sa Filipinas ay hindi nagpatinag si Joel Donato Ching Jacob na ilahad at isalarawan sa librong ito, na sa kabila ng anumang panganib at mga banta sa buhay ng mga magsasaka, ang lenteng sinisipat ng Wayang Alimagnum ay may magandang kinabukasan pa ring naghihintay para sa mga magsasakang Filipino. Kung bibigyan lamang ito ng puwang at halaga para mas mapayabong pa ang Agrikultura sa Filipinas. Sa tulong ng inobasyon at teknolohiya upang mapadali ang mabigat na trabaho at nakakapagod na proseso ng pagsasaka. At higit sa lahat ay dapat na maipamahagi sa kanila ang lupang kanilang sinasaka.
II
Si Waya, kabataang babae na pangunahing bida sa nobelang ito ay isang buhay na patunay na wasto ang tanyag na kasabihang “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” ay may kaakibat na tamang gabay ng mga nakakatanda na magsisimula sa tahanan. Si Quicay, ang madrastang naging isang magandang ehemplo upang pagyabungin ang pagmamahal ni Waya sa pagsasaka, kasabay ng nakababatang kapatid na sina Pia, at Isa. Si Mang Juan, ang haligi ng tahanan bilang tagapag bungkos ng tibay ng pamilya. Upang sama-sama nilang harapin ang hamon at unos ng buhay.
III
Bagamat nakasentro ang kuwento ng nobelang ito sa kanilang baryo, sa taunang paligsahan at tagisan sa pag-aani, pag-aararo, at pagtatanim ng palay. Ito rin ang malakas na katangiang taglay ng nobelang ito upang ilapit sa mga kabataang mambabasa ang tila immersion sa gawaing bukid upang ipaintindi na hindi biro ang mabigat na trabaho at mahabang proseso ng pag-aani, pag-aararo ng lupa upang maging maayos ang pagtubo at pagbunga ng palay at kalaunan ay magiging bigas bilang pinal na produkto. Mahusay ang pagwawaksi ni Joel Donato Ching Jacob sa tila “utak talangka” na bansag sa mamamayang Filipino. Ang Alimango bilang Simbolismo ng paghila pababa sa mga nakakaangat sa buhay, ay ginawa niyang “Ali-Mech-Sag” bilang paglapat sa modernong inobasyon ng teknolohiya na siyang naging kaagapay nina Waya, Quicay, maging ng kanilang katunggali na si Aling Berta bilang isang modernong makinarya na magagamit sa pagsasaka.
IV
Ang pagiging malay ngunit maingat na pagsasalarawan ni Joel Donato Ching Jacob sa kalakasang tinataglay ng mga tauhang kababaihan sa nobelang ito ay patunay na hindi kailangang maging sagadsagaring poot sa mga tendensiya ng kalalakihan ng pagiging “Macho,” “Misogynist,” at “Sexist” na sinasalamin ng isang patriyarkal na lipunan upang i-angat ang antas ng kababaihan. Bagkus ay marahan at puno ng pagmamahal niyang tinahi ang bawat kabanata upang maging katulong ang ibang kalalakihan sa pagtataguyod ng mga kababaihan sa Modernong Panahon, kaakibat ang inobasyon at teknolohiya ng Ali-Mech-Sag.
Sobrang husay din ang paraang ginawa ni Joel Donato Ching Jacob sa Ham Ensaymada, at Ube Ensaymada bilang simbolismo sa pagsipat at pagsukat ng moralidad ni Mang Juan sa kanyang sarili, bilang isang lalaki na muling umibig kahit pa matagal na siyang nangulila sa namayapang asawa.
V
Para sa akin, ang Wayang Alimagnum ay ang alternate universe na lagi’t lagi kong inaasam. Nasabi ko nga kay Joel Donato Ching Jacob sa messenger na Si 'Nay Quicay ang inang matagal ko nang hinihiling, ngunit ipinagdamot sa akin ng mundo. Ang Alimagnum ni Waya bilang kaagapay niya sa pagharap sa pagsubok ng buhay, katuwang ang nakababatang kapatid na sina Pia, at Isa. Ang ama nilang si Mang Juan na hindi sila pinabayaan, at si ‘Nay Quicay bilang madrasta na itinuturing siyang tunay na anak. Ang alternate universe na ito na may mapagmahal na Ama, mga kapatid na malalambing at laging handang sumuporta, at ang Madrastang mas hinigitan pa ang pagiging mapagmahal na ina, ay mga bagay sa mundong ito na kailanman ay hindi ipinagkaloob sa akin. Hinilom ng librong ito ang sugatan kong kamusmusan na nilamon ng takot at pag-aalala mula sa di kaaya-ayang karanasan mula pagkabata. Hindi ko napagtanto kung gaano kalalim ang aking pagluluksa sa isang bagay na hindi ko kailanman naranasan, hanggang sa matagpuan ko na lamang ang sarili na tila nabuhay sa loob ng mga pahinang iyon, magaan sa dibdib ang bawat paghinga sa 'di matukoy na pakiramdam ngunit may kung anong kirot itong bitbit. Sa bawat sandali ng pagkalinga, sa bawat marahang pag gabay, sa bawat pagpaparamdam ng tunay na pagmamahal ay tila maingat kong naisulat ang sariling kuwento. Hindi ito pagtakas sa reyalidad, kundi pagkilala, isang pagpapatunay na ang pagmamahal na matagal ko nang inaasam-asam ay kailanman hindi labis na paghahangad. Ang mga nasaksihan ko sa pamilyang ito na bunga lamang ng isang malikhaing pagkukuwento, ay naghatid sa akin upang matagpuan bagaheng matagal nang bumabagabag sa aking dibdib, at sa hindi inaasahang pagkakataon, hinayaan kong mahibang ang sarili sa pag-aakalang may darating pang iba na sa akin ay makikiramay.
VI
Ang pinaka importanteng bagay na tumimo sa akin sa aklat na ito: kahit saan man tayo dalhin ng modernong panahon, lagi’t lagi nating isaalang-alang ang kapakanan ng sambayanan, lalong lalo na ang masang api na matagal nang inaalipusta na bulok na sistemang umiiral sa ating kasalukuyang lipunan. At ilan lamang yan sa mga paalala kung bakit “Kahanga-hanga ang tatag at talino ng magsasakang Filipino” sa Wayang Alimagnum ni Joel Donato Ching Jacob.
𝗕𝗼𝗼𝗸 𝗥𝗲𝘃𝗶𝗲𝘄: Wayang Alimagnum by Joel Donato Ching Jacob (Cupkeyk)
Maraming salamat pagkakataong mabigyan ng sipi ng awtor kapalit ang walang bias at tapat na rebyu. Nais ko ring magpasalamat sa "The Filipino Shelf" sa pagkakataong maisama ako sa kanilang tour.
Narito ang aking buong rebyu patungkol sa akdang ito.
Napakagandang mensahe ang sportmanship ang inilahad at the same time ang paghikayat na mahalin ang pagsasaka. Nanunuot sa bawat linya sa nobelang ito na mistulang "love letter" para sa mga magsasaka at sa mga kabataang nangangarap magsaka.
Hindi lang naging limitado sa paghikayat ng awtor na magbasa ang mga mambabasa bagkus, binigyan nya ding diin ang usaping Agrikultura — na panahong ito, mas lumiliit ang porsyento ay kapansin-pansin ang pagnipis ng mga may gustong magpursige sa trabahong ito. Ginamit ng awtor ang kanyang galing sa pagsulat para magmulat sa mga nagnanais na magsaka.
Dinala ako ng nobelang ito sa malawak na luntiang bukirin at palayan kasama ang paglanghap ng sariwang hangin. Sinamahan ko si Waya at ang kanyang pamilya, at ipinadama nila sa akin kung paano mamuhay ng payak ang isang magsasaka. Masasabi ko din na napakaganda ng "family dynamics" sa storya dito. Namangha ako sa pagmamahal at pagturing ng isang madrasta sa isang bata na nangulila na sa pagmamahal ng ina.
Kapansin-pansin din dito ang kultura ng mga Pilipino katulad ng mga pyesta. Narito din ang pagbanggit ng mga masasarap na pagkain katulad ng Saba na nababalot sa asukal habang sinasawsaw sa muskovado o sukang pinakarat. Yum!
Isa sa mga nakuha kong aral dito ay ang pagtingin sa kahalagahan ng inobasyon — na hindi ito kalaban bagkus, maaari itong gamitin upang patuloy tayong yumabong at magkaroon ng napakalaking progreso — hindi lamang sa pagsasaka kundi sa lahat ng aspeto na may pinaggagamitan nito.
Sa paglalahat, nagustuhan ko ang akdang ito sapagkat napaka makapangyarihan ang mensahe nito sa mga mambabasa — na patuloy nating mahalin at pagyamanin ang ating kultura at ang pagsasaka.
Ang panitikan ay hindi solitaryong praktis. Malay man o hindi [o pinipilit na ikubli] ang manunulat ay lilitaw at mananatili ang multo ng kasaysayan sa kaniyang akda. Kaya para sa personal kong pagtataya, mabisa ang akda kung mayroon itong masinsing pagpopook sa mahabang kasaysayan ng tunggalian. Narito, para sa akin, ang lakas ng nobelang Wayang Alimagnum–naipakikita nito ang karanasan at pangarap ng mga Pilipino sa kasalukuyan at hinaharap.
Sa loob ng halos sandaang pahina, naipakita ng nobela na mahalaga ang nakabubuhay na teknolohiya, sustenableng praktis, abot-kayang inobasyon, makamasang agham, at kolektibong kaalaman. Anti-institusyon din ang nobela kung susumahin! Wala sa GMOs, pagkamahal-mahal na pesticide, pribadong sakahan na bantay-sarado ng goons ang pagtubos sa krisis ng agrikultura kundi sa pagkilala sa talino ng magsasaka, paggamit ng teknolohiya na hindi lang para kumamal ng kapital at salapi.
Mayroon pang laban na kailangang harapin. Kailangan pang baklasin ang mga harang na itinayo ng piyudal na kaayusan, kalabanin ng tingga ang tingga ng mga private army ng mga landowner, pagkatapos, sa likod ng bangkay ng mga kapitalista at negosyanteng ito, makikita natin sa abot-tanaw ang alimechsag ni Waya, kumakaway sa atin.
At first, I thought it was a Solarpunk novel because of its themes of technology, innovation, and nature. But considering that the main focus was on the machines, I understand why it was categorized as steampunk.
Farming takes center stage in this story, but it never feels preachy. Instead, it is written with so much care and passion that it naturally gives farming and farmers the spotlight they deserve. Reading it made me reflect on how farming is often misunderstood, especially by those who have never lived or worked in rural communities. It also made me think about how fewer young people are choosing agriculture as a career, leading to a decline in the next generation of farmers.
And he doesn’t stop there. The way he pushes the conversation on modern family structures is just as compelling. Waya’s family may not be traditional, but it is full of love and completely functional.
Waya is a high schooler and a skilled pilot of giant mechanical crab. These are being used to help them in the rice farm. When their annual competition is announced, Waya prepares for the event, making sure her giant crab is ready to win. But she will face her biggest competition, her own stepmother. And while preparing, Waya unearths so much memories, that also makes hr appreciate the strength and ingenuity of Filipino farmers.
This book was lent to me during the PBF and I was glad I read it. It’s just a quick read though I have to read slowly. It’s written in Tagalog and some of the words are deep that I have to search the meaning. But I’m so happy to read it and immerse myself in this book. I vividly imagine the story, the setting, the characters. I love where the Philippines as an agricultural country was the setting combined with modern technology. I like how the author focuses on farming and being farmers as the mainstream and such a cool industry to work on. The themes of family, tight-knit community, healthy competition , sportsmanship are very much evident. The emphasis on the importance of doing things together and as a community is something everyone can emulate.
This is a middle grade book that I think every middle schooler should be reading in school.
Ang rarahas at anlulungkot ng mga binasa ko nitong mga nakaraan, kaya pumasok sa isip ko na magbanlaw muna (bago magbasa na naman ng mararahas, haha). At naisip ko itong Wayang Alimagnum ni Joel Donato Ching Jacob na nauna nang basahin ng mga kaibigan. Isa itong steampunk YA novel na isang reimagination kung saan maunlad ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas. Gamit ang mga ali-mech-sag sa pagsasaka---isang alimasag na robot---sinusundan ng nobela ang paghahanda ni Waya sa Pista ni Lakapati at ang paligsahan ng mga ali-mech-sag. Pambato niya ang Alimagnum ng kaniyang nasirang ina.
Minahal ko ang mga karakter sa nobela: si Waya, na maaaring maging mukha ng isang batang nangangarap maging magsasaka sa hinaharap; si Quicay bilang mapagmahal na madrasta, hindi katulad sa mga nasa telenovela na kontrabida; sina Pia at Isa, nakababatang kapatid ni Waya, na palaging nariyan upang magbigay-inspirasyon; si Mang Juan, ama nina Waya, na nakikitaan ng pagkapatas sa maraming pagkakataon; si Aling Dalida, ang nasirang ina ni Waya, na nagpakita ng tapang sa kaniyang naging buhay; at si Aling Berta, ang nakalaban nina Waya at Quicay sa paligsahan na nagturo kay Waya ng kahalagahan ng inobasyong abot-kaya ng mga magsasaka.
Maganda ang mga kaisipan sa loob ng nobela---na anuman ang mangyaring inobasyon sa sektor ng agrikultura, mangyari na dapat sustenable at abot-kaya ito ng mga magsasaka. Nakatutuwa ring isipin na ang mga magsasaka sa nobela ay may sariling lupa at hindi pinagsasamantalahan, bagkus nga ay laging nag-iisip ng inobasyong para sa kapakinabangan ng lahat. At may mga batang nangangarap maging isang magsasaka, katulad ni Waya. Sana nga ay dumating tayo sa panahon na wala nang magsasakang walang sariling lupa, at balang-araw ay kanilang anihin ang kanilang ipinunla.
𝑾𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒍𝒊𝒎𝒂𝒈𝒏𝒖𝒎 (2025) ni Joel Donato Ching Jacob
Sang-ayon sa “Miseducation of the Filipino” (1959) ni Renato Constantino, pinaniwala ng Amerika ang Pilipinas na hindi magiging industriyalisadong bansa at hanggang bansang agrikultural lamang ang huli, bilang paraan ng pananakop. Para manatiling nakasandig ang Pilipinas sa Amerika, at para manatiling kuhanan ng hilaw na mga materyal lamang ang Pilipinas. Kaya hanggang ngayon ay lagi tayong umaasa sa ibang bansa: sila ang contractor ng mga tren natin; umaasa tayo sa foreign investor; panay angkat lamang tayo ng mga pinrosesong mga produkto. Kaya nga ang panawagan ay “Isulong ang pambansang industriyalisasyon!”
Ngunit may isa pang bagay na malinaw: Pag atrasado ang industriya, magiging atrasado rin ang agrikultura. Sabi nga ni Waya, protagonista sa akda, hindi lamang pagsasaka ang kailangan sa agrikultura. Kailangan din dito ng inhinyeriya, at kahit nga accounting.
Kay rikit ng young adult novel na ito ni Jacob. Scifi ang genre at ang kuwento ay nakasandig sa mga kuwentong bayan. Halos tumatawid na rin ito sa pagiging utopian fiction dahil sa marikit na sistema at lipunang kinatha ni Jacob, partikular nga ay sa sektor ng agrikultura.
At siksik ang nobela—mahalaga ang bawat talata at pahina. Walang sayang na mga espasyo. Hindi nangangaral ngunit nakakapagturo ng abanteng mga pagpapahalaga sa usaping pampamilya.
At ang mga guhit ni Ian Sta. Maria, lalo na sa mga robot na gaya ng aligmanum, ay katangi-tangi. Parang mga frame sa mga anime ng Japan.
Nawa ay dumami pa ang ganitong young adult scifi fiction sa panitikan ng Pilipinas.
Wayang Alimagnum completely surprised me—it’s not just about a giant mechanical crab (which is already super cool), but it also explores deep themes like sustainability and progress in such an accessible way. I loved how it balanced action with heartwarming family moments, making it a story I’d recommend to readers young and old.