Jump to ratings and reviews
Rate this book

Connect the Dots o Kung Paano Ko Kinulayan ang Aking Buhay

Rate this book
"Paborito kong gawin noong bata ang connect the dots na makikita sa mga coloring book."

Gamit ang kaniyang husay bilang isang manunulat, binabalikan ni Genaro Gojo Cruz ang mga analaala ng kanyang kabataan. Ang mga kwentong minsa'y masaya, minsa'y malungkot, ngit lahat ay makulay/ Katulad ng pagdudugtong niya sa kaniyang paboritong connect the dots, bawat karanasan na kaniyang isinulat dito ay gaya ng maiitim na tuldok na may numera, at magbubuo ng isang larawan ng buhay.

295 pages, Paperback

First published January 1, 2014

7 people are currently reading
152 people want to read

About the author

Genaro R. Gojo Cruz

49 books96 followers
GENARO R. GOJO CRUZ grew up in San Jose del Monte, Bulacan. He earned his degree in Social Science from Philippine Normal College, and has won numerous writing awards, including the Palanca Award, Gawad Ka Amado, Gawad Collantes sa Pagsulat ng Tula at Sanaysay, Ninoy Poetry Writing Contest, and the PBBY-Writers Prize.

He presently teaches at the Philippine Normal College while pursuing his master's degree in Philippine Studies as a scholar at the De La Salle University in Manila.

In his spare time, Genaro tells stories to and teaches street children in Binondo, Manila.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
49 (62%)
4 stars
20 (25%)
3 stars
7 (8%)
2 stars
3 (3%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 9 of 9 reviews
Profile Image for Joey.
262 reviews54 followers
July 24, 2015
It is my first time to have bought a book written in Filipino at National Book Store despite that I find its price ( 175 pesos ) pretty expensive compared to the books in Book Sale. Usually, one of the reasons , aside from the fact that I am a certified bibliophile and bookworm, why I prefer to buy books written in English is to enhance my English skills in my profession and desire to be a good writer alike . Eventually, without regret, I fell in love with it ; its essays and stories are solemnly and deeply written like a deep well stored with the water that had never been fetched by time. Thus, it is realistic; audacious; and above all, heart-rending .

I was impressed and moved by Genaro Gojo Cruz’ s “innocent” determination to pull through all the miserable things he had experienced , by how he managed to support and finish his studies , by how he filled his vacuous self despite that he came from a broken family. Besides, I liked his pesky innocence, typical of a boy bothered by this complicated world . You can relate to him if you really come from a poor family. While reading it, I remembered Frank McCourt’s trilogy ( Angela’s Ashes, ‘Tis, and Teacher Man ) , ones of my all-time favorite books. Their life stories have somehow complete resemblance.

Gojo Cruz has received Palanca Award twice for his exceptional skills in writing children stories. I should not give him any shadows of a doubt ; I liked his writing styles. He sounds as though your new friend telling you some stories- not just that they are stories but meaningful and inspiring. I bet my life that you would not get tired of him. In fact, I have this condition that he renders me unmoved in the air . Then, I tend to blurt out, “Encore, I want to read his other books more! “ ( Overwhelmed )

As a matter of fact, I had hung back twice whether I had to buy and read it or not because its paperback designs and color are not that appealing to me . ( Well, I did not mind it is a YA after all.) It just looks like a children book. I just thought that I would have just wasted my money contrary to what the superannuated cliché goes, “ Don’t judge the cover of a book.” In the end, this book turned out to be worth reading; it has something to do with the author’s life.

If I am not mistaken, the pretext why the book cover’s color is orange is that it was once his moniker , which is the anagram of his name Genaro, whenever he traded names with his friends; whereas, the jeepney drawn in the middle part was his father’s .

If you are a book critic, you might be of the opinion that Genaro may have intended to write it with “ paawa ( self-pity ) effect just to be on the market and see if it would be going like hotcakes. (In fact, this may-have-been idea did the tricks ; the book seems to have been flying off the shelves since it was launched last year. I can no longer see a large stack in National Book Store branches . ) But in my humble opinion, Genaro is so brave that he was able to narrate his personal life , especially since he is now a well-liked university professor ( not that I know of ). It is not so easy that you have to muster enough courage to share your bitter feelings you may be harboring for a long time and memories with others at all. He must have intended to do so but to inspire others , notably those children out there who have been dreaming of a prosperous life far from the miserable reality they are going through as what happened to him.

I like Genaro’s philosophy that poverty is a downright hindrance to finishing your studies and dreams. It is downright wrong to believe that it is not at all. If so, how? The answer is simple : follow Genaro’s principles of practicality. Besides, I agree to his another belief that IQ has nothing to do with a student’s capability to succeed; we all can reach our potential. You just have to be hard-working, persevere, and determined. Do not give up. Get a life as you know it is a matter of choice.

On reading it, I may be now enamored with Gojo Cruz. ( Blushing) I am now kicking to buy and read other Filipino books more . Of course, I include his as one of the books I will follow enthusiastically.

P.S.

On the verge of finishing it , Genaro happened to be my formerly university classmate’s uncle. My classmate’s middle initial is also Gojo Cruz. I was thrilled by this fact more when I remember him so proud to tell us about his uncle repeatedly. As a matter of fact, I have been to their place in Bulacan where Genaro grew up. Apart from that, I stayed in the place with my classmates for a project in Sociology for a few days. There I saw the places as well as his little house plus private library Genaro mentioned in his book. However, I barely saw the well; it must be the artificial well beside my classmate’s house where I washed my hands. What a small world! Now I have understood my classmate’s personality. It runs in the family! kkk ^^
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
August 10, 2014
Basta sanaysay na tungkol sa pagkatao ng isang manunulat lalong lalo na kung mararamdaman kong totoo, gusto ko agad. Nagsimula ang pagbabasa ko ng ganito sa It's a Mens World (3 stars) ni Bebang Siy, tapos nasundan ng The True and the Plain: A Collection of Personal Essays (4 stars) ni Kerima Polotan, tapos yong Personal: Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita (4 stars) ni Rene O. Villanueva at yong Anim na Sabado ng Beyblade at Iba Pang Sanaysay (4 stars) ni Ferdinand Pisigan Jarin. Parang gusto kong balikan yong rating ko sa "It's a Mens World" dahil yon ang nagbigay sa akin ng hilig sa pagbabasa ng ganitong genre ng book tapos yon pa ang pinakamababa ang rating. Di bale, alam naman ni Bebang Siy na mahal na mahal ko sya. Haha.

Akala ko di ko magugustuhan ang aklat na ito. Bata pa kasi si Gojo Cruz para maging mas interesante ang memoir. Bago ito, ang iniisip ko, mas maganda ang memoir kapag sinulat ng isang tao na matanda na. Sa ganoon kasi, mas marami na syang kuwento na makaka-relate ang mas maraming mambabasa. Pero iba ito. Marami ng istorya ng kahirapan na pinagdaanan sa buhay niya si Gojo Cruz at yon ang mga inilahad niya rito. Malulungkot lang nga karamihan pero sa bawat sanaysay, nilalagyan ni Gojo Cruz ng positibong aspeto, kadalasan ay life lesson o learning ang bawat malungkot na karanasang kanyang pinagdaanan. Kung hindi man ay justification kung bakit nagawa sa kanya ng mga taong minahal niya o nakilala niya upang hindi siguro magmukhang naninisi siya o may itinatagong hinanakit sa mga taong yon.

Matapang ang nakakapagsulat ng ganito. Matapang maglahad ng kanyang karanasan o "magbilad ng kaluluwa." Di lang parang kaibigan na nagpapakilala kundi taong nangungumpisal dahil minsan may sobrang personal na (para sa akin) pero di nila alintana yon. Siguro gusto nilang makapagbigay ng inspirasyon lalo na sa kaso ni Gojo Cruz na galing sa hirap at siguradong marami ang makaka-relate sa kanyang makabagbag damdaming pagsubok sa buhay.

Halos di ito umabot sa 4 stars. Nabago lang ang original rating ko (3 stars) noong mabasa ko ang huling sanaysay "Talbos" para kasing summary na yon ng buhay ni Gojo Cruz. So, kung gusto mong madaliang makilala si Genaro "Gener/Gene" Gojo Cruz, yon na lang ang basahin mo.

Pero mas maganda basahin ninyo ang librong ito at sumali ka sa "Pinoy Reads Pinoy Books" dahil ito ang aklat na babasahin namin sa Setyembre 2014 at pumayag nang magpa-interview si Gojo Cruz.

Bili na. Maganda ito.

Profile Image for BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books).
52 reviews1 follower
September 14, 2014
Nakaka-iyak ang mga pangyayari sa buhay ni Genaro para akong nagbasa ng Maala-ala Mo Kaya o Magpakailanman na palabas sa telebisyon na naisulat sa aklat.

Kapana-panabik ang mga tagpo at pagsasalarawan ni Genaro sa kanyang Nanay at Tatay, maging sa kanyang mga kapatid, at maging sa mga "Hindi Kadugo" na siya namang tumulong sa kanya upang pag-ibayuhin ang pagsusumikap sa buhay at bigyang halaga ang bawat buhay na kanyang dinanas.

Bilang bunso na dapat ay na-iispoiled gaya ng mayayaman, si Genaro ay na-ispoiled sa ibang paraan- ang magdanas ng hirap at pighati sa mga tao na sana'y dapat unang kumalinga at magmahal sa kanya subalit dapat ninyong hangaan ang naging pagsusumikap at ibayong inspirasyon niya upang makamit ang matamis na pagtatagumpay sa larangan ng pagsusulat.

Malaki ang naitulong ng kanyang pagbabasa sa mga aklat pambata at pagkasabik sa buhay upang guminhawa.

Kay hirap lingunin ang mahirap at masalimuot na nakaraan subalit masarap alalahanin kung paano mo napagtagumpayan ang mahirap at masalimuot na nakaraan.

Sa huli, ay nanatiling tumanaw ng utang na loob si Genaro sa kanyang mga magulang bagamat nag-alinlangan o nakaramdam ng kapabayaan.

Ang mga maiitim na Dots / kahirapan o kasiyahan ang nagsilbing koneksyon niya upang mabuo ang kanyang mga pangarap at pagtatagumpay ibig lang sabihin ay hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang pinapangarap sa buhay.

Ito kaya!? ang kanyang Tadhana upang magsilbing inspirasyon sa mga Kabataan upang makamit ang pagtatagumpay at magbigay Pag-asa sa mga Nakakaranas pa ng kanyang mga dinanas.


Profile Image for Ivy Bernadette.
137 reviews49 followers
September 17, 2014
Netong mga nakaraang taon bilang isang mambabasa ay nakahiligan kong magbasa ng mga memoir mga awtor, lalo na ng mga Pilipinong manunulat. Labis talaga akong humahanga sa mga Pilipinong manunulat, nakaka-inspire ang kanilang mga tagumpay at mga naabot sa buhay; ngunit sa pagbabasa ng kanilang memoirs ay napagtatanto kong tunay na tao rin nga pala sila, na bago maabot ang mga tagumpay ay marami munang naranasang pagsubok at hamon.

Ang Connect the Dots o Kung Paano Ko Kinulayaan ang Aking Buhay ay koleksyon ng mga sanaysay ni Genero R. Gojo Cruz tungkol sa kanyang buhay. Karamihan dito ay mga alaala ng kanyang pagkabata, ngunit mayroon ding mga sanaysay tungkol sa kanyang maraming pagsusumikap upang makapagtapos sa pag-aaral. Bata pa lamang siya ay hindi na madali ang kanyang pinagdaanan sa buhay—nanggaling sa isang broken family, "bunsong napayabayaan", nagsumikap na mapag-aral ang sarili mula elementarya hanggang kolehiyo, namulat sa kahirapan ng buhay—ngunit hindi naging hadlang ang mga bagay na ito sa pag -abot ng kanyang mga pangarap. Nakatutuwa rin na hindi naging dahilan ang kanyang mga hindi magagandang karanasan upang magalit sa mundo, bagkus ay nakita nya ang mga ito sa positibong paraan upang mas mapagbuti pa ang sarili at ang kalagayaan sa buhay.

Kilala si Sir Gener sa pagsusulat ng mga kwentong-pambata, at nakapag-uwi na rin ng mga bigating parangal dahil sa mga ito. Naisip ko, marahil ay kaya siya naging magaling sa pagsulat sa mga kwentong-pagbata ay dahil halos hindi nya naranasan ang pagkabata. Hindi naging ideyal ang mga pangyayari sa kanyang buhay, nakakalungkot ang ilan sa kanyang mga pinagdaanan, at maraming pagsubok ang kanyang hinarap. Ngunit ginamit nya ang mga ito upang lalo pang magpursige at magsumikap. Marami man sa mga hamon na hinarap nya ay makapagdudurog sa ibang tao, nakita nya pa rin ang sarili nya bilang buo at matatag. Malamang ay maraming mga masalimuot na karanasan ang kanyang balikan sa pagsusulat ng mga sanaysay na ito, ngunit nakatutuwa sigurong balikan ang mga hamon na napagtagumpayan mo na at mapagmalaki sa sarili na nakaya mo ang mga pagsubok na dumating sa buhay.

Bilang isang mag-aaral din ng PNU (katulad ni awtor ng aklat na ito) at humaharap din sa mabibigat na hamon ng buhay, nakaka-inspire talaga na magbasa ng mga ganitong klase ng libro. Lubos ang paghanga ko sa mga manunulat na Pinoy, at ang pagbabasa sa mga akda nila ang nagbibigay sa'kin ng inspirasyon. Mahilig talaga akong magbasa ng lokal man o banyagang aklat, ngunit isa sa mga dahilan kung bakit tinatangkilik ko ang mga Pilipinong manunulat ay dahil mas "malapit" sila sa ating buhay, mas "totoong" tao; ang mga karanasan at ang mga akda nila ay kahawig ng sarili nating karanasan. Sa kasalukuyan ang nakikita natin sila bilang matatagumpay sa kanilang larangan at hinahangan ng mga tao; ngunit nakakapukaw ng damdamin ang isipin na marami silang napagdaanan na kagaya ng sa atin, na hindi rin naging madali ang pagtahak nila sa tagumpay, na marami ring balakid ang hinarap nila sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa, hindi sumuko kahit pa animo'y puro "dilim" ang naranasan, nagsumikap hanggang makamtam ang liwanag sa buhay.

Ang mga akdang katulad nito ang nagbibigay sa'kin ng insipirasyon. Ang pagbabasa ay nagbibigay sa'kin ng pag-asa na kung nakaya nila, malamang ay kaya ko rin.
Profile Image for Clare.
76 reviews8 followers
September 12, 2015
Pangatlo na ito sa mga nabasa kong sanaysay tungkol sa may-akda. Una ay iyong It's a Mens World ni Ate Bebs, at pangalawa naman ay iyong Personal: Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita ni sir Rene Villanueva.

Bata pa lang si Sir Gene pero punung puno na ng karanasan ang buhay nya na kapupulutan ng aral. May masasaya pero mas nangingibabaw yung malulungkot na parte ng buhay nya. Grabe, ito na ang pinakamalungkot na librong nabasa ko. (Pangalawa na yung Personal ni R.Villanueva). Bawat sanaysay parang gusto kong maiyak. Alam mo yung kung makikita ko si Sir Gene (na namamayagpag ngayon sa kanyang larangan bilang guro at manunulat) e hindi iisipin na diraanan ang mga ganung bagay bago sya nakarating sa kung saan man sya ngayon. Kung ako ang daraan sa mga ganung pagsubok, naku siguro sobrang lugmok na ako pero sya, ginawa nyang 'fuel' iyon para magtagumpay sa buhay.

Kahanga-hanga din na nagawa nyang maisulat ang mga kwento sa kanyang buhay kahit gaano kasakit balikan. At ibinahagi na nya sa mga mambabasa! Kahit ganong kasakit o kalungkot ng mga pangyayari sa buhay nya, naging aral iyon sa kanya at inspirasyon para magpatuloy sa buhay.

3 stars itong binigay ko hindi dahil hindi maganda ang pagkakagawa. Sa pagsulat okay na okay naman. Nalungkot lang talaga ako, masyado akong nadala sa pagbasa. Gusto ko pang mas makilala ang may-akda pagkatapos mabasa ito.

Ay, may online discussion pala para sa librong ito simula ngayong Setyembre at face to face book discussion kasama si Sir Gene sa unang sabado ng Oktubre. Bumili ka na ng sariling kopya para makasali sa huntahan!
Profile Image for fooleveunder.
166 reviews
January 22, 2025
Mahusay! Ang mala-diary na mga sanaysay ay nakapagbigay sa akin ng motibasyon at bágong perspektiba sa búhay. Bagaman masasabi kong napakahirap ng pinagdaanang búhay ni Ginoong Gojo Cruz—mula sa kompleks na pagsílang at pamilya, hanggang sa pakikipagsapalaran sa pagtatrabaho at pag-aaral—ay nagsumikap siyang malagpasan ang mga ito. May mangilan-ngilan lang akong napansing typographical error at maling gramatika na maaari sanang mabago kung nasuri pa nang maigi ang aklat. Gayumpaman, mas nanaig pa rin ang impluwensiya at aral na nakuha ko sa pagbabasá nito tuwing bumibiyahe ako sakay ng LRT at jeep ng MacArthur Highway at Gen. Luis.
[H]igit na naging masaya at makulay ang mga karanasan ng isang tao kung siya’y dumaan din sa matitindi at masasakit na yugto sa buhay.

Sinabi ko noon sa sarili, kung sakaling magiging guro ako, hinding-hindi ko gagayahin ang mga mali kong nakita sa aking mga guro. Mas kailangan ng mahihina at mahihirap na estudyante ang kalinga ng guro.

Isang katangahang sukatin ang pag-iisip ng Pilipino gamit ang mga panukatang banyaga.

Ang buhay ay laging paghahanap sa mga wala. Marahil, talagang di ibinibigay nang buong-buo ang mga ito sa atin. Minsan pakonti-konti, minsan papira-piraso. Madalas ay di natin napapansing matagal na palang nasa atin ang mga hinahanap natin. Minsan naman, talagang hinding-hindi na ibinibigay ang ating hinahanap upang patuloy tayong mabuhay nang may pag-asa at pagsisikap. Sabi nga, kapag umayaw o bumitaw ka sa paghahanap ng iyong gustong makita, ikaw ang talo!

Sa paghanga pala nagsisimula ka na ring mangarap para sa sarili.
Profile Image for Emerlinda Sangco.
2 reviews
October 6, 2014
"Kapag pakiramdam ko'y kaawa-awa ako, nagsisimula akong mangarap at magpursige sa buhay." (Bakod)

Mapanghamon ang mundo, kailangan mo ng ibayong lakas, sipag at tiwala sa sarili para malampasan ang bawat hamon. Importanteng di mo malimutan ang mga dinaanan mong lubak na daan, yung pagod at ilang tumulong sayo para unti-unting makaakyat sa hagdan hanggang makarating sa tuktok.

Kahit anong hirap, huwag na huwag (o hanggat maaari)kang magtatanim ng sama ng loob, lagi mong piliin ang saya at pag-ibig.

MASAYA MABUHAY, lalo kung kasama mo ng mga taong mahal mo at nagpapasaya sa iyo sa buhay. MASARAP MABUHAY, lalo na at alam mong unti-unti mo nang nkakamit ang lahat ng pangarap mo sa mabuting paraan at alam mong pinaghirapan mo ito.

Pagkatapos kong mabasa ang librong ito ay na-inspire ako sa buhay ni Sir Genaro. Hindi talaga dapat magpadala sa hirap ng buhay, nadadaan sa sipag ang lahat ng bagay, hindi nga naman ibibigay sa atin ng Diyos ang mga hinihiling natin nang ganoon kadali, kailangang paghirapan natin ito nang sa ganoong paraan ay mas lalo nating mapahalagahan at maipagmalaki ang tagumpay na ating tinamasa.

Sa lahat ng magbabasa pa lamang ng libro na ito, ihanda nyo ang panyo dahil may ilang bahagi na hindi mo maiiwasang mapaiyak hindi dahil sa awa kundi dahil nararamdaman mo ang paghihirap na dinanas ng may-akda sa pamamagitan ng ganda at piling-piling mga salita na talaga namang titimo sa isip at damdamin mo.
At kung wala pa kayong libro, abaaa, bumili na kayo kung hindi ay isang malaking pagkukulang na hindi mo makilala si Sir Genaro Gojo Cruz sa pamamagitan ng mga sanaysay na kanyang naikuwento sa kalipunang ito.
Profile Image for Leeannes.
9 reviews2 followers
March 7, 2016
Ang Connect the Dots ay lipon ng mga sanaysay na sumasalamin sa pinagdaan ng manunulat.
Mabalis ang libro. Kung wala akong trabaho marahil natapos ko ito sa loob ng tatlong araw. Mabilis lang at madaling unawain ang wika na ginamit ng manunulat sa kanyang mga sanaysay. Habang nagbabasa ako ng libro, pakiramdam ko nagkukwentuhan lamang kami ng manunulat. Sinasabi lang niya sa'kin kung paano siya nagsimulang pangarap at kung paano siya nagsumikap para mabuo ang mga pangarap na iyon. Nilahad din niya ang mga karanasan niya bilang anak, kapatid, bayaw, at iba pa. Sa tingin ko, ang mga pinagdaan ng manunulat ay sumasalamin sa buhay ng mga middle class na Pilipino kung saan "sapat at kulang" sa pangangailangan ang pinag-iikutan ng buhay. Ang sapat at kulang na iyon ang dahilan kung bakit marami sa mga middle class na tao ang porsigido at nagsusumikap para mabago ang kanilang buhay. Sa isang banda, sa pagbabasa napansin ko rin ang bahagi ng pagpasok ng Sikolohiya ng Pilipino, ang mga paniniwala at nakagawian ng mabubuhay ng bawat Pilipino ay buong-buo na naipakita sa akin sa mga sanaysaya kung saan tinatalakay niya ang mga paniniwala ng kanyang Ama.

Sa kabuan, maganda ang akda. Para sa akin magandang panimula ito na babasahin para sa mga high school students na may giliw sa pagbabasa ng mga akdang gamit ang wikang Filipino ngunit hirap sa pag-unawa ng wika. Magandang gabay din ang mga sanasay na ito kung nagpaplano kang gumawa ng isang sanaysay. Mahusay kasi para sa akin bilang mambabasa ang formula na ginamit ng manunulat. Mula sa wika at istilo ng pagkakasulat. Tunay na ang aklat ay nilikha para sa lahat. Masarap basahin!
Profile Image for Tuklas Pahina (TP).
53 reviews25 followers
October 8, 2014
Ang mga itim na Dots sa inyong buhay ay maaaring maging inspirasyon upang i-konek ito sa inyong mga pangarap at matupad gaya ni Sir Genaro.

Ang mga madamdamin at mapait na karanasan ay pwedeng maging masayang hinaharap at lingunin ang isang ala-ala ng kahapon.
Displaying 1 - 9 of 9 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.