Jump to ratings and reviews
Rate this book

Mars, May Zombie! #2

Mars, Maraming Zombie!

Rate this book
ISANG TAON MATAPOS SUMUGOD SA BLUE ZONE, PUMIPILA PA RIN SA PALITAN NG AYUDA SINA MARS, BEY, AT LOLA VICKY.

At mas mahirap na ang búhay ngayon— tinutugis pa rin ng gobyerno ang mga nakasama ng Master Raider sa paglusob! Bukod sa paghahanap ng maipagpapalit na mga gamit at araw-araw na pakikipagsapalaran sa Black Zone, hindi pa rin nawawala ang banta ng dumaraming zombie! Pero hindi na lamang gobyerno at mga buháy na bangkay ang kalaban. Mararating pa kaya nina Mars ang Green Zone?

Paperback

Published March 9, 2025

3 people are currently reading
17 people want to read

About the author

Chuckberry J. Pascual

21 books56 followers
Si Chuckberry J. Pascual ay isang Pilipinong manunulat ng mga maikling kuwento at dula. Siya ay pinanganak at lumaki sa Malabon, laki sa lola dahil sa parehong OFW ang kanyang mga magulang. Sa kanyang paglaki, nakasanayan niya ang bahaan, mga palengkeng parating may murang seafood, at saka ang amoy ng Malabon na malansa (na siyang sabi naman ng mga hindi tagaroon). Siya ay kasalukuyang nakatira pa rin sa Malabon pero tinuturing niya din ang sarili bilang taga-Santa Rosa, Laguna.

Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman (UP) bilang cum laude sa kursong BA Malikhaing Pagsulat noong 2003, nagkamit ng MA sa Araling Pilipino (Kasaysayan at Panitikan) noong 2008, at kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Malikhaing Pagsulat simula Abril 2009. Ilan sa mga parangal at pagkilalang kanyang natanggap ay ang pagiging fellow sa Unibersidad ng Santo Tomas, Ateneo, at UP National Writers' Workshops, at siya rin ay kasapi ng KULITI, isang lipon ng mga kabataang manunulat. Katatapos niya lang magturo ng Filipino sa klaseng regular at pandangal sa Ateneo de Manila High School.

Bata pa lang ay mahilig ng magbasa si Chuckberry J. Pascual. Nagdo-drowing siya dati ng mga sarili niyang bersyon ng komik novels sa isang buong intermediate pad. Sa kanyang paglaki ay napunta siya sa pagsusulat ng mga maikling kuwento dahil napagtanto niyang hindi siya marunong tumula. Walang partikular na estilo sa pagsulat si Chuckberry J. Pascual. Basta ang sigurado, karamihan sa kanyang mga naisulat, at iyong mga nalimbag - halos lahat sila ang protagonista ay bakla. Sinusubukan niyang tingnan ang mundo mula sa perspektibo ng mga bakla, partikular ang Pilipinong bakla na taga-Maynila at Malabon, kadalasan ay middle class.

Marami na rin ang mga nailimbag niyang mga maikling kuwento. Pinakahuling lumabas ang "Kumpisal" sa Ani 36 (2011), "Lorenzo" sa Talong/Tahong: Mga Kuwentong Homoerotiko (2011), at "Mga Kotse Sa Airport" sa Kathang-isip: Mga Kuwentong Fantastiko (2011). Kabilang din ang mga maikling kuwentong "Mananayaw", "Kantanod", "Ritwal", at "Sangandaan". Ilan pa sa kanyang mga gawa:

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
3 (30%)
4 stars
2 (20%)
3 stars
4 (40%)
2 stars
1 (10%)
1 star
0 (0%)
No one has reviewed this book yet.

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.