Jump to ratings and reviews
Rate this book

Natal/National: Three Plays by Guelan Varela-Luarca

Rate this book

338 pages, Paperback

Published March 15, 2025

1 person is currently reading
8 people want to read

About the author

Guelan Varela-Luarca

4 books1 follower

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
3 (50%)
4 stars
3 (50%)
3 stars
0 (0%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Meeko.
123 reviews6 followers
September 16, 2025
Nang mapanood ko ang closing show ng second run ng 3 Upuan sa Archivo 1984 noong August (2025), tulad ng maraming nanood, hindi ko napigilang mapaluha sa mga eksena dahil sa isang aspetong mayroon ang play—ang pagiging isang kapatid, bilang isa ako sa apat na magkakapatid sa pamilya. Noong pauwi na ako, pinakinggan ko ang Landslide ng Fleetwood Mac, na isa sa mga kantang ginamit sa play, at hindi ko inasahan na mapapaluha ako habang nakasakay ng bus. Ang cliche, ‘no? Maaari. Oo. Pero isang realization ang pumukaw sa akin ng mga oras na ‘yon: na ganito ang epekto ng 3 Upuan sa akin. Parang isang natatanging alaala na kapag napadaan muli sa gunita, paroroon at mananatili hindi lamang ang alaala kundi pati na rin ang pakiramdam na nakakabit dito. Kumbaga’y lingering. Ganon. Kaya naman noong makita ko sa isang IG story na may libro si Guelan Valera-Luarca na kasama ang 3 Upuan, agad akong naghanap ng kopya dahil hindi mawala sa pakiramdam kong kailangang hindi maging alaala lamang ang napanood ko. Kailangan kong may balikan konkretong palatandaan, hindi man ang mismong staging ng play, higit pa sa sapat ang mga salitang bumuo rito.

3 Upuan. Sobrang na-impress ako sa kung paanong inilatag ni Valera-Luarca ang theme ng oras, pighati, pagkawala, at philosopy sa tatlong magkakapatid na bida sa play. Magaling ang pagkakasulat at pagpapakilala sa mga character at pati sa mga kanya-kanyang danas sa buhay. Matibay ang pundasyon ng akda sa reyalidad ng buhay ngunit nag-iiwan pa rin ito ng katanungan at silid sa mga manonood at mambabasa kung paano sila maaapektuhan nito. Ang daming laman at ang daming emosyon ng play na ito, na talaga namang tatagos at pupukaw sa pagiging tao ng bawat isa.

Dogsblood. Hindi nakapagtatakang mananalo ito ng Palanca Award. Maaari nating mahinuha na na matapang ang naging paksa, na may pag-aaklas, may katotohanan. Dahil sa kabilang banda, hindi man tunay ang mga tauhan sa play na ito, tunay ang karanasan na naisulat dito. Sensitibo ang theme, may sobrang graphic na scenes, na makapagpapataas sa emosyon ng mga nagbabasa. Ang husay na naideliver iyon ni Luarca. Dito sa play na ito, mas hinangaan ko ang manunulat dahil sa paggamit ng mga salita upang maglahad at humingi ng hustisya para sa mga biktima ng War on Drugs ng dating pangulo. Ika nga’y it hits close to home. Ganon. Ang bulok na sistema ay kumakalat, lumalaganap, ngunit sa kabila ng lahat, maaaring tumindig at lumaban at sumigaw para sa kalayaan. Na-realize ko na parang ang hirap nitong i-stage as proper play pero opinyon ko lang ‘yon. Nakakapaghinayang lang na na-miss ko ang one-time only staged reading nito noong March (2025).

Corridors. Tulad ng paggamit ng Plato’s Allegory of the Cave sa 3 Upuan, dinescribe ang play na itong bilang “allegory of Filipino evil” na totoo nga naman base sa nilalaman nito. Hindi na rin ako nagtaka na nanalo rin si Guelan Luarca ng Palanca Award para sa play na ito. Ang daming pwedeng i-unpack na tema sa play na ito. Tinalakay iyong mga kultura ng Filipino na toxic pero nakagawian na, may kolonyalismo, pagtalakay sa mental health, at pagkakaiba ng uring sosyo-politikal. At most, sobrang nakaka-bother ang pagkakasulat dito dahil sa profanity at vivid imagery na meron ang play. Sa huli, tila maghahanap ka ng redemption factor, ng liwanag sa dilim, ng pagtakas, ng pagkawagi, na tila ipinagkait ng manunulat. Sa totoo lang, parang ang hirap din nitong i-stage as play pero kung magkakaroon man, syempre manonood ako.

Masyado nang mahaba ito pero ang gusto ko lang sabihin ay ang galing na manunulat ni Guelan Valera-Luarca. Lubos akong napahanga sa kung paano siya nakakapagbigay ng buhay sa mga salita na hugot sa reyalidad at pagiging tao, kaya siguro ganoon ako kamangha sa mga akda n’ya.

Sana mapapirmahan ko itong libro soon.

One of my favorite reads this year.
Profile Image for Kirstene Bolo Villanos.
44 reviews
January 2, 2026
It was a breeze reading through this even if all 3 plays have very heavy subjects. It was my first time reading a book in play/theater format and it feels different. There's a lot more imagination needed because the usual descriptive narratives are missing. Nonetheless, this made me more curious about the actual plays. Wish there will be runs or even screenings for them in the future.
Displaying 1 - 2 of 2 reviews