Kailangan mo ba ng mga idea sa panliligaw? O nagpapabili ba siya sa iyo tuwing nagde-date kayo? Baka naman may number two at three ang kasintahan mo? Gusto mo na bang palitan ang kasintahan mo? Ano'ng gagawin mo? Aba'y patuloy na tumutok at matuto ng mga praktikal na paraan upang masolusyonan ang inyong mga katanungan sa pag-ibig. Halina't basahin ang ating bagong takbuhan ng problema, si Binibining Bebang!
Lora Lynn de Leon Miyembro Flips Flipping Pages Book Club
Beverly Wico Siy grew up in a house that overlooks the sea in a busy district called Ermita in Manila. She loves swimming as a child and, now, she is a licensed scuba diver. Beverly has written in one form or another since she was in college, but literature for children has always been her favorite.
Nakaguhit ba sa ating mga palad ang tadhana ng ating buhay pag-ibig at relasyon?.
Huminge na ng payo at tamang diskarte kay Binibining Bebang, ang super cool at Love Guru ng aklat.
Praktikal, walang keme, prangka, at positibong pananaw ang istilo niya sa pagharap sa mga suliranin at pagsubok sa buhay. Saan niya nakuha ang husay sa pagpapayo? ciempre sa kanyang karanasan at hilig sa pagbabasa.
Sa mga "SMP" jan o Samahan ng mga Malamig ang magiging Pasko, eto na ang solusyon sa inyong problema sa pag-ibig o relasyon.
Sa akin pananaw kaya ito Nuno dahil dapat natin igalang ang mga payo sa atin ng mga nakakatanda at nakaranas na ng mga karanasan sabi nga ay "We learn from our experience".
Enjoy itong basahin dahil bilang isang magulang na nagpapalaki ng anak, makakakuha ka ng pointers dito. Paano yong di mabigat ang dating na payo pero sapul pa rin. Sabi nila kasi, kung paano ka pinalaki ng mga magulang mo, malamang sa hindi, ganoon din ang gagawin mo sa mga anak mo. Kasama na dyan ang mga payo o paraan ng pagpapayo. Yong nanay ko, halimbawa, bago kami umalis mula sa probinsya papunta sa siyudad upang mag-aral sa kolehiyo, parang isang linggo bago umalis, araw-araw na pangaral: verbal yan ha? Non-stop halos magha-maghapon: mula sa pagtawid-tawid sa kalsada, sa pagtitipid dahil di sila ng tatay ko tumatae ng pera, sa paga-aral na mabuti, sa pakikisama sa mga pinsan o maging sa kuya o ate na makakasama sa bahay, sa paggalang sa lola namin o sa mga tiya o tiyo na dumadalaw sa bahay hanggang sa pagkain ng marami. Na-miss ko yon dahil dito kami ng pamilya ko nakatira sa Maynila kaya uwian pa rin dito sa bahay ang anak ko araw-araw mula sa unibersidad.
Kung iisipin mo, ang ginawang pagpapayo ni Bebang dito ay gawain sana ng magulang sa kanyang anak. Kasi nga lang, sa hirap ng buhay ngayon, karamihan sa mga tahanan ay naiiwan sa mga yaya. Yaya ang halos nagpapalaki ng bata dahil kailangang kumayod pareho ang nanay at tatay. Kaya't sino ang nagpapayo sa bata? Malamang ang yaya, kundi pa ang mga kaibigan nila? Eh anong alam ng mga iyan sa buhay samantalang halos pare-pareho pa lang silang nagsisimula sa pakikibaka sa araw-araw? Dyan ko, bilang isa ring magulang, naappreciate ang mga payong kagaya ng kay Bebang dito. Hindi lang hirit to the max na patawa. Marami rito parang may pagka-scientific approach ang format: "Ano ba kamo ang problema mo?" na parang statement of the problem. "Ganito ba? Isa-isahin natin ang sinasabi mo ha?" o parang hypothesis "Kung ganito ang sinabi mo, ito ang masasabi ko, makinig ka" o parang analysis then finally "Kaya ganito ang gawin mo..." na pagtatapos na parang conclusion. Ganito ka-thorough ang mga payo nya pero nakakatuwang basahin at never na boring. Mapapangiti ka dahil totoo ang sinasabi niya. Si Bebang kasi may anak na rin yan kahit bata pa so, di sya traditional nanay na gaya ng nanay ko at di rin naman masasabing wala pang muwang sa mundo dahil marami na ring karanasan na kapupulutan ng mga gintong aral sa buhay. Naks.
Tulad ng naunang libro, kakaibang atake ng pagpapayo sa mga dumudulog o mambabasa ng aklat ni Binibining Bebang.
Mas gusto ko lang ang naunang libro. Pero na-enjoy ko pa rin ang bawat istorya. Mapapatawa ka na lang, at siguradong makaka-relate ka sa mga isyung napapaloob sa bawat pahina.
Walang patid na saya at katatawanan sa mga payo, saway, babala, aral at puso na talagang tatagosan ka "sagad hanggang buto".
Ang mga "baka" o "palagay" ay maitutuwid at panibagong aral ang kapupulutan.
Napawi ang aking lungkot dahil sa mababaw na suliranin subalit naging malalim ang hatid nitong aral.
Dapat natin igalang ang mga Nuno o nakatatanda sa atin dahil bigo man o nagtagumpay sila sa kanilang karanasan sa buhay pag-ibig o relasyon, ito ay magandang halimbawa upang hindi na tahakin ang maling landas at gawing inspirasyon ang magagandang relasyon o payo.
Salamat sa Visprint sa mapagbigay na discount nitong Aklatan All Filipino book fair (November 21, 2019). Binigyan din nila ako ng libreng kopya ng Nuno sa Puso: Relasyon para kumpleto ang experience ko sa pagbabasa ng mga payo ni Bebang Siy. Naramdaman yata nung nag-asikaso sa akin na kailangan ko ng tulong hahaha.
Ito ang unang aklat ni Binibining Bebang na nabasa ko, kaya medyo hindi ko inaasahan na compilation pala ito ng q&a sa pagitan niya at ng mga sumusulat sa kanya. Akala ko may chapter-chapter tungkol sa stages ng love na idi-discuss, parang mga self-help books ba. Hehe.
Gustong-gusto ko yung vibe na ibinibigay ng libro, para akong nagbabasa ng kolumn ng diyaryo at/o nakikinig sa radyo -- may nostalgic feeling na ang gaan-gaan lang sa pakiramdam. Idagdag mo pa ang nakakatawang --pero praktikal-- na mga payo ni Binibining Bebang. Lagi ko ring inaabangan ang mga lagda sa bawat sulat niya -- ang kukulit! Madali lang din basahin kaya natapos ko sa isang upuan lang.
Ito ang ilan sa mga pinaka-tumatak sa akin habang nagbabasa.
Sa hindi pa sigurado sa pagbo-boypren: "...go lang nang go. Kadalasan, win-win situation tayo rito kasi, sa totoo lang, dalawang tao lang ang makikilala mo diyan sa pakikipagrelasyon: ang boypren mo (future BF) at ang sarili mo." Nagustuhan ko 'to dahil wala siyang hint na baka magsisi ka kapag pumalya ang unang relasyon mo, dahil laging may brighter side, na makikilala mo naman ang sarili mo.
Sa first love at first kiss mo: "Matutuwa at matatawa ka na lang, dahil alam mo naman, may mas importante pang mga bagay kaysa sa unang halik at unang pag-ibig." Medyo malapit ito sa puso ko dahil sa totoo lang ay nahihirapan nga akong pakawalan ang aking first love.
Idagdag ko rin ang pagkamangha ko sa pagsagot ni Binibining Bebang sa kanyang mga taga-sulat. Napansin kong iniisa-isa niya ang bawat detalye ng sulat at sinasagot ang bawat isa sa mga tanong/tulong na kailangan ng mga mangingibig. Hindi nagkukulang! Maging sa isang beses na ang kanyang asawa ang sumagot sa liham. Insightful and funny sila pareho. Hindi tao, hindi hayop, kundi bagay na bagay sila!
Sa kabila nito, hindi ko alam kung ano ang dapat kong asahan sa Nuno sa Puso: Relasyon dahil may mga naisama nang liham tungkol sa mga relasyon sa librong ito. Baka walang pinagkaiba? Pero baka rin naman all kinds of relationships yun, siguro 'no? Malalaman at ibabahagi ko 'yan sa book review ko next time.
Kay Binibining Bebang, salamat sa pagbahagi ninyo ng mga payo. Nagkaroon din ako ng mga bagong pananaw tungkol sa pag-ibig. Kung taga-Cavite lang ako, malamang ay tagasubaybay at isa rin ako sa mga sumulat sa inyo!
isa na nga sa mga paborito kong pilipinang manunulat at payo-tista (kung 'un man ay isang salita hA) si bebang siy! nakakaaliw talagang basahin ang mga payo n'ya at pangalawa ko na 'tong pagbasa sa mga kompilasyon ng kanyang mga payo sa isang libro. gustong gusto ko ang personalidad nya na nadadala sa kanyang pagatake sa mga problemang dala sa kanya ng sambayanan. napakawitty n'ya at hinding hindi ka talaga maboboring sa pagbabasa at may mapupulot ka rin na mga aral (at kawitty-han, gusto ko talaga iyon. tsaka siguro kaya ko mahal ang gawa nya dahil naalala ko sa kanya ang isa sa mga kaibigan ko at pinagsama pa sa kaprangkahan, at way ng pagsulat. nakakagiliw na libro ! :>>
~*~ "Marami ka pang makikilala, Ivy. 'Wag nating sayangin ang oras natin sa speculation. Hindi tayo binigyan ng buhay para mag-speculate na lang nang mag-speculate. Binigyan tayo ng buhay para ma-experience natin mismo ang lahat ng puwede nating maexperience. --Iwasan ang paghihintay. Kapag mas active ang role natin sa love life natin, magiging mas masaya tayo. 'Yon ang ugat ng pag-ibig: ang happiness. "
Nakakatawa, at talaga may sense ang mga advise ni Bebang sa mga problema ng mga kabataan sa pag-ibig.
Pero kung tutuusin, kailan ka nga ba magiging matured sa pag-ibig?
Hmm...
Noong sinimulan ko tong basahin, medyo nahirapan akong ipagpatuloy, dahil hindi ako makarelate (yun lang) at hindi ko ma-gets kung bakit kailangan pang magtanong, kung obvious naman ang dapat gawin.
But then again...
Nag-iiba nga siguro ang mga pananaw natin sa buhay, lalo na kung tayo ay nasa gitna ng dagat ng pag-ibig. Minsan, nakakatanga talaga ang love (nakakadrugs ba ang asin? Anyway.) kaya kailangan na natin ng divine intervention. Or in this case, Bebang intervention.
Ang husay niya magbigay ng payo.
Kasi kung ako yun, ang isasagot ko lang siguro ay (lalo na kung hindi ko talaga kakilala), "E ano ka ba? Tinatanong pa ba yan? Try mo kaya mag-isip."
Pero syempre, joke lang yan.
Medyo.
We all have those moments.
Anyway.
May mga payo siya ng gusto ko i-payo sa mga kaibigan, pero mahirap gawin dahil... sila ay mga kaibigan. (Alam niyo naman, "sensitive".)
So I just highlighted these lines, and pray that when I lend them this book, they would read it, and have an epiphany.
Boom!
Ganyan kahusay ang mga sagot niya dito! Talagang magkakaroon ka ng Aha! moment.
If you have love problems, you didn't want a complicated bloody solution. Here's the answer to your long prayers.
The love advises were relatable and funny. It comes from the Queen of Humor itself Bb. Bebang Siy. You'll never get bored when you're reading the book.
Swak na swak ang mga payo tungkol sa pag-ibig. Aliw, eh. At litaw sa mga sinasabi ni Binibining Bebang ang kanyang mga paninindigan tungkol sa mga bagay-bagay. Sulit.