Wala talagang patnubay kung paanong wala talagang panahon. Pero may mga panahon na parang naghahangad ng patnubay. Kaya nililikha natin kahit ang idea ng mga patnubay tulad ng araw-araw nating paglikha sa panahon.
Edgar Calabia Samar is a multi-awarded poet and novelist from the Philippines. His first novel, Walong Diwata ng Pagkahulog, received the NCCA Writer’s Prize in 2005, and its English translation as Eight Muses of the Fall was longlisted in the Man Asian Literary Prize in 2009. In 2013, he received two Philippine National Book Awards––one for his second novel, Sa Kasunod ng 909 (Best Novel), and another for his book on the creative process, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (Best Book of Criticism). Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, the first book in his YA series Janus Silang, also received the Philippine National Book Award for Best Novel in 2015 and the Philippine National Children’s Book Award for Best 2014-2015 Read in 2016. He has also received prizes for his poetry and fiction from the Palanca and the PBBY-Salanga Writer’s Prize. His other books include Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay, a poetry collection, and 101 Kagila-gilalas na Nilalang, a children's encyclopedia of Philippine fantastic creatures. In 2010, he was invited as writer-in-residence to the International Writing Program of the University of Iowa.
Para sa akin, ambisyosong akda ang Pitumpung Patnubay sa Paglikha ng Palagiang Panahon—sa paraang matayog na bundok ang tinatangka nitong abutin. Marahil ay dahil hindi lamang ito basta listahan ng mga patnubay sa paglikha, kundi isang pagsisikap na makaambag sa indibidwalismo sa paraan ng pamimilosopiya.
“Naririto tayo dahil pare-pareho tayong nangangarap ng mundong higit sa naririto.”
Marahil sa isang punto sa buhay nating lahat, nasubukan o sinubukan nating mangarap ng mundong higit pa sa mayroon tayo. Dito nakasentro ang pangunahing mensahe ng Patnubay—ang pagpupursigi para sa isang mas makulay at mas may katuturang buhay at ang pagtalikod sa malupit na optimismo na siyang nagiging sagabal sa paglaya sa kung anumang kinasasadlakan natin.
Subalit, sa tingin ko, nagkulang ang akda na remedyuhan ang katotohanang marami sa atin ang matagal nang tumigil mangarap—dahil sa paulit-ulit na kabiguan, kawalan ng pag-asa, o sa pagkakondisyon sa kanilang isip (na sa tingin ko’y ang pinakamalubhang dulot ng malupit na optimismo). Sa paanong paraan natin mahihikayat ang mga taong mangarap ng mundong higit sa naririto (bilang tugon at paghihimagsik sa malupit na optimismo at sa ating mga kabiguan) kung ito mismo ang pinipigil ng malupit na optimismo at paulit-ulit na kabiguan? Ito ba ang pampigil sa pumipigil kung ito nga ang pinipigil ng pumipigil? Marahil, ito ang dapat nating balikan higit sa lahat. Sa lahat ng Patnubay, ito sa tingin ko ang higit na mahalaga—ang hindi tumigil sa pangangarap. Kung paano ito gagawin sa harap ng laksa-laksang aparato ng may kapangyarihan upang ideolohikal na manipulahin ang mga tao na makuntento sa mga kasawiang kinalulugmukan nila, ito ang hindi ko alam. Kung tama ba ako na dito rin nagkulang ang Patnubay, hindi rin ako sigurado. Marahil mali ako. Paumanhin.
Sa kabila nito, dito ako sigurado: pinapatunayan ng Patnubay na hindi natin maaaring iasa ang paglikha ng mundong higit sa naririto sa mga makapangyarihang ang tanging adhika ay panatilihin ang status quo sa pamamagitan ng paghahain ng malupit na optimismo sa iba’t ibang paraan at anyo.
Nagustuhan ko ang perpektong balanse ng pamimilosopiya ng may-akda at ang personal na pagsasanaysay nito. Mabigat at enigmatiko ang pagmumuni-muni ng aklat, ngunit sa paraan ng istruktura nito, na sinusundan kaagad ng sinserong pagdedetalye sa personal na buhay ng awtor, nahihikayat nito ang mambabasa na manatili at hindi maumay sa diskursong sinusubukan nitong ilatag. Ang resulta, tamang timpla ng intelektwal at madamdaming salaysay. Hinihikayat nito ang mambabasang abutin ang matayog na bundok; ngunit sa kanyang paglalakbay, iniaalay ng awtor ang kanyang presensiya at pagsama. Parang kaibigang nag-aabot ng kamay para tulungan kang makarating sa rurok ng kaligayahan at pag-unawa.
“Alam ko, anumang sandalling isipin kong ganoon talaga ang buhay, tungkol sa kahit anong bagay, kailangan kong tumigil at baklasin agad ang ganoong pag-iisip. Konstruksiyon lang iyon. Hindi kailangang ganoon ang buhay.”
salamat sa librong 'to. sa bawat araw na binabasa ko 'to, sa loob lamang ng dalawang linggo nagkaroon ako ng panibagong kaibigan na kahit ang layo-layo nyo sa isa't isa, siya namang ang lapit-lapit ng mga kwento. ang tagal na nung huling pagbabasa ko sa mga ganitong uri ng libro. hindi ko na namalayan na natapos ko na pala. ayun, ito yung mga libro na makakasundo mo, tipong mabibitin ka sa kwento, kaya tama ang desisyon ko na basahin 'to pakonti-konti, tuwing uuwi galing trabaho, bago matulog, sa tuwing magigising nalang bigla dahil sa init ng panahon. higit pa man, salamat sa pagbabahagi ng mga personal na bagay at kwento.
Kung nasusubaybayan mo ang mga unang naiisip ni Sir Egay sa kaniyang paggising, tiyak na magugustuhan mo itong kaniyang Pitumpung Patnubay sa Paglikha ng Palagiang Panahon. Para itong isang kaibigan na nagkukuwento sa iyo ng kaniyang mga danas, at sa danas ng bayang palagi niyang tinatanaw kahit mula sa malayo, nakikisimpatya at nakikiisa sa mga danas ng mamamayan na palaging lumalaban sa buhay. Pakikipag-usap din ito sa manunulat na nagpapayo sa kapwa manunulat na palaging magsulat, dahil "Ang araw na pinakamahalaga para makapagsulat ay laging ngayon," kahit na ipinapaalala rin niya na wala sa panitikan ang kaligtasan, lalo na sa panahon na "binibilog pa rin ang mundo natin / pinapatag ang mga bundok at himagsik", na "Hindi tinatakasan ang realidad kapag nagsusulat. Tinatakasan nito ang pagtanggap na hanggang dito na lang ang realidad." Para din itong love letter sa kaniyang mga mambabasa dahil makikita rito ang kaniyang pagpapahalaga sa katulad nating tagasubaybay niya. Ang problema ko lang, nakaramdam muli ako ng pag-iisa nang isarado ko ang aklat, tila pag-iwan ng isang kaibigan. O baka ako ang nang-iwan dahil tapos na? Baka nga kailangan ko lang din ng kausap at pag-asa kaya itinuring kong kaibigan ang aklat. Marahil babalikan ko ang aklat na ito sa hinaharap upang hindi ako makalimot, dahil "Minsan, hindi natin kailangang bigyan ng kahulugan ang isang bagay, pero puwedeng huwag nating kalimutan." At gusto kong itatak sa isip ko ang maraming bagay na nilalaman ng aklat kahit "Wala talagang patnubay kung paanong wala talagang panahon."
Hindi ko masasabing magaan basahin ang aklat na Pitumpung Patnubay sa Paglikha ng Palagiang Panahon, pero masasabi kong tila isang mahigpit na yakap ang laman nito, kahit hindi mo hinihingi. Kung iniisip mo na ang aklat na ito ay manwal sa pagsulat ng akda, basahin ang pamagat, binubuo ang aklat ng mga patnubay, na nagmumula sa personal na danas ng mananalaysay. Mabilis lang talaga ito basahin, may mga kaibigan ako na natapos nila ito sa isang upuan, pero ako, pinili ko ang tumigil sa tuwina, sa mga pagkakataong gusto kong namnamin ang mga nabasa. At ngayon ko nga ito natapos, hinuli ko ang sanaysay tungkol kay Wu at isa itong hiwalay na reading experience para sa aklat.
Panigurado, darating ang hinaharap, bubuklatin ko muli itong aklat para basahin. Upang makatanggap ng yakap mula sa mga salita. At magpaalala sa mga 'di dapat kalimutan.
Naiintindihan ko ang sinasabi ng ibang mambabasa na itong libro ay isang uri ng yakap na kaya kang sabayan sa pang araw-araw na agos ng buhay. Malungkot, na may mga panandaliang pagtatagpo ng panahon at may kapanatagan sa mga alaalang minsan hindi pinipilit pero dumadampi sa saglit-saglitang pagkakataon.
Isang malaking yakap ang akdang ito. Pakiramdam ko’y para akong batang inalo mula sa pag-iyak, binilhan ng ice cream pagkatapos bunutan ng ipin, pinunasan ng bimpo tuwing may lagnat, at sinundo ng tatay ko ng bike pagkatapos ng eskwela. Napakatapang at punong-puno ng pag-ibig.
Bilang matagal nang tagasubaybay ni Sir Egay, ito ay danas labas sa social media. Personal. Lirikal. Pulitikal. Na ang lahat ng ugnayan ay isang paglalakbay sa proseso ng paglikha.
Si T—- Si M —- Si Yosuke Si tatay Si N—- Si Wuqijin Si Ivan At si Egay sa kanyang sarili