What do you think?
Rate this book


274 pages, Paperback
First published October 10, 2009
Nakakahiya naman magpasa ng review lalo na’t hindi ko naman alam ang mga sasabihin ko. Pero dahil kating-kati na ‘yung mga kamay ko na i-type ‘yung mga saloobin ko sa AFGITMOLFM, nakagawa ako. Though, hindi ko alam kung may sense ba mga pinagsasabi ko dito huhu.
Well, first of all, I wrote this entry because I want to win the second part of the book. Pero syempre, sinulat ko ‘to dahil gusto kong mailabas ‘yung mga nararamdaman ko sa AFGITMOLFM na hindi ko mailabas-labas since last year (which is July 2013).
Kung tatanungin mo ako kung bakit nagustuhan ko ang AFGITMOLFM, syempre ang unang isasagot ko ay… dahil sa title. Sino ang hindi ma-cu-curious sa title? Para sa akin, ‘yung title ang main highlight ng story. Bakit? Kasi sa title mismo iikot ang buong story.
Ang isa pang dahilan kung bakit ko nagustuhan ang AFGITMOLFM ay dahil hindi ipinagsisigawan ng title ang plot ng mismong story. Long story short, napaka-mysterious at unpredictable ng title. Mangangapa ka talaga sa mga susunod na mangyayari.
May mga kwento kasing predictable na nang dahil sa title. Ang AFGITMOLFM? Hindi. For example, nakakita ka ng title na sobrang haba na para bang kinwento na ‘yung buong story, hindi ba makakaramdam ka ng inis at hindi na lang babasahin?
Pero kapag ‘yung AFGITMOLFM ang nakita mo, mapapasabi ka na lang ng “Ka-curious.” At para malaman ang meaning ng title na ‘yon, kailangan mong basahin nang buo. So ‘yun nga, binasa ko nang buo ang AFGITMOLFM (Wattpad version).
To be honest, hindi ko na alam kung ilang beses akong naiyak, kinilig at nakaramdam ng ‘butterflies in my stomach’(though, hindi ako sa Ianne HAHA), natawa, nainis, nakahampas, nakasabunot, at nakasapak ng pader sa AFGITMOLFM. ‘Yung mga lines kasi sa AFGITMOLFM, tagos. Mararamdaman mo talaga. Hindi makakalimutan.
About sa plot naman, masasabi kong it’s very UNEXPECTED. As in, hindi mo talaga malalaman kung ano’ng mangyayari sa susunod na chapter. Akala mo si Nate na pala ang makakatuluyan niya pero hindi pala. Akala mo maaagaw na ni Cloud si Ianne kay Nate pero hindi pala. Akala mo Galis talaga ‘yung apilyedo ni Lemaris pero hindi pala.
Nung nalaman ko na ipa-publish na ang AFGITMOLFM under Pop Fiction (an imprint of Summit Media), kinabahan ako. Sabi ko pa no’n, “Saan ako kukuha ng pera!?”. I’m only a grade nine student, umaasa pa ako sa mga magulang ko. May pera naman ako pero laging napupunta sa McDonald’s.
Pero nung nakita ko na nga ‘yung libro sa National Book Stores, naisipan kong bumili. Tiniis kong ‘wag daanan ang canteen para ‘di na masayang ang pera ko. Ganu’n din sa McDonald’s. Tiniis kong ‘wag mapadaan sa dalawang ‘yon at napagdesisyonan kong magbaon na lang para tipid.
Tapos ko nang basahin ang AFGITMOLFM Part 1: Euphoria. Siguro, isa sa dahilan kung bakit ko binili ‘yung book version dahil sa p-in-ost ni ate Rayne sa Wattpad. ‘Yung Chapter 00: My Meaning at Chapter 01: I, N, and A. Na-curious ako nang bongga sa last line ng Chapter 01!
‘Yan! Isa ‘yang line na ‘yan sa mga dahilan kung bakit ko binili ang book version ng AFGITMOLFM! Diyan ako na-curious nang bongga. Kasi sa Wattpad naman, wala namang nasagasaan, hindi ba? Kung meron man, matagal pa mangyayari. Eh ‘yan, pambungad, eh. Naiyak kaya ako diyan noong hindi ko pa nabibili ang book. Talagang pinaulit-ulit ko ang pagbabasa sa Wattpad ng Chapter 01 ng book version.
To be very honest, ang simple lang ng cover ng AFGITMOLFM. Bagay sa character nina Ianne at Nate. Alam naman nating lahat na simple lang ang buhay ang dalawang ‘yon. Walang mga arte sa katawan. At, kinikilig talaga ako sa cover ng book dahil isa ‘yon sa mga scenes sa Part 1: Euphoria.
‘Yun ‘yung scene na nilalayuan ni Ianne si Nate hanggang sa napadpad na lang siya sa ground. If I’m not mistaken, practice nila no’n sa The Demon and the Maiden. Kakatapos lang niya umiyak sa favorite niyang cubicle. Ang simple ng cover pero napakaraming kahulugan. Sweet kaya ni Ianne tignan habang hinahalikan ang noo ni Nate.
Sa Wattpad version ng AFGITMOLFM wala namang mga illustrations kada chapter kaya pahirapan sa pag-i-imagine. Hindi katulad ng sa book, mayroon. Nakakatuwa lang magbasa habang nakakakita ng mga illustrations kada chapter. Nakakaengganyo. Nakaka-excite. Pampagana.
Hindi ako nakaramdam ng pagkabagot kasi na-i-imagine ko ang mga scenes nang dahil nga sa mga illustrations. Tanong ko lang po since hindi pa ako nakakabili ng kahit anong Pop Ficiton books except sa AFGITMOLFM. ‘Yung AFGITMOLFM lang po ba may illustrations kada chapter. If so, ang cool! Halatang pinag-effort-an mo ate Rayne ang pag-isip ng mga illustrations. Nakaka-excite tuloy makita ‘yung mga illustrations sa part 2.
At saka ‘yung illustrations pa sa first two pages. ‘Yung nakasayaw ni Art si Ianne at parehong nakangiti si Nate at Ianne. Sigurado akong si Nate ‘yung nakangiti sa unahan kasi emotionless naman si Art, eh. Kinikilig ako ro’n! Hindi ko tuloy kung sa’n ba akong team. ‘Yung magkasayaw sina Art at Ianne kasama rin ‘yon sa mga scenes sa Part 1: Euphoria! Ang cute lang talaga.
Nakakatuwang isipin na mayroon na akong book ng Part 1: Euphoria. Bakit? Kasi maraming nabago. Katulad na lang nung nasaksak si Ianne. Sa Wattpad, totoo ‘yun. Pero sa book, panaginip na lang. Syempre, natuwa ako kasi binago talaga. Paano na lang talaga kung nasaksak pa rin si Ianne sa book? Ang sakit sa puso no’n. 3. Gusto kong bilhin ‘yung librong alam kong edited at dinagdagan na ng scenes. Ang maganda kasi AFGITMOLFM, pinaparating nito na hindi lahat ng mga couple ngayon, eh, hanggang dulo na. ‘Yun ang nagustuhan ko sa plot.
Kahit gaano pa ka-sweet sina Ianne at Nate sa isa’t isa, pinili pa rin ni ate Rayne na patayin si Nate at maging si Art na lang ang meaning ng love para kay Ianne. Bakit niya nagawa ‘yon? Kasi ‘yun naman talaga ang dapat na mangyari. Sinusunod niya lang ang title.
Kung si Nate ang nakatuluyan niya hanggang sa dulo ng story, edi hindi dapat “AFGITMOLFM” title. Magiging “DNMMITMOLFM” na ang title. Ang haba, hindi ba? Ang hirap pang basahin. At saka, kahit masakit para sa kaniya na patayin si Nate, piñata niya pa rin. So ano nga ba’ng point ko? Ang AFGITMOLFM ay halatang pinag-isipan. Magkakakonekta ang mga nangyayari.
"Love is the most wonderful gift to have, yet the hardest to keep, and the most painful to lose."
--AFGITMOLFM, Rayne Mariano
"WARNING: Mababaw lang meaning ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang."Ayun nga, sana nakinig ako. Ayan tuloy. In short guys, don't keep your hopes up. Pero kahit ganun lang meaning, worth it ang pagbabasa ko—marami akong natutunan.









Una sa lahat gusto kong pasalamatan si Ms. Rayne Mariano o mas kilala bilang si Pilosopotasya sa pagbibigay ng gantong oportunidad ang “The Dahil Mabait si Rayne Giveaway" dahil isa ito sa nagbibigay daan upang masabi namin ang aming mga saloobin sa bawat katha na aming nababasa mula sa isang hinahangaan na manunulat na tulad mo at gusto din kitang batiin na congratulation dahil finally na publish na ang isa sa iyong nobela na alam kong pinaghandaan mong mabuti upang mas lalo pa itong mapaganda kung kaya sana ay masundan pa ito para sa ikasisiya namin lahat.
Sisimulan ko ang pagreview ng librong AFGITMOLFM part 1: Euphoria sa kanyang appearance o book cover nito, ang masasabi ko ay sobrang ganda talaga ng ilustrasyon mula sa malikhaing mga kamay ni Jonathan V. Teodoro saludo ako sa gawa niya dahil nabigyan niya ng kakaibang kilig ang cover ng AFGITMOLFM dahil sa cover palang ramdam mo na yung spark of love ng dalawang nasa larawan kaya naman nung nilabas ang official full book cover nito ginawa ko ng wallpaper ng cp ko hahaha.
Para sa kulay ng boarder na ginamit talagang napa-WOW ako dahil paborito ko ang kulay berde, dahil naniniwala ako na berde ang kulay ng dolyar $$ hahaha its so benta talaga for me!१✌˚◡˚✌५ pero seryoso ang kinaganda ng kulay berdeng boarder para sa libro ay dahil nag match siya sa kulay ng illustrasyon dahil makakaramdam ka ng kaginhawaan sa kulay nito at bukod dun ay talagang catchy ang cover na kahit nasa malayo ka nakapwesto at makita mo lang ang kulay ng cover alam mo na agad na AFGITMOLFM yun kaya malaking tulong talaga para sa mga malalabo ang mata na tulad ko haha yun kasi ang na experience ko nung binili ko ang libro na ito asa likod kasi ng counter kaya hindi ko ganung makita at tanging kulay lang ang nakikita ko pero kung makaturo ako at makapagbanggit ng title ay mukhang sigurado ako hahaha kaya isa yun sa advantage ng pagkakaroon ng catchy at strong color na book cover na tinaglay naman ng AFGITMOLFM kaya para sa akin POP NA POP ang book cover.
Para naman sa quotes nito na “Love is the most wonderful gift to have, yet the hardest to keep, and the most painful to lose.” well nanalig talaga ako diyan ng bongga, napakasarap naman talaga sa pakiramdam na may minamahal ka at may taong nagmamahal din sayo, kaya kung hindi ka nanalig aba humarap ka na inday sa salamin baka hindi ka tao haha charot lang :D. Pero hindi pa din natin maiaalis ang katotohanan na may sakit din na dulot ang ating pagmamahal.
At syempre hindi dapat kalimutan ang title nitong AFGITMOLFM na talagang napaka unique dahil ang lakas makasampal ng kuryosidad once na mabasa mo ito dahil mapapaisip ka kung ano ang nasa likod ng title na ito kung kaya naman kung isa ka sa mga na biktima ng mga utang na loob na mga spoiler na yan! haha galit na galit? haha medyo nabiktima din ako e haha. Don’t worry dahil kahit na spoil ka once naman na inumpisahan mo na ang pagbabasa ay papasok pa din sa isip mo na “talaga bang yun ang meaning nun?” kasi ramdam mo pa din ang confuse kahit na spoil ka na, kaya wag mawalan ng pag asa dahil sumisilyab pa din ang kuryosidad mo sa katawan kahit na spoil ka na!. :D
Dumako naman tayo sa mga Pin ups nito sa loob at once na makita mo ito ay mapapa HUMIGAD!!! ka na lang dahil sobrang ganda talaga lalo na yung couple shirt nila I swear papagawa din ako ng ganun hahaha inggetero lang ^^ dun pa lang sa pin ups makikita mo na kung gaano ba kasarap at kasaya ang magkaroon ng TAOng minamahal inuulit ko TAO po huh hindi pagkain yung iba kasi inlove daw sa pag kain haha kaloka. Napaka gaan sa pakiramdam ang pin ups dahil yung ngiti palang ng dalawang pares nakakainspire na lalo na kung meron ka din pag-ibig ngayon dahil iisipin mo na dapat kagaya nun nasa larawan e maging ganun kasaya din ang love life natin kung pwede pa nga mahigitan pa diba? kaya malaki ang tulong nito para mas maging makulay pa ang ating buhay pag-ibig (ayiee kilig mats >.<)
hindi ko din palalampasin ang bookmark dahil iyon ang pinaka malaking kinaibahan sa lahat ng mga Pop Fiction books dahil hindi katulad ng book cover ang design ng bookmark ng AFGITMOLFM at nung makita ko ang post mo sa fb na pag pinagdikit ang bookmark ng Euphoria at Nostalgia lalo akong na pa WOW WOW WOW ang galing ng concept pinagisipan at napaka unique kaya naman saludo na ko talaga sa Team nyo AHIHI
Unang-una ito lang ang tanging libro na nabasa ko na imbis na mag simula sa prologue ay nag umpisa naman sa Chapter 00, Diba tanging isang Pilosopotasya lang ang makakisip ng ganyang eksena haha san ka pa! at dito sa chapter nito ipinaramdam at ipinaintindi sa atin kung ano ang mga kahulugan ng Love dahil alam natin na tayo ay may ibat-ibang depenisyon ng pag-ibig depende sa atin mga nararamdaman. Bigla ko din naalala dito yung mga meaning ng Love na madalas ko isinasagot sa mga slam book way back in my high school days hahaha "Love is like a rosary that full of mystery" hahaha palong palo. ヾ(@^▽^@)ノ
Pangalawa naka agaw pansin sa akin ang mga Chapter illustration mula naman sa malikhaing kamay ni Jerryk Gutierrez nakakainggit po kayo dahil may mahika ang inyong mga kamay talaga. Isa rin kasi ito sa mga naging dahilan kung bakit napapa extend ang pagbabasa mo dahil sa kagustuhan mo na malaman ang koneksyon ng larawan sa loob ng chapter na iyon kaya kung mag rarank ako ng from 1 to 10 syempre ibibigay ko 10 na! dahil first time ko na makakita ng ibat-ibang chapter illustration sa isang libro ever! Dito ko unang naranasan na para akong nasa computer shop na nag eextend ng chapter kahit na antok na antok na ko dahil gabi ko to inumpisahan basahin at kaka extend ko hindi ko namalayan na patapos na pala ko sa pagbabasa haha.
Pangatlo madaling maimagine ang bawat scenario ng kwento dahil napaka realistic ng bawat tagpo hindi mo man ganung namamalayan pero I’m sure minsan mo na itong nakita o nagawa at dahil sa sobrang naka relate ka makikita mo na lang ang sarili mo na tumatawa ka na pala mag isa haha sisa lang ang galawan ano po ? haha why so benta talaga :D.
Pang apat na medyo dikit sa pangatlo may mga lugar na nabanggit na marerealize mo na napuntahan mo na pala halimbawa na dun yung Greenwich at Jollibee na magkadikit lang na akswali minsan ko na rin napuntahan sa isang mall ang galing kasi ang pagbibigay o paggamit ng ganun ka realistic na lugar ay nakakatulong para muli natin maalala ang storya ng libro everytime na pupunta ka sa lugar na iyon, sasagi na lang sa isip mo na baka andun si Papa Art diba? hahaha kaya never kong makakalimutan ang AFGITMOLFM promise.
The last but not the least may isang bagay akong natutunan pagkatapos kong basahin ang librong ito na “DON’T EXPECT TO MUCH… NAKAMAMATAY!” . Grabe naman kasi ang twisting ng story na ito dahil yung inaakala mo na nangyari ay isang malaking echusa lang pala hahaha nako kung literal lang na nahuhulog ang panga natin baka basag na yung akin dahil sa dami ng twisting haha kaya napaka importante na tuloy tuloy mong basahin ang libro dahil mahirap na pag natigil ka sa pagbasa mahirapan kang makatulog kakaisip kung ano na kaya ang nangyari sa tauhan haha.
So let’s forward sa mga Characters
Kay Nate ang masasabi ko lang well CRUSH KO NA SIYA!!!! haha attracted ata ako sa tulad niyang makulit pero mapagmahal, pasaway pero malambing at lagi pang may baong pick up lines haha ne se kenye ne eng lehet pramis pero lahat ng pagnanasa ko este pag hanga ko sa kanya nawala dahil isa pala siyang malaking duwag!para hindi sabihin ang lahat kay Ianne! alam ko lahat may dahilan kung kaya ayaw ko siyang husgahan pero kasi nakakainis kasi talaga ee! so ano pinaglalaban ko ? Hustisya hahaha jowk siguro dahil minsan ko na din naranasan ang masaktan sa isang bagay na wala akong ideya kung bakit ko yun nararamdaman gayong ang alam ko ayos lang sa amin ang lahat. Helow! hindi kaya manghuhula kaming mga girls ayy boy pala ko hahaha owkey sige na pati pa girl na din ahha benta pa more . :D
Kay Papa Art as of now wala pa kong masasabi sa kanya kundi napaka misteryoso niya a graveycious ang cold niya baka pag nakasalubong ko siya matanong ko siya na “Kuya may tinda kayong yelo” haha ang korni ko nakakahawa ni Ianne talaga. So in short wala pa ko masabi dahil wala pa sa kanya ang spot light.
nasabi ko na bang ang ganda ng story mo Ms. Pilosopotasya ? oo naman pang 8x ko nga nasabi yun ee hahaha ayiee bibilangin niya yan ahaha choz hinding hindi ako magsasawang sabihin na NAPAKA GANDA NG AFGITMOLFM at isa ito sa mga libro na irerecommend ko sa iba pang mahilig din sa mga libro at hindi ko ito ipagdadamot sa iba kong kaibigan na hindi bumibili ng libro pero nanghihiram sa akin as soon as iingatan nila gaya ng ginagawa kong pag iingat.
Thank you ulit sana nagustuhan mo ang review ko na talagang pinaghandaan ko tulad ng ginawa mong paghahanda sa pag buo ng librong ito at hindi ako lasing ng sinulat ko ito hik hik (✪㉨✪) I <3 U Pilosopotasya Hi ate Rayne. Unang-una sa lahat gusto kong malaman mo na 'I LESS THAN THREE YOU'. Pramis! Walang halong keme. Sa totoo lang marami akong gustong sabihin na papuri sa'yo, kaso baka isipin mo binobola lang kita. (Peace) Wala rin naman iyong connect sa book review, hindi ba? Hahaha! SAYANG! Pero, totoong lubos kitang hinahangaan. AS IN SOBRA-SOBRANG HINAHANGAAN. Isa ka sa dahilan kung bakit hindi ako nagigive up sa pangarap ko maging author/writer in the future. Sana pati ang 23:11 maipublish din. NANINIWALA AKO NA MAKIKITA KO IYON SOON SA LAHAT NG BOOKSTORES. At bago pa humaba ito, sisimulan ko na ang book review. XD
AFGITMOLFM. Since certified Pop Fiction lover ako, hindi ako nahuhuli sa update ng mga bagong labas na book ng Pop Fiction. Yung time na pinost ng Pop Fiction sa FB, IG, at Twitter na available na ang AFGITMOLFM sa lahat ng bookstores, na curious talaga ako ng bongga. Unang nasabi ko sa sarili ko 'HUUH?! Whattaa Title? Like, seriously?'. No hate pero ang gara talaga. (Peace) Malaking tanong talaga sa akin kung ano ba ang ibig sabihin nun. Until some of the spoilers ay nag comment. Something like 'Oh my goshh churva ekk ekk available na ang ART FELIX GO IS THE MEANING OF LOVE churvaness churvaness'. Hindi ko rin inakala na sobrang sikat pala talaga ng AFGITMOLFM. Even yung mga idol kong authors pinaguusapan iyon. Kaasar lang talaga kasi gusto ko ako mismo yung unang makaalam ng meaning nun. Anyway kakaiba ang title, hindi katulad ng iba na laging may 'Date, Dating, Playboy, Casanova, at pinapangunahan ng The'. Nanggaling talaga sayo ang title at dahil diyan *clap* *clap* *clap*.
Kahit nahiwagaan ako noong una sa title, still bumili pa rin ako ng copy ko. I find it so interesting. Bago ko tanggalin ang seal, binasa ko muna yung prologue. Nahiwagaan nanaman ako and at the same time natawa. XD Pramis! Ang weird kasi. Base kasi sa pagkakaintindi ko Nate ang pangalan ng lalaking bida at Ianne naman ang babaeng bida. Tungkol sa love story nila ang kwentong iyon. Iyon agad ang naisip ko. Weird! Kasi Art ang pangalang inaasahan kong makita sa prologue. Naexcite talaga akong basahin iyon. Isang malaking tanong sa akin kung may Art ba talaga na character sa kwentong iyon. Magulo ang prologue noong una, author. XD (Another peace )
PERFECT! Ang ganda ng cover. Supeeer! Kainlove. Yung cover yung isang dahilan kung bakit hindi ako nag dalawang isip bilhin ang libro. Magpasalamat ka ng bongga sa illustrator mo ate Rayne. Kahit sa color ng book, natuwa din ako. Ang sarap sa mata. Green is just so . Hindi ako nagsasawang tignan yung cover even yung mga pictures sa loob. Shemay! Can't help my self na kiligin. Hindi kasi masyadong...sorry for the word pero hindi ako nalalandian sa cover. Unlike sa ibang book na masyadong... Basta! XD hahaha! Yung tipong mapapa 'Eww' ka nalang. Alam ko nagegets mo yung sinasabi ko. Ang hirap i-explain, basta ang sarap titigan at gawing wallpaper sa phone. Yung mga Pin-ups, grabe hindi ko inasahan. AFGITMOlFM book lang ata yung may pin-ups bawat chapter. Ang saya kasi sobrang worth it talaga ng libro. Basta Pop Fiction asahan mo nang maganda. (Two thumbs up for that )
Iyan ang panimula mo. Isang tanong na binibigyan ng malaking kahulugan ng karamihan, na kung saan isang simpleng tanong lang para kay Ianne. AFGITMOLFM daw. Ang sakit sa ulo talaga noong una. But sa intro pa lang na challenge agad ako na malaman kung bakit nga ba AFGITMOLFM.
Si Ianne? Hmm. Gusto ko yung ugali niya. Actually, medyo nakakarelate ako sa ugali niya. Yung tipong minsan masungit pero madalas kalog. Gusto ko rin yung pagiging matapang niya. Pero yung pagiging matapang niya may tamang oras. May mga oras kasi na kapag hindi na natin kaya, umiiyak nalang tayo para mailabas kahit papaano yung sakit. Ganoon na ganoon kasi ako at thank you ate Rayne kasi gumawa ka ng character na tulad ni Ianne na nagbigay sa akin ng courage para maging mas matapang pa. (Drama 101) Si Ianne yung tipo ng babae na hindi dapat SINASAKTAN.
Asar. Sobrang asar talaga ako noong una kay Nate. -.- Nakaka badtrip kasi talaga yung mga characters na lalaki sa wattpad na puro pa sweet yung mga words. Haha! Sorry. (Peace ulit) Gusto ko kasi yung ma effort. MEDYO ma effort naman siya na boyfriend. MEDYO sweet sa moves pero arghhh! Bakit ba?! Ayaw ko talaga sa attitude niya noong una.
JEJEMON PA!XD -.- Hanggang sa tumagal. MEDYO nagiging okay na. The fact na habang tumatagal na fifeel ko na mahal niya talaga si Ianne. No comment nalang ako. Siguro kaya ako ganto kasi may ibang kutob lang talaga ako. Hanggang sa napunta ako sa ending at......,WHATDAAA ASFTBQNJSNOLQPAM!!!!! Bakit? Kung kailan nagiging okay na ako, saka naman.... Ayokong maging spoiler. XD Ang sarap niyang sipain papuntang pluto o kung maaari pasabugan nalang. (Brutal ba?) Haha! JOKE!
Asar. MAS ASAR! Asar na asar na ASAR. May Nate na nga na pa sweet, dumagdag paaa! Tuwing may nakikita akong pangalan niya naaasar talaga ako. Manyak na Hapon. Kadiri!! Akala ko noong una rapist talaga si Cloud. Hahaha! Sorry author. Everytime na iniisip ko mukha niya base sa pag describe sa itsura niya, naiinis talaga ako. Noong lumaon (Wow! Ang lalim) at nang makilala niya si Erin... Shocksss! Bawat paglipat ko ng page ng libro gusto ko makabasa ng update between sa kanila ni Poleng. Ang cute kasi. Yung time na nasa airport na siya at dumating si Erin, hay! Nasabi ko nalang sa sarili ko na 'SA WAKAS'. Dahil mawawalan na ng asungot sa buhay ni Ianne at magkakaroon na silang dalawa ni Erin ng Happy Ending. :">
Laughtrip. XD Nakakatawa siya. Sobra. Hahahaha! Hindi siya b*tch. Isa lang siyang fan,stalker at batang mahilig magpantasya sa mga cute boys everywhere and everytime.
Creepy! Hahaha! Ang saya ko nung binabasa yung panaginip ni Ianne with sir Michael and nung anak niya. Pwede ka nang gumawa ng horror story ate Rayne.
He is the meaning of love for me. Chos! Hahaha! (Peace) Inlove na ata ako sa fictional character na iyon. Weird siya pero gusto ko pa siyang makilala. Kakaiba ang ugali ng fictional character na ito. Actually, si Art... Hmm. Noong una, akala ko sa kanya tatakbo ang buong istorya. Kaso sa bawat paglipat ko paunti unti ng pahina ng libro, na fifeel ko para lang siyang extra. Kaiyak! May time na naiisip ko 'baka hindi naman Art Felix Go meaning ng AFGITMOLFM'. Hanggang sa tumagal ng tumagal. At nagkakaroon MINSAN ng time at nagkakasama sila ni Ianne. Tulad ng sa competition at sa play. Kaso hindi enough iyon para sa akin. Kinikilig ako tuwing may sinasabi siya kay Ianne kahit galit pa ito. Tuwing iniisip ko yung pag ddescribe sa boses niya. Hay! Ewan. Gusto ko talaga yung pagiging mysterious niya. Madalas na wiweirduhan talaga ako sa takbo ng story. Weirdong weirdo ako sa ugali ni Emotionless guy.
At bakit bukod sa pagkakaroon ng poker face everytime, bakit MUKHANG PERA RIN SIYA?!Hindi ko alam ang takbo ng istorya sa book 2 pero sigurado akong may twist ito between kay Nate, Ianne at Emotionless guy. SANA! Sana meron. (Cross fingers) Gusto kong kiligin dahil kay Emotionless Guy. Sana hindi na isang extra ang maging tingin ko sa kanya. Hahaha!
Humihingi ako ng tawad kung sobrang haba. Hindi lang talaga ako maka get-over ate Rayne. Kung may masasabi akong bad comment, siguro yun yung... SORRY kung masasabi ko ito. Pero masyado lang maraming kiss sa lips. Huhu! Sorry, di talaga ako sanay eh. Hindi ko maimagine. High school palang sila pero... Basta! (Peace ng marami ) Kaya yung mga iniisip ko nalang na characters ay medyo nasa 18 yrs old school pataas na. PERO NEVERMIND! Normal lang siguro iyon noh? Hehe. Well, gusto ko talaga magpasalamat at i-congratulate ka. Sana soon ma meet kita, mayakap at sana makapag publish ako ng story tulad mo. Masasabi ko na worth it ang pag-iipon ko ng pera mabili lang yung librong iyon. From the first page until sa last page hindi ako na bored tignan. Ang bango bango pa. Hahaha!
Gusto ko magkaroon ng book 2 galing sa'yo. (At alam kong hindi lang ako ang may gusto) PERO! Gusto kong masagot yung mga tanong ko kung bakit ginawa yun ni Nate. Gusto kong malaman kung ano bang halaga ni Art sa story na iyon. Minsan na tetemp akong tignan nalang sa wattpad yung kasunod ng nasa book, kaso pilit na sinasabi ng utak at puso ko na kailangan kong bumili ng book 2 dahil hindi lang sa mahal kita author, kundi dahil napamahal na din ako sa mga characters. Gusto ko nang bilhin ang book 2 kaso since sembreak ngayon, WALA AKONG BAON. Nakakaiyak isipin pero, sana manalo ako dito sa giveaway na ito. Kung hindi man, sana makita nalang kita soon in person at susubukan ko talagang makabili ng book 2. Sana mapatawad mo ako kung may mga nasabi akong bad comments. NAGPAKATOTOO LANG PO! Masyado ng mahaba at alam kong asar ka na. Kaya hanggang dito na lang.
"Love is the most wonderful gift to have, the hardest to keep, and the most painful to lose."